Filipino Vi

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OFFICE I PANGASINAN
BELENG ELEMENTARY SCHOOL

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


FILIPINO VI

Name: __________________________________________ Date: _________________


Section: _________________________

I. A. Basahin ang ulat sa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng iyong
sagot sa patlang.

Ulysses, Iba Kay Ondoy — Climatology Expert


MANILA, Philippines — Malaki umano ang pagkakaiba ng Super Typhoon Ondoy na nanalasa noong
September 2009 sa Bagyong Ulysses na naranasan ngayon ng Metro Manila at Luzon dahil ang bawat bagyo
ay may kanya-kanyang uri at lakas na dalang ulan at hangin.
“Itong si Ulysses, hindi ito kabagalan. Hindi ito katulad ni Ondoy. Si Ondoy talagang napakabagal ng kilos
niyan. Sa unti-unti niyang galaw (Ondoy), puro ulan ang dinala niya. Walang masyadong hangin,” pahayag ni
Nathaniel “Mang Tani” Cruz, dating climatologist ng PAGASA at resident meteorologist ng GMA.
Ayon kay Cruz, si Ondoy ay kumain ng maraming buhayat puminsala sa maraming ari-arian at imprastraktura
nang magkaroon ng flashfloods dahil sa matinding ulan na bumuhos sa loob lamang ng anim na oras.
Samantala si Ulysses ay naapektuhan lamang ng mga nagdaang mga bagyo kaya ang dala nitong ulan ay
matindi ring nakaapekto sa mamamayan.
“Ito kasing si Ulysses, ilang bagyo na kasi ang dumaan bago ito dumaan. So, ‘yung lupa, maging sa Sierra
Madre ay babad na babad na. Saturated na kaya kaunting ulan lamang ay nagkakaroon ng run-off,” dagdag ni
Cruz.
Ito anya ang dahilan kung bakit umabot ang water level ng Marikina river ng 21.9 meters kahapon, mas mataas
sa 21.5 meters na water level ni Ondoy noon.
Sinabi rin ni Cruz na mas maraming bagyo na ang dumaan bago si Ulysses kaya pati ang mga dam tulad ng
Angat ay umapaw ang tubig.
Kung ikukumpara naman si Ulysses sa Super Typhoon Rolly, si Ulysses ay mas mahina pero ang impact ay
higit na naramdaman dahil kakadaan lang ni Rolly at hindi pa nakakabangon ay may bagyo na naman.

Angie dela Cruz


Pilipino Star Ngayon
November 13, 2020

_____1. Sino ang dating climatologist ng PAGASA at resident meteorologist ng GMA?


a. Kim Atienza c. Mike Enriquez
b. Jessica Soho d. Nathaniel Cruz

_____2. Kailan nanalasa ang Super Typhoon Ondoy sa Pilipinas?


a. Disyembre 2018 c. Disyembre 2011
b. Septyembre 2009 d. November 2015

_____3. Anong bagyo ang nanalasa sa Pilipinas nitong Nobyembere 11, 2020 na halos nalubog sa
baha ang buong Marikina?
a. Bagyong Rolly c. Bagyog Ulysses
b. Bagyong Ondoy d. Bagyong Quinta

_____4. Bakit umabot ng mas mataas ang level ng tubig ng Marikina River nitong kay Bagyong
Ulyses kaysa noong kay Bagyong Ondoy?
a. Dahil ang Marikina River ay maraming nakabara na basura.
b. Dahil sa ang bagyong Ondoy ay mas mahina kaysa bagyong Ulysses.
c. Dahil ang Bagyong Ulysses ang pinakamalakas sa lahat ng bagyo ngayong taon.
d. Dahil sa sunod-sunod na bagyo ang dumating bago pa man ang bagyong Ulysses.
_____5. Paano mo paghahandaan ang ganitong uri ng kalamidad?
a. Matulog dahil malamig ang panahon.
b. Manatili sa loob ng bahay kahit pinapalikas na.
c. Maghanda ng emergency kit at makibalita sa mga pangyayari.
d. Makinig ng balita sa radyo o telebisyon ng mga babala at signal.

B. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot.

_____6. Nakita ni James sa pintuan ang ganito: Bawal Pumasok


a. Maaring pumasok. c. Hindi maaring pumasok sa loob
b. Sigawan ang nasa loob. d. Pumasok nang tuloy-tuloy sa loob

_____7. Ano ang ibig sabihin ng nakasulat na “Panatilihin ang Social Distancing”
a. Umiwas sa mga social na tao.
b. Maghawak kamay sa paglalakad.
c. Huwag makipagsiksikan sa mga tao.
d. Kailangan mananatili ang pagiging social

_____8. Habang naglalakad sa kalsada si Caye at ang kanyang nanay nakita nila ang simbolong nasa
ibaba. Ano ang ibig sabihin ng simbolong ito?
a. bilisan mo ang paglalakad
b. bawal ang pagtawid sa linya
c. iisang tao lang ang pwedeng tumawid
d. tumawid sa tamang tawiran o pedestrian lane

