Salmo Nov 2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

T—Panginoo’y nagmamahal at maawain sa tanan.

I
Kay ganda ng kalooban, mahabangin itong Diyos,/ kung magalit ay

banayad, kung umibig nama’y lubos./ Kung siya ay magparusa, di

katumbas ng pagsuway;/ di na tayo sinisingil sa nagawang kasalanan. (T)


II
Kung paano nahahabag ang ama sa anak niya/ gayun siya nahahabag

sa may takot sa kanya./ Alam niya na alabok, yaong ating pinagmulan,/

alam niyang babalik din sa alabok kung mamatay. (T)


III
Ang buhay ng mga tao’y parang damo ang katulad./ sa parang ay

lumalago na animo ay bulaklak; /kapag ito’y nahanginan, nawawala’t

nalalagas,/ nawawala mandin ito at hindi na namamalas. (T)


IV
Ngunit ang pag-ibig ng Diyos ay tunay na walang hanggan,/ sa

sinuman na sa kanya’y may takot at pagmamahal;/ ang matuwid

niyang gawa ay wala ring katapusan. /Yaong magtatamo nito’y ang

tapat sa kanyang tipan, /at tapat na sumusunod sa bigay na kautusan.

You might also like