Padre Pio

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

IPINAGDIRIWANG ng Simbahang Katoliko ang kapistahan ni St.

Pio of
Pietrelcina tuwing Setyembre 23. Kilala sa tawag na Padre Pio, siya ay
isang Italian mystic na monghe noong ikadalawampung siglo na sa
loob ng 50 taon, mula 1918 hanggang 1968, ay sinasabing may mga
stigmata—mga sugat ni Hesukristo—sa kanyang kamay, paa, at
tagiliran, kaya naman kinilala siya bilang unang pari na may stigmata
sa kasaysayan ng Simbahan.

Ginawang santo si Padre Pio ni Saint John Paul II noong Hunyo 16,
2002, sa Roma, kung saan ipinalaganap niya ang katuruan ng
pagdarasal at pagkakawanggawa. Kinilala siya sa nagawa niyang
dalawang milagro: Bago ang kanyang beatification—isang hakbang
bago maging santo—pinaniniwalaan na nakapagpagaling siya ng isang
babaeng Italian na may sakit sa baga. Ang pangalawang milagro
naman ay ang pagpapagaling sa isang 11-anyos na batang Italian na
may meningitis, na ang ina ay nagdasal kay Padre Pio habang
comatose ang paslit.

Lumawak na ang debosyon kay Padre Pio sa maraming bansa, kabilang


ang Pilipinas. Maraming milagro at kasagutan sa panalangin ang
maiuugnay sa kanya. Ang monasteryo sa bandang tuktok na bayan ng
San Giovanni Rotondo sa Italy, kung saan siya nakatira, ay nagtayo ng
medical at religious center. Milyun-milyong manlalakbay ang
nagtutungo sa kanyang pinaghimlayan sa Church of Our Lady of Grace,
ikalawa sa dambana ng Our Lady of Guadalupe sa Mexico sa dinaragsa
ng maraming bisita kada taon.

Itinatag ng Filipino spiritual leaders ang Philippine Center for St. Pio of
Pietrelcina para itaguyod ang debosyon sa santo, magsagawa ng mga
kawanggawa, at matulungan ang dumadaming mananampalataya.
Naitayo ang kapilya sa Libis, Quezon City, kung saan naka-display ang
relics ng santo. Sa shrine sa Sto. Tomas, Batangas, makikita ang
imahen nito na bubungad sa mga deboto at manlalakbay. May malaki
ring imahen ng santo sa Festival Mall sa Alabang, kung saan maaaring
makapagdasal at magnilay-nilay.

Ipinanganak noong Mayo 25, 1887, bilang Francesco sa isang mahirap


na pamilya at ipinangalan kay St. Francis of Assisi, nahimok siya sa
pagkapari simula pa sa pagkabata. Naging Capuchin siya sa edad na
16, nakatanggap ng abito noong 1902, at naitalaga sa pagkapari noong
1910 bilang Padre Pio. Inialay niya ang kanyang buhay sa pagbabahagi
ng mga espirituwal niyang kakayahan, tulad ng pagpapagaling,
paglalahad ng propesiya, at pagpapayo sa mga tao. Deboto sa
pananalangin, sasabihin niya: “In books we seek God, in prayer we find
Him. Prayer is the key which opens God’s heart.”

Noong Setyembre 20, 1918, nagdarasal siya sa harap ng isang


malaking krus nang natanggap niya ang stigmata. Nawala ang mga
sugat nang pumanaw siya noong Setyembre 23, 1968. Nananatiling
hindi naaagnas ang katawan niya ilang taon matapos siyang pumanaw.
Siya ay santong patron ng mga civil defense volunteer.

You might also like