Professional Documents
Culture Documents
Q2-Fil12 - Filipino-Tech-Voc - Mod2 - Wk2-1 Nak
Q2-Fil12 - Filipino-Tech-Voc - Mod2 - Wk2-1 Nak
Q2-Fil12 - Filipino-Tech-Voc - Mod2 - Wk2-1 Nak
FILIPINO SA
PILING LARANG
(TECH-VOC)
Ikalawang Markahan
Modyul 2
Katawagang Teknikal ng mga Piling
Anyo ng Teknikal-Bokasyunal na Sulatin
Karapatang-sipi@2020 ng DepEd Bohol
Reserbado ang lahat ng karapatan. Ang alin mang bahagi nito ay hindi maaaring ilathala o
ilabas sa ano mang anyo, kasama na rito ang mga video nang walang nakasulat na pahintulot
ang tagapaglathala at may-akda. Hindi sakop ng karapatang-sipi ang sariling-aklat na
ilalathala sa mga pahayagan at magasin.
Inilathala at inilimbag sa Pilipinas ng DepEd Bohol na may tanggapan sa 50 Lino Chatto Drive,
Cogon District, Tagbilaran City, Bohol.
May-akda:
Ginalyn O. Quimson
Tagasuri:
Wilfreda O. Flor, Ph.D.
Josephine D. Eronico, Ph.D.
Jocelyn T. Rotersos, R.L.
Office Address: 50 Lino Chatto Drive, Cogon District, Tagbilaran City, Bohol
Telephone No. (038) 412-2544 (308) 501-7550
Telefax: (038) 501-7550
Email address: deped.bohol@deped.gov.ph
12
FILIPINO SA
PILING LARANG
(TECH-VOC)
Ikalawang Markahan
Modyul 2
Katawagang Teknikal ng mga Piling
Anyo ng Teknikal-Bokasyunal na Sulatin
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Ang modyul na ito ay sinadyang inihanda at binuo, nilinang at masinsinang sinuri ng mga
edukador mula sa pampublikong institusyon upang magsilbing gabay sa mga guro para
matulungang makamit ng mag-aaral ang mga pamantayan at mga kompetensi na itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinagtagumpayan ang pamayanang hamon sa pag-
aaral sa kabila ng hindi pagkakaroon ng harapang pagkatuto.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
mabigyan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang mga gawain ay maingat
na inihanda upang lubusang makilala at maunawaan ng mga mag-aaral ang mga katangian
ng isang teknikal-bokasyunal na sulatin ayon sa layunin at gamit nito sa kanilang napiling
larangan.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sinuman sa iyong mga kasama
sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Ang modyul na ito ay dinisenyo at sinulat nang may pagpapahalaga sa iyong kakayahan at
interes. Ito ay naglalayong matulungan kang matuto tungkol sa mga katawagang teknikal ng mga
piling anyo ng teknikal-bokasyunal na sulatin. Dito ay madidiskubre mo ang mga wastong
katawagan sa mga bahagi at katangian ng isang teknikal-bokasyunal na sulatin. Ang mga salitang
ginamit dito ay akma sa iyo at sa lebel ng iyong bokabularyo. Ang daloy ng mga aralin dito ay
alinsunod sa wastong pamantayan.
Ang modyul na ito ay may apat na aralin na may ibat-ibang kompetensi para sa ikalawang linggo
ng Ikalawang Markahan. Ito ay ang mga:
5
Subukin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Titik lamang ang isulat.
1. Ang mga sumusunod ay mga layunin sa paggawa ng isang memorandum maliban sa isa.
a. Upang paalalahanan ang mga empleyado hinggil sa dati na, kasalukuyan o bagong
usapin o tuntunin sa trabaho
b. Magbigay ng mga anunsiyo o magbaba ng mga patakaran na kinakailangang
mabatid ng lahat.
