Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
SAN FRANCISCO ELEMENTARY SCHOOL
Concepcion West District

Pangalan: __________________________________Grade 2-_____________________

Nagagamit ang Personal na Karanasan sa Paghinuha ng Mangyayari sa


Nabasa/Napakinggang Teksto o Kuwento

I-Learning Competencies:
a. MELCS;
1. nagagamit ang personal na karanasan sa paghinuha ng mangyayari sa
nabasa/napakinggang teksto o kuwento (F2KM-IIb-f-1.2)

II- Content
Ang teksto ay mga babasahin na may ipinapahayag na ideya. Ang hinuha ay ang palagay o hula
tungkol sa kalalabasan ng pangyayari. Mahalagang bahagi sa pag-unawa ng aralin na ito ang
mga karanasan. Sa pakikinig o pagbabasa ng teksto ay malaki ang maitutulong ng pag-uugnay
nito sa sariling kaalaman o karanasan upang higit itong maunawaan. Ugaliin ang pagbabasa
nang maayos at pakikinig nang mabuti upang mas maunawaan ang teksto para sa mabilis na pag-
uugnay nito sa iyong sariling karanasan.

III- Exercise/s
A. Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Ibigay ang iyong hinuha batay sa sumusunod na
mga pangyayari o pahayag. Iugnay ito ayon sa iyong sariling karanasan. Isulat ang sagot sa
iyong sagutang papel.

1. Naghati sa kaunting ulam ang magkapatid na Arkin at Jerome. Napansin ni Jerome na gusto
pang kumain ng kanyang nakababatang kapatid pero wala na itong ulam. Siya ay may ulam pa.
_________________________________

2. Alam ni Vino na may butas ang kaniyang ngipin. Paulit-ulit siyang pinagsasabihan ng
kaniyang nanay na huwag kakain ng tsokolate dahil tiyak na sasakit ang kaniyang ngipin. Isang
araw, nadatnan ng nanay si Vino na umiiyak habang sapo ang kaniyang
pisngi___________________________

3. Ilang araw ng nag-iipon ng pera si Anton para makabili ng isang biskleta. Sa daanan ng
paaralan sa looban ay nakapulot siya ng isangdaang piso. Kinabukasan, nakiramdam si Anton
kung may maghahanap ng pera. Hapon na ay wala pa ring naghahanap. Biglang sumagi sa
kanyang isip ang mga Batas ng Iskawt.
________________________________________________________
4. Pagod na pagod sa matagal na pakikipaglaro si Marky. Nakahain na ng pananghalian nang
siya’y pumasok sa kanilang bahay.
________________________________________________________
5. Naglalaro si Summer at ang bunso niyang kapatid na si Ley. Mayamaya, lumapit si Summer at
may hawak ng gunting nang bumalik. Tinawag niya si Ley.
________________________________________________________

B. Basahin mo ang kuwento. Ibahagi mo ang iyong masayang karanasan kasama ang iyong
buong pamilya sa loob ng kahon sa pamamagitan ng pagguhit. Kulayan mo ito.

Tayo ng Mamasyal
Yehey!!! Linggo na naman. Araw na naman ng aming pamamasyal sa parke. Bago kami
mamasyal sa parke ay sama-sama kaming pumupunta sa simbahan upang magdasal. Dahil
malapit lamang ang parke sa aming simbahan ay masaya kaming naglalakad habang
nagkukuwentuhan papunta roon. Makulay din dahil sa nadaraanan naming iba’t ibang kulay ng
mga bulaklak. Masaya rin dahil marami kaming baon na masasarap na pagkain gaya ng paborito
kong fried chicken at spageti. Pagdating sa parke ay masaya kaming naglalaro ng aking kapatid.
At higit sa lahat, masaya kami dahil magkakasama kaming buong pamilya.

IV-Assessment
Basahin mo ang mga sumusunod na sitwasyon. Ano ang hinuha mo sa kalalabasan ng
pangyayari sa bawat bilang? Piliin mo ang titik ng iyong sagot at isulat ito sa iyong sagutang
papel.

1. Maagang nakatulog si Yvonne dahil masakit ang kaniyang ulo. Hindi siya tuloy nakagawa ng
mga takdang-aralin niya.
a. Hindi siya papasok sa susunod na araw. Ayaw niyang mapagalitan ng kaniyang guro sa
pagpasok nang walang takdang-aralin.
b. Papasok siya. Sasabihin niya sa kaniyang guro kung bakit hindi siya nakagawa ng mga
takdang-aralin.

2. Pupunta ang nanay sa probinsiya. Gustung-gustong sumama ni Kim pero mayroon siyang
markahang pagsusulit. Sa araw ng pag-alis ng nanay, nagkasakit kaya hindi makakasama ang ate
ni Kim. Hindi maaaring lumakad nang walang kasama ang nanay.
a. Sasamahan ni Kim ang nanay. Liliban siya sa iskul kaya hindi siya makakapag-test.
b. Hindi na tutuloy ang nanay. Hindi siya papaya na mag-absent si Kim dahil may test ito.

3. Pangako ng mga magulang kay Jessica na bibigyan siya ng parti sa kaniyang kaarawan. Ilanga
raw bago ang parti, naospital ang tatay ni Jessica. Naibayad pati ang perang nakalaan para sa
kaarawan niya. Nang kausapin si Jessica ng kaniyang mga magulang,
a. pipilitin niya ang mga ito na ituloy ang kaniyang bertdey parti.
b. sasabihin niyang huwag nang ituloy ang kaniyang bertdey parti.

4. Alam ni Yna na may butas ang kaniyang ngipin. Paulit-ulit siyang pinagsasabihan ng kaniyang
nanay na huwag kakain ng tsokolate dahil tiyak na sasakit ang kaniyang ngipin. Isang araw,
nadatnan ng nanay si Yna na umiiyak habang sapo niya ang kaniyang pisngi.
a. Kumain siya ng tsokolate kaya sumakit ang kaniyang ngipin.
b. Nakita niya sa salamin na dalawa na ang ngipin niyang may butas.

5. Nagsalang ng tubig ang nanay. Nang Makita ni Miggy na kumukulo na iyon. Pinatay niya ang
apoy at binuhat ang kaldero. Subalit mainit pala ng hawakan niya iyon.
a. Hindi niya matatagalan ang init. Mababagsak niya ang kaldero.
b. Tatawagin niya ang kaniyang nanay para kunin ang kaldero sa kaniya.

NOTE: Kung hindi kasya ang sagot, isulat ito sa likod.


ANNOUNCEMENT!
Dalhin ang mga sumusunod sa November 6, 2023
 1/8 illustration board or white board – (gagamitin po sa mga Math Activities naming)
 Window Card A2 and S2

Important Dates to Remember!


October 30-Brgy. Election (Holiday)
October 31- No Face-to-face classes(Sagutin ang Activity Sheets)
November 1 & 2 -All Saints’ & All Souls’ Day(Holiday)
November 3- No Face-to-face classes(Sagutin ang Activity Sheets)
November 6 – Resumption of Classes

Thank You and God Bless!

-Amapola G. Aguja

Adviser

You might also like