Professional Documents
Culture Documents
Local Media6845649148120265310
Local Media6845649148120265310
Araling Panlipunan
Grade 10
2
LAYUNIN:
KASANAYAN SA PAGKATUTO
1. AP10GKA-IIa-1
2. AP10GKA-IIa-2
3
_____3. Nakakakain ng mga produktong nagmula sa
ibang bansa tulad ng imported chocolates.
_____4. Nakapaglakbay na sa mga pook pasyalan sa
ibang bansa.
_____5. Pagkain sa labas at pamamasyal sa mall bilang
bahagi ng pagdiriwang ng pamilya.
Globalisasyon
Proseso ng mabilisang pagdaloy o pag-ikot ng
mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa
iba’t ibang bansa
Ito ay higit na makikita sa sitwasyong nararanasan
natin sa kasalukuyan tulad ng mga Pilipinong
nagtatrabaho sa mga dayuhang kompanya ng di
lumalabas ng bansa at ang mga produkto at
pagkaing banyaga na mabibili sa lokal mna
pamilihan. Pakikipagkalakalan ng hindi
bumibiyahe palabas ng bansa at gamit lamang
ang makabagong teknolohiya gaya ng telepono,
internet at computer.
Dahilan ng Globalisasyon
1.Pagbubukas ng Pandaigdigang Kalakalan
Nagkaroon ng kasunduan sa pagitan ng mga bansa
sa kanilang pag-aangkat at pagluluwas ng mga produkto.
4
2.Pangingibang-bayan ng mga manggagawa
Ang mga manggagawa ay naghahanap ng higit na
mabuting kabuhayan sa ibang bansa. Kalakip nito ay
natututunan nila ang ugali at gawi sa bansang
pinuntahan.
3.Pananaig ng malakas na bansa
Mabilis na tinangkilik ng mga mamamayan sa
developing countries ang pagggamit ng cellular phones o
mobile phone na nagsimula sa mauunlad na bansa.
Epekto ng Globalisasyon
1.Pag-unlad ng Teknolohiya
Malawakang paggamit ng mobile phone, smart
phone, computer at internet ang nagdala ng malawak at
mabilis na pagbabago sa buhay ng mga tao sa mundo sa
iba’t ibang larangan gaya ng sa impormasyon, kalakalan,
pakikipagtalastasan, libangan at hanapbuhay.
2. Kalakalan ng mga produkto at serbisyo
Ang malalaking korporasyon ay kinakitaan ng pag-
usbong ng operasyon na nakatuon hindi lang sa
bansang pinagmulan kundi maging sa ibang bansa. Ito
ay mamamalas sa paglawak ng TNC at MNC sa iba’t
ibang panig ng mundo.
3. Pagbabago ng Kulturang Nakagisnan
Unti-unting nababago ang kulturang nakagisnan dahil
sa impluwensiya ng mga dayuhang bansa sa
pamamagitan ng kanilang mga produkto at serbisyo.
Idagdag pa natin ang pagbabago ng pamumuhay ng
tao sa iba’t ibang panig ng mundo dahil sa paggamit
ng social media tulad ng facebook, instagram, youtube
at iba pa kung saan nakikita kung paano namumuhay
ang tao at kaagad namang naisasalin o nagagaya ng
ibang tao sa ibang mga bansa.
5
Bakit itinuturing na isyung panlipunan ang
globalisasyon?
Ang mga perennial na institusyon na matagal
nang naitatag ay tuwiran nitong binago,
binabago at hinahamon.
Perennial institutions ang pamilya, simbahan,
pamahalaan at paaralan sapagkat ang mga ito
ay matatandang institusyong nananatili pa rin sa
kasalukuyan dahil sa mahahalagang gampanin
nito.
Perspektibo at Pananaw
May limang perspektibo o pananaw tungkol sa
kasaysayan at simula ng globalisasyon.
1. Ang globalisasyon ay taal o likas sa bawat isa.
Likas sa mga tao ang maghangad ng
maginhawang pamumuhay. Ito ang nagtulak sa
kanila upang makipagsapalaran, manakop at
humanap ng kanilang ikayayaman.
2. Ang globalisasyon ay isang mahabang siklo (cycle) ng
pagbabago.
Maraming ‘globalisasyon’ na ang dumaan sa
mga nakalipas na panahon at ang kasalukuyang
globalisasyon ay makabago at higit na mataas na
anyo na maaaring magtapos sa hinaharap
(Scholte, 2005).
3. Ang globalisasyon ay naniniwalang may anim na
‘wave’ o epoch o panahon
6
PANAHON KATANGIAN
Ika-4 hanggang ika-5 siglo Pagkalat ng Relihiyon
(4th-5th Century) (Islam at Kristiyanismo)
Huling bahagi ng ika-15 siglo Pananakop ng mga bansa
(late 15th Century) sa Europa
Huling bahagi ng ika-18 siglo Digmaan ng mga
hanggang unang bahagi ng Europeong bansa
ika-19 na siglo (late 18th-ealy
19th century)
Gitnang bahagi ng ika-19 na Pananaig ng Imperyalismong
siglo hanggang 1918 Kanluranin
Post-World War II Nahati ang mundo sa
dalawang pwersang
ideolohikal, ang komunismo
at kapitalismo
Post-Cold War Nanaig ang sistemang pang-
ekonomiya na kapitalismo.