c. Ginagamit na parusa sa mga empleyado sa kompanya
d. Nagbibigay babala sa isang partikular na sektor om departamento
2. Alin sa mga sumusunod ang hindi gamit ng isang memo
a. pagbibigay ng instruksiyon
b. pagkumpirma sa kumbersasyon
c. pagbubuod ng mga pulong
d. pag-aanunsiyo sa mga pagbabago sa mga pulong
3. Ito ay isang uri ng dokumentasyon na makikita sa lahat ng organisasyon at institusyon,
nagsisilbi itong opisyal na tala hinggil sa napagpasyahan sa pulong.
a. memorandum c. naratibong ulat
b. katitikan ng pulong d. ulat progreso
4. Alin sa mga sumusunod ang tamang pahayag tungkol sa gampanin ng isang katitikan ng
pulong.
a. nagsisilbi lamang itong patunay na nagganap ang isang pulong
b. nababatid lamang ang mga aktibong miyembro na nakadalo sa pulong.
c. ito ay hindi maaaring ituring na dokumentong batayan sa susunod na pulong.
d. naidodokumento nito ang mga kapasyahan at responsibilidad ng bawat miyembro
ng pulong
5. Ito ay mga drowing o dibuho na nagpapakita ng mga komponent ng isang mekanismo,
mga hakabang ng isang proseso o kaugnayan sa pagitan ng mga bahagi ng isang
sistema.
a. grap b. dayagram c. iskematiks d. talahanayan
6. Ito ay biswal na representasyon ng estruktura ng isang sitema o ng mga pamamaraang
kaugnay ng isang proseso.
a. grap b. dayagram c. iskematiks d. talahanayan
7. Ito ay sistematikong pagsasaayos ng impormasyon sa mga kolum at hanay.
a. grap b. dayagram c. iskematiks d. talahanayan
8. Ito ay uri ng grap na ginagamit upang makita ang mga pagbabago at pagkakaunlad, ang
pag-angat o pagbaba ng mga datos.
a. bar grap b. pie tsart c. pictograph d. linyang grap
9. Bahagi ng isang ulat progreso na inilalarawan ang mga bagay na natapos o natupad na.
a. diskusyon c. mga suliranin
b. mga naisagawang gawain d. mga susunod na gawain
10. Ito ay mga balangkas o timetable ng mga gawaing hindi naisasagawa.
a. diskusyon c. mga suliranin
b. mga naisagawang gawain d. mga susunod na gawain
6
Aralin
Katawagang Teknikal ng Isang
2
Unang Araw
Memorandum
Matutunghayan sa araling ito ang mga wastong termino o katawagang teknikal ng mga
pamamaraan sa paggawa ng isang memorandum. Ang araling ito ang gagabay sa inyo upang
mas maunawaan ang mga wastong termino o katawagan kapag pinag-uusapan o gumagawa ng
isang memorandum. Sinusuri din sa araling ito ang iyong kakayahang makilala at maisa-isa ang
katawagan tungo sa maayos na pagsusulat ng isang memorandum.
Balikan
Upang masubok ang iyong naunang kaalaman, subukang sagutin ang katanungan sa
loob ng kahon ayon sa inyong karanasan.
Sa inyong paaralan, paano ipinapaalam ng mga SSG officers ang mga bagong tuntunin
na ipinapatupad sa paaralan?
Tuklasin
MEMORANDUM
O
MEMO
7
Suriin
Basahin mo…
Basahin ang mga katawagang teknikal ng isang memorandum o memo bilang isa sa mga anyo
ng tek-bok na sulatin.
MEMORANDUM
Ang memo ay karaniwang isinusulat para sa mga taong nasa loob ng isang
organisasyon o kompanya. Gayunman, may mga memo din na ipinapadala sa labas ng
kompanya o organisasyon sa pamamagitan ng e-mail o kaya ay telefax. Narito ang mga
gamit ng memo.
