Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 49

AP REVIEWER

KAHULUGAN AT KALIGIRAN KARAPATANG PANTAO

Ayon sa Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang Pantao na kilala rin bilang Universal


Declaration of Human Rights (UDHR), ang karapatang pantao ay tumutukoy sa mga karapatan
na taglay ng tao na kaniyang kailangan upang mabuhay nang may dignidad.

Manuel Dy - isang propesor ng Pilosopiya sa ADMU


Secretary General Kofi Annan - nag pahayag ng mensahe sa ika-50 anibersaryo ng UDHR.
“Human rights are your rights. Seize them. Defend them. Promote them. Understand them and
insist on them. Nourish and enrich them. They are the best in us. Give them life.”
Durga Das Basu - abogado at eksperto sa konstitusyon sa India

Ayon sa United Nations, ang karapatang pantao ay may sumusunod na katangian:


1. Panlahat (UNIVERSAL)

2. Hindi maipagkakait (INALIENABLE)

3. Di-mahahati, Nakaasa sa isa’t isa, at Magkakaugnay (INDIVISIBLE, INTERRELATED,


AND INTERDEPENDENT)

4. Pantay at walang kinikilingan (EQUAL AND NON-DISCRIMINATORY)

5. Mahalaga at Kinakailangan

6. Nagbabago

7. Hindi tuwiran

ANG KARAPATANG PANTAO AY MAARING MAURI SA DALAWA.


1. Karapatang personal - karapatang tinatamasa ng isang indibidwal na kailangan niya
upang matamo ang kaniyang pagkatao at mabuhay nang may dignidad.

karapatang sibil, karapatang panlipunan, karapatang politikal, karapatan kultural, at


karapatang pangkabuhayan.

2. Panggrupong karapatan - tumutukoy sa mga karapatan ng tao na magtaguyod ng


pamayanan kung saan dito niya isusulong ang panlipunan, pangkabuhayan, at
pangkulutural na kaunlaran sa pamamagitan ng likas-kayang paggamit ng kalikasan.
KASAYSAYAN NG KARAPATANG PANTAO

BABYLONIAN (2000 BCE)


Code of Hammurabi - makatarungang pagpapasahod, pangangalaga sa mga ari-arian, at
pagbibigay ng parusa baty sa pagkakasala.

PERSIA (539 BCE)


Charter of Cyrus - naglalaman ng mga probisyon na kumikilala sa karapatan ng kaniyang
nasasakupan tulad ng karapatan sa kalayaan, seguridad, kalayaan sa gawaing panrelihiyon,
kalayaan sa paglalakbay, kalayaan mula sa pang-aalipin at kalayaang pangkabuhayan.

MAGNA CARTA (HUNYO 15, 1215)


HARING JOHN NG ENGLAND
Magna Carta - pagbibigay-proteksiyon sa mga mamamayan laban sa lubos na kapangyarihan
ng hari.

IBA PANG PANDAIGDIGANG DOKUMENTO PARA SA PANGANGALAGA NG


KARAPATANG PANTAO.

1. INTERNATIONAL COVENANT ON CIVIL AND POLITICAL RIGHTS


Karapatang Sibil
Karapatang mabuhay
Pagbibigay ng sapat na impormasyon sa dahilan ng pag-aresto
Walang sinoman ang dapat maging biktima g pananakit at hindi makataong pagtrato o pagpataw
ng parusa

Karapatang Politikal
Kalayaan sa pag-iisip at relihiyon
Kalayaan sa pananalita
Kalayaan sa impormasyon

2. INTERNATIONAL COVENANT ON ECONOMIC, SOCIAL, AND CULTURAL RIGHTS

isang kasunduan ng United Nations na naglalayong protektahan at itaguyod ang mga


karapatang pang-ekonomiya, panlipunan, at pang-kultura ng mga indibidwal sa buong
mundo. Ito ay nagbibigay ng mga karapatan tulad ng trabaho, tamang sahod,
edukasyon, pangangalaga sa kalusugan, at pagpapahalaga sa kultura at mga tradisyon.
Ang mga bansa na pumirma sa kasunduang ito ay may obligasyon na isagawa ito sa
kanilang teritoryo.
3. CONVENTION ON THE PUNISHMENT OF THE CRIME OF GENOCIDE

Isang kasunduan na naglalayong protektahan ang mga indibidwal laban sa genocide o


pagpapahirap sa isang pangkat ng mga tao dahil sa kanilang lahi, paniniwala, o iba
pang pangkat na kinabibilangan.

4. INTERNATIONAL CONVENTION ON THE SUPPRESSION AND PUNISHMENT OF


THE CRIME OF APARTHEID

Isang kasunduan na naglalayong ipagbawal ang apartheid o sistemang pampulitika na


naghihiwalay at nagpapahirap sa mga tao batay sa kanilang lahi o katayuan sa lipunan.

5. CONVENTION AGAINST TORTURE AND OTHER CRUEL, INHUMAN OR


DEGRADING TREATMENT OR PUNISHMENT

Isang kasunduan na naglalayong protektahan ang mga indibidwal laban sa


pagpapahirap o pagtrato sa kanila nang hindi makatao o hindi makatwiran.

6. CONVENTION FOR THE SUPPRESSION OF THE TRAFFIC IN PERSONS AND OF


THE EXPLOITATION OF THE PROSTITUTION OF OTHERS

Isang kasunduan na naglalayong labanan ang trafficking o pagpapanggap sa mga tao


para sa seksuwal o iba pang uri ng pagsasamantala.

7. INTERNATIONAL CONVENTION ON THE ELIMINATION OF ALL FORMS OF RACIAL


DISCRIMINATION

Isang kasunduan na naglalayong ipagbawal ang anumang uri ng diskriminasyon batay


sa lahi o kulay ng balat.

8. CONVENTION ON THE ELIMINATION OF ALL FORMS OF DISCRIMINATION


AGAINST WOMEN

Isang kasunduan na naglalayong ipagbawal ang anumang uri ng diskriminasyon sa


kababaihan at itaguyod ang kanilang karapatang pantao.

9. CONVENTION ON THE RIGHTS OF THE CHILD

Isang kasunduan na naglalayong protektahan at itaguyod ang mga karapatang pantao


ng mga bata.
10. DECLARATION ON THE RIGHTS OF PERSONS BELONGING TO NATIONAL OR
ETHNIC, RELIGIOUS, AND LINGUISTIC MINORITIES.

Isang deklarasyon na naglalayong protektahan at itaguyod ang mga karapatang pantao


ng mga indibidwal na kinabibilangan ng mga minoridad sa larangan ng lahi, relihiyon, at
wika.
ENGLISH REVIEWER

English Exam : 8 Parts

Part 1: Identifying run-on sentences, fragments, and complete sentences (10 points, 10 items)

● A run-on sentence occurs when two or more complete sentences are written together without
proper punctuation or conjunctions to separate them. Example: She loves to dance, she
takes classes every week.
● A fragment is an incomplete sentence that is missing a subject, verb, or both, and does not
express a complete thought. Example: Running in the park on a sunny day.
● A complete sentence contains a subject, verb, and expresses a complete thought. Example:
John went to the store to buy some milk.

Part 2: Identifying types of fragments (10 points)


● A subordinate fragment begins with a subordinate conjunction and cannot stand alone as a
sentence. Example: After the storm passed,.
● A participial fragment begins with a participle and is missing a subject or verb. Example:
Walking through the park,
● An infinitive fragment begins with an infinitive verb form and is missing a subject or verb.
Example: To eat a pizza,

Part 3: Identifying subject and verb (10 points, 10 sentences)


● The subject of a sentence is the noun or pronoun that the sentence is about. Example: The
cat chased the mouse.
● The verb of a sentence is the action or state of being that the subject performs. Example:
The cat chased the mouse.

Part 4: Correcting run-on sentences (10 points)


● To correct a run-on sentence, you can add proper punctuation or conjunctions to separate
the complete sentences. Example: She loves to dance, and she takes classes every week.

Part 5: Using the em dash correctly (10 points, 10 sentences)


● The em dash (—) is used to indicate a sudden break or interruption in a sentence. Example:
She loved to dance—but now she prefers yoga.

Part 6: Distinguishing facts from opinions (10 points)


● A fact is a statement that can be proven true or false based on objective evidence. Example:
The sky is blue.
● An opinion is a statement that expresses a person's belief or feelings, which cannot be
proven true or false. Example: Pizza is the best food.
Part 7: Identifying general and specific statements (5 points)
● A general statement is a broad statement that applies to a large group of people or things.
Example: Cats are animals.
● A specific statement is a narrow statement that applies to a particular person or thing.
Example: My cat's name is Mittens.

Part 8: Essay
15 points overall
3 Items ( 5 points each )
Topic : The Little Prince

THE LITTLE PRINCE

The Little Prince is a novella or short novel written by Antoine de Saint-Exupéry. It tells the story of a
young prince who travels to different planets and meets various characters, including a fox and a
pilot, while exploring themes of love, friendship, and the meaning of life. The book is known for its
simple yet profound storytelling and has become a classic of children's literature.

Chapter 1: The narrator, a pilot, crashes his plane in the Sahara desert and meets the Little Prince,
who asks him to draw a sheep.

Chapter 2: The narrator learns about the Little Prince's home planet, Asteroid B-612, and the various
baobab trees that threaten to take over the planet.

Chapter 3: The Little Prince tells the narrator about his love for a special rose on his planet and how
he decided to leave her to explore the universe.

Chapter 4: The Little Prince visits a planet inhabited by a king who has no subjects and tries to rule
over the Little Prince.

Chapter 5: The Little Prince visits a planet inhabited by a vain man who seeks admiration and praise.

Chapter 6: The Little Prince visits a planet inhabited by a drunkard who drinks to forget his shame of
drinking.

Chapter 7: The Little Prince visits a planet inhabited by a businessman who cares only about
counting the stars he owns.

Chapter 8: The Little Prince meets a fox who teaches him about the true meaning of friendship and
love.

Overall, The Little Prince is a story about a young prince's journey to different planets where he
meets various characters and learns about their flaws and virtues. Through these encounters, he
learns about the importance of human connections, the dangers of vanity and greed, and the value
of cherishing what is truly important in life. The story is often seen as a commentary on the human
condition and the pursuit of happiness, and has become a beloved classic of children's literature.
KABANATA 1

START

Set: Nakasakay sa bapor tabo sina Donya Victorina, Don Custodio, Benzayb, Padre Salvi,
Padre Sibyla, Padre Camorra, Padre Irene, at Simoun.

