Branches of Science

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

FILIPINO 11

Filipino sa Piling Larang (AKADEMIK)


ACTIVITY SHEET – Kwarter 2 Week 1

Pangalan: _________________________________ Baitang 11 _________________

Aralin 1: Katitikan ng Pulong

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto


Natutukoy ang mahahalagang impormasyon sa isang pulong upang makabuo ng sintesis sa
napag-usapan.

Kasanayang Pampagkatuto
A. Nasusuri ang kalikasan at katangin ng Katitikan ng Pulong;
B. Napahahalagahan ang Katitikan ng Pulong bilang bahagi ng akademikong sulatin;
C. Nakasusulat ng halimbawa ng Katitikan ng Pulong.

SUBUKIN NATIN
Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang kahalagahan ng pagsulat ng mga mahahalagang impormasyon sa
isang usapan at paano ito nakakatulong sa iyo?

BALIKAN

Bago natin simulan ang iyong magiging paglalakbay sa modyul na ito, muli mong balikan ang iyong natutunan
sa naunang aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa particular na tanong.

Tanong
1. Ano ang kahalagahan ng talumpati?
2. Paano nakatutulong ang talumpati sa mabisang pakikipagtalastasan?
TUKLASIN
KATITIKAN NG PULONG
Ang katitikan ng pulong ay isang akademikong sulatin na naglalaman ng mga tala, rekord o
pagdodokumento ng mga mahahalagang puntong nailahad sa isang pagpupulong. So, para mas ma-
gets mo, sa wikang Ingles, tinatawag itong “minutes of meeting”. Hindi kasi kilala sa mga Pilipino
ang tawag na “katitikan ng pulong” dahil nasanay tayong gamitin ang wikang dala ng dayuhan sa mga
ganitong mga bagay-bagay.
MGA INIREREKORD SA KATITIKAN NG PULONG
Napagpasiyahang aksiyon

1
Rekomendasyon
Mahahalagang isyung lumutang sa pulong
Pagababago sa polisiya
Pagbibigay ng mga magandang balita

Kahalagahan ng Katitikan

1. Ginagamit ang katitikan ng pulong upang ipaalam sa mga sangkot sa pulong, nakadalo o di
nakadalo ang mga nangyari dito.
- Kailan at saan ito nangyari
- sinu-sino ang mga dumalo
-sinu-sino ang mga lumiban at kung ano ang kanilang mga dahilan
- ano ang pinag-usapan
- ano ang mga desisyon
2. Nagsisilbing permanenteng rekord
3. Sa pamamagitan ng katitikan, maaaring magkaroon ng nahahawakang kopya ng mga nangyaring
komunikasyon.
4. Pagiging hanguan nito ng mga impormasyonpara sa mga susunod na pulong.
5. Magagamit bilang ebidensiya sakaling magkaroon ng pagtatalo sa dalawa o higit pang indibidwal o
grupo.
6. Ginagamit din upang ipaalaala sa mga indibidwal ang kanilang mga papel o responsibilidad sa
isang partikular na proyekto o gawain.

NAKATALA SA KATITIKAN ANG MGA SUMUSUNOD


-paksa
-petsa
-oras
-pook na pagdarausan ng pulong
-mga taong dumalo at di dumalo
-oras ng pagsisimula
-oras ng pagtatapos

Gabay sa pagsulat ng katitikan ng pulong

BAGO ANG PULONG

1. Ihanda ang sarili bilang tagatala


2. Lumikha ng isang template upang mapadali ang pagsulat
3. Basahin na ang inihandang agenda upang mapadali na lamang sundan ang magiging daloy ng
mismong pulong
4. Maaaring gumamit ng lapis o bolpen at papel, laptop o tape recorder

HABANG NAGPULONG
1. Magpokus sa pang-unawa sa pinag-uusapan at sa pagtala ng mga desisyon o rekomendasyon.
2. Itala ang mga aksiyon habang nangyayari ang mga ito, hindi pagkatapos.

PAGKATAPOS NG NAGPULONG
1. Repasuhin ang isinulat.
2. Kung may mga bagay na di maintindihan, lapitan at tanungin agad pagkatapos ng pulong ang
namamahala rito o ang iba pang mga dumalo.
3. Kapag tapos ng isulat, ipabasa ito sa namuno sa pulong para sa mga hindi wastong impormasyon.
4. Mas mainan na may numero ang bawat linya at pahina ng katitikan upang madali itong matukoy sa
pagrerepaso o pagsusuri sa susunod na pulong.