1. Paghingi ng impormasyon
2. Pagkompirma sa kumbersasyon
3. Pag-aanunsiyo ng mga pagbabago sa mga pulong
4. Pagbati sa kasamahan sa trabaho
5. Pagbubuod ng mga pulong
6. Pagpapadala ng mga dokumento
7. Pag-uulat sa pang-araw-araw na Gawain
Ang memorandum o memo ay karaniwang ipinapadala ng isang boss o may mas
nakakataas na tungkulin sa mga nakabababang kasamahan sa trabaho. Ang mga layunin
ng isang memorandum ay upang paaalalahanan ang mga empleyado hinggil sa dati na,
kasalukuyan o bagong usapin o tuntunin sa trabaho. Layunin din nitong magbigay ng mga
anunsiyo o magbaba ng mga patakaran na kinakailangang mabatid ng lahat. Kung
minsan, ang memo ay nagbibigay babala sa isang particular na sektor o departamento, o
kaya ay sa isang indibiduwal na empleyado kung may nagawa silang pagkukulang o
kamalian sa trabaho.
Karaniwang binubuo ng ulo at ng katawan ng isang memo. Sa ulo matatagpuan
ang eksaktong petsa kung kailan sinulat at ipinaskil ang memo at ang paksa nito o tungkol
saan ito. Sa katawan naman matatagpuan ang panimula at ang buod.
Sa pagtukoy sa padadalhan o tagatanggap ng memo, dapat laging ilagay ang
kaniyang buong pangalan, hindi dapat gumamit ng palayaw lamang. Sa kabuuan,
impersonal ang tono ng isang memo kaya hindi ito dapat lagyan ng mga personal na
damdamin o palagay.
8
Naunawaan mo ba ang binasang mga katawagang teknikal ng isang memorandum?
Ngayon ay handa ka nang sagutin ang sumusunod na mga gawain batay sa paksang iyong
binasa.
Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at ibigay ang tamang sagot.
1. Ano ang mga bahagi o bumubuo sa isang memo?
2. Sa anong bahagi matatagpuan ang petsa kung kailan isinulat at ipinaskil ang memo at
ang paksa nito.
3. Sa anong bahagi matatagpuan ang panimula at ang buod ng isang memo?
4. Anong pamamaraan ang ginagamit kung ang memo ay ipinapadala sa labas ng
kompanya.
5. Ano ang dapat isulat sa pagtukoy sa pagdadalhan o tatanggap sa memo?
Pagyamanin
TAMA o MALI
Panuto: Isulat ang titik T kung ang pahayag ay tama at M kung ito ay mali.
Isaisip
TANDAAN
Laging ikonsidera ang awdiyens o ang mga mambabasa ng memo. Mahalagang iakma
ang tono, haba,Ano
at ang kahalagahan
antas ng liham
ng pormalidad pangnegosyo?
nito Nakakatulong
sa mga magbabasa ba ito
upang sa atin?
maengganyo ang mga
tao na basahin ito. Upang magawa ito, kailangang malinaw sa nagpapadala kung para kanino
ang ibinababang memo.
9
Isagawa
MEMORANDUM
Tayahin
10
Mga Layunin ng isang memo
Karagdagang Gawain
Panuto: Isulat sa unang hanay ang gusto mong maging trabaho o hanapbuhay pagkatapos ng
iyong pag-aaral. Sa ikalawang hanay isulat naman ang mga maaaring paksa ng memorandum
na sa iyong palagay ay maaaring gawin sa trabahong napili sa unang hanay.
11
Aralin
Katawagang Teknikal ng Katitikan ng
2
Ikalawang
Pulong
Araw
Balikan
Panuto: Kilalanin kung kaninong tungkulin ang mga isinasaad sa pahayag. Piliin ang sagot
sa loob ng kahon.
Pangulo/Presidente Sekretarya/kalihim
Auditor Bise-presidente
Treasurer
12
Tuklasin
Panuto: Sagutin ang katanungan batay sa inyong kaalaman, opinyon o ideya. (5 puntos)
Suriin
Basahin mo…
Basahin at unawain ang mga katawagang teknikal ng katitikan ng pulong bilang anyo ng tek-bok
na sulatin.
KATITIKAN NG PULONG
Ang katitikan ng pulong o minutes of the meeting kung tawagin sa wikang Ingles
ay isang uri ng dokumentasyon na makikita sa lahat ng oraganisasyon at institusyon.
