Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV – A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
GOV. FELICIANO LEVISTE MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL

TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON SA PAGSUSULIT SA FILIPINO


UNANG MARKAHAN -BAITANG 8
2023- 2024

KASANAYAN KOMPETENSI URI NG KINALALAGYA BILANG LAANG


PAGSUSULI N NG AYTEM NG ORAS
T AYTEM
PAKIKINIG Nakikinig nang may pag- May 1-5 5 5 minuto
unawa upang: Pagpipilian
-mapag- ugnay ang mga
pangyayari
-mailahad ang layunin ng
napakinggan
(F8PN-Ig-h-22)
PAGBASA Naiuugnay ang May 6-10 5 5 minuto
mahahalagang kaisipang Pagpipilian
nakapaloob sa mga
karunungang-bayan sa mga
pangyayari sa tunay na buhay
sa kasalukuyan.
(F8PB-Ia-c-22)
PAGBASA Nailalahad ang layunin ng May 11-15 5 5 minuto
pahayag. Pagpipilian
(F8PN-Ig-h-22)
PAGSASALITA Nagagamit ang iba’t ibang May 16- 20 5 5 minuto
teknik sa pagpapalawak ng Pagpipilian
paksa: paghahawig o
pagtutulad, pagbibigay
depinisyon, o pagsusuri.
(F8PS-Ig-h-22)
PAGLINANG Nabibigyang-kahulugan ang May 21- 25 5 5 minuto
NG mga talinghaga, eupimistiko o Pagpipilian
TALASALITAA masining na pahayag ginamit
N sa tula,
balagtasan, alamat, maikling
kuwento, epiko ayon sa: -
kasingkahulugan at
kasalungat na
kahulugan
(F8PT-Ia-c-19)
WIKA AT Nagagamit ang May 26- 30 5 5 minuto
GRAMATIKA paghahambing sa pagbuo ng Pagpipilian
alinman sa bugtong,
salawikain, sawikain o
kasabihan (eupemistikong
pahayag)
(F8WG-Ia-c-17)
WIKA AT Natutukoy ang sariling May 31- 35 5 5 minuto
GRAMATIKA opinyon o pananaw sa mga Pagpipilian
pahayag
(F8PN-Ii-j-23)
WIKA AT Nagagamit ang mga hudyat May 36- 40 5 5 minuto
GRAMATIKA ng sanhi at bunga ng mga Pagpipilian
pangyayari
(F8WG-Igh-22)
WIKA AT Nagagamit nang maayos ang May 41- 45 5 5 minuto
GRAMATIKA mga pahayag sa pag-aayos Pagpipilian
ng datos (una, isa pa, iba pa)
(F8WG-Ii-j-23)
PAGSULAT Naisusulat ang talatang: Pagsusulat ng 46-50 5 15 minuto
School ID: 301102
Address: District IV, Igualdad St., Lemery, Batangas
(043) 321-6046
301102@deped.gov.ph
DepEd Tayo Gov. Feliciano Leviste MNHS – Batangas
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV – A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
GOV. FELICIANO LEVISTE MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL

Talata
-binubuo ng magkakaugnay at
maayos na mga pangungusap

-nagpapahayag ng sariling
palagay o kaisipan
(F8PU-Ig-h-22)

Inihanda:

KENNETH D. CAMSON
Guro III
Binigyang Pansin:

JOCELYN R. UMALI
Puno VI, Kagawaran ng Filipino

School ID: 301102


Address: District IV, Igualdad St., Lemery, Batangas
(043) 321-6046
301102@deped.gov.ph
DepEd Tayo Gov. Feliciano Leviste MNHS – Batangas
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV – A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
GOV. FELICIANO LEVISTE MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL

Pangalan: Iskor:
Baitang:
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
FILIPINO 8

