Professional Documents
Culture Documents
Filipibo Reporting
Filipibo Reporting
- Mahalaga ang paraphrase sa pananaliksik upang tukuyin ang pinagmulang ng isang ideya
o kaisipan at ipahayag ito sa pamamaraan na makatutulong sa pananaliksik.
Abstrak- isang buod ng pananaliksik, tesis o kaya tala ng isang komprehensiya o anumang pag-aaral sa
isang tiyak na disiplina o larangan.
- Ito ay nakatutulong upang mabilis na makita ng isang mambabasa ang kabuuang latag ng
pananaliksik kabilang ang mga layunin at kinalabsan nito.
- Ito ay tinatawag na presi o sinopsis sa ilang publikasyon.
Rebyu- isang uri ng pampanitikang kritisismo na ang layunin ay suriin ang isang aklat batay sa nilalaman,
estilo, at anyo ng pagkakasulat nito.
Malaking bagay talaga ang pagpapakita ng pagmamahal sa. Ipaliwanag ang bawat isa. Presentasyon ng
mga DatosSa pagsasagawa ng pananaliksik mahalaga ang presentasyon ng mga datos dahil dito
maipakikita ng mananaliksik ang ilang mahahalagang impormasyon nakalap sa mas sistematiko at
maayos na paraan.
Mahalaga ito dahil dito napalalawak ang kaalaman ng mga tao hinggil sa mga bagay at ilang diskurso na
kailangan pagtuunan ng pansin. Naipapakita ang sakop ng pag-aaral. Halimbawa na lamang ay may mga
asignatura na ibinibigay ang mga guro sa paaralan na kailangan magsaliksik upang magkaroon ng
diskusyon kinabukasan ipinapahanap o ipinapasaliksik ito ng mga guro upang maging handa at
magkaroon kahit ng kaonting.
Ang kritikal na pagbabasa ay mahalagang kasanayan sa pananaliksik. May iba’t ibang kasanayan sa
pagbasa na dapat paunlarin ng mananalikik: ito ay ang pagsulat ng parapreys, abstrak at rebyu.
Kailangan nating matutunan ang mga ito dahil madalas itong makita o na kasama ng pagbasa ang
pagsulat.
Parapreys- ito ay paglalahad ng ideya gamit ang sariling mga salita upang ito ay madaling maintindihan o
maunawaan. Kung kaya ito ay nagkakaroon ng pagbabago una sa mga salitang ginamit at pangalawa
estraktura ng salita at pangungusap. Sa kabila ng mga ito hindi dapat ito lumayo sa orihinal na
konteksto. Ito ay mas mahaba kesa sa orihinal gaya nalang sa halimbawa na narito kun titingnan niyo
mas mahaba ang na paraphrase kesa sa orihinal ito ay dahil nilalayon na maipakita ng may akda na
ganap niyang nauawaan ang teksto at kaya niya itong maipaliwang gamit ng kanyang sariling salita at
mas madaling maunawaan ng mambabasa.
Abstrak- ito ay isang maikling paglalahad ng kabuuan ng isang pag-aaral o pananaliksik. Ito ay
makakatulong sa mambabasa na mabilis na makita ang kabuuang latag ng pananaliksik kabilang ang mga
layunin at kinalabasan nito. Ayon nga kay Philip Koopman bagamat maikli lamang ang abstrak tinataglay
nito ang mahalagang bahagi ng sulating akademiko tulad ng introduksyon, mga kaugnay na literatura,
metodolohiya, resulta at konklusyon.
Rebyu- ito ay ang pagsusulat ng sariling opinion, katwiran o argumento sa napiling topic.
hindi mismong pagsulat nagtatapos ang proseso ng pananaliksik. kasing -halaga ng pagbuo ng
pananaliksik ang pagbabahaginito sa pamamagitan ng paglalathala o presentasyon
-Mahalaga ang publikasyon at presentasyon ng pananaliksik upang ibalik sa mga mamamayan ang
sistematikong kaalaman na nakuha mula sa kanila.
- Ayon kay Neal-Barnett (sa banggit ni Hewlett,2002) ang susi sa tagumpay ng pagkalathala ng isang
pananaliksik ay pagkakaroon ng dakilang bisyon o layunin ng mananaliksik kung bakit siya nagsusulat at
nananaliksik.