Professional Documents
Culture Documents
Pagtataya 1.1
Pagtataya 1.1
Pangalan: Jemarie C. Lagado Asignatura: T200 TEGr 106 Aralin: Aralin 1.1
Panuto: Basahin ang kwentong pabula “Ang Pagong at ang Matsing”. Ibigay ang buod
panlarawan sa kwento bilang proseso sa pagbabasa/pag-aaral ng panitikan. Buuin ito
sa isang talata lamang.
Isang araw, may dalawang magkaibigang sina Pagong at Matsing. Si Pagong ay mabait
at matulungin, habang tuso at palabiro si Matsing. Ang magkaibigan ay naglalakbay sa
gitna ng kagubatan upang makahanap ng kanilang makakain. Sa kanilang paglalakad,
nakakita nang isang puno ng saging si Pagong at agad silang nagkaroon ng kasunduan
ni Matsing na hatiin ito sa dalawa. Nakuha ni Matsing ang itaas na bahagi ng puno na
mayroong masaganang bunga at inubos ito agad. Naiwan naman kay Pagong ang ugat
ng saging, inuwi at itinanim niya ito. Makalipas ang panahon, ang puno ay namunga rin
ng napakadaming saging. Nag-alok ng tulong si Matsing ngunit nagsinungaling at nang-
asar lang ito kay Pagong, at kinain ang bunga sa ibabaw ng puno. Para bigyan ng
leksyon si Matsing, pagkababa nito ay natinik siya sa mga tusok na inilagay ni Pagong.
Kaya naman alibugha ang galit ni Matsing nang biglang kinuha at itinapon niya si
Pagong sa ilog. Subalit, matapos matapon si Pagong sa ilog ay lubos itong
nagpasalamat na nakauwi siya sa kanyang pangalawang bahay. Samakatuwid, umuwi
nang nagkasala at malungkot si Matsing, habang masaya at mapayapang namumuhay
si Pagong sa ilog.
Pagtatasa
Pangalan: Jemarie C. Lagado Asignatura: T200 TEGr 106 Aralin: Aralin 1.1
Panuto: Magtala ng mga 10 kwentong pambata at isulat ang tema ng bawat kwento.