PAKIKINIG: Nakikinig nang may pag-unawa upang mapag- ugnay ang mga pangyayari at mailahad ang layunin
ng napakinggan. (F8PN-Ig-h-22)
Panuto: Pakinggang mabuti ang talata na babasahin ng guro. Isulat ang titik ng tamang sagot.
Noong panahon ng pandemya, ang pamahalaan ng Pilipinas ay naglabas ng kautusang stay at home. Ang
pananatili sa bahay ay isang hakbang upang mapigilan ang pagkalat ng Corona Virus. Mahigpit ang bilin lalo na sa mga
kabataang nasa edad 20 pababa at nasa edad 60 taong gulang pataas o kilala sa tawag na mga senior citizen na mas
madaling mahawaan ng sakit na ito. Isang tao lamang ang maaaring lumabas upang bumili ng mga mahahalagang
pangangailangan katulad ng pagkain at gamot. Sa paglabas ng bahay, kinakailangang magsuot ng face mask at sundin
ang physical distancing-magkaroon ng isang metrong layo upang mabawasan ang pakikisalamuha sa mga taong
posibleng may Covid19.
1. Batay sa sitwasyon, paano binigyang kahulugan ang stay at home?
A. Huwag lumabas ng bahay para hindi makulong.
B. Pananatili sa bahay upang di mapagalitan ng magulang.
C. Pananatili sa tahanan upang gampanan ang mga gawaing bahay.
D. Pananatili sa bahay dahil ito ay alinsunod sa batas na ipinatupad dahil sa pandemyang Covid19.
2. Alin sa sumusunod ang naglalarawan ng makabuluhang kalagayan sa panahon ng pandemya?
A. Nakalulungkot isipin na hindi na nakakalabas ng bahay nang malaya gaya ng dati.
B. Mas maganda ang buhay ngayon dahil makapaglalaro na ng computer games buong araw.
C. Nakakainip manatili sa bahay dahil bawal nang lumabas at hindi na pwedeng gumala kasama ang barkada.
D. Nagkaroon ng oportunidad upang makatulong sa mga gawaing bahay at nakagagawa ng mga bagay na hindi pa
nagagawa noong wala pang pandemya.
3. Batay sa pangyayari, nasusunod ba ng mga mamamayan ang physical distancing na ipinatutupad ng batas?
A. Hindi, dahil matitigas ang ulo ng mga tao. C. Oo, dahil ayon sa batas para maiwasan ang pagkahawa sa sakit.
B. Oo, dahil ayaw nilang mahuli at makulong. D. Hindi, dahil sanay silang magkatabi.
4. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pag- iwas sa Covid19?
A. Pananatili sa bahay,
B. Pagsali sa mga gawaing pangkalusugan sa barangay.
C. Paglalako ng mga gulay upang matulungan ang mga magulang na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.
D. Pagtulong sa paglilinis ng barangay nang hindi kumalat ang corona virus.
5. Ano ang layunin ng teksto?
A. magbigay- alam B. manghikayat C. manglibang
PAGBASA: Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga karunungang-bayan sa mga pangyayari
sa tunay na buhay sa kasalukuyan. (F8PB-Ia-c-22)
Panuto: Basahin ang mga sitwasyong nangyayari sa totoong buhay sa kasalukuyan. Mula rito, piliin ang pinakaangkop na
kasabihan, salawikain o sawikaing angkop sa pangyayari.
6. Madalas kang tuksuhin ng iyong kamag-aral dahil salat ka sa pangangailangan pero puno ka naman sa pagmamahal
ng iyong mga magulang. Ang pangyayaring ito sa iyong buhay ang iyong naging inspirasyon upang mag-aral nang
mabuti. Mabilis na dumaan ang panahon at ikaw ay nakapagtapos ng pag-aaral. Ang dating tinutukso noon ay umunlad at
nagkaroon na ng magandang buhay.
A. Kapag may tiyaga, may nilaga.
B. Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.
C. Huwag mong sa gawin sa iba, ang ayaw mong gawin ng iba sa iyo.
D. Bago mo linisin ang dungis ng iba, linisin muna ang putik sa iyong mukha.
7. Hiniling ng matalik mong kaibigan na magsinungaling ka at sabihing kayo ang magkasama sa kaniyang panonood ng
sine. Hindi ka pumayag kaya nagalit siya. Hindi ka niya kinibo nang mahabang panahon. Kahit ganoon, noong siya ay
biglang nagkasakit, agad kang pumunta sa kanya.
A. Ang tunay na kaibigan karamay kailanman.
B. Ang tunay na kaibigan nasusubok sa kagipitan.
C. Ang tunay na kaibigan ay karamay sa kasinungalingan.
D. Ang mga hangal ay nagsisinungaling, ang mga matatalino ay nanatili sa katotohanan.
8. Ang mga frontliners sa panahon ng pandemyang Covid19 ay taos-pusong naglilingkod hindi lamang sa ating
komunidad at sa ating bansa.
A. bukal sa loob B. matalas na ulo C. makitid mag-isip D. malawak mag-isip
9. Sa kinahaharap nating iba’t ibang isyu sa ating lipunan, hindi maaaring magbingi-bingihan lamang tayo sa mga
pangyayaring ito. Kailangan nating kumilos.
A. taingang-kawali B. mahina ang loob C. bahag ang buntot D. matalas ang pandinig

