Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Clark Anthony V.

Manzano
12- Courage

“Ang Dagat at Si Lolo Pedro”

Ang kwento ay nagsimula sa isang lugar na tinatawag na Verde


Island Passage, kung saan ang mga tao ay umaasa sa
pangingisda bilang kanilang ikinabubuhay. Isang araw,
nagdatingan ang mga negosyante at ipinakilala ang ornamental
fishing bilang bagong pagkakakitaan. Nag-umpisa ito nang
gamitin ang kompresor na may lason na sodium selenide, ngunit
ito ay ipinagbawal noong 1994 dahil sa epekto nito sa mga coral
reefs. Bagamat naapektohan si Lolo Pedro at ang kanyang anak
na si Boyten, patuloy pa rin ang negosyo ng aquarium fishing.

Isang malupit na aksidente ang sumubok kay Boyten, na


nagresulta sa pagkaparalisa niya. Sa kabila ng panganib na dulot
ng kanilang trabaho, patuloy silang sumusubok na mabuhay sa
dagat. Ang mga bata sa lugar ay maaga nang nakikilala ang
hirap ng buhay sa pamamagitan ng pagsisid sa ilalim ng dagat,
subalit hindi ito tiyak na mapapakinabangan dahil sa tagal ng
byahe at ang posibilidad na mamatay ang mga isda sa kanilang
panghuhuli.

Ang kwentong ito ay nagpapakita ng mga pagsubok at hirap ng


mga taong umaasa sa karagatan para sa kanilang kabuhayan. Sa
kabila ng lahat ng ito, sila ay patuloy na lumalaban at umaasa na
magkaroon ng mas magandang buhay.

You might also like