Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Isang Pagsusuri sa Maikling Kuwentong “Bayanggudaw"Lilia Quindoza Santiago

A. Pamagat ng Akda/ May- akda:

Ang pamagat ng kuwentong “Bayanggudaw" nagpapatungkol sa feminismo sa buhay ng


mga katutubo,ang mga Ilocanos, at iba pang mga pangkat-etniko dito sa Pilipinas.

II. Buod
Ipinanganak si Nana na naunang lumabas ang kanyang paa na kung tawagin ay
suhi.Ikinasal ang mga magulang ni Nana na sina Julio at Benilda Macagba na puno ng
kasiyahan at hagalpakan.Nakakapagtaka na walang dumalong kamag anak sa Tatay ni
Nana.Nang naglayas si Nana, pumunta siya ng ilog at saka lumusong ng hindi na
namamalayan na nasa malalim na bahagi na pala siya kaya kumawag siya upnag
makaahon.Sa kawayanan na nasa tabi ng ilog ay maraming kahibangan si Nana na naging
sanhi sa pagsasabunutan ng kanyang Ate Mina dahil kay Puto, ang kanilang kalaro sa
kawayanan.Marami ng naganap na nakakakilabot katulad ng mga patayan sa kanilang
bayan. Dumating ang araw na pinaghahanap na ang sundalong naninilbihan sa mga
Amerikano na ang tinitukoy pala ay ang kanyang ama na si Julio Macagba. Kaya napag-
isipan nilang lumisan sa lugar at magtago na naging dahilan sa pagpapalit-palit ng
kanyang pangalan. Nangako siya na babalik. Babalik siya.Nagdaan ang mga araw at
nakilala na siya bilang anak ni Julio Macagba at siya ay hinuli, kinulong sa Fort
Bonifacio.At sa wakas, napakawalan na siya at sinabihan na umuwi na maghanap ng
trabaho. Ngayon, nagtuturo na siya at binabalikan pa rin niya kanyang kinagisnan, ang
ilog at ang mga kawayan na naging parte na sa buhay niya. Binabalikan ang mga ninanais
na nagtutungo sa sariling paglililwaliw.

III. Pagsusuri

A. Uring Pampanitikan

Ang akda ay isang maikling kuwento na isinulat ni Lilia Quindoza Santiago. Na kung
saan ito ay isang makabuluhan at puno ng aral na maikling kuwento.

B. Estilo ng Paglalahad

Sa estilo ng paglalahad gumamit ng mga pormal na paglalahat ang may akda na kung
saan mababatid ang pagkasunod sunod na panyayari sa akda na nagsimula sa pagiging sanggol sa
sinapupunan hanggang sa makalabas hanggang sa lumaki.

C. Mga Tayutay:

Ang mga tayutay na metapora , personipikasyon at pag-uuyam na kung saan mababatid


sa akda ang pagiging malalim ng maikling kwento.
D. Sariling Reaksyon

1. Mga Pansin at Punal

A. Tauhan

Nana-pinanganak na suhi

Ang mga tauhan ay kapwa mga tauhang lapad sapagkat ang kanilang mga karakter na
ginampanan ay hindi nagbago mula umpisa hanggang sa huli.

B. Galaw ng Pangyayari

Ang may akda gumamit ng masistematikong paglalahad na kung saan makikita ang ayos
ng kwento na kung saan dimo mawari kung saan patungo ang kwento.

2. Bisang Pampanitikan

a) Bisa sa Isip

Naging masaya ang kabataan ni Nana kay nagdala ito ng maraming alaala pag tanda niya.

b) Bisa sa Damdamin

Tumatatak ang mga pangyayari kaya maaring maging malungkot pag naalala ang mga
pinagdaanan.

c) Bisa sa Aral

Naging maganda naman ang asal ni Nana ngunit ang kanyang ama ay hindi ko masayadong
nagustuhan dahil sumali ito kilusang hindi karapat dapat.

d) Bisa sa Lipunan

ang bisa sa lipunan ay pumasok ng sa pagsali ng ama ni Nana sa mga kilusang rebelde na
kung saan may kanya kanyang pinaglalaban sa kanilang bawat bayan at kanilang karapatan.

Teoryang pampanitikan

Humanismo - nagpapalibot lamang ang kwento kay Nana na binibigyan ito ng pansin at tuon,
mula sa pagsilang niya hanggang ngayong matanda na siya.

Eksistensyalismo - may kalayaang pumili o magdesisyon katulad ng paglayas niya at pagsuway


ng konti sa magulang.

Pormalismo - naipaabot ng manunulat ang nais niyang ipahiwatig gamit ang tuwirang panitikan.
Sosyolohikal - naging mausisa ang mga tao nung may nangyari na sa kanilang bayan na tila
naapektuhan ang bawat mamamayan.

Moralistiko - Nakuha ko naman ang nais ipahiwatig ng may akda na dapat bawat desisyon natin
ay panindigan natin at kung hindi may pataw na parusa. Dapat lahat ng kilos natin alam natin
sapagkat lahat ng ito makakaapekto sa atin. Ganun pala talaga ang nangyayari. Pagpasok sa isang
uri o yugto ng buhay ay nagbabago o binababago ang sarili dahil sa mga pangyayari.

You might also like