Professional Documents
Culture Documents
Akis
Akis
Sa pag lipas ng araw mga kabataan ay nagiiba na ang iba ay nalulong sa droga ang iba naman ay
nag kaanak na ito na ba ang sinabi ni Dr. Jose Rizal na pag asa ng bayan? Kung ang ibang kabataan
ay dumudumgis sa kanyang pangalan,ito na nga ba ang masasabi nating kabataan na magiging tulay
sa pag asenso ng ating bayan? Ito na ba ‘to?
Ayon sa isang sikat na kasabihan, “Ang kabataan ay ang pag-asa ng Inang Bayan”. Tayong mga
kabataan ang siyang magbibigay ng magandang kinabukasan sa ating bansa. Iaahon natin ito sa
kahirapan at ibibigay natin ang hinahangad nitong kasaganaan.Ngunit magagawa ba natin ito kung
tayo mismo ang sumisira sa kasabihan at paniniwalang eto? Ibang iba na talaga mga kabataan
ngayon kaysa noon,sa kasalukuyan, maraming kabataan ang nahuhumaling sa mga bisyong tulad ng
pag-abuso sa droga, pag-inom ng alak, paninigarilyo, at iba pang masasamang gawain na hindi
iniisip kung ano ang mangyayari sa kanilang buhay,waldas dito waldas doon mga kabataan nga
naman basta maaliw sila dun na, hindi marunong mag isip kung ang ginagawa nila ay tama pa
Ilan lang ito sa mga isyu ng mga kabataan na dapat na nating pag tuunan ng pansin.Ngunit hindi
lahat ng kabataan ay ganito may iilan paring kabataan ang masasabi at maipagmamalaki nating pag
asa na ating bayan. At maaring mag bago ang ihip ng hangin at lahat ng kabataan ay maging pag
asa na ng ating bayan.