Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Pangalan: Bhea B.

La-as
Kurso at Taon: BEED 1st year Seksyon: 1J Iskedyul: TThS 8:00am-9:00am

Aralin 5
MGA NAPAPANAHONG ISYUNG
LOKAL AT NASYONAL

Topic Title
Korapsyon, Konsepto ng Bayani,
Droga, Kahirapan at Climate Change

Activating Prior Knowledge


Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung wasto ang nakasalungguhit sa
pangungusap at kung hindi wasto, isulat ang tamang sagot upang maging tama
ang pahayag. Gamitin ang nakalaang patlang sa pagsasagot (dalawang puntos
bawat numero).

TAMA 1. Ang terorismo ay anumang Gawain ng karahasan o pagbabanta na may layong manakot ng tao
o magbanta na mapapasapanganib ang kanilang buhay, kalayaan, karapatan at seguridad.

KONTRAK WALISASYON 2. Globalisasyon ang tawag sa kondisyon na hindi nagiging permanente ang
isang manggagawa sa kanyang trabaho.

VIETNAM 3. Malaysia, China at South Korea ang ilan sa mga umaangkin sa isang isla sa Dagat Timog
Tsina.

TAMA 4. Ang underemployed ay kawalan ng kakayahang makakita ng hanapbuhay ng isang taong


gusting magtrabaho.

TAMA 5. Isa sa mga bagay na nag-ugat sa pandaigdigang ugnayan ng mga tao, bansa, organisasyon at
negosyo ay tinatawag na globalisasyon.

Learning Competencies
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Maipaliwanag ang kahulugan ng iba’t ibang isyung panlipunan.


2. Mabatid ang epekto ng iba’t ibang isyung panlipunan.
3. Matukoy ang mga gawaing maaaring maging daan sa paglutas ng mga ito.
4. Mabuksan ang isipan ng makikinig sa mga isyung panlipunang ito;

1
Pre-Assessment
Panuto: Pumili ng isang kategorya ng panlipunang isyu at gumawa ng concept
map. Ipaliwanag ang ginawang concept map batay sa mga gabay na tanong:

Pagpupuntos: Concept Map- 10, Pagpapaliwanag- 15

1) Ano ang depinisyon ng bawat konsepto?

2) Ano-ano ang mga mayor na konsepto at menor na konsepto ng isyu?


3) Paano nag-uugnay-ugnay ang mga konseptong ito?

Pagtatapon ng basura kahit


saan

Pagsunog ng plastic CIMATE CHANGE Pagamit ng mga


sasakyan na
bumuboga ng maiitim

Pagputol ng puno

1.) Sagot: Ang pagtatapon ng basura ay isa sa mga dahilan kung bakit bumabaha at
dahilan kung bakit ang ibang katubigan ay madumi.
1.) Sagot: Ang pagsusunog ng plastic ay nakakasira ng ozone layer at ang hangin ay
polluted.
1.) Sagot: Ang pagputol ng puno ay nakakatulot ng landslide.
1.) Sagot: Ang hangin na nilalanghap natin ay polluted at makakasira din ito ng ozone
layer.
2.) Ang mayor na konsepto ay pagbabago ng klima at panahon. Ang menor na konsepto
naman ay hindi maganda ang idudulot sa mga tao.
3.) Nag-uugnay-ugnay ang mga konseptong ito dahil sa mga hindi magandang idudulot
nito sa bawat isa at ang mga dahilan kung paano ito maiiwasan.

2
Concept Map
Sa bahaging ito ng aralin nabibigyan ng oportunidad ang mga mag-aaral na makita ang daloy o
proseso ng paksang pag-aaralan.

Korapsyo
n

Climate Konsepto ng
Change Bayani
Napapanahong
Isyung Lokal at
Nasyonal

Droga Kahirapan

Learning Activity Sequence or Examples and Discussions

KORAPSYON
• katiwalian o pangugurakot na tumutukoy sa kawalan ng integridad at
katapatan. Sa pilosopikal, teolohikal o moral na talakayan, ito ay tumutukoy
sa espiritwal o moral nakawalang puridad at paglihis sa anumang kanais nais
na pag-aasal.
• Ang korapsyon aysistemang pagnanakaw ng indibidwal na nasa posisyon ng
pera ng kinasasakupan niyapara sa sariling kapakanan.
• Ang Korapsyon ay gawaing karumal-dumal.

BAKIT KAYA ITO NANGYAYARI?


