Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Caloocan

LEARNING AREA ARALING PANLIPUNAN QUARTER 2


SCHOOL KAUNLARAN ELEM. SCHOOL GRADE LEVEL III
NAME OF TEACHER SHENNA B. MOLOBOCO Date Nov, 06-07 2023
Section MOON Time:

I. PAMANTAYAN
a. Pangnilalaman Ang mag-aaral ay naipapamalas ang pang-unawa at pagpapahalaga ng iba’t
ibang kwento ng mga sagisag na naglalarawan ng sariling lalawigan at mga
karatig lalawigan sa kinabibilangang rehiyon.
b. Pagganap Ang mag-aaral ay nakapagpapamalas ng pagmamalaki sa iba’t ibang kwento at
sagisag na lalarawan ng sariling lalawigan at mga karatig lalawigan sa
kinabibilangang rehiyon.
c. Most Essential Nasusuri ang kasaysayan ng kinabibilangang rehiyon. AP3KLR- IIa-b-1
Learning
Competency

II. Nilalaman ANG KASAYSAYAN NG KINABIBILANGANG REHIYON

III. PAMAMARAAN
 Panimulang 1. A. Panalangin
Gawain B. Pamntayang Pangkalusugan
C. Pagtala ng mga Liban
1. Daily Routine
-Panalangin 2. Kamustahan
-Pagbati
Ang mga magaaral ay magbabahagi ng kanilang karanasang ng nakaraang bakasyon.
-Pagtala ng
Liban .Panuto: Lagyan ng NT kung ang gawain ay nakatutulong sa pangangalaga ng ating
likas na yaman at NP kung nakapipinsala.
Balik-aral _______1. Pagsusunog ng basura.
_______2. Paglilinis ng kanal at iba pang daluyan ng tubig.
_______3. Pagtatanim ng mga puno sa kagubatan.
_______4. Pagrerecycle ng basura sa tahanan.
_______5. Pagtatapon ng basura sa sapa.
 Paghahabi ng Matutukoy ang kasaysayan sa pagkakabuo ng National Capital Region noon pa mang
Layunin panahon na sakop pa tayo ng mga dayuhan. Una na rito ang mga dayuhang Espanyol
na unang nanakop sa Pilipinas. Napag-alaman nila na may mayamang kaharian ang
nasa bandang hilaga ng Pilipinas at agad tinungo ito, itinatag nila ang lalawigan ng
Maynila na sumasakop sa mga kaharian ng Tondo. Dumating ang panahon ng paglaya
natin sa kamay ng mga Espanyol at hindi naglaon ay sinakop tayong muli ng ibang
dayuhan. Sa ilalim ng pananakop at pamamahalang mga Amerikano sa bansa kasabay
nito ang mga pagbabago sa mga lugar na sakop ng lalawigan ng Maynila. Inatasan nila
ang isang arkitektong Amerikano na si Daniel Burnham na gumawa ng Grand Plan of
Manila kung saan ang mga lugar na nasa ilalim ng lalawigan ng Maynila ay pinagsama-
sama at tinawag na City of Manila.
Sa ilalim ng panunungkulan ng dating Pangulong Manuel Luis Quezon, itinatag niya
ang City of Greater Manila noong 1939 na kinabibilangan ng Lungsod ng Maynila at
Lungsod Quezon at ng mgamunisipalidad ng Caloocan, Las Piñas, Marikina, Pasig,
Parañaque, Malabon, Navotas, San Juan del Monte, San Pedro de Makati, Muntinlupa
at Taguig- Pateros kung saan naitalagang unang alkalde nito ay si Jorge Vargas.
Sa panahon ng panunungkulan ni dating PangulongFerdinand E. Marcos, pormal na
nilagdaan ang Atas ng Pangulo Bilang 824 noong Nobyembre 7, 1975 na nagdeklara sa
Kalakhang Maynila (Metro Manila) bilang rehiyon. Naideklara naman bilang
Pambansang Punong Rehiyon ng Pilipinas ang Kalakhang Maynila sa bisa ng Atas ng
Pangulo Bilang1396, Seksyon 3 noong Hunyo 2, 1978.
 Pag-uugnay ng Sa kasalukuyan, binubuo ang NCR ng labing- anim (16) na lungsod at isang
mga halimbawa munisipalidad.