School ID: 301102


Address: District IV, Igualdad St., Lemery, Batangas
(043) 321-6046
301102@deped.gov.ph
DepEd Tayo Gov. Feliciano Leviste MNHS – Batangas
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV – A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
GOV. FELICIANO LEVISTE MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL

10. Nag-apply sa trabaho si Arnel. Masyadong mahigpit ang pagtanggap ng bagong empleyado subalit pumila pa rin siya
sa hanay ng mga aplikante. Sa huli ay natanggap siya sa trabaho.
A. busilak ang puso B. buo ang loob C. malawak ang isip D. bahag ang buntot

PAGBASA: Nailalahad ang layunin ng pahayag. (F8PN-Ig-h-22)


Panuto: Tukuyin ang layunin ng mga sumusunod. Piliin sa kahon ang letra ng tamang sagot.
A. magbigay- alam B. manghikayat C. manglibang
11. Ang epiko ay isang tulang nagkukwento ng kabayanihan ng pangunahing tauhan. Bukod dito, ang pangunahing
tauhan ay mayroong mga katangian na higit pa sa ordinaryong tao. Kadalasan, ang mga pangunahing tauhan ay galing
sa angkan ng mga diyos at diyosa. A
12. Laking mahirap, may malasakit sa kapwa. Laging maaasahan. Iboto! Juan Dela Cruz para Mayor! B
13. Hulaan ang sagot: Isang prinsesa, nakaupo sa tasa. C
14. Ang ating pambansang bayani ay si José Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda. Ipinanganak siya noong
Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna. Marami siyang tinapos na kurso kabilang na ang medisina. A
15. Gumamit ng Eskinol Extract para sa linis na walang katulad! C

PAGSASALITA: Nagagamit ang iba’t ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa: paghahawig o pagtutulad,
pagbibigay depinisyon, o pagsusuri. (F8PS-Ig-h-22)
Panuto: Piliin sa kahon ang angkop na teknik na ginamit sa pagpapalawak ng paksa sa sumusunod na talata.
A. Paghahawig o pagtutulad B. Pagbibigay- depinisyon C. Pagsusuri
16. Ang gamot ay sustansiyang kaiba sa idinulot ng pagkain na nakapagbabago sa gawain ng katawan o isipan. Ito ay
maaaring galing sa mga halaman o pinaghalong produkto na ginawa ng mga eksperto. B
17. Dahil sa modernong panahon, ang mga kabataan ay mas lalong nagiging malikhain dahil sa kahiligan nilang
manggalugad sa bagong teknolohiya o gadyet ngayon. Kung noon, pawang papel at bolpen lang ang gamit ng mga
kabataan sa klase, ngayon ay marami na silang pagpipilian dulot ng teknolohiya. A
18. Hindi hadlang ang kahirapan kung may pagtitiis at determinasyon sa pagkamit sa mga hangarin o pangarap sa buhay.
Maraming mga pagsubok ang haharapin, mayaman man o mahirap talagang mararanasan mo ang mga unos sa buhay.
Marapat lamang na manalig ka sa Diyos na siyang lumikha sa bawat tao. C
19. Ang pamilya ay binubuo ng magulang, anak, lolo at lola. Nakatira sa isang tahanan at masayang nagsasama. Kahit
anong problema ay kayang lutasin dahil sa pagmamahal at respeto sa bawat isa. Ito ay maliit na yunit ng ating
komunidad. B
20. Naging masaya ang buhay ni Marcela mula nang makilala niya ang kanyang ama. Tulad ng isang batang
naghahangad na magkaroon ng bagong laruan. Hindi niya maipaliwanag ang katuwaang naramdaman gaya ng pagbitibit
nito kahit saan man magpunta. A

