Ang Taglay Kong Karapatan Bilang Obra Maestra NG Aking Maylalang

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pangalan: Nisha Jai R.

Collado Baitang at Seksyon: 9-Faith


ANG TAGLAY KONG KARAPATAN BILANG OBRA MAESTRA NG AKING
MAYLALANG

Saan mang bahagi ng mundo,


iba-iba man ang estado,
maralita o mayaman,
salat man sa kaalaman,
tayo’y lalang na may karapatan.

Ako ay OBRA MAESTRA ng DAKILANG LUMIKHA.


“KARAPATANG MABUHAY” mula kay ama’t ina,
utang sa kanila aking hininga,
karapa’t dapat na bigyang halaga.

Ako ay isang Kristiyano,


BIBLIYA ang banal na libro.
“KARAPATAN SA PANANAMPALATAYA” aking nakamit,
kaya’t takot at paggalang sa Diyos hindi mawawaglit.

“KARAPATANG MAKAPAGHANAPBUHAY,”
daan patungo sa aking tagumpay,
minimithing pangarap ay abot kamay,
handog sa pamilya ay magandang buhay.

Dalawang pusong nagmamahalan,


tanging hantungan ay sa simbahan.
“KARAPATANG MAIKASAL,”
aking taimtim na dasal.

Ang katangi-tangi at huli kong hiling,


ibat-ibang lugar ay aking marating.
Mula Batanes hanggang Jolo,
sa lahat ng dako ng mundo,
“KARAPATAN KONG MAKAPUNTA,”
at walang pipigil dito!

You might also like