 Pagtalakay sa Isulat ang T sa patlang kung ang pahayag ay tama at M kung mali.
konsepto at 1. Ang bawat rehiyon at mga nasasakupan nito ay may kani-kaniyang kuwento o kasaysayan ng
kasanayan #1 pagkakabuo.
2. Ang kalakhang Maynila ang idineklarang Pambansang Punong Rehiyon ng bansa.
3.Naideklara ang pagkakabuo ng NCR sa panunungkulan ni dating Pangulong Corazon C.Aquino.
4. Ang NCR ay binubuo ng iba’t ibang lungsod at munisipalidad.
5. Ang kasaysayan ng NCR ay nagsimula sa panahon ng pagsakop ng mga dayuhan
 Pagtalakay sa Gamit ang graphic organizer punan angmga patlang ayon sa hinihingi.
konsepto at
kasanayan #2

 Paglinang sa Paghambingin ang larawan ng Maynila noong panahon ng Espanyol at sa kasalukuyan. Ilarawan ito sa
Kabihasaan tatlong (3) pangungusap.

 Paglalapat ng Isulat ang letra ng tamang sagot.


Aralin 1. Ang mga sumusunod na lugar ay naging bahagi ng “City of Manila” noong panahon ng mga Amerikano,
MALIBAN sa isa.
A. Navotas C. Quiapo
B. Pasig D. Tondo
2. Ito ang nagbigay daan sa pagdeklara ng Kalakhang Maynilabilang Pambansang Punong Rehiyon.
A. Atas ng Pangulo Blg. 824 C. Atas ng Pangulo Blg. 1396
B. Atas ng Pangulo Blg. 921 D. Atas ng Pangulo Blg. 1081
3. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang TAMA?
A. Mayroong labimpitong lungsod ang National CapitalRegion.
B. Sa kasalukuyan binubuo ang NCR ng 16 na lungsod at 1 munisipalidad.
C. Si Ferdinand Marcos ang pangulo sa panahon ng pananakop ng mgaAmerikano.
D. Sa panunungkulan ni dating Pangulong Manuel Quezon na buo ang MetroManila o Kalakhang Maynila.
4. Ito ang tawag sa kautusang nagmula at ipinatutupad mismo ng pangulo ng isang bansa sa kasalukuyang panahon.
A. Commonwealth Act C. Presidential Decree
B. Ordinance D. Republic Act
5. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa Maynila noong panahon ng Espanyol?
A. Ang mga kabataang Pilipino ay masiglang pumapasok sa mgapaaralan.
B. Ang Maynila ay naging sentro ng pamahalaan at pamilihan sa panahon ng mga Espanyol.
C. Ang pamahalaang lokal katulad ng lungsod ay pinamumunuan ng mga mayayamang Pilipino.
D. Ang mga mamamayan ay nagtatamasa ng pantay na karapatan sa kalakalan katulad ng mga Espanyol.
 Paglalahat ng
Aralin

 Pagtataya ng Aralin Sagutin ang tanong sa ibaba sa pamamagitan ng pagbuo ng talata.


Sa iyong palagay, bakit mahalagang malaman mo ang
kasaysayan o kuwento ng iyong kinabibilangang rehiyon?
 Karagdagang
Gawain
2. Tala
3. Pagninilay
A. Bilang ng mag-
aaral na
nakakuhang 80%
sa pagtataya
B. Bilang ng mga
mag-aaral na
nangangailangan
ng iba pang gawain
para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang
ng mga mag-aaral
na nakaunawa sa
aralin
D. BIlang ng mga
mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation
E. Alin sa mga
istratehiyang
pagtuturo ang
nakatulong ng
lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin
ang aking
naranasan na
solusyon sa tulong
ng aking punong-
guro at
superbisor?
G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuho na nais
kong ibahagi sa
mga kapwa ko
guro?