Padre Salvi (Yuri): -at sa madaling salita, dahan dahan nang umuunlad ang ekonomiya ng ating
bansa. Tila, marami ang maaaring magbago sa mas matagal na panahon.

Don Custodio (Nadine):Upang makatulong sa ekonomiya natin kahit papaano, bakit hindi mag
alaga ng mga itik-

Donya Victorina (Dianne): Hayy Diyos ko! Itik!? Eh napaka baho ng mga iyon! Hindi rin
maitatanggi na kadiri ang mga balut na kinakain ng mga tao! [Ibinaling sa ibang bagay ang
atensyon] Santa Maria!! Napaka inet naman dito! Maaaring maglaho ang kolorete sa aking
napakagandang mukha! [Tumingin sa bangka ng iba] Ano yun? Bakit ang liliit ng mga bangka
nila!? Hay naku, mga sagabal na Indio sa daanan! Mga peste![Act: Nagpapaypay]

Background: //Donya Victorina, nagrereklamo kay Kapitan

Padre Camorra (LJ): [Act: Hindi pinapansin si Donya Victorina] Alam niyo, nararapat na
gumawa ng paraan upang mapalalim at mapatuwid ang ilog na ito.

Ben Zayb (Jaydee): Tama. Maaaring mas bumilis ang galaw ng bapor tabo at ang iba pa na
dumaraan din dito.

Simoun (Brent): Hindi niyo man lang ba naisip? Napaka dali ng solusyon dito. Bakit hindi
humukay ng tuwid na kanal hanggang sa labasan at paraanin sa Maynila?

Don Custodio (Nadine): [Tumawa] Paumahin ngunit, saan mo naman balak kumuha ng
pambayad sa mga gagawin na ‘yan, huh?

Simoun (Brent): Hindi na kailangan ng kahit ano pa mang salapi, Don Custodio, sapagkat mga
bilanggo ang gagawa.
Don Custodio (Nadine): Ngunit, walang sapat na bilanggo!

Simoun (Simoun): [Kalmadong nagsasalita] Kung pipilitin o hihikayatin na pati ang mga
mamamayang bata man o matanda-[Hindi pinatapos ni Don Custodio ang sinasabi ni Simoun]``

Don Custodio (Nadine): Gulo lamang ang ibubunga niyang mga naiisip mo, Simoun!

Simoun(Brent): [Umiling at tumawa ng mababa] Kaguluhan..ha..haha..haha! At akala ko ay


mas lumalim at mas lumawak ang kaalaman ninyo tungkol sa kasaysayan ngunit nakikita ko na
hindi niyo pala talaga nauunawaan!

Simoun (Brent): [Tatalikod ngunit lilingon kay Don Custodio at tatawa ng mababa habang
umiiling.]

SCENE END// CLOSE CURTAIN

KABANATA 2

START

[Sa ilalim ng kubyerta ay naroroon naman ang mga dinapuan ng kahirapan, mga normal
na tao katulad na lamang ng mga estudyante.]

Kapt. Basilio (James): Kamusta na ang kalagayan ni Kapitan Tiyago?

Basilio(Aidan): [Kinamot ang batok at tumingin sa ibaba bago sumagot sa kapitan] Kagaya
parin po ng dati, ayaw niyang magpagamot. Ngayon po ay inutusan niya akong pumunta sa San
Diego upang tignan ang mga bahay na kaniyang pinauupahan.

Kapt. Basilio(James): [Tumaas ang kilay at pailing na sumagot.] Noong mga bata pa kami ni
Kapitan Tiago, wala naman ‘yang droga na ‘yan. Hindi ko lubos maisip kung saan ba nanggaling
‘yan.
Isagani (Aldrich): Mawalang galang na po, ngunit ang opyo ay isang uri ng halamang gamot na
hindi katutuklas pa lamang. Hindi rin ito isang halamang tumutubo palang sa ganitong panahon.
Hindi ba, Basilio?

Basilio (Aidan): [Palihim na nagsabi sa kaibigan] Tama ka diyan mi amigo.

Kapt. Basilio(James): Sa pagkakatanda ko, oo nga! Mayroon ngang opyo noon ngunit hindi ito
masyadong napapansin dahil maraming abala sa pag-aaral. Maiba ako, kamusta na pala ang
itinatatag ninyong Akademya ng Wikang Kastila?

Basilio(Aidan): Mabuti naman po. Nakahanda na po ang mga guro at paaralan na gagamitin.

Kapt.Basilio(James): [Napaisip at hinawakan ang kaniyang baba habang nakatingin sa sahig.]


[Dahan dahang tumingala at tumingin kay Basilio at Isagani.] Matutuloy ba ang ninanais ninyo?
Maaaring tumutol si Padre Sibyla…

Isagani (Aldrich): Matutuloy po iyon, sigurado po ako, sapagkat ang inaantay na lamang namin
ay ang permiso pagkatapos makipagkita ni Padre Irene kay Kapitan Heneral. Nangako po siya na
kami ay kaniyang tutulungan.

Kapt. Basilio(James): Hmm…At saan naman kayo kukuha ng pera?

Isagani(Aldrich): Aambag po ang bawat estudyante. Ang mga guro naman po ay hati sa Kastila
at Pilipino. Ang kagamitan naman po ay manggagaling sa mayaman na si Macaraig.

Kapt. Basilio(James): Hamm… kung sa bagay, hindi lubusang masama, hindi masama ang
ideya. Sapagkat ito ay isang patunay kung paano tayo lumalakad ng paurong.

[Umalis na si Kapitan Basilio]

Basilio(Aidan): [Tumingin kay Isagani at hinawakan ang kaniyang braso.]


Maiba nga ’ko, ano pala ang sinabi ng iyong tio tungkol kay Paulita?

[Ngumiti si Isagani]
Basilio(Aidan): [Ngumiti ngunit hindi masyadong kita.]
Teka…Kaibigan- namula ka yata nang mapagusapan natin ang iyong kasintahan! [Ngumiti si
Basilio, tumingin sa itaas, inilapit ang dalawang kamay sa isa’t isa.] Hayyy! Ang mga umiibig
nga naman! Sa bagay, talaga namang kaibig-ibig yang si Paulita. Maganda, mayaman, kaya lang-

Isagani(Aldrich): Kaya lang ano? [Tinignan si Basilio, kinakabahan, naka-arko ang kilay.]
(Side Eye)

Basilio(Aidan): Teka lang…bakit ganiyan ka makatinging sa’kin? Huwag ka kabahan! Ang


gusto ko sabihin ay kaya lang, lagi niyang kasama yung tia niyang ubod ng kasungitan!

Basilio/Isagani (Aidan at Aldrich): HAHAHAHAHA!

Isagani(Aldrich): Isa pa- pinapahanap din ng kaniyang tia ang nawawalang niyang asawa sa
akin. Ngunit ang hindi niya alam, sa amin mismo nagtatago ang kaniyang asawa… sa bahay ng
aking tiyo!

(Nagsitawanan ang dalawa)

[ENTER: SIMOUN]
Simoun(Brent): Ahh magandang araw sa inyo. Sino itong kasama mo Basilio? Maaari ba akong
sumali sa usapan ninyo?

Basilio(Aidan): Ay Ginoong Simoun! Nariyan pala kayo. Siya po pala si Isagani isang matalik
na kaibigan, ngunit hindi ko po siya kababayan. Bakit Ginoo, hindi pa po ba kayo nakakarating
sa bayan nila?

[Tinignan ni Simoun si Isagani mula ulo hanggang paa, parang sinusuri nito mabuti ang binata
sa kaniyang harapan. Dahilan para mainis si Isagani kay Simoun.]
Simoun(Brent): Sadyang hindi ako nagtutungo sa mga lalawigan dahil ang mga tao doo’y hindi
naman bumibili ng mga alahas, sa aking palagay ay dahil sa mahihirap ang mga tao doon.

Isagani(Aldrich): Tsk! Sadyang hindi lamang kami bumibili dahil hindi namin kailangan.

Simoun(Brent): Bueno heto saluhan niyo na lamang ako sa pag-inom ng serbesa.

Basilio(Aidan): Salamat Ginoo, ngunit hindi kami umiinom ng alak.

Simoun(Brent): Hindi umiinom? Narinig ko na sinabi ni Padre Camorra na masama raw ang
puro tubig ang iniinom.

[Gumuhit ang inis sa mukha ni Isagani (Nakakunot ang ulo at medyo nanlilisik ang mata.]

Basilio(Aidan): Kung tubig lang ang iniinom ni Padre Camorra ay wala siguro silang maririnig
na kung anu-anong tsismis.

Isagani(Aldrich): At hindi tulad ng alkohol, ang matabang na tubig ay kayang puksain ang
apoy. At kapag tubig ay nagalit, iyon ay maaring lumawak at maging dagat na handang
magwasak at pumatay, kapag iyon ay pinainit at naging singaw ay handang tumunaw.

(Natigilan si Simoun at halatang namangha, tinignan ni Basilio ang dalawa saka siniko si
Isagani)

Simoun(Brent): Maganda ang iyong sagot ngunit– paumanhin, ako’y aalis na at iinumin na
lamang ang aking serbesa.

SCENE END// CLOSE CURTAIN


KABANATA 5

START

[Nakauwi na ng San Diego si Basilio at nakasakay si ng karwahe patungo sa kaniyang


bahay na.]

Sinong (Clare): Noong kapanahunan ng mga Santo, wala talagang mga guardia civil pagkat
kung may nang-aapi ay hindi mabubuhay ng ganyan katagal ang mga taong iyan.

(sabay turo sa mga imahe)

Sinong (Clare): Wala talagang guardia civil noon. Kung mayroon, ang maitim na lalaking iyon
ay hindi makasasabay sa dalawang Kastila sapagkat mabibilibid siya.”….”Kung makakawala
lamang ang paa ni Haring Bernardo, ibibigay ko sa kanya ang aking mga kabayo, magpapa-
alipin at magpapakamatay ako sa kanya dahil siya ang magtatanggol sa atin laban sa mga guardia
civil.

Sinong (Clare) : Alam niyo ho kaya kung nakalabas na ang kanang paa?