• Ang pagiging ganid o sakim sa kapangyarihan at pera ay isa sa mga
maituturing na sanhi nito. Ang mga kadalasang korap ay iyong mga politiko o

3
empleyado ng gobyerno na hindi nakukontento sa kung ano ang kinikita nila sa
pagtatrabaho, kung minsan ay dala ng matinding pangangailangan sa pera.
• Pagiging matakaw sa kapangyarihan ng mga namumuno.
ANO KAYA ANG EPEKTO NITO?
• Ito ay magdudulot ng kawalang tiwala ng mga mamamayan sa mga politiko o
empleyado ng gobyerno. Mawawalan din sila ng gana na makilahok sa mga
polisiya o programa ng pamahalaan dahil sa ganitong katiwalian.
• Sa kabilang banda naman, ang korap ay masisiyahan sa pagkimkim ng pera
mula sa kaban ng bayan. Sila ay mananatiling nakangiti kung humaharap sa
publiko na animo’y walang ginawang kasalanan dito.
REKOMENDASYON o MGA MAAARING GAWIN:
• Magbigay ng karampatang impormasyon sa mga mamamayan tungkol sa
isyung ito, nang sa gayon ay maging bukas ang kanilang isipan dito.
• Maging mas makilatis sa mga ibobotong politiko — huwag magpapadala sa mga
pampabango na ginagamit nila sa tuwing nangangampanya.
• Mas higpitan ang batas o mga parusa sa mga gagawa nito — kung makakamit
ito, paniguradong mababawasan kung hindi man mauubos ang mga korap sa
pamahalaan. Sa paraang ito rin mapapanatiling malinis ang mga ahensiya ng
pamahalaan.

KONSEPTO NG BAYANI
• Ang isang bayani ay hindi lang tumulong sa kanyang sariling kababayan kundi
ang tumutulong sa kapakanan ng kanyang Inang Bayan.
• Ang bayani ay isang tao na gumawa ng isang dakilang gawain. Layunin nila na
makatulong sa iba upang maging maayos ang buhay ng kanilang mga
kababayan. Sila ang mga taong naaalala dahil sa laki ng kontribusyon nila
upang mabago ang kalagayan ng isang bansa.
Katangian ng isang bayani (batay sa National Heroes Committee)
• Ang mga may konsepto ng bansa at pagkatapos ay naghahangad at nakikibaka
para sa kalayaan ng bansa.
• Ang mga nagtatakda at nagbibigay ng kontribusyon sa isang sistema o buhay
para sa kalayaan at kaayusan ng isang bansa.
• Iniisip ng bayani ang hinaharap, lalo na ang mga susunod na henerasyon.
• Ang pagpili ng isang bayani ay nagsasangkot hindi lamang sa pagsasalaysay ng
isang kaganapan sa kasaysayan, ngunit sa buong proseso na ginawa ng
partikular na tao na isang bayani.
MGA BAYANI NOON AT NGAYON
NOON hanggang NGAYON
Dr. Jose Rizal
• Ang Pambansang Bayani ng Pilipinas na lumaban sa mga Kastila sa
pamamagitan ng kaniyang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo
noong panahon ng pananakop ng Espanya sa bansa.

4
Andres Bonifacio
• Siya ay isang Pilipinong rebolusyonaryo at bayani na nagtatag ng Kataastaasan
Kagalanggalang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) o Katipunan, isang
lihim na lipunan na nakatuon sa pakikipaglaban sa mga Espanyol na sumakop
sa Pilipinas
Heneral Antonio Luna
• Itinuturing na isa sa pinakamatapang at pinakamagaling na heneral sa
panahon ng rebolusyonaryong Pilipino. Isa siya sa pinakahinahangaang bayani
ng Pilipinas.
Apolinario Mabini
• Siya ay kilala bilang Dakilang Paralitiko at Utak ng Rebolusyon. Isa siya sa mga
bumuhay ng La Liga Filipina na siyang nagbigay-suporta sa Kilusang Pang-
reporma.
Emilio Aguinaldo
• Pinamunuan niya ang pwersa ng Pilipinas sa unang laban sa Espanya noong
mga huling taon ng Rebolusyong Pilipino (1896-1898), at pagkatapos ay sa
Digmaang Espanyol-Amerikano (1898), at sa laban sa Estados Unidos sa
panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano (1899-1901).
Emilio Jacinto
• Isa siya sa mga pinakamataas na opisyal ng Rebolusyong Pilipino at isa sa
pinakamataas na opisyal ng Katipunan. Kilala siya sa mga aklat-aralin sa
kasaysayan ng Pilipinas bilang Utak ng Katipunan.
Francisco Balagtas Baltazar
• Siya ay kinikilala bilang "Prinsipe ng Manunulang Tagalog" at itinuturing na
William Shakespeare ng Pilipinas para sa kanyang kontribusyon at
impluwensya sa panitikang Pilipino. Ang sikat na romantikong pag-iibigan ng
ika-19 na siglo, ang Florante at Laura, ay ang kanyang pinamainam na likha.
Gabriela Silang
• Ang matapang na asawa ng lider ng Ilokanong maghihimagsik na si Diego
Silang. Kasunod ng pagkamatay ng kanyang asawa, pinamunuan niya ang
grupo sa himagsikan laban sa mga Kastila.