Inihanda ni:

SHENNA B. MOLOBOCO
Teacher I

Iniwasto ni: Sinang-ayunan ni:

MRS. JOCELYN J. HUSI MARITES J.


TARRAGO
MASTER TEACHER IN-CHARGE Principal III

Republic of the Philippines


Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Caloocan

LEARNING AREA ARALING PANLIPUNAN QUARTER 2


SCHOOL KAUNLARAN ELEM. SCHOOL GRADE LEVEL III
NAME OF TEACHER SHENNA B. MOLOBOCO Date Nov. 08, 2023
Section MOON Time:
IV. PAMANTAYAN
d. Pangnilalaman Ang mag-aaral ay naipapamalas ang pang-unawa at pagpapahalaga ng iba’t
ibang kwento ng mga sagisag na naglalarawan ng sariling lalawigan at mga
karatig lalawigan sa kinabibilangang rehiyon.
e. Pagganap Ang mag-aaral ay nakapagpapamalas ng pagmamalaki sa iba’t ibang kwento at
sagisag na lalarawan ng sariling lalawigan at mga karatig lalawigan sa
kinabibilangang rehiyon.
f. Most Essential Nasusuri ang kasaysayan ng kinabibilangang rehiyon. AP3KLR- IIa-b-1
Learning
Competency

V. Nilalaman ANG KASAYSAYAN NG KINABIBILANGANG REHIYON

VI. PAMAMARAAN
 Panimulang 3. A. Panalangin
Gawain B. Pamntayang Pangkalusugan
C. Pagtala ng mga Liban
1. Daily Routine
-Panalangin 4. Kamustahan
-Pagbati
Ang mga magaaral ay magbabahagi ng kanilang karanasang ng nakaraang bakasyon.
-Pagtala ng
Liban .Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
1. Ito ang tawag sa mga mahahalagang pangyayari na naganap sa nakalipas na
Balitaan panahon
a. Hinaharap b. Kasaysayan c. Kasalukuyan d. Pangarap
2. Sino ang naglipat ng kapital ng Pilipinas mula sa Cebu patungo sa Maynila?
a. Amerikano b. Espanyol c. Hapon d. Pilipino
3. Anong taon opisyal na nabuo ang National Capital Region?
a. 1950 b. 1975 c. 1990 d. 2020
4. Sino ang unang namuno sa Maynila?
a. Andres Bonifacio b. Jose Rizal c. Lapulapu d. Raha Sulayman
5. Ano ang tawag ngayon sa Kalakhang Maynila?
a. Metro Capital Region c. Metropolitan Cebu b. Metro Cosmopolitan d. National
Capital Region

Panuto: Lagyan ng NT kung ang gawain ay nakatutulong sa pangangalaga ng ating likas


na yaman at NP kung nakapipinsala.
Balik-aral
_______1. Pagsusunog ng basura.
_______2. Paglilinis ng kanal at iba pang daluyan ng tubig.
_______3. Pagtatanim ng mga puno sa kagubatan.
_______4. Pagrerecycle ng basura sa tahanan.
_______5. Pagtatapon ng basura sa sapa.
 Paghahabi ng Ang Kasaysayan ng Kinabibilangang Rehiyon
Layunin Ang kasaysayan ay mga mahahalagang pangyayari sa nakalipas na panahon. Ito ay
maaaring istorya ng pinagmulan ng isang lungsod o bayan. Alam mo ba ang
kasaysayan ng iyong rehiyon? Bago dumating ang mga Espanyol, ang Maynila ay isang
maliit na pamayanan ng mga muslim na pinamumunuan ni Raha Sulayman .

