Filipino 8 Angeles City

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

PAKIKINIG

Panuto: Makinig at unawaing mabuti ang babasahin ng guro. Sagutin ang kaakibat na tanong
sa bawat aytem at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Anong uri ng panitikan ang iyong narinig?


a. Balagtasan b. Batutian c. Karagatan d. Duplo

2. Sino ang nagsasalita sa hinangong akda na binasa ng guro?


a. Lakandiwa c. Mambabalgtas ng isip at katwiran
b. Mambabalagtas ng puso at isip d. May-akda

3. Mula sa binasa ng guro, ano ang paksang pinagtatalunan?


a. kabutihan-di-kabutihan c. sipag o talino
b. dunong-pagmamahal d. tagumapay o Kabiguan

4. Batay sa binasa ng guro, ano ang nais ipakahulugan ng salitang talino?


a. karangalan b. kayamanan c. pag-ibig d. pagkain

5. Para sa iyo, alin ang mas mahalaga sa panahong ito sipag o talino?
a. Ang talino sapagkat siyang utak sa balangks ng paggawa.
b. Ang sipag sapagkat siyang bisig sa planong binabadya.
c. Kapwa mahalaga sapagkat kung mawawala ang isa walang silbing magagawa.
d. Wala sa mga nabanggit

PAGBASA
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa sagutang papel.

6. Alin sa sumusunod ang nais ipabatid ni Amado Hernandez sa mga mambabasa sa wakas ng
tulang “Panata sa Kalayaan”?

Hanggang samakamtan ng bayan ang taal na lupang pangako


At kahit na tila kitilin ang buhay ko’t biyakin ang bungo,
Sa bungo ko’y buong nakalimbag parin sa sariwang dugo;
“Pilipino akong sa pambubusabos ay hindi susuko!”

a. Iparating ang ating saloobin o damdamin sa nakatataas


b. Pangunahan natin ang mga nasa katungkulan
c. Maging matatag at huwag sumuko.
d. Sumunod sa mga panuntunan

7. Anong damdamin ang lumutang sa pahayag na: ” Ang libong nasadlak sa mga piitan na
kawangis ko ring pinapagkasala’y walang kasalanan, ang laksang inusig at pinarusahan
kahit walang sakdal ni hatol ng alin may hukuman”?

a. pag-aalinlangan
b. pagmamagaling
c. pangungulila
d. panunumbat

Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89; Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

8. Maraming kabataan ang nalululong sa iba’t ibang online games.


1
Ito ang dahilan kung kaya’t nawawalan ng pokus ang ilang kabataan sa kanilang pag-
aaral.
2
Ang ilan sa mga ito’y mobile legend o ML, Counter -Strike:Global Offensive o CS:GO,
League of legends o LOL. 3

a.1 b. 2 c. 3 d. wala sa mga nabanggit


Panuto: Gamitin ang grapikong pantulong sa ibaba sa paghahambing ng mga elemento ng mga
tulang “Iginigisa Ako Tuwing Umaga” ni Eugene Y. Evasco at tulang “Pag-ibig” ni Teodoro
Gener.

Pamagat ng tula Pamagat ng tula


Elemento ng tula na
Iginisa ako Tuwing Umaga PAG-IBIG
Paghahambingin
Ni: Eugene Y. Evasco Ni: Teodoro Gener
Umiibig ako, at ang iniibig
Hindi pa man nakapagsusuklay,
Ay hindi ang dilag na
Kakaripas na agad ako ng takbo
kaakit-akit
Upang mahagip at sumabit sa
Paghahambing sa Pagka’t kung talagang
masasakyan.
estruktura ng tula ganda lang ang nais,
Isang oras bago ang pasukan
Hindi ba’t nariyan ang
Inip na inip na lahat sa paghihintay
nunungong langit

9. Paano nagkaiba ang dalawang tula batay sa kanilang sukat at tugma?

a. Ang tulang Iginisa Ako sa Tuwing Umaga ay may malayang taluturan samantalang ang
tulang Pag-ibig ay may sukat at tugma na nakasulat sa tradisyunal.
b. Ang tulang Iginisa Ako sa Tuwing Umaga ay may sukat at tugma samantalang ang
tulang Pag-ibig ay nasa malayang taludturan.
c. Ang tulang Iginisa Ako sa Tuwing Umaga at ang tulang Pag-ibig ay parehong may sukat
at tugma na nakasulat sa tradisyunal.
d. Ang tulang Iginisa Ako sa Tuwing Umaga at ang tulang Pag-ibig ay parehong nakasulat
sa malayang taludturan.