PAGLINANG NG TALASALITAAN: Nabibigyang-kahulugan ang mga talinghaga, eupimistiko o masining na


pahayag ginamit sa tula,balagtasan, alamat, maikling kuwento, epiko ayon sa: -kasingkahulugan at kasalungat na
kahulugan (F8PT-Ia-c-19)
Panuto: Para sa bilang 21- 23, piliin ang titik ng kasingkahulugan ng mga sumusunod na salitang
nakasalungguhit at kasalungat naman sa bilang 24 at 25.
A.kapighatian B. makita C. kaawa-awa D. alaala

21. “Mangyari kayang ito’y masulyap B 23. “Sa aba ng abang mawalay sa Bayan!
ng mga Tagalog at hindi lumingap” gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay D
22. “Di gaano kaya ang paghinagpis A
ng pusong Tagalog sa puring nalait”
A.nabawasan B. nadagdagan C. mapagmahal D. taksil

24. “Banal na pag-ibig pag ikaw ang nukal 25. ”Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak B
sa tapat na puso ng sino’t alinman,” D. kahoy niyari ng buhay na nilanta't sukat”
-Pag- ibig sa Tinubuang Lupa
ni Andres Bonifacio
WIKA AT GRAMATIKA: Nagagamit ang paghahambing sa pagbuo ng alinman sa bugtong, salawikain, sawikain o
kasabihan (eupemistikong pahayag) (F8WG-Ia-c-17)
Panuto: Isulat ang PM kung ang pangungusap ay nagpapakita ng paghahambing na magkatulad at PDM kung hindi
magkatulad.
26. Lalong kahanga-hanga ang taong gumagawa ng kabutihan sa panahon ngayon dahil hindi nila iniisip ang panganib na
dulot ng covid 19. PM
27. Di - hamak na matiyaga ang mga taong namulat sa kahirapan kaysa sa lumaki sa yaman. PDM
28. Higit na malakas ang lagapak ng taong mataas ang lipad kaysa sa taong mapagkumbaba. PDM

School ID: 301102


Address: District IV, Igualdad St., Lemery, Batangas
(043) 321-6046
301102@deped.gov.ph
DepEd Tayo Gov. Feliciano Leviste MNHS – Batangas
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV – A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
GOV. FELICIANO LEVISTE MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL

29. Parehong mahalaga ang oras at araw natin sa mundong ibabaw. PM


30. Pareho siya ng isang taong tamad kaya’t madalas salat. PM
WIKA AT GRAMATIKA: Natutukoy ang sariling opinyon o pananaw sa mga pahayag. (F8PN-Ii-j-23)
Panuto: Isulat ang OPINYON kung ang pangungusap ay nagsasaad ng opinyon o pananaw at KATOTOHANAN kung
hindi.
31. Tuloy ang klase ngayong taon, para sa tulad kong estudyante, isa itong magandang balita. OPINYON
32. Sa aking palagay, makakatulong an gating magulang upang mas maintindihan ang mga aralin. OPINYON
33. Ayon sa Kagawaran ng Edukasyon, itutuloy ang taong panuruan ngunit kaakibat nito ang maraming paghahanda
upang masiguradong ligtas ang lahat ng mag-aaral. KATOTOHANAN
34. Batay sa pag-aaral, maaaring kumalat ang virus lalong lalo na kung walang proteksyong ginagamit sa katawan.
KATOTOHANAN
35. Sa tingin ko, tama lang na pagbawalan ang mga kabataang lumabas. OPINYON
WIKA AT GRAMATIKA: Nagagamit ang mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari. (F8WG-Igh-22)
Panuto: Punan ang patlang ng angkop na hudyat ng sanhi at bunga batay sa pangyayari. Isulat ang letra ng tamang
sagot.
36. ___________hindi nakikinig sa magulang, siya ay napariwara.
A. Bunga nito B. Dahil C. Dahilan D. Kaya
37. Hindi nahuhuli sa klase si Ana, __________maagang maaga siyang
gumigising.
A. bunga nito B. dahilan C. sa ganitong dahilan D. sapagkat
38. _______ nagkakasakit dahil palaging nakatutok sa gadgets.
A. Dahil B. Dahilan C. Kaya D. Sapagkat
39. ___________ ng kanilang pagsisikap, lalong yumaman ang magkakapatid.
A. Bunga B. Dahilan sa C. Kung kaya D. Sa ganitong dahilan
40.Nagkamit siya ng iba’t ibang karangalan sa kanyang paaralan _________ nag-aral siya nang mabuti.
A. bunga ng B. dahil C. mangyari D. kung kaya
WIKA AT GRAMATIKA: Nagagamit nang maayos ang mga pahayag sa pag-aayos ng datos (una, isa pa, iba pa)
(F8WG-Ii-j-23)
Panuto: Punan ng wastong salitang nagpapahayag ng pagsasa-ayos ng datos ang mga pangungusap. Isulat lamang ang
titik ng tamang sagot.
41. Maraming naging epekto ang pandemya sa ating bansa. ______, dumami ang naging mahirap dahil sa walang
mapagkakakitaan.
A. Iba pang B. Una C. Sa dakong huli D. Isa pa
42. ______, nakatulong din ito upang magkaroon ng mabuting pagsasamahan ang bawat miyembro ng pamilya.
A. Iba pang B. Una C. Ikalawa D. Sumusunod
43. Ang _______ mabuting resulta ng “lockdown” sa panahon ng pandemya ay ang nalinang na disiplina sa bawat isa.
A. iba pang B. Una C. ikalawa D. isa pa
44. _______, kailangang sundin natin ang ipinag-uutos na DOH para na rin sa ating ikabubuti.
A. Isa pa B. Iba pa C. Ikatlo D. Una
45. ______, tayo rin ang makikinabang kung susundin natin ang mga patakarang
pangkalusugan.
A. Ikalawa B. Sa isang banda C. Iba pang D. Isa pa
PAGSULAT: Naisusulat ang talatang binubuo ng magkakaugnay at maayos na mga pangungusap at
nagpapahayag ng sariling palagay o kaisipan. (F8PU-Ig-h-22)
46- 50. Panuto: Pumili ng isa sa mga paksang nagpapakita ng kulturang Pilipino. Magsulat ng talatang nagpapahayag ng
iyong sariling palagay o kaisipan sa paksang iyong napili.
A. Paggamit ng “po” at “opo” ng kabataan
B. Paggastos tuwing pista
C. Panghaharana

Inihanda:

KENNETH D. CAMSON
Guro III

Binigyang pansin:

JOCELYN R. UMALI
Puno VI, Kagawaran ng Filipino

School ID: 301102


Address: District IV, Igualdad St., Lemery, Batangas
(043) 321-6046
301102@deped.gov.ph
DepEd Tayo Gov. Feliciano Leviste MNHS – Batangas
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV – A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
GOV. FELICIANO LEVISTE MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL

School ID: 301102


Address: District IV, Igualdad St., Lemery, Batangas
(043) 321-6046
301102@deped.gov.ph
DepEd Tayo Gov. Feliciano Leviste MNHS – Batangas

You might also like