NGAYON
kinokonsiderang mga Bayani
Mga OFW's

● Ang mga OFW (Overseas Filipino Workers) na nagsasakrispisyo sa ibang bansa


para sa kapakanan ng kanilang pamilya ay itinuturing ding mga makabagong
bayani. Nakakatulong sila hindi sa kanilang pamilya kundi maging sa gobyerno
din. Tumatatag ang ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng kanilang mga
pinapadalang pera o remitanses
Ang mga Guro

● Marami sa mga guro ang nagtitiis sa init, pagod at kayod upang maibigay lang
ang estudyante nila ng magandang hinaharap. Iniwan nila ang prestihiyosong
pagkakataon na makapunta sa ibang bansa para lang matulungan ang bata

5
dito na magkaroon ng maayos na buhay. Ang isa pang kabutihan dito ay
ginagawa nila ito para sa ikabubuti ng bayan, kahit inderektang ninanais nila.
Mga Frontliners

● Itinuturing na mga bayani ang mga frontliners na nakikibaka laban sa


pandemya.

DROGA
● Ang droga ay isang substance na kung makapapasok sa katawan ay may
kakayahang baguhin ang iyong pisikal at mental na kakayahan.
• Ito ay maaaring maging legal tulad ng alak, caffeine at tabacco at maaari ring
maging illegal tulad ng marijuana, ecstacy, cocaine o heroine.
• Ang mga droga ay mga lason. Ang dami na ginamit ang makatitiyak sa resulta.
• Ang kaunti ay nagsisilbing pampasigla (nagpapabilis sa iyo).
• Ang mas marami ay nagsisilbing sedatibo (pinababagal ka).
• Ang mas marami pa ay nakalalason at maaaring makamatay.
Epekto ng Paggamit ng Droga
• Ang ilan sa gumagamit nito ay nagiging depress, agrisibo, inaantok, tinatamad,
paranoid, hindi mapakali at madaldal.
• Ang paggamit ng droga ay maaaring mauwi sa emosyonal at sosyal na mga
problema.
BAKIT GUMAGAMIT NG DROGA ANG MGA TAO?
Gumagamit ng droga ang mga tao dahil may gusto silang baguhin sa buhay nila.
Heto ang ilan sa mga dahilan sa paggamit ng mga droga na ibinigay ng mga kabataan:
• Para makibagay

● Para “makatakas” o makapag-relaks

● Para mapawi ang pagkabagot

● Para maging parang matanda

● Para magrebelde

● Para mag-eksperimento

KAHIRAPAN
• Ang kahirapan ay tumutukoy sa kalagayan o katayuan ng isang tao na walang
isang halaga ng mga pag-aaring materyal o salapi. Ang absolutong kahirapan
ang kalagayan o katayuan ng hindi pagkakaroon ng paraan o pamamaraan
upang makayanan o makapagdulot magkaroon ng payak o basikong mga

6
pangangailangang pantao, katulad ng malinis na tubig o naiinom na tubig,
nutrisyon, pangangalagang pangkalusugan, kasuotan, at tirahan.
• Ang kahirapan ay isa sa mga problema na kinakaharap ng mga Pilipino. Ito ay
isa rin sa problema na hindi matapos tapos at hindi rin mabigyan ng solusyon.
Mahigit kumulang 48% o 11.1 milyon ang bilang ng mga pamilyag pilipino na
nagsasabi at itinuturing ang kanilang sarili bilang mahirap. Ito ay batay sa
ikalawang ‘survey’ na ginawa ng SWS o Social Weather Stations.