Itinuturing din ito na isa sa mga anyo ng komunikasyong teknikal na kinakailangang pag-
aralan upang higit na mapagbuti ang kasanayan bilang paghahanda sa buhay
propesyonal.
Pangunahing gampanin ng katitikan ng pulong ang sumusunod:
1. Nagsisilbi itong opisyal na tala hinggil sa napagpasyahan sa pulong.
2. Naidodokumento nito ang mga kapasyahan at responsibilidad ng bawat miyembro
ng pulong.
3. Nagsisilbi itong paalala sa mga miyembro kung ano ang inaasahang Gawain na
nakaatang sa kanila, gayundin ang mga takdang petsa na inaasahan nilang
matapos gawin.
4. Nababatid din kung sino-sino ang aktibo at hindi aktibong nakadadalo sa pulong.
5. Tumatayo bilang dokumentong batayan para sa susunod na pulong.
13
Naunawaan mo ba ang binasang mga katawagang teknikal ng katitikan ng pulong?
Ngayon ay handa ka nang sagutin ang sumusunod na mga gawain batay sa paksang
iyong binasa.
Pagyamanin
Panuto: Punan ang patlang ng wastong salita upang makompleto ang pahayag.
5. Nagsisilbi itong ___________ sa mga miyembro kung ano ang mga inaasahang gawain
na nakaatang sa kanila.
14
Isaisip
TANDAAN
Kailangang magkaroon ng kaalaman sa pagsasagawa ng isang katitikan ng pulong dahil mas
higit na mapagbuti ang kasanayan bilang paghahanda sa buhay propesyunal.
Isagawa
Panuto: Tumukoy ng isang organisasyon at humingi ng isang sampol ng katitikan ng
pulong o minutes of the meeting. Kung wala, maaaring manaliksik na lamang ng
halimbawang katitikan ng pulong. Pagkatapos, sagutin ang mga sumusunod na
tanong:
Tayahin
Panuto: Itala ang mga gampanin ng pagsasagawa ng katitikan ng pulong.
1. ______________________________________________________________________
2. ______________________________________________________________________
3. ______________________________________________________________________
4. ______________________________________________________________________
5. ______________________________________________________________________
15
i
Karagdagang Gawain
16
Aralin
Katawagang Teknikal ng Pagbuo ng
2
Ikatlong
Elementong Biswal
Araw
Matutunghayan sa araling ito ang mga wastong termino o katawagang teknikal ng pagbuo
ng elementong biswal. Ang araling ito ang gagabay sa inyo upang mas maunawaan ang mga
wastong termino o katawagan kapag pinag-uusapan o gumagawa ng mga elementong biswal.
Sinusuri din sa araling ito ang iyong kakayahang makilala at maisa-isa ang katawagan tungo sa
maayos na paggawa ng mga elementong biswal.
Balikan
URI NG MEDIA
▪ Print Media
▪ Broadcast Media
▪ Internet
▪ News/Social Media
17
Tuklasin
Panuto: Hulaan kung anong uri ng grap ang mga sumusunod na larawan.
1. 2.
3.
Suriin
Basahin mo…
18
2. Grap – ang mga grap ay biswal na representasyon ng relasyon ng mga numero o
ng dami at proporsiyon ng matematikal na halaga. Grap ang tawag sa
sistematikong paglalarawan ng mga estatistikal na impormasyon.
a. Linyang Grap – ginagamit upang makita ang mga pagbabago at pagkakaunlad,
ang pag-angat o pagbaba ng mga datos.
b. Bar o Kolum Grap – mahusay na kagamitan para sa paghahambing ng mga
baryabol tulad ng sukat, halaga ng aytem, at iba pa.
c. Pie Tsart – ginagamit para ipakita ang magkakaugnay na pagkakahatu-hati ng
mga bahagi ng isang buo na tumutukoy sa particular na datos.
2. Iskematiks – Ito ay ang biswal na representasyon ng estruktura ng isang sitema o
ng mga pamamaraang kaugnay sa isang proseso. Halimbawa nito ay ang
paggawa ng iskematiks sa proseso ng pagsulat at sa pagbuo ng circuit diagrams.
