Professional Documents
Culture Documents
The Lost Slippers
The Lost Slippers
1 EXT/INT. (KALSADA) 1
ALYANA
"Anak ko asaan ka na? Umuwi ka na
hinahanap na ikaw ni Inay.. Anak
ko!! Nakita niyo po ba ang anak ko?
may suoot na pulang damit at maliit
na bata?"
EXTRA
"Wala po kami nakita.."
ALYANA
"Anak ko lumabas na at magpakita
kay Inay, ipagluluto kita ng
paborito mong ulam basta't
magpakita lamang sa akin! Anak
ko.."
ALYANA
" Anak ko lumabas na ..hindi
sinasadyang mapagtaasan ka ng boses
ni Ina.. Magpakita na anak ko.."
ALYANA
"Oh Panginoon ko ibalik at ipalkita
ang aking minamahal, siya po ay
inyong protektahan. Ako'y
nagmamakaawa ibalik sa akin ang
aking anak!!"
PAN
2 INT. (BAHAY) 2
ELIAS
ALYANA
"Walong Buwan na Elias, Pilit mo pa
rin akong dinadalaw sa panaginip
pero hindi mo manlang magawang
bumalik kay Inay"
(Knock Knock)
EDWARDO
"Alyana.."
ALYANA
"Anong ginagawa mo rito?!"
EDWARDO
"Kamusta ka na?Ako'y napabisita
lang"
ALYANA
"Hindi kita kailangan dito, umalis
ka na"
EDWARDO
"Pero Aly-"
ALYANA
"Hindi ko kailangan ng isang Ama na
walang ginagawa upang hanapin ang
aming anak."
3 INT. (BAHAY) 3
ALYANA
"Ano ang panaginip na iyon"
ALYANA
"Panginoon ano po ang ibig sabihin
ng inyong pinakitang panaginip sa
akin? Ano po ang inyong
pinahihiwatig? Asan na po ang anak
ko? Hindi ko maintindihan ang
panaginip na iyon. Isang pares na
tsinelas na hindi ko alam kung
kanino.. Panginoon tulungan niyo
ako. Ako ay nananalig sa
kapangyarihan niyo at ako ay
nagtitiwala sa inyong plano. Aba
ginoong maria napupuno ka ng
grasya, ang panginoong Diyos ay
sumasaiyo bukod kang pinagpala sa
lahat at pinagpala naman ang iyong
anak na si Hesus. Santa Maria Ina
ng Diyos, ipanalangin mo po kaming
makasalanan, ngayon at kung
mamamatay. Amen"
4 INT. ( BAHAY ) 4
ALYANA
"Anak ko.. ang paborito mong
tsinelas... Nasaan ka na?"
ALYANA
"PANGINOON MARAMING SALAMAT AT
DININIG NIYO ANG AKING PANALANGIN!!
SALAMAT AT INYONG IPINAKITA SA
AKIN! AMEN!! AMEN!"
5 INT. (BAHAY) 5
ELIAS
"Ina bitawan mo na kami.."
ALYANA
"Anak ko tsinelas lamang ang
ibinigay mo saakin, asan ka na ba?
bumalik ka na kay Inay, wag kang
magalala sisiguraduhin ko na
hahanapin ko ang paborito mong
tsinelas"
ALYANA
"Asan na ang isang pares ng
tsinelas?"
6 INT. ( BAHAY ) 6
ADA
"Ate..."
ALYANA
"Ada.."
ADA
"Ate.. Kamusta ka na?"
ALYANA
"Anong ginagawa mo rito Ada? Anong
oras na.. Bakit ka umiiyak? Anong
problema?"
ADA
"Ate, bumalik ka na sa amin ni
mama.. Umuwi ka na samin, miss na
miss ka na namin ni mama ate"
ALYANA
"Hindi pwede Ada, hindi ko pwedeng
iwan nalang si Elias. Kailangan ko
pa siya hanapin"
ADA
"Ate tama na, matagal ng wala si
Elias pakawalan mo na sila.. tama
na ate"
ALYANA
"Ano bang sinasabi mo Ada? Hindi
kita maintindihan"
ADA
"Hindi ate, hindi ko na nakakayang
makita ka na ganito halos wala ka
na kain at ilang buwan ng hindi
lumalabas sa bahay.. ate parang awa
mo na bumalik ka na samin.