10. Kung ang tema ng Tulang Iginisa Ako sa Tuwing Umaga ay tumatakay sa ang kahirapan sa
pagpasok sa araw-araw, ano naman ang tema o pinapaksa sa Tulang Pag-ibig ni Teodor
Gener?
a. ang tunay na pag-ibig sa isang bata
b. ang tunay na pag-ibig sa isang binata
c. ang tunay na pag-ibig sa isang dilag o dalaga
d. ang tunay na pag-ibig sa isang nakatatandang kapatid

11. Bakit gumamit ang awtor ng mga tayutay na simile at metapora sa paglalarawan sa
imahe o kalagayan ng mga pasahero sa tulang Iginisa Ako sa Tuwing Umaga?

a. Gumamit ang awtor ng mga tayutay na simile at metapora upang mailarawan ang
kalagayan ng mga pasahero na maayos na aalis ng bahay pero pagdating sa trabaho ay

Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89; Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

parang binugbog ang hitsura dahil lukot na ang kanilang uniporme, gulo na ang buhok,
walang make up, iba na ang amoy at iba pa.
b. Gumamit ang awtor ng mga tayutay na simile at metapora upang mailarawan ang
kalagayan upang mailarawan ang tunay na nagmamahal.
c. Gumamit ang awtor ng mga tayutay na simile at metapora upang mailarawan ang
kalagayan.
d. Gumamit ang awtor ng mga tayutay na simile at metapora upang mailarawan ang
kalagayan upang mailarawan ang pagkainis sa sitwasyon at pag-aalala na baka mahuli sa
trabaho

12. Bakit nagkakaroon ang balagtasan ng isang mas mataas na pampolitika at panlipunang
tungkulin?
a. sapagkat maliban sa tagisan ng talino at pagbibigay ng aliw nagbibigay ang mga
sumasali sa balagtasan ang kanilang saloobin tungkol sa kasalukuyang pangyayari at
suliranin.

b. sapagkat inilalahad ang sining na ito ang isang uri ng panitikan na kung saan
ipinapahayag ang mga saloobin o pangangatwiran sa pamamagitan ng pananalitang
may mga tugma sa huli.

c. sapagkat ito ay panalitang may mga tugma sa huli. Inaasahan ang panitikang ito ang
patalinuhan ng pagpapahayag ng mga patulang argumento ngunit maaari din itong
magbigay libangan sa pamamagitan ng katatawanan, anghang ng pang-aasar,
pambihirang talas ng isip, at mala-teatriko at dramatikong pagpapahayag.

d. Lahat nang nabanggit

13. Alin sa sumusunod ang mas mainam na kasagutan sa katanungang: Mainam ang paggamit ng
dinamit sa pangingisda?
a. Sumasalungat ako sa paggamit ng dinamita sa pangingisda sapagkat delikado ito at
maaaring mamatay ang mga maliliit na isda.

b. Sumasang-ayon ako sa paggamit ng dinamita sa pangingisda sapagkat hindi naman


delikado ito at maaaring pakinabangan pa ang mga maliliit na isda na tatamaan nito.

c. Nararapat lamang ang paggamit ng dinamita sa pangingisda sapagkat hindi naman


delikado ito at maaaring ang mga maliliit na isda na mamamatay ay pwedeng ibenta
sa murang halaga.

d. wala sa mga nabanggit

14. Alin sa sumusunod na nakasalungguhit ang nagpapahayag ng hudyat o panandang ginamit


sa pagpapahayag ng pagsalungat?

a. Ang pagkain ng kalabasa ay totoong nakapagpapalinaw ng mata.


b. Tama ang sinabi mong napakalamig ang klima sa Baguio.
c. Hindi ko matanggap ang iyong sinabi na kailangang sundin ang puso kaysa sa
isip.
d. Ang galing mo sa debate kanina! Bilib ako sa iyong sinabi na kayang gawin ng mga
babae ang anumang kayang gawin ng mga lalaki.

Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89; Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

15. Marami siyang minimithi na maibigay sa kanyang pamilya. Ang sumusunod ay


kasingkahulugan ng nakasalungguhit na salita maliban sa_______________.
a. inaasam b. ipinagkakaitc. ninanais d. pinapangarap

16. Siya ang may akda ng sarswela na pinamagatang “Walang Sugat”.


a. Florentino T. Collantes c. Francisco Balagtas Baltazar
b. Jose Corazan de Jesus d. Severino Reyes

17. Bakit dapat pahalagahan at palaganapin ang Sarswela bilang bahagi ng Panitikang Pilipino?
a. Sapagkat bahagi na ito ng ating kultura.
b. Sapagkat ito ay pagkakakilanlan bilang Pilipino at mayayamang kultura natin.
c. Kung ito ay patuloy na iingatan at pagyayamanin, makatutulong ito sa susunod pang
mga henerasyon na makikilala ag kanilang pinagmulan.
d. Lahat ng mga nabanggit

PAGBASA
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na bahagi ng isang sanaysay. Isulat ang
titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

Sa sitwasyon ng ating bansa ngayon, malaking pagsubok ang umusbong kaugnay sa


edukasyon. Ngunit kahit ganito ang kalagayan ng bansa, mahalaga pa rin na ang edukasyon ng
bawat tao. Ang ahensya ng Gobyerno at ang Kagawaran ng Edukasyon at ang mga eskwelahan
ay nagbigay ng mga iba’t ibang paraan para masulusyunan ang ganitong sitwasyon. Ang iba ay
nagsagawa ng online class, at ang iba naman ay nag-sagawa ng modular. Sa ganitong daloy ng
edukasyon kailangan maging handa ang mga mag-aaral sa mga posibleng mga problema na
pagdaanan. Dahil sa mga posibleng mga problema na ito ay maraming mag-aaral ang piniling
huminto na lamang muna sa pag-aaral ngayong taon. Marami rin ang mga walang kakayahan na
sumabay sa ganitong sistema at ang iba ay walang kakayahan upang makipagsabayan sa mga
ibang estudyante na may kakayahang mag-access sa internet. May malaking papel ang internet
para sa pag-aaral ng mga estudyante ngayon. Ito ay makatutulong upang mapadali ang mga
gawain.

18. Tungkol saan ang akdang binasa?


a. tungkol sa sitwasyon na kinakaharap natin sa gitna ng pandemya
b. tungkol sa sitwasyon ng mga negosyanting nalugi sa gitna ng pandemya
c. tungkol sa sitwasyon ng edukasyon na kinakaharap natin sa gitna ng
pandemya
c. tungkol sa sitwasyon ng ating bansa na kinakaharap natin sa gitna ng pandemya

19. Alin sa sumusunod ang ginawang solusyon ng ahensya ng gobyerno, ang Kagawaran ng
Edukasyon at pati na rin ang mga eskwelahan upang maibigay ang iba’t ibang paraan para
masulusyunan ang ganitong sitwasyon?

a. ang iba ay nagsagawa ng online class at ang iba naman ay nag-sagawa ng modular. sa
ganitong daloy ng edukasyon kailangan maging handa ang mga mag-aaral sa mga
posibleng mga problema na pagdaanan

Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89; Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

b. marami rin ang mga walang kakayahan na sumabay sa ganitong sistema at ang iba ay
walang kakayahan upang makipagsabayan sa mga ibang estudyante na may
kakayahang mag-access sa internet
c. dahil sa mga posibleng mga problema na ito ay maraming mag-aaral ang piniling
huminto na lamang muna sa pag-aaral ngayong taon.
d. may malaking papel ang internet para sa pag-aaral ng mga estudyante ngayon. ito ay
makatutulong upang mapadali ang mga gawain

20. Batay sa akdang binasa, ano ang malaking ginampanan sa pag-aaral ng mga estudyante?
a. Ito ay makatutulong upang mapadali ang mga gawain o ma-access ang internet
b. Mas makakasira lalo sa pag-aaral ng mga estudyante
c. Mas bibigyan ng tuon ang mga online games
d. Mas madali ang pakikipag-ugnayan nila sa mga mahal nila sa bujhay na nasa ibayong
dagat o saan mang sulok ng Pilipinas.

21. Tukuyin ang paraan ng pagpapahayag na ginamit sa bawat pangungusap na makikita sa


loob ng parihaba.