3. Talahanayan – ito ay sistematikong pagsasaayos ng impormasyon sa mga kolum
at hanay. Talahanayan ang pinakamalinaw na paraan sa paglalahad ng hanay ng
datos.
4. Mga Litrato – ay mga biswal na reproduksiyon na nakarekord sa film o nka-encode
bilang datos na digital na eksaktong nakokopya ang itsura ng mga bagay o
pangyayari. Ginagamit ang mga ito sa mga sulating teknikal upang mapataas ang
interes, kredibilidad at biswal na detalye ng anumang ulat-teknikal. Nagbibigay ito
ng kredibilidad sa binabasa sa pamamagitan ng di-berbal na impormasyon.
Ngayon ay handa ka nang sagutin ang sumusunod na mga gawain batay sa paksang iyong
binasa.
19
1. Tungkol saan ang ipinapahayag sa iskematik?
2. Ano-ano ang mga pangunahing epekto ng Cyber Education?
3. Ano ang maaaring mangyari kapag nakakakita ng mga hindi tamang impormasyon ang
mga mag-aaral?
4. Ano ang maaaring mangyari kung ang mga estudyante ay nagiging tamad sa kanilang
pag-aaral?
Pagyamanin
Panuto: Suriin ang talahanayan sa ibaba at sagutin ang mga tanong kaugnay nito.
PERMANENTENG TIRAHAN NG MGA ESTUDYANTE
Lugar Bilang %
Imus 5 8.19%
Bacoor 4 5.75%
Amadeo 2 4.87%
Las Pinas 2 4.87%
Dasmarinas 7 17.07%
Silang 7 17.07%
Tagaytay 1 2.43%
Paranaque 2 4.87%
Batangas 1 2.43%
Laguna 3 7.31%
Salawag 1 2.43%
Indang 2 4.87%
Oriental Mindoro 1 4.43%
GMA 1 4.43%
Salitran 2 4.87%
Wala 1 4.11%
Kabuuan N=42 100%
20
Isaisip
TANDAAN
Mahalaga ang mga elementong biswal upang mas maging malinaw ang paksang
ipinapahayag. Mas madaling nauunawaan ang paksa kung may pantulong na elementong
biswal.
Isagawa
Panuto:
Pamantayan sa Pagmamarka:
21
Tayahin
Panuto: Basahin ang mga pahiwatig na salita sa bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang
sagot batay sa inilalarawan ng mga pahiwatig.
a. Dayagram
b. Linyang Grap
c. Bar o Kolum Grap
d. Pie Tsart
______ 1. Bilog na representasyon, pagkakahati, magkakaugnay
______ 2. Sukat, halaga, panahon, pataas, pababa
______ 3. Pagbabago, Pag-unlad
______ 4. Mekanismo, proseso, Sistema
a. Iskematiks
b. Talahanayan
c. Litrato
______ 5. Kolum, hanay
______ 6. Proseso, circuit
______ 7. Biswal, film
______ 8. Datos, listahan
______ 9. Sistematiko, simple, malinaw
______ 10. Interes, di-berbal, kulay, detalye
Karagdagang Gawain
22
Aralin
Katawagang Teknikal ng Ulat
2
Ika-apat na
Progreso
Araw
Matutunghayan sa araling ito ang mga wastong termino o katawagang teknikal ng mga
ulat progreso. Ang araling ito ang gagabay sa inyo upang mas maunawaan ang mga wastong
terino o katawagan kapag pinag-uusapan o gumagawa ng mga ulat progreso. Sinusuri din sa
araling ito ang iyong kakayahang makilala at maisa-isa ang katawagan tungo sa maayos na
paggawa ng mga ito.
Balikan
Panuto: Punan ang tala-gawain sa ibaba. Ilista ang mga karaniwang ginagawa mong paghahanda sa
pagsasagawa ng isang ulat o report sa klase.
Tuklasin
23
Suriin
Basahin mo…
Sa trabaho, nais malaman ng mga superbisor kung ano ang iyong ginagawa.