Basilio (Aidan): Kaninong kanang paa?

Sinong (Clare): Sa hari po.

Basilio (Aidan): Sinong hari?

Sinong (Clare): Ang hari po natin. Ang hari ng mga Indio.

(Ngumiti si Basilio at nag kibit balikat)

[Habang sila ay nag-uusap sila ang karwahe nila ay tinigil ng guardia sibil.]
Gurdia Sibil 1 (Yuri) : Alto! Indio bakit wala ka’ng ilaw sa iyong karwahe? Hindi mo ba alam
na kailangan ng ilaw ang mga karwahe? Palibhasa ikaw ay isang Indio!

[Dahan-dahan naglakad papalayo si Basilio at nag lakad na lamang pauwi. Nang makarating siya
sa harap ng kaniyang bahay na tinutuluyan, nakita niya si Kapitan Basilio at si Simoun na nag-
uusap.]

SCENE END; CLOSE CURTAIN.

KABANATA 6 at 7

START

[Agad na pumunta naman si Basilio sa puntod ng kaniyang ina na si Sisa.]

Basilio(Aidan): Inay, matagal ko na pong hindi nadalaw ang iyong puntod. Naaalala ko pa kung
anong klasing trahedya ang nangyari sa atin noon. Buti nalang ay nakilala ko si Kapitan Tiyago,
laking pasasalamat ko sa kaniya.

Sisa(Dianne): Oh aking mahal na anak,sabik na sabik na ako sa iyong mga magagandang samu’t
saring kwento. Kung maari lamang namin mayakap ka ng iyong kapatid. Kung buhay lamang
kami. Mag-iingat ka lagi aking anak.

[Nakakita si Basilio ng ilaw sa ‘di nanalalayong lugar mula sa puntod ng kaniyang Ina. Dali-
dali siyang nagtago sa puno noong nakita niya na palapit sa kaniya ang ilaw. Nung nakita niya
kung sino ang naroroon agad niyang nilapitan ito.]

Basilio(Aidan): Matutulungan ko ho ba kayo Senyor?

[Napalayo sa gulat si Simoun at napahawak sa kaniyang baril.]


Basilio(Aidan): May labintatlong taon na simula noong ako’y iyong tinulungan. Kung inyo pong
magugunita, sa mismong pook ding ito tayo nagtagpo.

[Tinutok ni Simoun ang kaniyang baril at kinasa ito.]

Simoun(Brent): At sino ako sa palagay mo?

Basilio(Aidan): Isang taong ipinalalagay kong napakadakila. Isang taong ipinagpapalagay ng


lahat, maliban sa akin, na patay na at ang tinamong kasawian ay labis kong ipinagdaramdam.

Simoun(Brent): Taglay mo Basilio ang lihim na makapagpapabagsak sa akin. Hindi mo ba


naisip na dahil dito ay maaari kang masawi sa aking kamay? Totoong ako’y naparito may labing
tatlong taon na ang nakakaraan, upang dakilain ang isang kaibigan na inilaan ang kaniyang
buhay para ipaglaban ang karapatan ng mga Pilipino laban sa mga mapang-api. At ngayo’y
nagbalik ako upang ipagaptuloy ang kanyang nasimulan. At ngayong nandito na ako, ang mga
Pilipino! Lalo na ang mga kabataan! Wala ng ginawa kundi sumunod! Magpa-alipin! Hindi
pinakikinggan!

Basilio(Aidan): Hindi Ginoong Simoun! Kung hindi dahil sa pag-aaral ng mga kabataan ng
wikang Kastila ay hindi tayo pakikinggan ng pamahalaan. At ang wikang ito ang magbubuklod
ng tuluyan sa mga Pilipino.

Simoun(Brent): Hindi! Isa ‘yang pagkakamali! Aanhin natin ang wikang iyan? Itatago lamang
ng huwad na wikang iyan ang ating mga karapatan! Ang ating pagkatao!

Basilio(Aidan): Ngunit Ginoo, mali ang inyong naiisip.

Simoun(Brent): At ano ang iyong makukuha kung ikaw ay makakapagtapos? Makikita mo bang
masaya ang iyong bayan? Makikita mo bang malaya ang mga tao? Hahayaan mo na lamang ba
ang iyong ina at kapatid na mabulok sa ilalim ng lupa na tinatapakan ng mga taong siya
mismong pumatay sa kanila?
Basilio(Aidan): Ano ang nais ninyong gawin ko Ginoong Simoun? Kaya ko ba silang ipaglaban
gayong ako mismo ay wala! Isa lamang akong hamak na estudyante, wala akong kakayahan.

Simoun(Brent): Alam mo na ang dapat mong gawin Basilio. Katulad ko, ikaw din ay may dapat
singilin mula sa kanila. Huwag mong kalimutan na hindi nabigyan hustisya ang iyong Ina, at ang
iyong kapatid napaslang. Sila’y inosente,ngunit hahayaan mo na lamang sila? Sa halip na
wasakin natin ang isa‘t – isa dapat lang tayo ay nagtutulungan.

[Napatitig si Basilio sa kawalan at tahimik na lamang umalis.]

Simoun(Brent): [Nagsalita nang mahina ang boses, tila kinakausap ang sarili.]Tama kaya ang
aking ginawa? Bahala na! Mamamatay ang mahihina at matitira ang mga malalakas! Malapit na
akong magtagumpay. Kaunting tiis na lang.

SCENE END// CLOSE CURTAIN

KABANATA 8

START

[Set: Sa tahanan ni kabesang Tales]

ENTER: HULI, TANO, KABESANG TALES,PADRE SALVI AT PADRE CAMORRA

Huli(Clare): [Nagwawalis habang kumakanta (hum). Tumigil at tumingin kay Tano] Kuya… Sa
palagay mo ba, magiging katulad kita na maaaring makapag-aral sa Maynila?

Tano(Francine): [Tumawa ng kaunti] Aba syempre naman! Mana ka sa’kin eh!

[Napangiti na lamang si Huli at ipinagpatuloy niya ang kaniyang pagwawalis.]

ENTER: Kabesang Tales at Tata Selo


[Lumapit ang magkapatid kay Tales]

Tano(Francine): Ama, kailan ho kaya makakapunta si Huli sa Maynila upang mag aral?

Huli(Clare): [Tumingin sa ama, umaasa sa kaniyang sagot.]

Kabesang Tales(Nadine): [Tumingin kay Tano.] Sa isang taon. [Tumingin kay Huli] Magsaya
ka na nang matagal, paparating na ang panahon na magaaral ka sa Maynila katulad noong mga
dalaga sa bayan.

Huli(Clare): [Ngumiti at halos mapatalon sa saya. Pumalakpak ng mahina at tumingin sa ama.]


Talaga ama!?

[Niyakap ni Huli ang kaniyang ama.]

Tano(Francine): [Nakangiti na tila may pagkapilyo. Umubo ng kaunti na parang nilinis ang
lalamunan bago magsalita.]

Tano(Francine): Alam mo ama - [Tumawa ng kaunti. Habang nagsasalita, tila hindi niya
mapigilan ang pagtawa.] sa ngayun ay marahil na iniisip na ni Huli si Basilio at ang pangako
nilang pagpapakasal sa isa’t isa!

Huli(Clare): [Napa-buntong hininga si Huli at siniko-siko si Tano] Kuya naman..!

[Tumakbo si Tano na siyang hinabol ni Huli paikot ng kanilang tahanan.]

Kabesang Tales(Nadine): Maganda ang ani natin ama..[Bumuntong hininga si Kabesang Tales]

Tata Selo(Stav): Maganda? [Dahan-dahan tumingin kay Kabesang Tales] Kung maganda ang
ating ani, bakit tila ika’y nagaalala?

Kabesang Tales(Nadine): [Naglakad ng kaunti at tumingin sa malayong tanawin.] Ama ang


mga prayle. [Sigh]

[Biglaang narinig ang yapak ng pagkayraming paa, at doon na nakita ng mag-ama ang
biglaang pagdating ni Padre Camorra at Padre Salvi na may kasamang mga gwardya sibil.]
Kabesang Tales(Nadine): Magandang araw ho, padre. Ano po ang maipaglilingkod-

Padre Camorra(Lj): Kailangan niyo na magbayad ng buwis! Buwis na naaghahalagang


dalawandaang piso!

Kabesang Tales(Nadine): Ngunit napakalaki naman po nun!

Padre Camorra(Lj): Kung hindi ka magbabayad…[Tumingin ng masama kay Kabesang Tales]


Ibibigay ko na lamang sa aking kasambahay ang lupain na ito!

Padre Salvi(Yuri): Tonta! Baka nakakalimutan mo na hindi sainyo ang lupaing ito? Ito’y
pagmamay-ari ng korporasyon!

Kabesang Tales(Nadine): Mga Padre, kami rin po ay may karapatan. Hindi po ako natatakot
gamitin ang karapatan na iyon upang ipaglaban ang aking sarili at ang aking pamilya!

[Umamba at pumuwesto na parang susugurin ang dalawang prayle].

Act: Pinigilan ng mga gwardya sibil si Tales at hinawakan ng mahigpit bago tutukan ng riffle.
Sina Tata Selo naman ay hinampas sa ulo ng rifle at si Tano naman ay hinahatak ng mga
gwardya sibil]

Huli(Clare): [Biglaang tumakbo at pumasok sa eksena, tila natataranta na at naiiyak] Huwag!!


Bitawan niyo sila- Ama!!!

Padre Salvi(Yuri): Vamos!

Kabesang Tales(Nadine): Huwag! Huwag ang aking anak-! Agh..

Tano(Francine): Ama!! Huli!! [Hinampas ng gwardiya sibil] Nggh..!

[Umalis ang mga gwardiya sibil at bumalik mamaya maya]

Gwardiya(Aldrich): Limang daang piso ang hinihingi ng aming pinuno, binibini. Kung ayaw
mong malagutan ang buhay ng iyong ama, mabuti na’t ibigay mo ang hinihingi.
Huli(Clare): [Umiiyak at hindi na makahinga.] Saan ako kukuha ng limangdaang piso?
[Napahawak sa agnos.] Pansamantala muna akong mamasukan kay Hermana Penchang bilang
utusan para makaipon ng pera.