SANHI NG KAHIRAPAN
KAKULANGAN SA EDUKASYON
• Isa sa pinakamalaking problema ng mga taong nakakaranas ng kahirapan ay
ang kakulangan sa edukasyon. Dahil sa kahirapan, hindi sila nakakatanggap
na sapat na kaalaman upang matulungan ang kanilang pamilya. Edukasyon ay
importante dahil ito ay ang tanging yaman na hindi kailanman mananakaw. Ito
ang nakakapag-hulma sa ating kaisipan at kakayahang maging matagumpay
sa buhay. Ang kawalan ng edukasyon ay nakakapagdulot ng kamangmangan
sa mga kabataan.
KAWALAN NG TRABAHO
• Ito ang nagdudulot sa kahirapan. Ukol sa ating ekonomiya at sa
overpopulation, hindi na sapat ang bilang ng trabaho sa dami ng mga
nagtatapos. Dahil dito wala silang pagkakakitaan upang masuportahan ang
kanilang mga pamilya sa pang araw-araw na pangagailangan.

KAWALANG DISIPLINA
• Kailangan nating maging disiplinado at matakot sa mga awtoridad para matuto
tayong sumunod sa mga patakaran. Marami nang nagdaang matatalinong
mamumuno sa ating bansa pero kung hindi marunong sumunod ang mga tao
ay wala ring patutunguhan ito. Lahat ng tao ay gustong makamit ang
pagbabago pero iilan lang talaga ang handang magbago.
EPEKTO SA KABATAAN
• Maraming epekto ang idinudulot ng kahirapan sa kabataan, ngunit ang mga
kadalasang epekto nito ay ang:
MAAGANG PAGBUBUNTIS
• Karamihan sa mga kabataan ngayon ay nakakaranas ng maagang pagbubuntis
dahil hindi sila nabibigyan ng sapat na impormasyon ukol sa pagbubuo ng
pamilya at kung ano ang mga responsibilidad at kahihinatnan nito. Ito rin ay
isa sa mga pinagmumulan ng pagtaas ng populasyon sa bansa dahil mas lalong
nadadagdagan ang nanganganak .
KAGUTUMAN AT HINDI PAYAK NA KALUSUGAN
• Dahil karamihan sa kanila ay hindi nakakatanggap ng paksang pangunahing
pangkalusugan, ito ay nagdudulot ng mga iba’t ibang sakit. Ang malnutrisyon
ay ang pinaka-karaniwang sakit sa mga taong nakakaranas ng kahirapan, ito
ay dahil sila ay may kakulangan sa wasto at masustansyang pagkain.
SOLUSYON
PAGPAPLANO NG PAMILYA

7
• Ito ang dapat pagtuunan ng pansin bago magisip na magsimula ng pamilya. Ito
ay importante dahil ang pagplaplano ng pamilya ay nakakapag-iwas sa
kahirapan.
• Dito nagkakaroon ng kaalaman kung ilang anak ang kaya nilang suportahan sa
pang araw-araw. Ito ay mahalagang maibahagi sa mga taong nakakaranas ng
kahirapan upang magkaroon sila ng kaalaman tungkol sa mga responsibilidad
na batid nito at upang maiwasan narin ang pagdagdag ng mga nabubuntis.

CLIMATE CHANGE
• Ano ang Pagbabago sa Klima?
• Ang pagbabago sa klima ay tumutukoy sa mga pangmatagalang pagbabago sa
klima na nangyari sa mga dekada, siglo o mas matagal. Ito ay sanhi ng mabilis
na pagtaas ng mga greenhouse gas sa kapaligiran ng Earth dahil lalo na sa
pagsunog ng fossil fuels (eg, karbon, langis, at natural gas).
• Ang mga heat-trap na gas na ito ay nagpapainit sa Earth at sa mga Karagatan
na nagreresulta sa pagtaas ng antas ng dagat, mga pagbabago sa mga pattern
ng bagyo, binagong alon ng karagatan, pagbabago sa pag-ulan, pagtunaw ng
niyebe at yelo, mas matinding mga kaganapan sa init, sunog, at tagtuyot. Ang
mga epekto na ito ay inaasahang magpapatuloy at sa ilang mga kaso,
patindihin, na nakakaapekto sa kalusugan ng tao, imprastraktura, kagubatan,
agrikultura, suplay ng tubig-tabang, baybayin, at mga sistema ng marine.

