Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Petsa: Enero 09, 2019

BANGHAY – ARALIN SA FILIPIO 8


Ni: Bb. Michelle Jane B. Japson

I. LAYUNIN:

Sa pagtatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang;

a) Natutukoy ang iba’t ibang Programang Pantelebisyon


b) Napahahalagahan ang mga kontemporaryong Programang Pantelebisyon at;
c) Naihahanay ang mga programang pantelebisyon batay sa kahalagahan nito.

II. PAKSANG-ARALIN

a.) Paksa- Kontemporaryong Programang Pantelebisyon

b.) Sanggunian- Pinagyamang Pluma 8, Pahina 394-396

c.) Kagamitan- Manila Paper, Chalk Board

III. Pamamaraan:

1.) Panimulang Gawain


-Panalangin
-Pagbati
-Pagtsek ng Atendans
-Pagbibigay Tuntunin

*Pagganyak
- Pagtatanong sa mga mag-aaral tungkol sa mga sikat na programang pantelebisyon
sa kasalukuyan.
-Ilang Porsyento dito sa inyo ang nanunuod ng Programa sa GMA?
-Ilang Porsyento naman ang nanunuod sa Programa sa ABS_CBN?
(Pag-uugnay sa Matematika)

2.) Panlinang na Gawain

A.) Aktibiti
- Pagtatala ng mga mag-aaral ng mga programang pantelebisyon na kanilang
paborito.

B.) Analisis
-Bakit mo paborito ang programang ito?
- Ano ang kahalagahan ng programang ito para sa iyo? (Pag-uugnay sa Edukasyon
sa Pagpapahalaga)

C.) Abstraksyon
-Pagtalakay sa Aralin
-Tatalakayin ng guro kung ano-ano ang mga uri ng programang pantelebisyon.

D.) Aplikasyon ( Pangkatang Gawain)


-Ihahanay ng bawat pangkat ang mga nakatalang programa kung ano ang
pikamahaaga para sa kanila sa pamamagitan ng paglagay ng bilang 1 sa Pinakamahalaga
hanggang sa ika-10 na mahalaga. (Pag-uugnay sa Matematika)

IV. PAGTATAYA
- Ibigay ang kasingkahulugan ng sumusunod na mga salita.
1.Libis
2. Nakahandusay
3. Bakas
4. Habag
5. Datnan

V. TAKDANG-ARALIN
- Basahin ang Aralin 13 ng Ibong Adarna at itala sa kwaderno ang mga salitang hindi
pamilyar ang kahuugan.

You might also like