Pakawalan mo na sila"
ALYANA
"Ada satingin ko kailangan mo na
umuwi, hindi ko gusto ang sinasabi
mo.. ginagawa ko lahat to para kay
Elias"
ADA
"Ate matagal na silang wala.."
ALYANA
"ANO BANG SINASABI MO ADA? ANONG
IILANG BUWAN NA AKONG HINDI
LUMALABAS? HALOS ARAW AT GABI AKO
LUMALABAS PARA LANG HANAPIN SI
ELIAS. HINDI NIYO ALAM ANG
PINAGDADAANAN KO ADA. HINDI NIYO
MAINTINDIHAN. HINDI KO KAYANG
PAKAWALAN NALANG BASTA BASTA ANG
ANAK KO ADA"
ALYANA
"Hindi niyo maintindihan Ada, anak
ko ang nawawala.. hindi ko kayang
manatili nalang sa tabi at
nagiintay ng himala na bumalik si
Elias"
ADA
"Ate, naiintindihan kita pero hindi
na rin namin kaya na makita ka
nalang na ganito.. Halos wala ka na
sa ayos at ni masinagan ng araw ay
hindi na dumadapo sa balat mo"
ALYANA
"Umalis ka na Ada, hindi ko
kailangan ng awa mo at ninyong
lahat"
ADA
"Ate.."
ALYANA
"Umalis ka na Ada bago ko pa
makalimutan na kapatid kita"
ADA
"Hindi ako aalis.. mahal na mahal
ka namin ate at hindi ko kayang
makita na hindi mo matanggap ang
katotohanan"
ALYANA
"Ano bang sinasabi mo Ada? Anong
katotohanan?"
ADA
"Ate pinatay sila"
7 INT. (BAHAY) 7
(FLASHBACK)
(TIK TOK TIK TOK TIK TOK)
ELIAS
ELIAS
"Ama.. may kumakatok po sa labas"
ELIAS
"Ama gising, may tao po sa labas"
ELIAS
"Tao po, sino po iyan?"
ELIAS
"Sino po iyan?"
ELIAS
"Walang galang na ho, nagkakamali
po ata kayo ng bahay na
pinagkakatukan.."
8 INT. (BAHAY) 8
ELIAS
"Sino ho kayo? Anong ginagawa mo
rito?"
SOMEONE
"Pwede ba tayo maglaro?"
ELIAS
"Hindi pwede.. Hindi ako papayagan
ni ama at isa pa, maaga pa para
maglaro.. umuwi ka muna at bumalik
nalamang dito"
ELIAS
"Pasensiya na"
SOMEONE
"Bakit ayaw mong makipaglaro sa
akin?"
ELIAS
"Ano ang iyong ginagawa? lumabas na
kana bukas ay makikipaglaro ako
sayo"
SOMEONE
"Gusto ko ngayon"
ELIAS
"Hindi pwede ako ay papagalitan ni
Ama"
ELIAS
"Aray!!"
ELIAS
"Tama na.. TULONG!! AMA!!
9 INT. (BAHAY) 9
ELIAS
"Ama..Tama na po.."
EDWARDO
"Elias?"
ELIAS
"Ama"
EDWARDO
"Elias asaan ka? Bumalik ka rito
anong oras pa lamang"
ELIAS
"AMA!!!"
EDWARDO
"SINO KA? ELIAS!!"
EDWARDO
"Elias? Okay ka lang ba?!"
EDWARDO
"Elias.."
SOMEONE
10 INT. (BAHAY) 10
(END OF FLASHBACK)
ALYANA
"Ada.. Bakit? bakit kailangan
mangyare kay Elias at Edwardo lahat
nang yon? Bakit sila pa Ada? Bakit
kailangan ko pang umalis nung araw
na yon? Kung alam ko lang na--"
ALYANA
"Ada, bakit sila kinuha sakin agad?
