Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

GRADE 10c

MGA MAKABAGONG BAYANI


Dulot ng kakulangan ng mga hanapbuhay sa Pilipinas, maraming Pilipino ang
naghahanapbuhay sa labas ng bansa. Nagtitiis silang mawalay sa pamilya upang
makapaghanapbuhay at may maitustos sa pamilya. Higit sa walong milyong Pilipino ang
naghahanapbuhay sa iba’t ibang bansa ngayon. Sila ang tinataguriang Overseas Filipino
Workers (OFWs).
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, may 8.5 bilyong dolyar ang ipinasok sa
Pilipinas ng mga manggagawang Pilipino na nasa iba’t ibang lugar sa mundo noong 2004.
Nakatutulong nang malaki sa kabuhayan ng Pilipinas ang mga ipinadadalang dolyar
gayundin sa kani-kanilang pamilya. Bunga nito, ang OFWs ay binansagan na mga bagong
bayani ng bayan. Bilang pagkilala sa malaking kontribusyon nila sa ating bansa,
pinagkaloooban sila ng ating pamahalaan ng karapatang bumoto kahit sila ay nasa labas
ng bansa. Ang Embahada ng Pilipinas sa bansang kanilang pinaghahanapbuhayan ay
nagsisilbing sentro ng botohan.
Hindi rin pinagbabayad ng buwis paglalakbay ang mga OFWs. Maaari silang bumili
hanggang $2000 sa mga tindahang duty free. Nakahihiram pa sila ng pera para sa pabahay
sa ilalim ng PAG-IBIG Overseas Program.
Bukod dito, ang sinumang manggagawang Pilipino na bumalik sa Pilipinas at
nagnanais na muling magsilbi sa pamahalaan ay binibigyan ng pagkakataon. Ito ay bilang
pagkilala na rin sa kanilang pagkamakabayan.
1. Alin sa sumusunod ang sinasabing dahilan ng paghahanapbuhay
ng mga Pilipino sa ibang bansa?
a. Nais nilang makatulong sa kita ng Pilipinas.
b. Pangarap nilang makilalang bayani ng bayan.
c. Walang sapat na pagkakakitaan sa sariling bayan.
d. Hangad nilang maranasan ang maghanapbuhay sa ibang bansa.
2. Alin sa sumusunod ang HINDI nasasaad sa seleksyon?
a. Makaboboto ang OFW kahit nasa labas ng Pilipinas.
b. Nakatutulong sa kabuhayan ng Pilipinas ang mga OFW.
c. Libre sa pagbabayad ng buwis sa paglalakbay ang OFW.
d. Makahihiram ng pera ang OFW sa Pag-ibig Overseas Progam para mapa-aral ang
kanilang anak.
3. Ano kaya ang katangiang nakatutulong sa OFW upang makapaghanapbuhay sa
ibang bansa? Nakatutulong sa OFW ang __________________________.
a. pagiging magalang at palakaibigan
b. kagalingan sa pag-aaral ng ibang wika
c. pagiging matiisin at mahusay sa pakikisama
d. pagiging mapagbigay at mahilig nila sa paglalakbay
4. Alin sa sumusunod ang pangunahing kaisipan ng seleksyong binasa?
a. Nakikinabang ang pamahalaan sa mga ginagawa ng OFW.
b. Malaki ang tinitiis ng mga OFW sa kanilang paghahanapbuhay.
c. Nararapat na kilalanin ang pagsisikap ng OFW at ang bunga nito sa bansa.
d. Ang mga OFW ay nagtamo ng maraming benepisyo dahil sa ginagawa nila
para sa bansa.
5. Ano ang ginamit ng sumulat ng seleksyon upang ipaabot ang mensahe nito?
a. Malinaw na isinaad ang suliranin sa seleksyon.
b. Maingat na pinaghambing ang kalagayan ng mga OFW.
c. Tinalakay ang mga sanhi at bunga ng pag-alis ng OFW sa bansa.
d. Isinalaysay ang pagkakasunod ng mga pangyayari sa buhay ng OFW.

You might also like