_____9. Ang tsart na nasa ibabaw ay ang Rainfall Warning Signal ng PAGASA tuwing may bagyo. Ano
ang ibig sabihin kung nasa Orange Warning ang isang lugar?
a. walang pagbaha sa mababang lugar
b. matinding pagbaha sa mababang lugar
c. aasahan ang pagbaha sa mababang lugar
d. nagbabadyang pagbaha sa mababang lugar

_____10. Ano naman ang gagawin kapag nasa Red Warning ang isang lugar?
a) subaybayan ang lagay ng panahon
b) maghanda sa posibilidad ng paglikas
c) lumikas at pumunta sa mataas na lugar
d) huwag pansinin ang warning sign ng PAGASA

II. Basahing mabuti ang lathalain at alamin kung bakit hindi naliligaw ang mga langgam.

Bakit Hindi Naliligaw ang mga Langgam?


(ni Jojo Briones-Cruz)
Ang mga langgam, ay kung saan-saan napupunta sa paghahanap ng kanilang makakain. Pero
kapag oras na para bumalik sila sa kanilang lungga bumabalik sila sa nakabibilib na diretsong linya.
Kung paano sila nakauuwi mula sa pagkuha ng mga pagkain ay palaisipan pa rin sa mga siyentipiko.
Ngayon ay ipinahihiwatig ng mananaliksik na German at Swiss na ang aspeto ng gawaing
ito ay gawa raw ng matalas at malikhaing pagkilos. Nalaman nila na ang mga langgam kapag
pinawalan sa patag na kalupaan ay nagsisimulang maghanap ng distansiya mula sa kanilang lungga.
Pinag-aralan ng pangkat ni Sandra Wohlgemuth mula sa Humbolt University sa Berlin ang
mga langgam sa disyerto ng Sahara at tinuruang maglakad sa itaas at ibaba ng bundok para kumuha
ng pagkain
Ipinakikita nito na ang mga langgam ay may kakaibang uri ng odometer na nagtatala sa
distansya ng lupa, imbes na ang kabuuang distansiya na nalakbay sa taas-babang terrain.
Naniniwala ang mga mananaliksik na ang mga langgam ay posibleng mahulaan ang
kanilang gagawing pagkilos sa iniisip nilang pahalang na daanan at pagkatapos naitatala ang
distansiya ng lupa patungo sa kanilang lungga sa kapatagan.
A. Sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa tekstong iyong binasa o napakinggan.
11) Ano ang hayop na tinukukoy sa unang talata na nakakabalik sa lungga mula sa paghahanap
ng pagkain? ____________________________________
12) Paano sila nakababalik sa kanilang lungga? ___________________________________________
13) Bakit nagsagawa ng pag-aaral ang mga mananaliksik tungkol sa kung paano nakakauwi ang mga
langgam? _________________________________________________________________________
14) Ano ang naging resulta ng pagsasaliksik? ______________________________________________
15) Gaya ng mga langgam, ano ang iyong kakaibang angking kakayahan?
__________________________________________________________________________________

B. Lagyan ng bilang 1-5 ang bawat talata ayon sa wastong pagkakasunod- sunod ng pangyayaring
nabanggit sa tekstong nabasa o napakinggan.
_____16. Naniniwala ang mga mananaliksik na ang mga langgam ay posibleng mahulaan ang
kanilang gagawing pagkilos sa iniisip nilang pahalang na daanan at pagkatapos naitatala ang
distansiya ng lupa patungo sa kanilang lungga sa kapatagan.
_____17. Ang mga langgam, ay kung saan-saan napupunta sa paghahanap ng kanilang makakain.
Pero kapag oras na para bumalik sila sa kanilang lungga bumabalik sila sa nakakabilib na diretsong
linya.
_____18.Pinag-aralan ng pangkat ni Sandra Wohlgemuth mula sa Humbolt University sa Berlin ang
mga langgam sa disyerto ng Sahara at tinuruang maglakad sa itaas at ibaba ng bundok para kumuha
ng pagkain.
_____19. Kung paano sila nakakauwi mula sa pagkuha ng mga pagkain ay palaisipan pa rin sa mga
siyentipiko. Ngayon ay ipinahihiwatig ng mananaliksik na German at Swiss na ang aspeto ng gawaing
ito ay gawa raw ng matalas at malikhaing pagkilos. Nalaman nila na ang mga langgam kapag
pinawalan sa patag na kalupaan ay nagsisimulang maghanap ng distansiya mula sa kanilang lungga.
_____20. Ipinakikita nito na ang mga langgam ay may kakaibang uri ng odometer na nagtatala sa
distansya ng lupa, imbes na ang kabuuang distansiya na nalakbay sa taas-babang terrain.