Gusto nilang malaman kung ano na ang progreso ng proyektong nakaatas sa iyo, kung
ikaw ba ay nasa iskedyul, ano ang mga pagsubok na iyong kinakaharap at ano ang plano
mo para sa susunod na pag-uulat. Ito ang dahilan kung bakit pinasusulat ang mga
empleyado ng ulat progreso o progress report.
24
Mga Layunin
Diskusyon
Mga Naisagawang Gawain - ilarawan ang mga bagay na natapos o natupad na.
Ilarawan din kung gaano katragal ang ginugol para matapos ang gawain, maging ang mga
pagsubok na pinagdaanan kung mayroon man.
Mga Susunod o Natitirang Gawain- dito binabalangkas ang mga gawaing dapat
pang tapusin. Kailangang gumawa ng time table at magbanggit ng estratehiya sa
pagkompleto ng gawain. Ilarawan din ang mga panganib at ang mga dulog o approach na
gagamitin para makompleto ang gawain. Ibalangkas ang natitirang gawain para sa
proyekto, kabilang na ang mga petsa ng pagtatapos ng proyekto at pagtataya sa oras na
kailangan. Kung gumawa ng mga pagbabago sa plano ng proyekto, tulad ng mga
pagbabago sa biswal na elemento o pagdaragdag ng mga bagong gawain, banggitin din
ito rito.
Konklusyon/Rekomendasyon
Konklusyon
1. Ibuod ang kasalukuyang estado ng proyekto.
2. Sunod, dapat na magbigay ng ebalwasyon o pagtataya sa prosesong ginawa sa
panahon ng pagsulat ng ulat. Magbigay ng prediksiyon o forecast tungkol sa kung
paano o kalian mabubuo ang proyekto. Ibuod ang iyong napagtagumpayang
gawain sa panahon ng pag-uulat at ilagay ang target na petsa ng pagtatapos.
3. Mag-iwan ng contact o e-mail na maaaring ugnayan sa dagdag na impormasyon.
Rekomendasyon
25
Naunawaan mo ba ang binasang katawagang teknikal ng isang ulat progreso?
Ngayon ay susuriin ninyo ang mga halimbawang mga sulatin ayon sa target na gagamit nito.
Panuto: Isulat ang katangian ng mga nakatalang bahagi o komponent ng isang ulat
progreso sa talahanayan.
1. Introduksiyon
2. Layunin
3. Diskusyon
4. Konklusyon
Pagyamanin
1. Ano ang dahilan kung bakit pinasusulat ng ulat progreso ang isang empleyado?
___________________________________________________________________
2. Ano-ano ang mga bagay na dapat ipaalam sa iyong superbisor sa pagsusulat ng ulat
progreso?
___________________________________________________________________
4. Ano ang dapat ilagay sa isang konklusyon upang magkaroon ng ugnayan sa mga
dagdag impormasyon tungkol sa proyekto?
___________________________________________________________________
26
Isaisip
TANDAAN
Sa anumang propesyon, asahan mo nang ikaw ay papasulatin ng ulat o report. Iba’t iba
ang haba at uri ng mga ulat. Nakatuon ang araling ito sa pagbuo ng maikling ulat lamang. Kung
kaya nararapat lamang na magkaroon ng sapat na kaalaman sa paggawa ng ulat progreso.
Isagawa
1. Ang iyong layunin, mithiin, at mga pangarap na nais maabot bilang estudyante.
2. Ang mga kinakailangan mong gawin upang marating ang mga layuning nabanggit.
3. Ang iyong natapos na antas o kurso, at ang listahan ng mga grado o ranggo sa klase kung
may mga pangaral na natanggap.
4. Ang bilang ng mga taon na gugugulin sa paaralan bago makatapos.
5. Ang iyong mga plano para sa iyong magiging kurso sa kolehiyo o karera sa hinaharap.
Tayahin
Panuto: Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang titik ng tamang sagot.
27
1. Ang bahaging ito ang nagpapakilala sa ulat at dahilan ng pagsulat ng ulat.
2. Mahalagang sulatin na naglalaman ng tala o rekord ng naisagawang gawain o
tungkulin.