SCENE END// CLOSE CURTAIN

KABANATA 9:

START

[Sa bahay ni Hermana Penchang]

Kasama ni Hermana Penchang(LJ): Narinig niyo ba na napipi na ang Ingkong ng alipin mo’ng
si Juli?

Hermana Penchang(Dianne): Susmaryosep! Madalas na ipinadadala sa atin ng Diyos ang mga


bagay na ganito sapagkat tayo’y makasalanan o hindi kaya’y meron tayong kaanak na dapat ay
tinuruan kilalanin ang diyos.

Hermana Penchang(Dianne): Hah! Isipin niyo ikakasal na ngunit hindi marunong manalangin.
Isang malaking kahihiyan! Hindi man lang nabibigakas ng hamak ang Aba Ginoong Maria nang
hindi humihinto sa sumasaiyo, at ang Santa Maria nang hindi tumitigil sa makasalanan.
Palibhasa maagang nawalan ng ina. Susmaryosep!

SCENE END

[Set: Bahay ni kabesang Tales]

[Nang makauwi si kabesang tales nakita niya ang kaniyang lupain kung saan nagpapahinga ang
ang kaniyang asawa’t anak na namayapa at may nagmamayari ng iba, at nagsisilbing alipin ang
kaniyang dalagang anak, at may kautusan pa mula sa hukuman, at ang kaniyang ama ay
matatagpuang napipi. Napaupo na lamang sa tabi si Kabesang Tales sa tabi ng kaniyang ama
tahimik buong hapon.]

SCENE END// CLOSE CURTAIN

KABANATA 10:

START

[Kinabukasan ay hiniling ng alaherong si Simoun magpunta sa bahay nila Kabesang Tales


dahil sa pagtataka.]

[Inilabas ni Simoun ang isang kahon na puno ng iba’t ibang uri ng alahas at palamuti.]

Simoun (Brent): Batid ko na kayo’y naghahanap ng mga Brilyante. Sa katunayan, marami


akong dalang alahas na antigo.

Sinang(Alea): Ginoo, mahilig si ama sa mga matatandang brilyante at sa mga antigong alahas.

Simoun(Brent): Ganoon ba? [Tumawa ng mababa at inilabas ang isang piyesa ng alahas na
tila kumikinang sa sobrang pagkapulido ngunit halata na may edad na rin.] Mayroon akong
kwintas ni Cleopatra, singsing ng kabalyerong Romano, at hikaw ng mga dalagang roma.

[Namangha naman ang mga tao sa paligid ni Simoun.]

[Nagbukas muli si simoun ng isa pang kahon na naglalaman ng pagkaraming antigong alahas.]

Simoun(Brent): Marami pa akong handog na alahas na antigo.

Sinang(Alea): Magkano ninyo po ibinibenta ‘yang mga ‘yan, ginoong Simoun?

Simoun(Brent): [Ngumiti ng kaunti at tumingin kay Sinang] Hindi bababa sa tatlumpung libong
piso.
Sinang: Huh-! Napakamahal naman po-Aray!

Kapitana Tika(Jaydee): [Kinurot si Sinang] Hangal! Siyempre mahal iyan! Hindi mo ba


nakikita kung gaano kaganda ang mga alahas!?

Simoun(Brent): [Tumingin kay Kabesang Tales] Wala po ba kayong nais ipagbili saakin?

Sinang(Alea): Ang agnos ni Maria Clara?

Kabesang Tales(Nadine): Oo nga, ba’t hindi ko naisip ‘yon?

[Agad na hinanap ni Kabesang Tales ang alahas sa kuwarto ng kaniyang anak]

[Agad na sinuri ni Simoun ang alahas noong ibigay ito sa kaniya ni Kabesang Tales]

Simoun(Brent): Nagustuhan ko ito. Maaari niyo bang…maipagbili saakin ito sa halagang


limangdaang piso ?

Kabesang Tales(Nadine): limang daang piso, [Napaisip si kabesang tales] Kung ipapahintulot
niyo po, pupunta ako sa bayan para hingin ang pahintulot ng aking anak.

[Sa gabing iyon nabigo si Simoun sa paghihintay kay Kabesang Tales. At kinaumagahan
pagbangon ni Simoun ay nakita niyang wala na ang kaniyang rebolber. May nakita siyang
isang papel na kinababalutan ng isang gintong relikaryong may esmeralda at brilyante. Sa
sulat ay nakasaad ang mensahe ng kabesa.]

“Patawarin po ninyo ako Senyor, sapagkat ninakawan ko kayo. Ngunit itinutulak po ako ng
pangangailangan, at bilang kapalit ng inyong rebolber, iniwan ko sa inyo ang relikaryong ibig
na ibig ninyo. Kailangan ko ng sandata at lilisan ako para sumali sa mga tulisan.

Telesforo Juan de Dios”

[Napangiti si Simoun]

[Kinagabihan ay tatlong pagpaslang ang naganap. Sa bukirin ni Kabesang Tales ay naroon


matatagpuan ang asenderong prayle at ang mga bagong kasama, basag ang kanilang mga
bungo at puno ng lupa ang kanilang mga bibig.]
SCENE END//CLOSE CURTAIN

KABANATA 12 AT 13

START

SET: Unibersidad ng Santo Tomas

Estudyante 1(yuri): Si Placido Penetinte ba yan?

Estudyante 2(clare): Hindi ba’t siya ang pinaka-matalinong Estudyante ni Padre Valerio?

Estudyante 1(Yuri): Oo siya nga!

Juanito(Francine): Oh, Penitente, kamusta ang iyong bakasyon?

Placido(Stav): Wala namang masyadong nangyari. Ikaw?

Juanito(Francine): Nagbakasyon kami sa Tiani. Inanyayahan kami ni Padre Camorra. [Lumapit


kay Placido at natatawang nagsalita nang pabulong] Hinarana din namin ang tumpak tumpak na
babae.

[Tumawa ang dalawa, ngunit ang tawa ni Placido ay parang pilit at sumasabay na lamang.]

Juanito(Francine): Pero nagtataka ako…[Naglakad ng kaunti at tumingin sa mga libro sa


lamesa] Bakit kaya nagustuhan ni Basilio ang isang babae na tila mangmang at alila?

[May lalapit na estudyante]

Juanito(Francine): Oh, pirmahan mo ito agad, ito ay isang protesta sa kahilingan nila makaraig
sa pagpapatayo ng Akademya ng wikang Kastila.

Placido(Stav): Di ko maaring pirmahan yan.. Hindi ako maaring pumirma sa anu mang hindi ko
nauunawaan at ayoko ring labanan si Makaraig.
[Papasok na si Placido at narinig niya na nagtatawag na ang guro ng mga pangalan, dali
dali nagmadali si placido pumasok sa klase.]

[Ng matapos na ang pagtatawag ng mga estudyante tinanong isa isa ang mga estudyante ni Padre
Millon]

Padre Millon(Aldrich): Ano ang sagot sa aking katanungan? Ikaw sagutin mo ang aking
katanungan.

(Tinuro ang isang estudyante ngunit wala itong kibo at salita)

Padre Millon (Aldrich): Hindi mo alam? Isa kang Tamad!

[Naghanap pa ng ibang matatawag]

Padre Millon (Aldrich): Ah Juanito Pelaez ikaw naman ang sumagot.

Juanito (Francine): Placido! Placido!

Placido (Stav): Bakit?

[Nagbulungan ang dalawa]

Juanito(Francine): Ako’y saluhin mo! Hindi ko alam ang sagot.

[Hindi pinansin ni Placido si Juanito kaya tinapakan ni Juanito ang paa ni Placido.]

Placido(Stav): Aray! Hayop ka talaga!

Padre Millon(Aldrich): Ikaw Placido, hindi kita tinatanong, ngunit ibig mong sagipin ang iba.
Mas mainam ang tawag sa iyo na Placidong bulong! Labinlimang araw na liban! Isa pa at
magbabakasyon ka na!

Placido(Stav): Ngunit apat na araw pa lang akong liban.

Padre Millon(Aldrich): Tonta! Sa tuwing liliban ka ng isang araw, lima ang katumbas! Ilan ba
ang limang makalima?
Placido(Stav): Dalawampu‘t lima po

Padre Millon(Aldrich): 3 beses pa lamang kitang nahuli. Ilan ang tatlong lima?

Placido(Stav): Labing lima po.

Padre Millon(Aldrich): Kapag lumiban ka pa ng isa ay lalabag ka na. Mamarkahan pa kita ng


isang guhit dahil ‘di mo alam ang leksyon ngayon.

(Ihahagis ni placido ang libro sa harap ng guro)

Placido(Stav): Tama na Padre! Tama na! Hindi na ako makatagal sa iyong klase!

SCENE END// CLOSE CURTAIN

KABANATA 14

START
(sina Isagani, Pecson, Sandoval, Juanito at mga estudyante ay nasa bahay ng mayaman na si
Makaraig. Sila ay nag-uusap tungkol sa kanilang proyekto na akademiya sa wikang kastila.)

Estudyante 1(yuri): Ano kaya ang nangyari?

Estudyante 2(Hannah): Ano kaya ang pasiya ng Heneral?

Estudyante 3(jaydee): Itinanggi kaya ang pahintulot?

Estudyante 2(Hannah): Nanalo kaya si Padre Irene?


Estudyante 1(yuri): Nanalo kaya si padre sibyla?

Sandoval(Alea): Sa aking palagay ay tayo ay pahihintulutan sa ating nais na proyekto.

Isagani(Aldrich): Sumasang ayon ako sa iyo Sandoval, marahil ang ating hangarin ay hindi
lamang makakatulong sa mga Pilipino ngunit pati sa mga Kastila; mapapadali nito ang
komunikasyon sa dalawang panig at mas maririnig na narin ang boses ng mga Pilipino.

Pecson(Clare): Ngunit, paano kung sila ay tumanggi? Alam naman natin na iba’t iba ang mga
pananaw ng Obispo, ng mga padre, at mga opisyal. Maaaring ipayo nila na ipabilanggo ang lahat
ng mga kasapi ng kaisipan.

Juanito(Francine): naku! Wag ninyo akong idadamay diyan…

Sandoval(Alea): Puro pangamba ang iyong iniisip, Pecson. Hindi ganyan ang Kataas-taasan.
Mayroon siyang sariling pag-iisip at kaya niyang tumayo sa sariling paa.

