Ap Q2 N1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

DAHILAN AT DIMENSIYON NG GLOBALISASYON

Ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay,


impormasyon at produkto sa iba't ibang direksiyon na nararanasan sa iba't ibang panig ng
daigdig. (Ritzer, 2011).

Iba't ibang dahilan o perspektibo o pananaw tungkol sa simula ng globalisasyon.


UNA: Ayon kay Nayan Chanda (2007), manipestasyon ito ng paghahangad ng tao sa maalwan
o maayos na pamumuhay na nagtulak sa kaniyang makipagkalakalan, mandigma't manakop at
maging adbenturero o manlalakbay.

IKALAWA: Ayon kay Scholte (2005), maraming 'globalisasyon' na ang dumaan sa mga
nakalipas na panahon at ang kasalukuyang globalisasyon ay makabago at higit na mataas na
anyo na maaaring magtapos sa hinaharap

IKATLO: Ayon kay Therborn (2005), mayroong anim na wave ang pagsisimula ng
globalisasyon.

IKAAPAT: Ang ikaapat na pananaw ay may pagkakahawig sa ikatlong pananaw. Ang mga ito
ay ang pananakop ng mga Romano, pag-usbong at paglaganap ng Islam at Kristiyanismo.

IKALIMA: Ang ikalimang pananaw ay sinasabing nagsimula noong ika-20 siglo.

Mga tatlong pangyayari:


a. Pag-usbong ng Estados Unidos bilang global power.
b. Paglitaw ng mga multinational at transnational corporations (MNCs and TNCs).
c. Pagbagsak ng Soviet Union at ang pagtatapos ng Cold War.

DIMENSYON NG GLOBALISASYON

1. GLOBALISASYONG EKONOMIKO
Sa paglipas ng panahon at sa modernong teknolohiya, naging mabilis ang palitan hindi lamang
ng mga produkto kundi pati rin ng mga iba't ibang serbisyo. Isa-isahin natin ang mga
kompanyang nagbibigay ng mga serbisyo at pangangailangn ng mga tao.

Transational Companies (TNCs) -tumutukoy sa mga kompanyang mayroong negosyo sa iba't


ibang bahagi ng daigdig na ang mga ipinagbibili ay mga pangangailangang lokal.

Halimbawa: Petrolyo

Multinational Companies (MNCs)


tumutukoy sa mga kompanyang ang ipinagbibili ay hindi nakabatay sa pangangailangang lokal.

Halimbawa: McDonalds, Coca-Cola

OUTSOURCING
Ito ay pagkuha ng mga serbisyo mula sa isang kompanya na may kaukulang bayad upang
mapagaan ang gawain ng isang kompanya.

3 uri ng outsourcing:
Offshoring-Ito ang pagkuha ng mga serbisyo ng isang bansa sa ibang bansa dahil mas mababa
ang bayad.

Nearshoring- Ito naman ang pagkuha ng serbisyo ng isang bansa sa mga karatig na bansa.

Onshoring (domestic outsourcing)- ppagkuha ng mga serbisyo sa isang kompanya mula sa loob
ng bansa

2. GLOBALISASYONG TEKNOLOHIKAL AT SOSYO-KULTURAL


-Dahil sa pagdami ng cellular phones at kompyuter, lalong napabilis ang daloy ng mga
impormasyon sa iba't ibang bahagi ng daigdig

3. GLOBALISASYONG POLITIKAL -Tinatawag na globalisasyong politikal ang pagkakaroon ng


ugnayan ng mga bansa sa iba't ibang bahagi ng daigdig.

You might also like