Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

BANGHAY- ARALIN SA FILIPINO 7

ni: Bb. Michelle Jane B. Japson

I. LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng talakayan, Ang mga mag-aaral ay inaasahang;

a.) Nakatutukoy ng kahulugan ng mga salitang balbal na ginamit sa isang usapan at;

b.) nakagagawa ng sariling diyalogo gamit ang balbal na salita na makikitaan ng edukasyon sa
pagpapahalaga.

II. Paksang-Aralin:
a.) Paksa: Antas ng Wika na Balbal

b.) Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 (aklat)

c.) Kagamitan: Manila Paper, chalkboard.

III. Pamaraan:
1.) Panimulang Gawain

-Panalangin

-Pagbati

-Pagtsek ng Atendans

-Pagbibigay tuntunin

*Pagganyak ( motivation)

-Ihahalintulad ang tawagan ng magkasintahan sa Antas ng Wika na Balbal.

2.) Panlinang na Gawain

a.) AKTIBITI (Pangkatang Gawain)

- Tukuyin ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa isang usapan.

Dindo- Masaya ang tipar kina Kris kagabi.

Rico- Oo nga pero maaga akong umuwi dahil may sakit si erpat.

Erwin- Dehins ako nakarating.


Klirk- Ako nama’y nasiraan ng tsekot. Sinita tuloy ako ng lespu.

Erwin- Palitan mo na kasi yang tsekot mo.

b.) ANALISIS

- Ano ang napansin ninyo sa mga salitang ginamit sa diyalogo?

- Bakit may lumilitaw na iba’t ibang katawagan sa isang salita?

-Saan kaya nagmula ang iba’t ibang katawagan sa isang salita?

c.) ABSTRAKSYON

-Pagpapaliwanag ng Paksa na Balbal

- Pagbibigay ng iba pang halimbawa.

- Pagtatanong sa mga mag-aaral ng sarili nilang halimbawa.

d.) APLIKASYON

- Gumawa ng sariling diyalogo tungkol sa pagpapahalaga sa mga magulang, guro o kaibigan na


kung saan ito’y makikitaan ng balbal na salita. Salungguhitan ang balbal na ginamit. ( Pag-uugnay
sa Edukasyon sa Pagpapahalaga)

- Babasahin sa gitna ng klase ang ginawang diyalogo.

IV.) PAGTATAYA

-Bigayan ng salitang balbal ang sumusunod na mga salita.

1. Nanay
2. Tatay
3. Kapatid
4. Sigarilyo
5. Biro

V. ) TAKDANG-ARALIN

- Saliksikin ang kahulugan at magbigay ng halimbawa.

1. Kolokyal

2. Lalawiganin

You might also like