Pecson(Clare): Wala akong sinasabing ganyan, Sandoval. Ang sa akin, oo ang Kapitan Heneral
ay mayroon naman sariling pag-iisip, ang mga tao nakapaligid sa kanya lang ang aking tinuturo.

Sandoval(Alea): Labis na kinakailangan ng bawat Pilipino lalo na ang mga kabataan ang wikang
kastila. Wala akong nakikitang dahilan upang tumutol dito ang pamahalaan.

Sandoval(Alea): Ipinagkaloob sa inyo ng pamahalaan ang lahat. Kung anong mayroon kaming
mga kastila, ay mayroon din kayo. Magtiwala kayo sa pamahalaan at humiling ng walang
palikaw-likaw.

(Dumating si makaraig upang iparating ang balita)

Makaraig(James): Nakipagkita ako kaninang umaga kay Padre Irene


Lahat ng Estudyante: Mabuhay si Padre Irene!

Makaraig(James): Iniulat sa akin ni Padre Irene, ang nangyari sa Los Banos. Itinaguyod niya’t
ipinaglaban ang ating hiling laban sa lahat. Uupuan na sana ang petisyon ngunit naalala ni Padre
Irene ang Comision Superior de intruccion Primaria!

Pecson(Clare): Ngunit matagal nang natutulog ang komisyon na yan.

Makaraig(James): Iyon na nga ang sabi ni Padre Irene, tumugon siyang ito ay mabuting
pagkakataon upang buhaying muli. Si Don custudio ang nahirang ponente marahil bumuo noon
din siya ng isang komisyon. Ngayon nasa kamay ni Don custudio ang pagpapasiya sa petisyon at
nangako itong tatapusin ito sa loob ng buwan na ito.

Lahat ng Estudyante: Mabuhay si Don Custudio!

Pecson(Clare): At kung salungat ang hatol ni Don Custudio?

Makaraig(James): Iyan din ang pagtutol ko kay Padre Irene, ngunit ang sabi niya sakin ay ito
ay malaking tagumapay na, sapagkat napilitan ang mga kalaban na tanggapin ang laban.
Hihiyakatin na lamang natin si Don Custudio na pumanig sa atin, at sa ganon ay panalo na ang
lahat.

Pecson(Clare): Aha! Alam ko na, ang Bailarinang si Pepay

Estudyante 3(Jaydee): Oo nga si Pepay!

(Isang matalik na kaibigan ni Don Custudio si Pepay. Kaibigan din ni Juanito si Pepay at
nagbolyuntaryong maging tagapamagitan. Subalit umiling si Isagani)
Isagani(Aldrich): Sa aking palagay, Sapat na ang tulong na binigay sa atin ni Padre Irene
marahil labis na ang paghingi pa ng tulong kay Pepay.

Pecson(clare): Mayroon ka pa bang alam na paraan?

Isagani(Aldrich): Maaaring kausapin ko muna si Ginoong Pasta bago natin kausapin si Pepay,
siya ang tagapayong abogado ni Don Custudio at malapit na kaibigan ng aking tiyo.

Makaraig(James): Ayan na ang solusyon! Kay Ginoong Pasta at kay Pepay!

SCENE END//CLOSE CURTAIN

KABANATA 15

START

[Naghanda si Isagani para kausapin si Ginoong Pasta tungkol sa Akademya ng wikang


Kastila.]
[Kumatok si Isagani sa pinto]

Ginoong Pasta(Yuri): Pasok!

Isagani(Aldrich): Magandang hapon po, Ginoong Pasta.

(Si ginoong Pasta ay makikitang nagsusulat ng mga papeles at hindi pa napapansin si


Isagani,nang makita ito ay bigla sumigla at binati ang binata)

Ginoong Pasta(Yuri): Aba ikaw pala yan binata! Kamusta ka? Hindi ko alam na ikaw pala, ang
tiyo mo kamusta?
Isagani(Aldrich): Mabuti po, Naparito po ako upang pag usapan ang tungkol sa aming proyekto
na akademiya sa wikang espanyol.

Ginoong Pasta(Yuri): Ah, oo alam ko ang iyong sinasabi, aking naiitindihan ang inyong mga
hangarin.

Isagani(Aldrich): Kung gayon po, maari ninyo po kaming matulungan? Kung maaari po ay
mapayuahan ninyo si Don Custudio?

Ginoong Pasta(Yuri): Ako ay natutuwa sa inyong hangarin, ito ay nagpapakita na mahal ninyo
ang inang bayan ngunit hindi madali ang sumuong sa mga usapin. Ako ay nag-iingat marahil
marami akong ari-ariang dapat ingatan.

Isagani(Aldrich): Wala po kaming hangad na ilagay kayo sa kagipitan. Sa aking pagsasaliksik,


iisa lamang ang adhikain namin at ng pamahalaan, sa paraan lamang ito magkasalungat.

Ginoong Pasta(Yuri): Marangal ang tumulong sa pamahalaan. Kung sundin ninyo ang
pamahalaan ay mas mabuti. Ang pagsalungat sa mga panukala nito ay maaaring ikasira sa
kaniyang katatagan. Ang maipapayo ko lamang ay pabayaan niyo na lamang sa pamahalaan.

Isagani(Aldrich): Ang Pamahalaan ay itinatag para sa kapakanan ng mamamayan. Alam ng mga


mamamayan ang makabubuti sa kanila kaya dapat lamang na pakinggan sila.

Ginoong Pasta(Yuri): Isagani, Ang mga namumuno sa pamahalaan ay matataas at may pinag
aralan.

Isagani(Aldrich): Subalit, sila’y mga tao lamang din, maaari ring magkamali.

Ginoong Pasta(Yuri): Binibigay nila kahit hindi naman natin hinihingi. Ang paghihingi sa
pamahalaan ay nag papamukha sa kanila na sila’y nagkukulang.
[Tumayo sa upuan si Ginoong Pasta at inakbayan si Isagani]

Ginoong Pasta(Yuri): Nag-aaral kayo ng medisina hindi ba? Magtapos kayo, mag-asawa ng
isang mayaman at magandang dalaga. Atupagin ang paggagamot sa kapwa at wag nang isipin
ang mga bagay na kinalaman sa bayan. Makikita ninyo, pag kayo’y nagkaroon ng uban tulad ng
akin, ay papasalamatan ninyo ako.

Isagani(Aldrich): Kapag ako’y nagkaroon na ng uban katulad sainyo, at maalala ang aking
nakaraan na wala man lang akong ginawang mabuti para sa iba at para sa aking bayan. Ang
bawat uban ay magsisilbing tinik sa akin. Hindi ko ito ikapupuri, bagkus ito’y aking kahihiya pa.
Salamat at Paumanhin Ginoong Pasta, Ako’y aalis na.

[Umalis si Isagani sa opisina ni Ginoong Pasta]

SCENE END//CLOSE CURTAIN


KABANATA 19

START

[Pagkatapos lumabas ni Placido Penitente sa kaniyang klase siya naman ay nagtungo sa


kaniyang tinutuluyan na bahay. Nagsusulat siya ng mensahe para sa kaniyang Ina, dahil
ninanais na niyang tumigil sa pag-aaral.]

Placido(Stav): Sinasabi nilang hindi tayo marunong maghiganti. Hah! Kumidlat sana at makikita
nila.

[Ngunit habang naglalakad si Placido papunta sa bahay ng platero nagulat siya. Nagulat
siya dahil kararating lamang ng kaniyang Ina mula sa Batangas.]

Kabesang Andang(Hannah): Oh anak nariyan ka na pala!

Placido(Stav): Inay! Bakit ika’y nandito?

Kabesang Andang(Hannah): Ito oh may dala ako para sayo tapa ng usa, sedang panyo, at
kauniting salapi.

Placido(Stav): Akin na Ina, tulungan ko na ho kayo.

[Naglakad ang dalawa patungo sa tinutuluyan ni Placido. Nang makarating na sila hindi
maiwasan ni Kabesang Andang tanungin ang kaniyang anak kung may bumubulabog ba
sa kaniya.]

Kabesang Andang(Hannah): Tila ikaw ay malungkot. May problema ka ba?

[Hinawakan ni Kabesang Andang ang pisnge ng kaniyang anak.]

Placido(Stav): Inay… ayaw ko na magaral.


[Nagulat ang ina at napalayo ito.]

Kabesang Andang(Hannah): Ngunit ipinangako ko sayong Ama-

Placido(Stav): Inay ako ay napahiya ngayong araw.

Kabesang Andang(Hannah): Paano ang pangako ko na ikaw ay magtatapos sa pag- aabogado.

Placido(Stav): Inay ayaw ko na talaga mag-aral! Anong mapapala ko sa pag-aaral? Gusto ko na


lang magtrabaho!

Kabesang Andang(Hannah): Ako’y nagmamakaawa anak magpatuloy ka sa iyong pag-aaral.

[Nagwalk out si Placido]

[Paglabas ni Placido ay napagpasyahan niya na pumunta na lamang sa Hong Kong at


magtrabaho para makakita ng pera. Kaya naman hinahanap niya ang alaherong si Simoun
upang makahingi ng tulong kung paano makapunta ng Hong Kong. Saktong nakita ni
Placido si Simoun na naglalakad kaya agad niya itong nilapitan.]

Placido(Stav): Ginoong Simoun! Nais ko ho kayong makausap!

[Tumigil si Simoun sa paglalakad at hinintay makalapit si Placido sa kaniya.]

Placido(Stav): Gusto ko lang ho itanong kung maari ninyo ako tulungan. Nais ko magtrabaho at
makaipon ng pera. Nais ko pumunta sa Hong Kong. Nais kong maging malaya!

Simoun(Brent): Matalinong bata. Halika sumama ka sa akin.

[Sumakay sila sa isang karawahe at bumabasila sa harap ng eskinita. Tahimik na naglakad


sa pasikot-sikot na daan ang dalawa. Sila naman ay natigil sa isang lugar na may puno at
may imbakan.]
Simoun(Brent): Handa ka na ba? Ang mga kagamitan?

Lalaki(Aldrich): Nasa sako na ho. Hinihintay na lang ang mga lalagyan. At handa na ho ang
lahat.