3. Mga gawaing nakompleto na at mga mahalagang natuklasan.
4. Balangkas o timetable ng mga gawaing hindi naisagawa.
5. Mga problemang hinaharap sa pagsasagawa ng proyekto at kung paano
tutugunan ang mga ito.
6. Nagtataglay ito ng petsa, para sa/kay, mula/kay at paksa.
7. Naglalaman ng mga suliranin na naging motibasyon sa paggawa ng proyekto at
mga inaasahang maisagawa.
8. Isang maikling ulat na nagpapaliwanag sa pagkakaunlad ng ginagawang proyekto.
9. Bahagi ng ulat progreso na binubuo ng mga naisagawang gawain, mga suliranin
at mga susunod na gawain.
10. Ito ay mga maaaring ipresenta bilang tugon o solusyon sa suliranin tulad ng
pagbabago sa iskedyul, mga tao, badyet o mga materyal na makatutulong sa iyo
upang makahabol sa deadline.
Karagdagang Gawain
Gumawa ng isang ulat progreso sa iyong mga gawain sa bahay sa isang araw. Gamitin
ang mga komponent o bahagi ng isang ulat progreso. Isulat sa isang buong papel.
28
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Titik lamang ang isulat.
1. Ang mga sumusunod ay mga layunin sa paggawa ng isang memorandum maliban sa isa.
a. Upang paalalahanan ang mga empleyado hinggil sa dati na, kasalukuyan o bagong
usapin o tuntunin sa trabaho
b. Magbigay ng mga anunsiyo o magbaba ng mga patakaran na kinakailangang
mabatid ng lahat.
c. Ginagamit na parusa sa mga empleyado sa kompanya
d. Nagbibigay babala sa isang partikular na sektor om departamento
2. Alin sa mga sumusunod ang hindi gamit ng isang memo
a. pagbibigay ng instruksiyon
b. pagkumpirma sa kumbersasyon
c. pagbubuod ng mga pulong
d. pag-aanunsiyo sa mga pagbabago sa mga pulong
3. Ito ay isang uri ng dokumentasyon na makikita sa lahat ng organisasyon at intitusyon,
nagsisilbi itong opisyal na tala hinggil sa napagpasyahan sa pulong.
a. memorandum c. naratibong ulat
b. katitikan ng pulong d. ulat progreso
4. Alin sa mga sumusunod ang tamang pahayag tungkol sa gampanin ng isang katitikan ng
pulong.
a. nagsisilbi lamang itong patunay na nagganap ang isang pulong
b. nababatid lamang ang mga aktibong miyembro na nakadalo sa pulong.
c. ito ay hindi maaaring ituring na dokumentong batayan sa susunod na pulong.
d. naidodokumento nito ang mga kapasyahan at responsibilidad ng bawat miyembro
ng pulong
5. Ito ay mga drowing o dibuho na nagpapakita ng mga komponent ng isang mekanismo,
mga hakabang ng isang proseso o kaugnayan sa pagitan ng mga bahagi ng isang
sistema.
a. grap b. dayagram c. iskematiks d. talahanayan
6. Ito ay biswal na representasyon ng estruktura ng isang sitema o ng mga pamamaraang
kaugnay ng isang proseso.
a. grap b. dayagram c. iskematiks d. talahanayan
7. Ito ay sistematikong pagsasaayos ng impormasyon sa mga kolum at hanay.
a. grap b. dayagram c. iskematiks d. talahanayan
8. Ito ay uri ng grap na ginagamit upang makita ang mga pagbabago at pagkakaunlad, ang
pag-angat o pagbaba ng mga datos.
a. bar grap b. pie tsart c. pictograph d. linyang grap
9. Bahagi ng isang ulat progreso na inilalarawan ang mga bagay na natapos o natupad na.
a. diskusyon c. mga suliranin
b. mga naisagawang gawain d. mga susunod na gawain
10. Ito ay mga balangkas o timetable ng mga gawaing hindi naisasagawa.
a. diskusyon c. mga suliranin
b. mga naisagawang gawain d. mga susunod na gawain
29
30
31