2
SURIIN
Batay sa iyong binasa ano ang kahalagahan ng Katitikan ng Pulong?
1.________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Paano nakatutulong ang Katitikan ng Pulong sa pinang-usapan sa pulong?
2.________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

PAGYAMANIN
Suring Pangkaisipan
Panuto: Ano ang mga dapat ihanda sa pagsasagawa ng Katitikan ng Pulong, gamitin ang chart bilang
gabay sa pagsagot.

PAGHAHANDA
NG KATITIKN
NG PULONG

ISAGAWA
Panuto: Sumulat ng Katitikan ng Pulong na batay sa binigay na agenda.
Agenda ng Pulong
1. Pagtatapon ng Basura
2. Pagpapatupad ng Waste Segregation
3. Proyekyong “Basura mo Kapalit ay Bigas”

Pamantayan sa Paglikha ng Katitikan ng Pulong

3
1. Ang lilikhaing Katitikan ng Pulong ay maiksi lamang na naayon sa agenda na ibinigay.
2. Gamitin bilang lunsaran ang Nakatala sa Katitikan ng Pulong.
3. Gawing Gabay ang halimbawa ng Katitikan ng Pulong.

Pamanatayan sa pagbibigay puntos


Pagsunod sa panuto 5pts
Tamang gamit ng salita at bantas 5pts
Nilalaman 10pts
Kalinisan sa paggawa 5pts
Kabuuan 25pts

ISAISIP
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Ano ang dapat taglayin ng isang tagasulat ng katitikan ng pulong?

2. Sa iyong pananaw, ano ang maaaring kahantungan ng isang pulong kung ito ay walang katitikan ng
Pulong?

TAYAHIN
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay dokumentong nagtatala ng mahahalagang diskusyon at desisyon


a. Liham b. Katitikan ng Pulong c. Lakbay salaysay d. Balita
2. Ito ay paglikha ng isang template upang mapadali ang pagsulat.
a. Bago ang pulong b. Habang nagpupulong c. Pagkatapos ng pulong
3. Ito ay pangangalap ng mga impormasyon tungkol sa mga layunin ng pulong, sino na ang mga
dumating, at iba pa.
a. Bago ang pulong b. Habang nagpupulong c. Pagkatapos ng pulong
4. Magpokus sa pang-unawa sa pinag-uusapan at sa pagtala ng mga desisyon o rekomendasyon.
a. Bago ang pulong b. Habang nagpupulong c. Pagkatapos ng pulong
5. Repasuhin ang isinulat.
a. Bago ang pulong b. Habang nagpupulong c. Pagkatapos ng pulong
6. Sa bahaging ito ng katitikan ng pulong inilalagay ang lugar ng pagpupulong.
a. Oras ng pagtatapos ng pulong b. Petsa c. Lugar d. Agenda
7. Huling bahagi ng pulong na tumitindig na tapos na ang pagpupulong.

4
a. Oras ng pagtatapos ng pulong b. Petsa c. Lugar d. Agenda
8. Dito nakalagay ang mga pag-uusapan sa pulong.
a. Oras ng pagtatapos ng pulong b. Petsa c. Lugar d. Agenda
9. Talaan ng mga kasapi ng pulong
a. Oras ng pagtatapos ng pulong b. Mga dumalo at di dumalo
c. Oras ng Panimula ng pulong d. Agenda
10. Isinusulat sa bahaging ito ang takdang oras sa pagsisimula ng pulong.
a. Oras ng pagtatapos ng pulong b. Mga dumalo at di dumalo
c. Oras ng Panimula ng pulong d. Agenda

PAGNINILAY

Panuto: Magsusulat ang mga mag-aaral sa kanilang journal/kwaderno ng kanilang repleksyon gamit
ang sumusunod na pormat

Nauunawaan ko na ______________________________________________________________
Nabatid na_______________________________________________________________________

Sanggunian
Villanueva Bandril (2016) Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang ( Akademik at Sining), Vibal Group
Inc, Quezon City.

Corazon L. Santos, Ph.D (2016) Filipino sa Piling Larang ( Akademik), Department of Education-
Bureau of Learning Resources ( DepEd-BLR), Meralco Avenue, Pasig City.
Tamang Kasagutan

Tayahin
1. B
2. A
3. A
4. B
5. C
6. C
7. A
8. D
9. B
10. C
5

You might also like