III. Bilugan ang wastong pang-angkop o pangatnig sa loob ng panaklong upang mabuo ang diwa ng
kuwento.

Ang tanging hangad ni Aling Veronica ay ang makapagtapos ng pag-aaral ang


kaisa-isa 21. (ng, na) anak na si Bea. Bakas sa kanyang mukha ang pagod
22. (habang, kung) binabagtas ang daan patungo sa paaralan. Hindi niya alintana ang
layo ng bahay 23. (na, at) init ng panahon 24. (sapagkat, para) lamang makuha ang
mga modyul sa takdang oras. Mag-isang itinataguyod ang edukasyon ng kanyang
anak 25. (samantala, dahil) para sa kanya ay napakahalaga 26. (ng, na) kayamanang
ito. Likas 27. (na, ng) palaaral si Bea 28. (pati, kaya) palaging mataas ang iskor sa
lahat ng mga pagsasanay sa mga modyul. Hirap sa buhay 29. (subalit, habang)
nakatuon ang atensyon sa pag-aaral. 30.(Kung, Maging) talagang kailangan ganoon
na lamang ang paggamit niya ng hiram na cellphone. Labis na tuwa ang hatid niya
sa kanyang ina. Hindi malayo na maaabot niya ang kanyang hangarin.

IV-A. Tukuyin kung ang simuno ang nasa unahan o ang panaguri. Isulat ang titik S kung
simuno at P kung panaguri. Isulat ang iyong sagot sa patlang

______31. Nalungkot ang Inahin nang hindi siya pinaunlakan ng mga kaibigan.
______32. Pinangatawanan ng Inahing Manok ang pagtatanim.
______33. Ang mapuputing bigas na inani mula sa mga butil na palay ay isinain ng masipag na
inahin.
______34. Siya ay hindi naman tinulangan ng mga kaibigan
______35. Ang kaning aking itinanim, binayo, at isinaing ay sapat lamang para sa pamilya namin.
B. Tukuyin kung ang panlaping ginamit sa mga salitang may salungguhit ay unlapi, gitlapi,
o hulapi. Isulat ang sagot sa patlang.

___________36. Nalungkot ang Inahin nang hindi siya pinaunlakan ng mga kaibigan.
___________37 Napilitang bayuhin at ihiwalay ng inahin ang bigas sa ipa.
___________38. Ang mapuputing bigas na inani mula sa mga butil na palay ay sinaing ng masipag na
inahin.
___________39. Ilang araw lang ay sumibol na ang mga binhi.
___________40. Ang kaning aking itinanim, binayo, at isinaing ay sapat lamang para sa pamilya
Naming.

IV. Tayo’y magsulat ng sanaysay na naglalarawan sa pamamagitan ng paglagay sa mga patlang ng


angkop na salitang naglalarawan. Pumili ng mga salita sa kahon.

Ang aking 41._______________ ina ay mahilig mangolekta ng mga halaman. Madalas,


umaabot siya sa mga bukirin upang maghanap ng mga 42.________ halaman. May
mga panahon na wala siya sa bahay dahil lamang sa paghahanap ng mga halaman.
Kung minsan ay buong araw din siya sa kanyang hardin dahil sa pagkahumaling
niya sa mga tanim. Napakarami na ng kanyang mga halaman, mayroon siyang
43.________________ mga gabi-gabi. Kompleto rin ang kanyang nagagandahang
orchids. Sa katunayan pati ang 44.____________ monstera ay pumupuno rin sa aming
munting sala. Mala-gubat na nga ang aming bahay dahil sa dami ng kanyang
halaman. Kahit 45.___________ siya sa kanyang mga halaman, hindi pa rin niya
nalilimutan ang kanyang tungkulin bilang isang ina. Samakatuwid, ginagabayan niya
kami sa pagsagot ng aming mga modyul.

V. Punan ang patlang ng salitang naglalarawan upang mabuo ang diwa ng pahayag. Piliin ang sagot
sa loob ng kahon.

Patapos na ang taong 2019, nang lumabas ang balita na bumulabog sa buong
bansa, ang paglaganap ng 46.___________ na virus na tinawag na Covid. Nagsimula
ang virus sa bansang China, hanggang sa lumaganap na sa buong mundo.
Kailangan ang wastong pangangalaga at pag-iingat sa sarili upang hindi
mahawaan ng 47.___________ sakit na ito. Narito ang mga tagubilin na dapat tandaan
at sundin upang pangalagaan ang sarili. Gumamit ng 48._______na mask o pantakip
sa mukha bilang pananggalang sa talsik ng laway o paglanghap ng virus. Laging
maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig o kaya’y paggamit ng alcohol.
Iwasan ang mga 49.___________ lugar at laging panatilihin ang isang metrong
distansiya. Kumain ng 50.____________pagkain. Uminom ng bitamina at laging mag
ehersisyo.

Prepared by:

RESALYN P. MARIANO
Adviser/Subject Teacher

You might also like