Hindi ko kaya.. Mahal na mahal ko
sila.. Hindi ko kayang tanggapin
Ada kahit walong buwan na ang
nakalipas hindi ko pa rin kayang
makita na nakaburol sila.. hindi ko
kaya Ada, masakit"
IADA
"Shh.. Tahan na ate, tahan na"
11 INT. (BAHAY) 11
ALYANA
"Panginoon, anong ginawaq ko sainyo
para maranasan ang ganito? Bakit
niyo ibinigay sa akin ang pamilya
ko at babawiin din sa akin? Wala
akong kasalanan sainyo. Araw araw
akong nananalig sainyo pero lahat
ay kinuha niyo sa akin! Ano pa ba
ang dapat kong gawin?! Eto ba ang
buhay na gusto niyo ibigay sa akin?
Eto ba? Eto ba?!! ang sinasabi
niyong plano?? Totoo ba talaga
kayo? O umaasa lang talaga ako na
may himala sainyo!"
ALYANA
"Hindi ka totoo!! Hindi kayo
totoo!!!"
12 INT/EXT. (BAHAY/SEMENTERYO) 12
ALYANA
"Kamusta na Edwardo? Elias?
Pagpasensiyahan niyo na ako at
hindi ako nakadalaw sainyo..
masiyadon kasi akong nahirapan
magtago"
ALYANA
ALYANA
"Hindi talaga maasahan ang batas
no? Hindi sila ganon katalino para
hindi tuluyang malaman kung sino ba
talaga may pakana ng lahat.. Wala
talaga sila alam sa tunay na
nangyare
13 INT. (BAHAY) 13
(FLASHBACK)
(TIK TOK TIK TOK TIK TOK)
ELIAS
"Ama.. may tao po sa labas"
ELIAS
"Ama, may kumakatok po sa labas.."
ELIAS
"Ama, may tao po ata sa labas"
ELIAS
"Sino po iyan?"
ELIAS
"Tao po, sino po iyan?"
ELIAS
"Mali ata po kayo ng nakakatukan ng
bahay.."
ELIAS
"Ina!!"
14 INT. (BAHAY) 14
ELIAS
"Ina! Nakauwi ka na po pala,
pasensiya na po at hindi ko kaagad
kayo pinag buksan.. bilin ho ni
ama"
ALYANA
"Asaan ang Ama mo? Bakit gising ka
pa?"
ELIAS
"Nagising lang po ako Ina,
natutulog pa po si Ama"
ELIAS
"Ina gusto niyo po ba ng maii-"
ELIAS
"Ina.."
ALYANA
"Alam ko ang plano niyo Elias, wag
mo na pagtakpan ang ama mo sa
akin!"
ELIAS
"Ina ano po ba ang inyong
sinasabi?"
ALYANA
"wag ka na mag maangan Elias, hindi
kita pinalaking sinungaling"
ELIAS
"Ina hindi ko po alam kung ano ang
tinutukoy niyo"
ALYANA
"Alam ko naman na balk niyo akong
iwan Elias, pero bakit? Bakit ha?
May iba na ba ang tatay mo?"
ELIAS
"Ina wala po!"
ALYANA
"Lahat naman binigay ko sainyo
Elias ano pa ba ang kulang?"
ELIAS
"Ina.. hindi ko po maintindihan..
wala po kaming balak na iwan ka ni
ama"
ALYANA
ALYANA
"SAAN KA NAMAN PUPUNTA?"
ELIAS
"Inatama na po.."
15 INT. (BAHAY) 15
(Now playing Bigay ka ng
may kapal by Freddie)
ALYANA
"Mahal na mahal ko kayo Elias hindi
ko kayang iiwan niyo ako"
ALYANA
"HINDI NIYO AKO PWEDENG IWAN!!!"
ELIAS
"Ina, tama na po, nasasaktan na
ako"
ALYANA
"Kamusta ang tulog mo mahal?
Pagpasensiyahan mo na at naistorbo
ko ang tulog mo, napaka ingay kasi
netong si Elias"
EDWARDO
"Alyana! Anong ginagawa mo?"
ALYANA
"Pinagsasabihan ko lang ang anak
natin"
EDWARDO
"Nahihibang ka na Alyana, Hindi mo
kailangan saktan si Elias tayo ang
mag usap!"
ALYANA
"Wala tayong dapat pagusapan
Edwardo dahil malinaw na sakin na
gusto niyo akong iwan"
EDWARDO
"Oo! Iiwan ka na namin hanggat
hindi mo inaayos ang sarili mo para
sa amin ng anak mo!"
