Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Lingguhang Pasulit 1.

2
ESP 5

I. Iguhit ang masayang mukha 😊 kung mabuti at malungkot ☹ na mukha kung hindi mabuti.
________1. Nanonood ng mga pelikula na hindi ginagabayan ng mga magulang gabi-gabi kahit may
takdang araling.
________2. Nagbabasa ng dyaryo upang matuklasan ang mga napapanahong balita tungkol sa
COVID-19.
________3. Nagsasaliksik gamit ang internet ng mga mahahalagang bagay na may kaugnayan sa pag-
aaral upang mapalawak ang kaalaman sa leksyon.
________4. Tumitingin sa mga hindi kanais-nais na mga larawan sa magasin sa halip na mag-aral.
NegOr_Q1_EsP5_Modyul2_v2 9
________5. Nakikinig ka sa mga programa sa radyo tungkol sa mga dapat gawin upang maiwasan
ang pagkalat ng pandemyang COVID-19.
________6. Panonood ng mga programa sa telebisyon ang inaatupag mo kahit na dis- oras ng gabi.
________7. Pagkalap ng mga impormasyon sa internet tungkol sa mga makabuluhang bagay na
maaaring gawin sa bahay ngayong nasa ilalim ng quarantine.
________8. Paniniwala sa lahat ng mga patalastas na nakikita o naririnig sa telebisyon at radyo.
________9. Nagbabasa siya ng mga aklat upang mapalago ang kaalaman sa iba’t ibang asignatura.
________10. Pagtimbang ng mga opinyon o kuro-kuro ng magkabilang panig isang isyu bago
magpasya.
_________________________________________________________________________________

Lingguhang Pasulit 1.3


ESP 5
Panuto: Isulat ang Tama o Mali sa patlang bago ang bilang ayon sa pahayag sa pangungusap.
________ 1. Nagbabayad na lamang si Pedro nang pambili ng materyales sa proyekto ng kanilang
pangkat kaysa tumulong.
________ 2. Iniiwasan ni Lara ang gumawa ng ibang gawain habang nagsasalita ang guro sa unahan.
________ 3. Nagsakit-sakitan si Mara dahil hindi niya natapos ang proyektong ipapasa ngayong araw.
________ 4. Napansin ni Mario na bumababa ang marka sa Matematika ng kanyang katabi kaya
binibigyan niya ito ng oras upang turuan.
________ 5. Ipinagawa ni Juan ang kanyang takdang aralin sa kanyang ate sapagkat nahihirapan
siyang unawain ito.
________ 6. Aktibong nakikilahok si Karla sa talakayan sa klase.
________ 7. Hindi nahihiyang magtanong si Monica sa kanyang guro kung may nais siyang balikan
sa aralin.
________ 8. Nasa isang sulok lamang si Tino at nagbabasa ng komiks habang ang kanyang mga
kamag-aral ay ginagampanan ang tungkuling ibinigay ng lider sa kanila.

You might also like