Pagkakaiba sa Pagitan ng Panahon at Klima


• Panahon ay tumutukoy sa mga kondisyon ng atmospera tulad ng temperatura
at pag-ulan sa loob ng maikling panahon (ilang oras o ilang araw). Ang lagay ng
panahon ay kung ano ang nararanasan mo araw-araw.
• Klima ay ang average na pattern ng panahon para sa isang partikular na lugar
sa loob ng mahabang panahon, karaniwang hindi bababa sa 30 taon.

Sanhi ng CLIMATE CHANGE


Ayon sa pag-aaral, ang dalawang sanhi ng climate change ay ang:
1. Natural na pagbabago ng klima ng buong mundo nitong mga nagdaang matagal na
panahon. Ito ay sama-samang epekto ng enerhiya mula sa araw, sa pag-ikot ng
mundo, at sa init na nagmumula sa ilalim ng lupa na nagpapataas ng temperatura o
init sa hangin na bumabalot sa mundo.
2. Mga gawain ng tao na nagbubunga ng pagdami o pagtaas ng carbon dioxide at iba
pang greenhouse gases )GHGs). ANg GHGs ang nagkukulong ng init sa mundo. Ang
pagbuga ng carbon dioxide ng mga sasakyang gumagamit ng gasolina, ang pagputol
ng mga puno na siya sanang mag-aalis ng carbon dioxide sa hangin, at pagkabulok ng
mga bagay na organic na nagbubunga ng methane (isa pang uri ng GHGs) ay ilan sa
mga dahilan ng climate change.
Epektong Pangkalusugan ng CLIMATE CHANGE
• Mga epekto sa tao ng matinding init, tagtuyot at bagyo.
• Pagtaas ng bilang ng kaso ng mga sakit na:
- Dala ng tubig o pagkain tulad ng cholera at iba pang sakit na may
pagtatae.

8
-Dala ng insekto tulad ng lamok )malaria at dengue) at ng daga
(Leptospirosis).

• Dulot ng polusyon (allergy)


Malnutrisyon at epektong panlipunan dulot ng pagkasira ng mga komunidad at
pangkabuhayan nito.

Learning Exercises
anuto: Ipaliwanag ang sumusunod na mga tanong. Sagutin ito sa loob ng hindi
lalagpas sa limang pangungusap lamang.

Paraan ng Pagpupuntos:

Pamantayan: Puntos

● Nilalaman ● 3

● Balarila ● 2

Kabuuang Puntos: 5 bawat numero

1. Sa iyong palagay, malaki ba ang naging ambag ng mga bayani natin sa nakaraan kung
papaano tayo hinubog sa kasalukuyan?
Sagot: Sa aking palagay oo, dahil sila ang dahilan kung bakit tayo malaya ngayon. Sila din ang dahilan
na tayo ay patuloy na lumalaban sa ano mang pagsdubok at kung hindi dahil sa kanila hindi ganito ang
ating bansa ngayon. Nagiging inspirasyon natin sila sa bawat pagsubok na dindaanan ng ating bansa.
2. Papaano mo patotohanan na ang OFW’s ang modernong bayani natin at sila ang may
malaking ambag sa pagpapaunlad ng bansa?
Sagot: Ang OFW’s ang modernong bayani dahil nagbibigay sila ng tax sa ating
bansa. At dahil sa pagsasakripisyo nila sa ibang bansa para sa kanilang mahal sa
buhay.
3. Sa iyong palagay, ano ang nagtutulak sa tao upang mangurakot? May solusyon pa ba
ito?Paano ito masosolusyonan?
Sagot:. Para sa akin wala na itong solusyon Sa aking palagay ang nagtutulak sa
taong nangungurakot ay nasisilaw sila sa pera at hindi sila kuntento sa kanilang
sahod.
4. Sa ating obserbasyon sa paligid o sa pakikinig natin ng mga balita sa media, talamak
na ang paggamit ng Droga. Ano sa palagay mo ang mga rason kung bakit gumagamit
ang tao ng Droga? Magbigay ng dalawang rason at ipaliwanag ito.
Sagot: Sa aking palagay gumagamit sila dahil sa kanilang sitwasyon sa buhay ang
iba para magrebelde. Ang iba naman para makibagay, at para mapawi ang
pagkabagot.
5. Bakit mas marami sa populasyon ng bansa ang mahirap? May kasalanan ba ang
gobyerno rito o ang tao mismo? Ipaliwanag ang iyong sagot.
Sagot: Para sa akin ang mga tao ang may kasalanan dahil minsan ang mahihirap ay
marraming anak kaya lalong silang humihirap. Dahil ang gobyerno alam naman
nating lahat na mahirap ang ating bansa kaya dapat ang mga tao ay may sariling
pagsisikap.
6. Bilang isang estudyante, sa paanong paraan ka makatutulong na mapanatili ang klima
ng bansa? May paraan pa nga ba? Ipaliwanag ang iyong sagot.
Sagot: Bilang mag-aaral makakatulong ako sa pamamagitan ng pag-aalaga at
pagbibigay ng halaga sa ating mother earth. Iwasan natin ang polusyon at ang
pagsusunog ng fossil fuels.