Simoun(Brent): Kung gayon, lumakad ka na ngayon gabi at sabihan mo ang tenyente at


corporal. Pumunta ka sa lamayan at makikita mo ang isang lalaki sa Bangka. Sumigaw ka ng
Kabesa at sasagot iyon ng Tales. Kailangan ko na siya rito bukas. Hindi tayo dapat mag-aksaya
ng panahon.

Lalaki(Aldrich): Bakit Ginoo mayroon ho bang himagsikang magaganap?

Simoun(Brent): Oo kaya maghanda na kayo.

[Umalis na ang dalawa. Sa daan pabalik ay napakatahimik ni Placido. Hinatid ng binata


ang alahero, at ni isang salita ay wala siyang sinabi. Samantala ang alaherong si simoun
naman ay abala sa pagiisip.]

SCENE END//CLOSE CURTAIN

KABANATA 23 (MAY UNTING 22)

START

KABANATA 22
[Isang gabi ay mayroong pagtatanghal sa Teatro de Variedades. Magtatanghal sa unang
pagkakataon ng konpanya ng operatang Pranses. Sa pagtatanghal din na iyon, ay dumalo
ang napakaraming tao. Kasama na roon ang mga estudyante ng unibersidad, mga prayle,
at mga kilalang pamilya. Sa pagtatangahal din na ito ay pinlano ni Simoun gawin ang
kaniyang paghihimagsik.]

[Enter Makaraig na malungkot na may hawak na papel. Nakita ni Sandoval ang papel at kinuha
niya ito mula kay Makaraig. Binasa ito ni Sandoval ng malakas.]

Sandoval(Alea): “Kalapati ko: Huli na nang dumating ang iyong sulat. Naibigay ko na ang
aking pasiya at aprobado. Gayunman, parangnahulaan ko ang iyong iniisip. Nilutas ko ang
asunto sang-ayon sa ninanais ng iyong mga ampon. Pupunta ako sa teatro at inaasahan kita sa
labasan. Ang kasuyo mong munting kalapati.
-Custodining”

Tadeo(Angela): Anong buting tao!

Sandoval(Alea): Wala naman akong nakikitang masama rito, maganda pa nga!

Makaraig(James): Oo, ipinasiyang pabor na pabor sa atin! Kaya lamang, dahil sa malasakit sa
ating mga pananagutan, at upang, sabi niya, hindi masayang ang magandang idea. Inisip ng
komisyon na dapat itonf pangasiwaan at ipatupad ng mga korporasyong relihiyoso, kung
sakaling ayaw ng mga Dominiko na ikabit ang akademya sa Unibersidad.

Estudyante 1(yuri): Oh itigil niyo na iyan. Ang mahalaga ay napatupad na ang Akademya.

Pecson(Clare): Upang ipagdiwang ang pangyayari, walang katulad ang isang bangkete sa isang
pansiterya at mga Tsinong walang kamisa ang magsisilbi. Talgang walang kamisa!

[Pumalakpak si Sandoval at nagsunuran ang iba. Bago pa matapos ang pagtatanghal ay


nagsilabasan na ang mga estudyante para magdiwang na sa pansiterya.]

CLOSE CURTAIN/ CHANGE SCENE

KABANATA 23
START

[Totoong hindi pumunta sa teatro si Simon. Tulad ng sabi ni Makaraig, hindi rin pumunta
sa teatro si Basilio. Pagkabalik ng kawawang estudyante mula sa San Diego upang tubusin
sa paninilbihan ang kaniyang kasintahang si Juli, muli niyang hinarap ang kaniyang mga
aklat, pinaraan ang panahon sa ospital, sa pag-aaral, o sa pag-aalaga kay Kapitan Tiago na
sinisikap miyang gamutin.]

[Enter Simoun]

Simoun(Brent): Ano ang lagay ng may sakit?

Basilio(Aidan): Halos hindi na tumitibok ang puso. Walang ganang kumain at talamak na ang
lason sa buong katawan.

Simoun(Brent): Tulad ng pamahalaan, pakinggan mo ako sapagkat mahalaga ang bawat sandali.
Sa loob ng isang oras ay sisiklab na ang himagsikan sa pamamagitan ng hukbo. Bukas ay wala
ng pag-aaral, ang pamantasan ay wala na rin. Wala kundi dugo at patayan!

Basilio(Aidan): Ginoong Simoun..

Simoun(Brent): Nasa aking kamay ang kalooban ng pamahalaan. Magpasya ka Basilio! Kasama
ko si Kabesang Tales, nasa ibaba siya at naghihintay. Pinamunuan ko ang himagsikam ma ito
sapagkat ibig kong iguho ang pintuan ng Santa Clara para kunin sa kumbento si Maria Clara!

Basilio(Aidan): Si Maria Clara?

Simoun(Brent): Oo si Maria Clara. Nais Kong iligtas siya, nabuhay ako upang iligtas siya at
tanging himagsikan lang ang makapagbubukas sa pintuan ng mga kumbento.

Basilio(Aidan): Ngu-Ngunit huli na kayo! Wala na siya!

Simoun(Brent): Ano?

[napaluhod si simoun at umiyak]


SCENE END// CLOSE CURTAIN

KABANATA 26

START

[Maagang gumising si Basilio para puntahan sa pagamutan ang mga pasyente. Bukod dito
ay pupuntahan din niya si Makaraig na kaibigan niya para kunin ang hiniram na pera
upang makuha na niya ang kanyang grado. Habang patungo sa pamantasan si Basilio
ay napansin niya ang grupo ng mga mag-aaral na pinapalabas sa loob ng paaralan.
Maingay nilang pinag-usapan ang mga mag-aaral na sangkot sa paglulunsad ng
himagsikan. Malala ang takot ni Basilio. Kumalma lamang ang kanyang kalooban nang
malamang walang kinalaman sina Simoun at Kabesang Tales sa usapin ng himagsikan.]

Basilio(Aidan): Ano ang tungkol sa mga paskin? Sandoval!

[Hindi siya pinansin ni Sandoval.Pero hinahabol niya pa rin ito. Sa paghabol niya ay
nakasalubong niya si Tadeo.]

Basilio(Aidan): Tadeo? Tadeo! Kayo ba ang naglagay ng mga paskin?

Tadeo(Angela): Uy! Basilio! Wala Tayong pasok! Tayong mga kasapi sa Akademya ay
ikukulong lahat!

[Masayang sinabi niya]

Basilio(Aidan): At natutuwa ka pa sa lagay na iyon? Ikukulong na tayo?

Tadeo(Angela): Aba oo naman! Wala tayong pasok nun!

[Nakasalubong nila si Juanito.]

Basilio(Aidan): Oh Juanito? Bakit ka namumutla?

Juanito(Francine): Hindi! Wala akong kasalanan! Hindi ako kasali sa pagpapatayo ng


Akademya!
[Dahil sa balita na kumalat na ipapabilanggo ang mga estudyante na kasapi sa
pagpapatayo ng akademya. Pumunta si Basilio sa bahay ni Makaraig at nasalubong siya ng
mga Guardia Civil.]

Basilio(Aidan): Makaraig! Makaraig! Na saan ka?

Guardia Civil 1(LJ): Sino ka at ano ang iyong pakay?

Basilio(Aidan): Nariyan ba si Makaraig?

Guardia Civil(LJ): Sandali at tatawagin ko lang!

Makaraig(James): Ano ginagawa mo rito Basilio?

Guardia Civil 2(Aldrich): Mga kasambwat sa Akademya? Sumama ka sa amin!

[Dinakip si Basilio ng mga Guarda civil]

Basilio(Aidan): Teka anong ginagawa ninyo? Sandali! Hindi niyo ako pwedeng dakipin!

[Dahil dito naging usapin ang paghuli sa mga kasapi sa akademya. Hindi rin nagtagal ay
nahuli na rin sila Sandoval at Tadeo.]

SCENE END// CLOSE CURTAIN

KABANATA 28

START

[Sa bahay ni Kapitan Tiyago ay naroon si Padre Irene. Sila ay naguusap sa mga bagay
bagay.]

Padre Irene(Stav): Kung hindi ako dumating at nagsabing huminahon ka muna siguro ay
nalagutan na ang iyong hininga.

Kapitan Tiyago: Hindi ko na kaya,lalo na’t na dakip si Basilio. Hindi ko na kaya.


[Kumapit si Kapitan Tiyago kay Padre Irene. Nahirapan ito huminga at nalagutan na lang ng
buhay.]

Padre Irene(Stav): Tiyago! Gumising ka! Tiyago!

[Makalipas ang ilang oras]

Padre Irene(Stav): Sa akin inihabilin ni Kapitan Tiago ang mga paghahati-hati ng kanyang ari-
arian. Para kay Santa Clara, sa papa, sa Arsobispo, sa mga korporasyon ng mga prayle at ang
dalawampung piso ay iniwan niya sa matrikula ng mahihirap na mag-aaral. Ipinawalang bisa
niya ang dalawampu't-limang piso para kay Basilio dahil sa masamang inasal nito.

Tauhan 1 (Nadine): Handa akong ialay sa kanya ang lumang damit pransiskano. Mahalaga sa
akin iyon ngunit alang-alang sa aking kaibigan na hindi ko man lamang nasilip hanggang sa
maghingalo ay handa akong ibigay.

Mananahi(Aidan): Ngunit prak ang paboritong suotin ni Kapitan Tiyago.

SCENE END// CLOSE CURTAIN

KABANATA 30

START

[Naging usap usapin ang nangyrai kay Basilio at sa mga iba pang estudyante.]

Juli(Clare): Basilio!

[Nagising mula sa panaginip]

[Lumabas mula sa bahay ni Hermana Penchang si Juli at nakinig sa usapan.]

Tsismosa 1(Lj): Nabalitaan niyo ba ang nangyari kay Basilio?

Tsismosa 2(Angela): Oo kawawang bata. Maaring mamatay siya dahil sa parusang naibigay sa
kaniya.
Hermana Penchang(Dianne): Ayan! Pinarusahan siya ng Diyos, dahil hindi marunong
magdasal!

[Narinig ito ni Huli]

Huli(Clare): Ano?! Ikinulong si Basilio? Ikinulong..?

[Biglang nahimatay ang dalaga]

Hermana Penchang(Dianne): Juli! Juli! Kumuha kayo ng tubig!

[Nang magising na si Juli siya ay umuwi sa kanila at nakita si Hermana Bali.]

Juli(Clare): Hermana Bali si Basilio- s Basilio ay nakulong.