Sa pangunguna ng Estados
Unidos ay nagkaroon ng
mabilis na pagdaloy ng
teknolohiya, produkto,
serbisyo at ideya.
7
Paglalakbay ng mga Vikings mula Europe
patungong Iceland, Greenland at Hilagang
Amerika
Kalakalan sa Mediterranean noong Gitnang
Panahon
Pagsisimula ng pagbabangko sa mga siyudad-
estado sa Italya noong ika-12 siglo.
5. Ang globalisasyon ay kamangha-mangha na
nagsimula sa kalagitnaan ng ika-20 siglo.
Ito ay ang:
Pag-usbong ng Estados Unidos bilang global
power matapos ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig
Paglitaw ng mga multinational at transnational
corporations (MNcs and TNCs)
Pagbagsak ng Soviet Union at ang pagtatapos ng
Cold War
8
_______ 5.Pag-aaral ng mga eksperto sa DOH sa mga
gamot sa COVID19 na ginamit ng mga Tsino.
_______6.Pagluluwas ng Pilipinas ng mga produktong
agrikultura sa pandaigdigang pamilihan.
_______7.Pagpunta sa Maynila galing Cagayan upang
magtrabaho.
_______8.Pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas.
_______9.Pagkakaroon ng mga sangay ng Jollibee sa Italy
at UK.
_______10.Pagbibigay ng mga makabagong kaalaman ng
World Health Organization (WHO) sa DOH Philippines.
GAWAIN BILANG 1
EDUKASYON PALAKASAN
KALAKALAN PAKIKIPAGTALASTASAN/
KOMUNIKASYON
HANAPBUHAY LIBANGAN
9
Paano mababakas ang globalisasyon sa mga sumusunod
na larawan?
GAWAIN BILANG 2
10
GAWAIN BILANG 3
1: _______________________________________________
______________________________________________
11
gawin upang magawa ito ng hindi ako
mahihirapan?
4: __________________________________________
____________________________________________
GAWAIN BILANG 4
Paliwanag:
__________________________________________________________
__________________________________________________________
______________________________________________________
12
Sanggunian:
13
This material was contextualized by the Department of
Educaion Schools Division of Bulacan
Learning Resource Management and Development Section
Marilao North District
Prenza National High School
EVELYN L. MAGTALAS
Writer
Manunulat
Gawain 1:
EDUKASYON
pagsasaliksik/research
tipid sa oras sa paggawa ng mga paperworks/ naka
save na ito sa computers at laptop, maaaring i-edit na
lang.
PALAKASAN
nakapag-eehersisyo sa tulong ng napapanood sa
youtube
napauunlad ang sariling kalakasan at kaalaman kahit
nasa bahay o walang trainor na umaalalay
KALAKALAN
mabilis na transaksyon sa negosyo (online selling)
madaling naipapakilala ang produkto sa tulong ng
social media
KOMUNIKASYON
mabilis at murang paraan ng pakikipag-ugnayan
gamit ang cellphone, computer at internet
HANAPBUHAY
maaaring kumita kahit nasa bahay lang (online selling
at online tutorial)
madaling nakakapagpasa ng mga reports sa trabaho
sa tulong ng makapagong teknolohiya
LIBANGAN
madaling natututuhan ang iba’t ibang bagay sa
tulong ng impormasyon sa youtube at web
Gawain 2:
MABUTING EPEKTO
1. mabilis na komunikasyon
2. malago ang kaalaman
3. napadadali ang kalakalan
4. pagkakaroon ng mga bagong libangan
5. mabilis na serbisyo (hal. Sa tanggapan ng
pamahalaan)
DI-MABUTING EPEKTO
1. nakalilimot na sa kulturang Pilipino
2. pagkakalayo ng miyembro ng pamilya dahil sa
paghahanapbuhay sa ibayong-dagat
3. madaling naipapakalat ang mga maling
impormasyon (fake news) gamit ang social media
4. mas natatangkilik na ang produkto ng ibang bansa
(MNc at TNC)
5. nagdudulot ng pagkalugi sa mga lokal na
negosyante
Gawain 3:
1. Maaaring umorder ng pagkain gamit ang telepono at
ipa-deliver ito.
2. Gamit ang smart phone, computer o laptop ay
pwedeng magkausap at magkita (video chat/ video
call)
3. Oo, makabibili na ng imported products sa Pilipinas. Ito
ay nasa atin ng pamilihan.
4. Maaaring labhan ito sa washing machine lalo na at
may mga automatic na. Maaari din na dalhin sa
laundry shop.
Gawain 4:
Epekto ng Globalisasyon sa Lipunan o Kapaligiran
Napabibilis at napadadali ang paghahatid ng
impormasyon sa mga nagaganap sa ating lipunan at
kapaligiran
Sa pagkakaroon ng pag-unlad sa industriya,
napababayaan o hindi nabibigyan ng wastong
pagpapahalaga ang kapaligiran (polusyon)