Si Miguel Lopez de Legazpi ang unang Gobernador-Heneral ng Spanish East Indies.


Siya ay naatasang manguna sa isang ekspedisyon na naglalayong hanapin ang Isla ng
mga Pampalasa (Spice Islands). Matapos maitatag ang Cebu sinunod ni Miguel Lopez
de Legaspi na sakupin ang Maynila at ito ang nagsimula ng pagkakatatag ng Maynila.
Inilipat mula sa lalawigan ng Cebu ang kapitolyo ng Pilipinas sa Maynila noong 1571.
Nagpatayo sila ng mga gusali sa Intramuros at dito nanirahan ang mga Espanyol na
misyonaryo at sundalo. Pinamunuan ng mga Espanyol ang Pilipinas sa loob ng 333
taon.
Noong 1896, ang mga Pilipino ay lumaban sa pananakop ng mga Espanyol at
nagsimula ang himagsikan na tinawag na Tagalog War o Philippine Revolution. Ito ay
pinangunahan ng mga Katipunero na pinamunuan ni Andres Bonifacio. Natalo ng mga
Pilipino ang mga Espanyol sa tulong ng mga Amerikano at dineklara ang kalayaan ng
bansa noong Hunyo 12, 1898.
Hindi nagtagal ang mga Amerikano naman ang nanakop at nalipat sa kanila ang
pamumuno sa Pilipinas. Pinamunuan nila ang bansa sa loob ng 48 taon. Noong July 4,
1946, kinilala ng mga Amerikano ang kalayaan ng bansa at naging isang ganap na
Republika ang Pilipinas.
Sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig at inatake ng mga Hapones ang
bansa ng taong 1941. Nasira ang maraming istruktura sa Kamaynilaan. Pagkatapos ng
digmaan, isinaayos ang mga nasirang daan, gusali at naging panahanan ang Makati,
Mandaluyong, at San Juan. Kasabay rin nito, ang pagpapaunlad ng mga Lungsod ng
Quezon, Pasig, Pasay, at Parañaque. Nagtayo rin ng mga pagawaan at pook industriyal
sa Caloocan, Malabon, Navotas, at Valenzuela.
Nobyembre 1975, opisyal na itinatag ang Metropolitan Manila (ngayon ay kilalang
Pambansang Punong Rehiyon o NCR) at Metro Manila Commission sa bisa ng
Presidential Decree 824. Sa ngayon, ang rehiyong ito ay binubuo ng 16 na lungsod at
isang munisipalidad.

 Pag-uugnay ng Gabay na tanong


mga halimbawa  Paano kaya nabuo ang National Capital Region?
 Bakit ito tinawag na National Capital Region?
Ito ang mga dapat nating malaman sa ating aralin sa araw na ito
Layunin:
 Nauunawaan ang kasaysayan ng kinabibilangang rehiyon.
 Pagtalakay sa Panuto: Piliin ang inilalarawan ng bawat pahayag sa loob ng saknong
konsepto at at isulat ito sa sagutang papel
kasanayan #1
1. Ito ang taon kung kailan opisyal na nabuo ang National Capital
Region o Metro Manila. (1975, 1986)
2. Siya ang unang namuno sa Maynila.
(Raha Humabon, Raha Sulayman)
3. Dito nagpatayo ng mga gusali upang gawing tirahan ng mga
misyonaryo at sundalong Espanyol. (Monumento, Intramuros)
4. Dito inilipat ang kapitolyo ng bansang Pilipinas. (Cebu, Maynila)
5. Ito ang nangyari sa Maynila matapos ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. (Nasira, Naayos)
 Pagtalakay sa
konsepto at
kasanayan #2

