Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Alamat ng Rosas

Noong unang panahon, may isang babaeng nagngangalang Angelica sa

kabihasnan ng Sta. Cruz.Ganda nya’y napapalingon lahat sa kanya. Kanyang kutis ay

maputlang maputla gaya nga isang rosas. Rosas na kahit sino ay mapapalingon sa

ganda. Si Angelica ay isang napakasipag na anak dahil ito ay laging tumutulong sa

kanyang mga magulang. Sa umaga, siya ay gumigising ng maaga para makapagluto ng

agahan at maglinis sa kanilang kapaligiran. Pagkatapos tumulong si Angelica sa

gawaing bahay ay pumupunta ito sa kanyang kaibigan para makipaglaro. Si Angelo ang

kanyang pinakapaboritong kalaro dahil ito ay napakasayahing bata gaya ni Angelica.

Sila ang palaging magkasama sa lahat ng bagay. Ang kanilang ginagawa minsan ay

namimitas ng mga prutas sa kabundukan at pumipitas ng mga bulaklak na kung minsan

rosas na kay ganda. Rosas na nakakaayng tingnan gaya ng ganda ni Angelica.Rosas

na pwedeng ilagay sa plorera at magsilbing palamuti sa isang bahay.

Isang araw, habang nagwawalis si Angelica sa kanilang bakuran ay niyaya ito ni

Angelo na pumunta ulit sa kabundukan pero ito ay narinig ng kanyang ina na si Aling

Tala at sinabihan sila nito na huwag masyadong magpupunta sa kabundukan dahil ito

ay delikado. Ngunit ang dalawa ay hindi nakinig at sila nga ay nagpunta sa

kabundukan. Ang dalawa ay namitas ulit ng prutas at mga magagandang

bulaklak..Pagkatapos nito, sila ay naglaro ng tagu-taguan kung saan si Angelo ang

taya. Pagkalipas ng ilang minuto hindi mahanap hanap ni Angelo si Angelica. Nagdaan

na ang ilang oras pero sadyang di nya mahanap si Angelica kaya ito ay umuwi at sinabi

kay Aling Tala na hindi mahanap si Angelica. Nagpasya si Aling Tala na kanyang

hanapin si Angelica sa kabundukan ngunit pagkalipas ng ilang oras hindi pa rin

mahanap hanap si Angelica at bigo itong makita kaya nagdesisyon itong umuwi na.

Ngunit sa kanyang paglalakad may nakita syang isang rosas na sobrang ganda

at kakaiba sa lahat ng rosas na meron sa kabundukan na para bang ito ang kanyang

anak na si Angelica. At dahil sa hindi na nakita ni Aling Tala si Angelica pinagpasyahan

nalang nyang iuwi ang rosas na nakita at kanyang inalagaan sa kanyang bahay.

Inihanda ni:

ANGELICA EVE S. VINLUAN

STE-RICHTER

You might also like