Inbound 4488998108717980462

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

REPUBLIKA NG PILIPINAS

Republic of the Philippines


PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS VISAYAS
Philippine Normal University Visayas
ANG PAMBANSANG SENTRO SA EDUKASYONG PANGGURO
The National Center for Teacher Education
LUNGSOD NG CADIZ 33E20135
City of Cadiz

LIHAM PAHINTULOT

Ginagalang naming Respondente,

Pagbati!

Kami po ay mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino sa Pamantasang Normal ng


Pilipinas Visayas mula sa Ikaapat na Taon. Bilang bahagi ng pagsasakatuparan sa asignaturang
Pananaliksik sa Wika at Panitikan- II (2SFIL-18), kami po ay kasalukuyang nagsasagawa ng
pag-aaral na pinamagatang Sosyo-kultural na Pag-aaral sa mga Piling Awiting-Bayan ng
Kanlurang Visayas. Maliban sa pagtuklas ng konotasyon, denotasyon, tema, at mensahe ng
bawat liriko, nais din ng pag-aaral na itong makapanayam ang mga gurong nagtuturo ng
asignaturang Filipino upang alamin ang kanilang pananaw patungkol sa implikasyon ng
awiting-bayan sa kabisayaan pati na rin ang kahalagahan nito sa paguturo.

Ang inyong pakikilahok sa pag-aaral na ito ay taos-puso naming ipinagpapasalamat.


Makakaasa kayong anumang impormasyon na inyong ilalahad ay mananatiling kumpedensyal
at gagamitin lamang para sa pananaliksik na ito.

Maraming Salamat sa inyong pakikiisa!

Lubos na sumasainyo,

Ella Rosalie V. Doble


Lider-Mananaliksik

The Environment and Green Technology Education Hub Telefax No.: (034) 493-0265 E-mail:visayas@pnu.edu.ph
REPUBLIKA NG PILIPINAS
Republic of the Philippines
PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS VISAYAS
Philippine Normal University Visayas
ANG PAMBANSANG SENTRO SA EDUKASYONG PANGGURO
The National Center for Teacher Education
LUNGSOD NG CADIZ 33E20135
City of Cadiz

PROFAYL NG MGA KALAHOK SA PAG-AARAL

Pangalan: (opsyunal)___________________ Kasarian: ___________


Lugar ng kapanganakan: ______________________ Taon ng pagtuturo:________

Kursong natapos:
BSED/BSE FILIPINO
BSED/BSE sa ibang espesiyalisasyon
Iba pang kurso _____________________

TALATANUNGAN

1. Ano ang implikasyon ng awiting-bayan sa pagpapalaganap ng pagkakakilanlan ng mga


kabisayaan pagdating sa kanilang paniniwala at kultura?

2. Ano ang kahalagahan ng awiting-bayan sa pagtuturo nito sa asignaturang Filipino?

The Environment and Green Technology Education Hub Telefax No.: (034) 493-0265 E-mail:visayas@pnu.edu.ph
REPUBLIKA NG PILIPINAS
Republic of the Philippines
PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS VISAYAS
Philippine Normal University Visayas
ANG PAMBANSANG SENTRO SA EDUKASYONG PANGGURO
The National Center for Teacher Education
LUNGSOD NG CADIZ 33E20135
City of Cadiz

Mapagpalayang araw po sa inyo.

Kumusta naman po kayo?

Kami po ay mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino sa Pamantasang Normal ng


Pilipinas Visayas mula sa Ikaapat na Taon. Bilang bahagi ng pagsasakatuparan sa asignaturang
Pananaliksik sa Wika at Panitikan- II (2SFIL-18), kami po ay kasalukuyang nagsasagawa ng
pag-aaral na pinamagatang Sosyo-kultural na Pag-aaral sa mga Piling Awiting-Bayan ng
Kanlurang Visayas. Nais lang po sana naming hingin ang inyong kaunting oras upang
makapanayam po kayo patungkol sa inyong pananaw sa kahalagahan ng awiting-bayan.

Kalakip po nito ay ang aming Liham Pahintulot, Profayl ng mga kalahok, at ang aming
ginawang Talatanungan. Maari lang din po ba kaming kumuha ng bidyo, litrato at mag-record
ng inyong mga kasagutan? Ito ay upang masiguro wasto ang mga maitatalang impormasyon.

Maliwanag at sumasang-ayon lang po ba kayo rito?


Magsisimula na po tayo.

1. Ano ang implikasyon ng awiting-bayan sa pagpapalaganap ng pagkakakilanlan ng mga


kabisayaan pagdating sa kanilang paniniwala at kultura?
2. Ano ang kahalagahan ng awiting-bayan sa pagtuturo nito sa asignaturang Filipino?

Maraming salamat po sa pakikiisa sa aming pag-aaral. Lubos po naming ikinagagalak ang


inyong presensiya. Ngunit maari lang po ba kaming sumangguni muli kung may karagdagang
katanungan o klaripikasyon po kami kaugnay rito?

Anumang datos o impormasyong aming nakalap ay mananatiling kumpendensyal alinsunod sa


RA 10173 o mas kilala sa Data Privacy Act of 2012. Ito ay gagamitin lamang po sa pag-aaral
na ito.

Sa muli, maraming salamat!

The Environment and Green Technology Education Hub Telefax No.: (034) 493-0265 E-mail:visayas@pnu.edu.ph

You might also like