[Maiyak-iyak niyang sinasabi]

Hermana Bali(Alea): Huminahon ka Huli. Uminom ka ng tubig. Makakalabas rin siya.

Juli(Clare): Salamat Hermana Bali. Subalit sa anong paraan ko kaya matutulungan si Basilio?

Hermana Bali(Alea): Alam ko na si Padre Camorra ang iyong lapitan!

Juli(Clare): Ayoko! Natatakot ako sa kaniya! Iba makatitg ang Prayle’ng iyon.

Hermana Bali(Alea): Juli Huwag ka mag-alala at kasama mo akong pumunta. Walang


masamang mangyayari sa’yo.

Juli(Clare): Kahit sino na lang ho huwag lamang siya!

Hermana Bali(Alea): Wala ng ibang paraan paano mapapalaya si Basilio. Hindi natin alam
mamaya’y patay na pala siya. Kailangan natin bilisan ang kilos.

[Walang nagawa si Juli kung hindi sundin na lamang ang payo ng nakatatanda. Totoong
hindi komportable ang dalaga sa prayle sapagkat kilalang malikot ang kamay niya
pagdating sa mga babae. Naglakad na sila papunta sa kumbento kung nasaan si Padre
Camorra.]

Hermana Bali(Alea): Halika na Huli! Narito na tayo!


Juli(Clare): Hindi ba pwedeng iba na lang ang ating puntahan? Umiwi na lang tayo.

[Tinulak ni Hermana Bali ng kaunti si Juli papunta sa pintuan ng kumbento.]

Hermana Bali(Alea): Magandang araw nariyan ba si Padre Camorra?

Padre Camorra(LJ): Hermana Bali! Bakit kayo naririto?

Juli(Clare): Nais ko ho humingi ng tulong niyo.

[Napangisi ang Prayle]

Padre Camorra(LJ): Ah kung ganun ay maari mo na kaming iwanan Hermana Bali.

[Nilapitan ni Padre Camorra si Juli na tila hahalikan na siya nito.]


[Tinulak naman ito ni Juli.]

Juli(Clare): Ano ho ang ginagawa ninyo?!

Padre Camorra(LJ): Dali na! Huwag ka ng pumalag. Alam ko naman na gusto mo rin ito!

Juli(Clare): Manghahalay! Maitim ang budhi! Hinding hindi ko magagawa ang iyong
kagustuhan.

[Tumakbo si Juli papalayo kay Padre Camorra.]

CLOSE CURTAIN

Padre Camorra(LJ): Hindi ka makakatakas sa akin! (Galit)

Padre Camorra(LJ): Juli Anghel ko nasan ka na? (palambing)

Padre Camorra(LJ): Juli! Magpakita ka na! (galit)

[May sisigaw na babae]

OPEN CURTAIN

[Katawan ni Juli na puno ng dugo.]

Hermana Bali(Alea): Ahh! Juli! Bakit ka tumalon?!


[Iiyak si Hermana Bali]

SCENE END// CLOSE CURTAIN

Kabanata 31
START

[Pinalaya na ang mga estudyante. Inasahan ng lahat na si Makaraig ang unang lalabas at si
Isagani ang huli. Ngunit ang kapus-palad na si Basilio, na nanatiling nakakulong, ay mas
masahol pa sa huling lumabas.]

[Nag-uusap ang isang mataas na Kawani at ang Kapitan Heneral]

Kapitan Heneral(Jaydee): Si Basilio ay umano'y alipin at estudyante. Hindi siya pwedeng


palayain!

Mataas na Kawani(Stav): Paumanhin po Kapitan, ngunit sinasabi ng kanyang mga guro na siya
ay isang mahusay na manggagamot at isang mahusay na estudyante. Magtatapos na siya
pagkatapos lamang ng isang taon ng pag-aaral. Sayang naman.

Kapitan Heneral(Jaydee): Mas mabuting makulong siya. Para mabigyan siya ng dagdag na
taon para mas gumaling pa siya bilang isang manggagamot. Bukod pa rito, para hindi maisip ng
mga tao na wala akong pakialam sa bansa.

Mataas na Kawani(Stav): Pero sa lahat, siya ang pinaka inosente! Bukod pa rito, isinulat ng
mga Kastila ang mga medikal na aklat na hawak niya.

Kapitan Heneral(Jaydee): Ito ay kahit na higit na mataas! Ang kanyang paghinto ay dapat
magsilbi bilang isang pag-iingat sa iba! Ganyan dapat ang pamamahala! Magsakripisyo para sa
kapakanan ng lahat.

Mataas na Kawani(Stav): Pero Kapitan, hindi ka ba nag-aalala na sinisisi ka ng mga tao?

Kapitan Heneral(Jaydee): Bakit ako matatakot? Hindi ba’t ako’y may kapangyarihan? Ang
isang alipin ay hindi maaaring gamitin upang dalhin ako sa hukuman. Wala akong pake kung ano
ang iisipin ng iba.

Mataas na Kawani(Stav): Hindi po ito importante. Nandiyan ka


dahil sa Espanya kaya’t mas lalong bibigyan mo nang mabuting pagtrato ang mga Pilipino para
hindi sila magalit sa Espanya. Pinangako ninyo noong dumating kayo na mamahala kayo ng
tama at mabuti. Ako ay magbibitiw na sa aking pwesto at babalik na sa Espanya.

Change Scene

[Nang makita na ni Isagni si Paulita ay inaya niya ito magusap. Ngunit nakita niya na kasama ni
Paulita si Juanito Pelaez.]

Isagani(Aldrich): Paulita, Aking mahal, kamusta ka na?

Paulita(Angela): Isagani-

[pinutol ni Juanito sa pagsasalita si paulita.]

Juanito(Francine): Anong mahal? Huwag mo hawakan si Paulita, dahil simula ngayong araw
na ito ay wala na kayong ugnayan!

Isagani(Aldrich): Ano ang sinasabi mo? Paulita?

Juanito(Francine): Layuan mo kami!

Isagani(Aldrich): Huwag ka mangialam!

[akmang susuntukin niya si Juanito.]

Paulita(Angela): Isagani! Ano ba?! Bakit mo sinasaktan si Juanito?

Isagani(Aldrich): Ngunit sinasabi niyang hindi mo na raw ako mahal. Totoo ba iyon? Sabihin
mong hindi ito totoo. Sabihin mo!

Paulita(Angela): Bakit ka ba nanggugulo rito? Wala na tayong ugnayan. Nagkamali pala ako na
ikaw ay ibigin. Na ibigin ang isang bilanggong katulad mo!

Isagani(Aldrich): Paulita, sana maintindihan mo ako. Para sa bayan ang aking ginawa.

Paulita(Angela): Ayokong maging bahagi ng buhay ng isang taong hangal. Isa pa, mas
matimbang sa akin si Juanito, masayahin, maliksi, may dugong Kastila at anak ng isang
mayaman. Ikaw? Ano ang iyong maipagmamalaki? Isa ka lamang hamak na probinsyano at
Indiyo!
Isagani(Aldrich): Ano bang nangyayari sa iyo Paulita?

Paulita(Angela): Ikakasal na kami ni Juanito.

Juanito(Francine): Narinig mo na? Ikakasal na kami ni Paulita. Wala na kayong ugnayan kaya
umalis ka na!

Isagani(Aldrich): Paulita, sabihin mong mali ang lalaking ito! Nangako tayo sa isa't isa!

Paulita(Angela): Kung ayaw mong umalis kami ang aalis. Juanito tayo na.

[aalis kasama si Juanito]

Isagani(Aldrich): Paulita! Sandali Paulita!

[mapapaluhod at mapapaiyak]

SCENE END// CLOSE CURTAIN

SCENE END// CLOSE CURTAIN

Kabanata 32
START

[Binisita ng kutserong si Sinong si Basilio sa bilangguan upang magbigay ng balita.]

Guwardiya-sibil(Aldrich): Basilio, may bisita ka.

Sinong(Hannah): Ginoo, may bago po akong balita.

Basilio(Aidan): Ano yun, Sinong?

Sinong(Hannah): Balita po galing sa Tiyani.

Basilio(Aidan): Tungkol saan?

Sinong(Hannah): Tungkol po sa mga mahal ninyo.

Basilio(Aidan): Sino?
Sinong(Hannah): Sina Juli at Tandang Selo po

Basilio(Aidan): Anong nangyari sa kanila?

Sinong(Hannah): Si Tandang Selo po’y nawawala…

Basilio(Aidan): Ano?! Kailan pa? Anong nangyari?! Si Juli?!?!

Sinong(Hannah): Si Juli po…

Basilio(Aidan): Ano?!

Sinong(Hannah): Si Juli po ay… patay na

Basilio(Aidan): Ano?!?! Bakit?! Paano?!

[Malungkot na kanta]

SCENE END// CLOSE CURTAIN

KABANATA 33-35

START

[Kumatok si Basilio sa kuwarto ni Simoun]

Simoun(Brent): Naparaan ka ya-

[Tinignan ni Simoun si Basilio na parang gulat na gulat at nagaalala.]

Simoun(Brent): An-ano nangyari saiyo?

Basilio(Aidan): [Hindi binigyang pansin ang tanong ni Simoun] Gusto ko maging parte sa
pinaplano mo sa piging.
[Napangiti na lamang si Simoun at hinatak si Basilio papunta sa isang laboratoryo na
naglalaman ng mga pasabog.]

Simoun(Brent): [Ipinakita kay Basilio ang isang lampara na naglalaman ng mga pasabog.]
Ito’y gagamitin sa kapistahan.

Simoun(Brent): Magkita tayo sa tapat ng parokya ng San Sebastian para sa huling pagpaplano.

[Sa araw ng piging.]

Donya Victorina(Dianne): [Nagpapaypay] Napakaganda…simple, ngunit elegante rin.


[Sinasabi habang tumitingin sa paligid.]

[Puno ng tawanan at kaligayahan ang mga nasa kasal]

[ACT: Nag uusap ang mga prayle at mga bisita habang nakaupo sa mga lamesa. Ang iba naman
ay umiinom ng alak at kumakain ng mga pagkain na nakahanda.]

Simoun(Brent): [Pumasok na dala ang lampara. Siya ay casual na nakikipag-usap sa mga


bisita habang nilalapag ang lampara na kaniyang regalo.]

