Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ferdinand Marcos (1917-1989) Naging Pangulo (1965-1986)

Si Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos (11 Setyembre 1917 – 28 Setyembre 1989) ay isang politiko,
abogado, diktador,na naging ika-10 Pangulo ng Republika ng Pilipinas mula 30 Disyembre 1965
hanggang 25 Pebrero 1986. Siya ay nagsilbing kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas
mula 1949 hanggang 1959 at kasapi ng Senado ng Pilipinas mula 1959 hanggang 1965 bago naging
Pangulo ng Pilipinas noong 1965 para sa apat na taong termino. Sa kanyang unang termino, sinimulan ni
Marcos ang paggugol sa mga gawaing pampubliko kabilang ang pagtatayo ng mga lansangan, tulay, mga
health center at mga eskwela. Kanyang napanatili ang kanyang kasikatan sa kanyang unang termino at
noong 1969 ay muling nahalal bilang pangulo para sa ikalawang 4 na taong termino. Gayunpaman, ang
kasikatan ni Marcos bilang pangulo ay bumagsak sa kanyang ikalawang termino.

Ipinanganak:
11 Setyembre 1917
Sarrat, Ilocos Norte, Pilipinas

Namatay:
28 Setyembre 1989 (edad 72)
Honolulu, Hawaii, Estados Unidos

Magulang: Don Mariano R. Marcos at Donya Josefa Edralin

Mga Nagawa:

Sa kanyang unang termino, sinimulan ni Marcos ang paggugol sa mga gawaing pampubliko
kabilang ang pagtatayo ng mga lansangan, tulay, mga health center at mga eskwela. Kanyang
napanatili ang kanyang kasikatan sa kanyang unang termino at noong 1969 ay muling nahalal
bilang pangulo para sa ikalawang 4 na taong termino.

You might also like