9
7. Mula sa napag-aralan na leksyon sa mga isyung nangangailangan ng pagbabago, kung
ikaw ay papipiliin, ano ang bibigyan mo ng natatanging pansin at bakit? Pangatwiranan
ang iyong sagot.

Sagot:Para sa akin ang mas bibigyan ko ng pansin ay Climate Change dahil ito ay
mahalaga at hindi natin malalaman ang maaaring mangyari sa hinaharap.

Biblical Integration
Mga Hebreo 13:16 At huwag nating kaligtaan ang paggawa nang mabuti at ang
pagtulong sa kapwa, sapagkat iyan ang alay na kinalulugdan ng Diyos.

References

Mga Aklat:
Mortera, Melvin O. (2019). Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino. Books Atbp.
Publishing Corp.: Mandaluyong City.
Peña, Jessica Marie I. at Nucasa, William P. (2018). Kontekstwalisadong komunikasyon sa
Filipino. St. Andrew Publishing House: Bulacan.
Zapico, Marvin M. et. al. (2018). Kontekstwalisadong komunikasyon sa Filipino. Jimczyville
Publications: Malabon City.
https://www.coursehero.com/file/51241725/KORAPSYONdocx/
https://web.facebook.com/1338610182910819/posts/ano-ang-solusyon-sa-
korapsyonmakulong-at-maisalba-ang-kaban-ng-pera-ng-mga-mamay/
1991381897633641/?_rdc=1&_rdr
https://web.facebook.com/notes/luna-alan/10-paraan-na-labanan-ng-sambayanang-
pilipino-ang-korapsyon-katiwalian-kasabwatan/10153344749960437/?_rdc=1&_rdr
https://prezi.com/p/lxwpddssu9zl/konsepto-ng-mga-bayani/
http://bayaningfilipino.blogspot.com/2017/10/mga-bayani-ng-pilipinas-at-ang-
kanilang.html
https://en.wikipedia.org/wiki/National_hero_of_the_Philippines
https://ghistorians.wordpress.com/2012/03/30/bayani-noon-at-ngayon/
https://www.drugfreeworld.ph/drugfacts/lsd/the-truth-about-drugs.html
http://localrehsb.net/kahulugan-ng-droga
http://www.worldsocialism.org/filipino/ano-ang-mga-kadahilanan-ng-kahirapan-sa-
mundo
http://tagalog-tula-pilipinas.blogspot.com/2011/08/submitted-poem-karalitaan
https://uclaliwanagatdilim2016.wordpress.com/2016/06/06/mga-sanhi-at-bunga-
ng-kahirapan-sa-pilipinas/
http://kahirapansabansa.blogspot.com/2015/10/kahirapan-sa-pilipinas.html
http://komunikasyon-gandhi2016.blogspot.com/2016/10/katiwalian-ng-
pamahalaan.html
https://prezi.com/xncty5zxeqda/sanhi-at-solusyon-sa-kahirapan/
http://flracaza10.blogspot.com/2018/03/kahirapan.html

10
https://medium.com/@maryandreipascual/ang-mga-sanhi-ng-kahirapan-sa-
pilipinas-81bc76790219
https://nicoleleynes.atavist.com/kahirapan
https://reefresilience.org/tl/community-based-climate-adaptation/climate-change-
introduction/
https://reefresilience.org/tl/climate-and-ocean-change/
http://www.doh.gov.ph/climate-change

Prepared By:

SWEETZEL ANNE R. BENDOL, LPT


Guro ng Filipino

Approved By:

DERBIE P. PADOJINOG, EDD


Dean –College of Education

11

You might also like