[CHANGE P.O.V: BASILIO]

Basilio(Aidan): [Nakatingin sa kaniyang kamay at inangat ang ulo upang tumingin sa piging na
nagaganap sa kaniyang harapan.] Tama nga ba ang aking gagawin? Ngunit…kung itinuloy ni
Ginoong Simoun ang kaniyang plano…maraming inosente atwalang kamalay-malay ang
mamamatay..! Hindi maaari-!

[Di kinaya ni Basilio ang kanyang sarili dahil sa kanyang kabaitan na iligtas ang mga taong
walang sala]

[Tumakbo si basilio patungo sa bahay ni kapitan tiago ngunit hinarang ang binata ng mga
guwardiya sibil]
[Sinubukang pumasok ni Basilio sa piging ngunit siya ay pinigil ng mga guwardiya.
Makalipas ang ilang segundo, nakita niya si Isagani]

Basilio(Aidan): Isagani!! Kaibigan! [Iwinagayway ni Basilio ang kaniyang kamay upang makita
agad ni Isagani.]

Basilio(Aidan): [Hinawakan ng mahigpit si Isagani sa braso.] [hinihila ni Basilio ang mga


kamay ni Isagani upang hindi pumasok sa bahay ni Kapitan Tiago] May pasabog sa loob ng
piging na iyon at maaari kang madamay! Kaya sinasabi ko sa’yo, kailangan nating lumayo-

Isagani(Aldrich): Huh? Anong sinasabi mo? Hindi maaari. Kailangan ko makita si Paulita.

Basilio: Kaibigan-

Isagani(Aldrich): [Tumingin ng masama kay Basilio.] Hindi mo man lang ba ako iniintindi?
Ngayon na lamang ang huling pagkakataon na masisilayan ko ang mukha ng aking minamahal
bilang ang sarili niya! [Pasigaw na sinabi ni Isagani] Kailangan ko lang makita si Paulita para
hindi ako magsisi habang buhay na di ko nakita ang kanyang mga mata!

Basilio(Aidan): Kailangan mo nang tumakas! Dahil ito ay ang ikamamatay mo!

Isagani(Aldrich): [May puwersa na inalis ang kaniyang braso sa hawak ni Basilio] Bitiwan
mo’ko!

Basilio(Aidan): [Nagbuntong hininga at lumayo nalang.]

[CHANGE P.O.V: SA PIGING]

[Lumitaw ang papel mula sa lampara na nakasulat ang “MANE THACEL PAHRES- JUAN
CRISOSTOMO IBARRA]

Tao 1(Yuri): Ano ‘yun!?


Tao 2(Aidan): Bakit nakasulat ang pangalan ni Ibarra? Hindi ba’t siya’y patay na!?

[Maraming nagtaka at nagtanong sa isa’t isa. Dahil dun, umingay ang mga tao sa piging.]

Don Custodio(Nadine): Isang pilibusterong matagal nang pumanaw. Hindi ito magandang biro!

Donya Victorina(Dianne): Hindi kaya minumulto niya tayo!?

Tao 1(Yuri): Gumaganti si Ibarra-!

Padre Irene(Stav): Padre Salvi! [Kinakabahang tumingin kay Padre Salvi] Masisigurado mo ba
na ito’y lagda ni Ibarra!?

Padre Salvi(James): Oo nga.. Siya nga! Ang lagda na ito…Ay kay Crisostomo Ibarra!

Mga tao: [Gasp]

[ACT: Biglang nawalan ng ilaw ang lampara na dahilan ng pagtataka ng mga tao.]

[Sa hindi inaasahan, may isang “anino” na biglaang tumakbo at hinablot ang lampara.
Itinapon ng “anino” ang lampara sa asotea. Nagtaka na lamang ang mga tao kung ano ang
nangyari.]

SCENE END// CLOSE CURTAIN

KABANATA 37

START
[ACT: NAGUUSAP ANG MGA ANAK NG MGA MAYAYAMAN. SAMANTALA,
NAGLALAKAD SI ISAGANI AT NAPAHINTO SA KANIYANG NARINIG.]

Tao 1 (Yuri): Sayang at hindi sumabog ang lampara sa piging. Maaari sana tayong makawala sa
mahigpit na hawak ng mga prayle!

Tao 2 (Aidan): Hindi kaya…si Don Custodio ang nagplano ng pagsabog ng lampara?

Tao 1 (Yuri): Hindi! Si Isagani siguro iyon. Ninanais niya siguro na masira ang kasal dahil ayaw
niyang mapunta si Paulita kay Juanito!

Tao 3 (Nadine): [Nagpapaypay at tumawa.] Mga hangal! Sino pa ba ang maaaring gumawa
noon kundi si Simoun? Hindi ba’t umalis siya kaagad sa kalagitnaan ng piging?

Tao 4 (Brent): O baka naman ang mga prayle ang nagpasabog!

Tao 3 (Nadine): Ngunit…si Simoun ang malinaw na maaaring gumawa noon.

Tao 1 (Yuri) : Hindi ba’t pinaghahahanap na siya ng mga sundalo?

Tao 4 (Brent) : Kaya nga!

Tao 2 (Aidan): Si Simoun…

SCENE END// CLOSE CURTAIN


KABANATA 39

Padre Florentino(James): Nahihirapan ka ba, Simoun? [Dahan dahan na inaalalayan si


Simoun]

Simoun(Brent): Kaunti lamang po, Padre. Ngunit…nggh…agh..! K-Kaunti nalang…Matatapos


na ang aking pag…paghihirap. [Huminga ng malalim]

Padre Florentino(James): Jusko…ano ba ang ginagawa ninyo sainyong mga sarili?

Simoun(Brent): Paumanhin padre, ngunit wala nang lunas sa lason na aking ininom, dahan
dahan na akong pinapatay nitong lason. Hinding hindi ako magpapadakip…Patay, oo. Buhay,
hindi!

Padre Florentino(James): Hindi ko hahayaang mamatay ka, Simoun! Lunas..Maghahanap ako


ng lunas! [Aalis na sana si Padre Florentino upang maghanap ng lunas.]

Simoun(Brent): H..Haha..Ha! P-padre… mag aaksaya lamang ho kayo..ng..pa…ah..panahon..!


Ako’y aalis sa mundo na ito…na dala..ang aking…

[Hinihingal na si Simoun at hirap nang magsalita habang dahan dahang nanghihina ang
kaniyang katawan.]

Simoun(Brent): Aking lihim…

Padre F.(James) : Lihim?

Simoun(Brent): [Nanghihina at nauutal-utal na] Ako si Crisostomo Ibarra. Labintatlong taon


na ang nakaraan…hah…noong ako’y bumalik mula sa akong pag-aaral sa Europa…upang
gumawa ng m-mabuti para sa bayan…at pakasalan ang aking iniirog na si Maria Clara. Subalit…
[Naiiyak na nagsasalita.] Lahat nang ito…ay nawala..! Nawala nang idawit nila ako sa
kaguluhan…kung saan wala naman akong kinalaman…Tumakas ako na dala ang kayamanan ng
aking mga magulang…Nagpayaman at bumalik upang maghiganti sa mga nang-api saakin…at
sa aking mahal sa buhay…

Padre F(James): Patawarin ka ng diyos, anak. Alam niyang hindi mo ginusto ang lahat ng
nangyari saiyo at nasilaw ka lamang sa galit at paghihiganti. Kagustuhan niya ang lahat ng
nangyayari. Hindi nagtagumpay ang iyong plano dahil sa kaniya sapagkat nasa diyos ang
kaalaman na ito’y hindi tama. Igalang natin ang kaniyang kapasiyahan-

Simoun(Brent): Padre…Sinasabi mo ba na gusto ng kalooban niya…hah…na mangyari ang


mga…mga ito?

Padre F(James): Walang makakapagsabi sa iniisip ng diyos, anak. Ngunit, kailan man ay
hinding hindi siya naghangad at maghahangad ng masama para saatin.

Simoun(Brent): Ngunit..Padre..bakit hindi niya ko tinulungan..? [Naiiyak na nagsalita.]

Padre F(James): Sapagkat hindi niya nais ang paraan na iyong ginawa, anak. Hindi mapapawi
ng kasamaan ang isa pang akto ng kasamaan- kailanman. Walang nalilikha ang poot kundi
krimen na ginagawa ng masasamang loob. Tanging pag-ibig lamang ang makapagliligtas saatin!
Ang solusyon sa bawat problema na dumadaan sa ating buhay ay nasa kabaitan, kabaitan na
siyang nagpapasakit at pagpapasakit ay siyang pag-ibig.

Simoun(Brent): M-maraming salamat padre…Ngayon ay…payapa na ang aking kalooban…


[Pinisil ni SImoun ang kamay ni Padre F. ngunit dahan dahan itong nawawalan ng lakas
hanggang sa patuloy na itong bumitaw.]
Padre F(James): Nawa’y…makasama mo ang iyong mga mahal sa buhay na namayapa.
Makasama mo sila sa paraiso kung saan hindi ka na maghihirap. Malibing ka nawa sa
kailaliman ng dagat. [Dahan dahang ibinaba ni Padre Florentino ang katawan ni SImoun sa
dagat.] Ngunit, kung kakailanganin ka man ng mga tao para sa isang marangal na hangarin,
nawa’y ipahintulot ng diyos na matuklasan ka sa sinapupunan ng mga alon na silang yayakap sa
iyong katawan. Pansamantala, diyan ka muna sa alaga ng tubig na siyang magdadala ng
kapayapaan sa katawan mo na marami nang naranasan sa mundong ito. Ika’y hindi
makababakulot ng katwiran, hindi mauudyok ng kasakiman.

[DAHAN DAHAN LUMAYO SI PADRE FLORENTINO SA DAGAT AT HINDI NA LUMINGON,


NGUNIT HINDI MASYADONG PANSIN ANG LUHA NA TUMULO MULA SA KANIYANG
ISANG MATA. SIYA’Y TUMINGIN SA TAAS, ITINAAS ANG KANIYANG KAMAY, AT
NAGSALITA SA DIYOS.]

Padre F(James): Pater noster, protege nos ab omni malo, hic et ultra, usque ad ultimum spiritum
nostrum.)(Our father, may you protect us from all evil, from here and beyond, until our last
breath.)

SCENE END// SCENE END

WAKAS.

You might also like