ALYANA
"HINDI AKO PAPAYAG! BAKIT? MAY IBA
KA NA??"
EDWARDO
"Halika na Elias, ipaghanda mo na
ang mga damit mo"
ALYANA
"Walang aalis sa bahay na to"
EDWARDO
"Sige na Elias, sundin mo ang utos
ko"
ALYANA
"Walang makakalabas sainyo sa bahay
na to"
ELIAS
"AMA!!!"
ELIAS
"Tama na po ina parang awa mo na
po"
ALYANA
"Pareho pareho kayong iniiwan ako.
"
EDWARDO
"Elias.."
ALYANA
"Ayan ang napapala niyong pagiwan
sa akin"
EDWARDO
"Anak ko.. Elias.. gumising ka
andito si ama.."
16 INT. (BAHAY) 16
ALYANA
"Naalala mo pa ba ang paborito
nating tugtog Edwardo? Hanggang
ngayon ay hindi ko pa rin malimutan
ang masasayang araw na magkasama
tayo"
EDWARDO
"Tama na Alyana"
ALYANA
"Edwardo, samahan mo ako sumayaw"
EDWARDO
"Nahihibang ka na talaga Alyana,
Hindi ko alam kung pano mo nagawa
sa amin to ni Elias! Natuluyan ka
na talagang Baliw!!"
EDWARDO
"kailanman hindi sumagi sa isip ko
na iwan ka Alyana, sinubukan ko
ipagamot ka, sinubukan ko tiisin
ang kabaliwan mo.. pero ngayon na
idamay mo at patayin ang anak natin
hindi ko alam kung kaya kitang
patawarin"
EDWARDO
"Mahal na mahal ka namin Alyana.."
ALYANA
"Hindi niyo ako mahal, hindi niyo
ako mahal, HINDI NIYO AKO MAHAL!!!"
17 EXT. (SEMENTERYO) 17
ALYANA
"Masaya na tayo Edwardo kasama ng
anak natin na si Elias, pero hindi
ko alam bakit kailangan mo sirain
ang lahat.. Ikaw ang may kasalanan
nitong lahat!"
ALYANA
"Salamat Edwardo, anak ko dahil
hindi niyo ako iniwan.. Alaman kong
gusto niyo na akong makasama..
onting tiis na lang"
ALYANA
"Anak ko, pasensiya na ah kung
hindi ko agad naalala na naisama ko
pala yung kabila mong tsinelas sa
mga itatapon ko..Nilinisan ko na
rin yan dahil may iloang talsik ng
dugo "
ALYANA
"Sa susunod kasi ay wag niyo akong
bibiruin na hindi niyo naman ako
iiwan ayan tuloy ang napapala
niyo.. paalam na anak at asawa
kailangan ko ng umuwi baka nag
iintay na rin sa akin si Ada.."
ADA
"Hindi mo na kailangan umuwi ate"
ALYANA
"Ada.. Andiyan ka pala?"
ADA
"Alam ko na ate simula pa lang kung
ano ang tunay na ginawa mo kay kuya
at Elias"
ALYANA
"Ada.."
ADA
"Sinubukan namin ate na maging
maayos ka pero hindi namin alam na
kaya mo gawin yun miski sa pamilya
mo"
ALYANA
"Hindi mo naiintindihan Ada.. pwede
kitang isunod kailangan mo lang
manahimik."
ALYANA
"Pulis.. Merong pulis!!"
ALYANA
"Bitawan niyoko!! Sabing Bitawan
niyo ako e! Hindi niyo alam kaya
kong gawin sainyo!! Please...
Bitawan niyo ako!!!"
ADA
"Hindi mo kailanman makakasama ang
asawa at ang anak mo Alyana,dahil
ang punta mo ay sa kulungan at
mamatay kang mapupunta sa Impyerno.
Ang kinatatakutan mong malayo
sakanila ay ginawa mo na. Kasalanan
mo ang lahat, mabubulok ka sa
kasalanang ginawa mo"
ALYANA
"Hindi.. Ada. hindi, parang awa mo
na.. ada!!"
ADA
"Kuya, Elias wag kayo mag alala
sisiguraduhin kong pagbabayaran ni
ate lahat lahat.. maging masaya
sana kayo kung nasaan kayo..
paalam"
(wakas..)