Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

Sanhi at

Bunga
Ano ang Sanhi at Bunga sa
Pangungusap?
 Ang sanhi at bunga ay mga konseptong ginagamit
sa pangungusap upang maipakita ang kaugnayan
ng dalawang bahagi ng isang pangungusap.

 Ang sanhi ay ang dahilan kung bakit nangyari ang


pangyayari sa pangungusap, samantalang ang
bunga naman ay ang epekto o resulta ng
pangyayari
Ang mga sumusunod na salita at parirala ay maaaring gamitin upang
magpakita ng sanhi sa isang pangungusap:
1. Dahil sa 9. Kasunod ng
2. Bunsod ng 10. May dahilan na
3. Sanhi ng 11. Sapagkat
4. Bilang resulta ng 12. Dahil
5. Sa kadahilanang 13. Dahilan sa
6. Sa likod ng 14. Palibhasa
7. Sa dahilan ng 15. Ngunit
8. Dahil dito 16. At kasi
Ang paggamit ng mga salitang ito ay makatutulong sa pagpapakita ng
dahilan o sanhi ng isang pangyayari sa isang pangungusap. Ito rin ay
makatutulong sa pagpapakita ng kaugnayan ng mga bahagi ng
pangungusap upang mas malinaw na maunawaan ang kahulugan nito.
Mga Salitang Hudyat na Nagpapahayag ng Bunga
Ang mga sumusunod na salita at parirala ay maaaring gamitin upang
magpakita ng bunga sa isang pangungusap:
1. Kaya 8. Sa wakas
2. Sa gayon 9. Sa huli
3. Kung kaya 10. Sa kalaunan
4. Bilang resulta 11. Kung gayon
5. Samakatuwid 12. Kaya naman
6. Kaya’t 13. Kung ganyan
7. Nang sa gayon 14. Kung gaya ng
Ang mga salitang ito ay nagpapakita ng epekto o bunga ng isang
pangyayari sa pangungusap. Ito rin ay makatutulong upang maipakita
ang kaugnayan ng mga bahagi ng pangungusap upang mas malinaw na
maunawaan ang kahulugan nito.
Narito ang mga halimbawa ng mga pangungusap na naglalaman ng
mga hudyat ng sanhi at bunga:

1. Salamin ng pagkakakilanlan ng isang bansa ang kaniyang


sariling wika dahil ito ang bumubuo ng kanyang katauhan.
Bunga - Salamin ng pagkakakilanlan ng isang bansa ang kaniyang
sariling wika
Sanhi - dahil ito ang bumubuo ng kanyang katauhan.

2. Ang wikang Pambansa ay naging daan sa pagkakaunawaan


kaya ipinanukala ito ni Pangulong Quezon.

Sanhi - Ang wikang Pambansa ay naging daan sa pagkakaunawaan


Bunga - kaya ipinanukala ito ni Pangulong Quezon.
Paano mo masasabing ang mga
pahayag ay sanhi o bunga?
Ipaliwanag.
Sa kasalukuyan, ang wikang Filipino ay maituturing nang isang
intelektwalisadong wika sapagkat ito ang pangunahing gamiting wika sa
pagtuturo. Ito ay mula sa mababang antas hanggang gradwado. Kabalikat ng
wikang Ingles ang wikang Filipino dahil sa malayang nagkakapalitan ang
dalawang wika. Ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng pagtuturo ay
nakabatay pa rin sa Ingles. Ang mga paksang panturo ay isinasalin mula sa
Ingles patungo sa wikang Filipino. May mga panghihiram ding nagaganap
dahil magkatuwang ang dalawang wika upang ito ay mahusay na magamit.
Nagagamit na rin ito sa mga gawain ng pamahalaan. Ang mga batas ay may
katumbas na salin sa Ingles at Filipino upang matugunan ang
pangangailangan ng mas nakararami sa pag-unawa nito. Sa pagsulong ng
nakakarami na panatilihin ang Ingles bilang wikang panturo at maging ng
sangay ng pamahalaan ay nagresulta sa pagsilang ng Edukasyong
Bilinggwal. Ito ay ang pagkakaroon ng dalawang opisyal na wikang gagamitin.
Ang Ingles at Filipino na malayang gagamitin sa pagtuturo sa mga paaralan.
Pagsasanay 1.2: Mula sa teksto sa unang pagsasanay. Punan ang tsart ng sanhi
at bunga ayon sa mga sumusunod. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Sanhi Bunga
sapagkat ito ang pangunahing gamiting Maituturing na intelektwalisadong wika ang
wika sa pagtuturo. Filipino.
Malayang nagkakapalitan ang dalawang Kabalikat ng wikang Ingles ang wikang
wika. Filipino
Ang mga batas ay may katumbas salin sa matugunan ang pangangailangan ng
Ingles at Filipino. mas nakararami sa pag-unawa nito
Sa pagsulong ng nakakarami na
panatilihin ang Ingles bilang wikang
panturo at maging ng sangay ng Pagsilang ng Edukasyong Bilinggwal.
pamahalaan
Magkatuwang na ginagamit ang wikang upang ito ay mahusay na magamit.
Filipino at Ingles.
PAHALAGAHAN MO!

Bilang isang mag-aaral, mahalaga ba na


maunawaan mo kung ano ang sanhi at
bunga ng iyong sariling wika?

You might also like