Mula sa kalikasan hanggang sa ating kultura mahalaga ang agham. Ano ang ibig sabihin nito?
Una, maraming larangan ng agham. Maraming mapag-aaralan. Pangalawa, maraming paraan
upang maka-ambag sa halagang ibinibigay sa atin ng agham.Huli, hindi talaga maiiwasan ang
agham. Bahagi ito ng pang-araw-araw na pamumuhay.

a. Pag-iisa-isa b.Paghahambing c. Pagpapahayag d. Sanhi at Bunga

22. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na baguhin ang wakas ng maikling kwentong


Saranggola ni Efren Abueg. Alin sa sumusunod ang nais mong maging wakas nito?

a. Nang lapitan niya ang kabaong ng ama at tunghayan ang mga labi nito, parang
lumundag ang kanyang puso at humalik sa pisngi ng yumao. Kasunod niyon, nagunita
na naman niya ang pagpapalipad nila ng saranggola. “Wala sa laki ng saranggola ang
pagpapalipad at pagpapatagal niyon sa itaas. Hayaan mo… tuturuan kita!” paliwanag na
ama. Rading, Paquito, Nelson… tandaan ninyo ang kwentong iyan. Kwento ‘yan namin
ng inyong namatay na lolo. Kuwento naming dalawa.

b. Nang lapitan niya ang kabaong ng ama at tunghayan ang mga labi nito, parang
lumundag ang kanyang puso at humalik sa pisngi ng yumao. Kasunod niyon,
sinumbatan niya ang ama.

c. Nang lapitan siya ng kanyang ina upang hilingin na dalawin ang amang may sakit.
Umuwi siya sa kanilang bayan upang dalawin ang ama at humingi siya ng kapatawaran
sa kanyang mga naging pagkukulang at hinanakit sa ama kasabay nito ang
pagpapasalamat sa kanyang natamong tagumpay.

d. Binawalang niya ang kanyang mag-iina na dalawin ang amang may sakit sapagkat ito
nagging makasarili noong siya ay bata pa.

23. Kung bibigyan ka ng pagkakataong gumuhit ng simbolismo patungkol sa pagmamahal


at malasakit sa magulang, alin sa sumusunod ang iguguhit mo, Bakit?
a. Kamay- sapagkat sumisimbolo ito sa pag-aaruga at pagsasakripisyo.

Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89; Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

b. Inpinidad-sapagkat ito’y sumisimbulo sa walang hanggang pag-ibig.


c. Rosaryo -sapagkay sumisimbolo ito sa pananampalataya sa Diyos.
d. Puso- sapagkat sumisimbulo ito nang wagas na pagmamahal.

24.Batay sa Maikling Kwento ni Efren Abueg , bakit naiuugnay ang saranggola sa buhay ng
tao o kapalaran ng isang tao?

a. Nasa kamay mo kung kontrolado mo ang paglipad nito.


b. Ang paggawa nito ay tulad nang paglinang sa iyong sarili.
c. Ang saranggola ay nagbibigay kasiyahan sa mga munting bata na may mataas na
pangarap.
d. Ang buhay ay hindi madali, katulad nang saranggola kapag hindi ka marunong
magpalipad ay masisira kaagad ito.

25. Tukuyin ang tamang kahulugan ng mga simbolismo at pahiwatig na ginamit


sa akdang Saranggola ni Efren Abueg. Ano ang tinutukoy ng tatay sa mga
katagang” tuturuan kitang gumawa ng saranggola”?

a. Matuto sa buhay c. Pagsisikap sa buhay


b. Paghirapan ang buhay d. Pagtitiyaga sa buhay

Inihanda ni:

LILIBETH G. DIAZ
MT-I/ RLLMHS

PAKIKINIG
BALAGTASAN
SIPAG O TALINO

LAKANDIWA: Saglit munang pinipigil, inyo itong lakandiwa.


Pagtatalo nitong dalawang mahuhusay na makata,
Pagkat tila nag-iinit, at kapwa di masawata.
Inilahad na katwiran, nakatatak sa ating diwa,
Ang talino ay biyaya’t kayamanang handog ng Diyos,
Lagi nating nagagamit, sa mabubuting gawa’t loob.
Kasipagan at talino, pagsamahing walang toos,
Kaya’t dapat ng magsanib, pag-isahing lubos-lubos.
Ang talino’y siyang utak sa balangkas ng paggawa.
Ang sipag nama’y s’yang bisig sa planong binabadya.
Kung ang isa’y mawawala, walang silbing magagawa.
Kaya’t kapwa mahalaga.
Panalo silang kapwa.

Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89; Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

SUSI NG PAGWAWASTO

1.A
2.A
3.C
4.B
5.C
6.C
7.D
8.A
9.A
10.C
11.A
12.A
13.A
14.C
15.B
16.D
17.D
18.C
19.A
20.A
21.A
22.C
23.D
24.D
25.A

Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89; Email Address: region3@deped.gov.ph

You might also like