 Paglinang sa
Kabihasaan

 Paglalapat ng Tukuyin anu ang inilalarawan sa pahayag.Piliin ang titik ng tamang sagot.
Aralin
A. KASTILA B. 1976 C.MAYNILA D. INTAMUROS E. RAJAH SULAYMAN

1. Ang taon kung Kaylan opisyal na nabuo ang NCR?


2. Unang dayuhan na sumakop sa ating bansa?
3. Siya nag pinuno ng maynila ng matuklasan ang ito n mnga kastila?
4.Dito nagpatayo ng mga gusali at nanirahan ang mga kastilang misypnaryo at mga
sundalo?
5.Ang lungsod na ito ang kabisera o capital ng bansa?
 Paglalahat ng ❖ Kasaysayan ay mga mahahalagang pangyayari na naganap sa
Aralin isang lugar sa nagdaang panahon.
❖ Raha Sulayman siya ang unang namuno sa isang maliit na
pamayanan ng mga Muslim sa Maynila.
❖ Miguel Lopez de Legaspi Siya ang namuno sa pagdaong
ng mga Espanyol sa Maynila.
❖ INTRAMUROS Ang lugar kung saan nanirahan ang mga
misyonaryo at mga sundalong Espanyol.
❖IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG nawasak ang malaking
bahagi ng Kamaynilaan. Pagkatapos ng digmaan ay isinaayos at
pinaunlad ulit ito.
❖ NOBYEBRE 1975 opisyal na tinatag ang Metropolitan Manila o
National Capital Region (NCR) ayon sa itinakdang Presidential
Decree 824.

 Pagtataya ng Aralin Panuto: Suriin ang mga pangyayari sa kasaysayan. Bilugan ang letra
ng tamang sagot.
1. Sino ang namuno sa Maynila bago dumating ang mga Espanyol?
a. Pinamumunuan ni Raha Sulayman ang isang maliit na pamayanan
ng Muslim sa Maynila.
b. Pinamumunuan ni Lapu-lapu ang isang maliit na pamayanan ng
Muslim sa Maynila.
c. Pinamumunuan ni Magellan ang isang maliit na pamayanan ng
Muslim sa Maynila.
d. Pinamumunuan ni Aguinaldo ang isang maliit na pamayanan ng
Muslim sa Maynila.
2. Ano ang ginawa ng mga Espanyol noong dumating sila sa
Maynila?
a.Inilipat ang kapitolyo ng bansa sa Cebu at dito nanirahan ang mga
misyonaryo at sundalong Espanyol.
b. Inilipat ang kapitolyo ng bansa sa Maynila at dito nanirahan ang
mga misyonaryo at sundalong Espanyol.
c.Inilipat ang kapitolyo ng bansa sa Davao at dito nanirahan ang
mga misyonaryo at sundalong Espanyol.
d.Inilipat ang kapitolyo ng bansa sa Mindanao at dito nanirahan ang
mga misyonaryo at sundalong Espanyol.
3. Ano ang nangyari sa Kalakhang Maynila noong Ikalawang
Digmaan Pandaigdig?
a. Umunlad lalo ang Kalakhang Maynila.
b. Nasira ang maraming lugar sa Kalakhang Maynila.
c. Dumating ang mga Sundalong Hapon.
d. Dumami ang turista.
4. Ano ang nangyari sa Kalakhang Maynila pagkatapos ng digmaan?
a. Pinabayaang sira ang Maynila.
b. Inilipat sa Davao ang kapitolyo ng bansa.
c. Umalis ang mga tao sa Maynila at pumunta sa ibang bansa.
d. Isinaayos at pinaunlad muli ang kalakhang Maynila.
5. Ano ang mahalagang naganap noong Nobyembre 1975?
a. Opisyal na nabuo ang National Capital Region.
b. Opisyal na nasakop ulit ng mga Espanyol ang Maynila.
c. Opisyal na nasira ang buong Maynila.
d. Opisyal na nasakop ang bansa ng Amerika.
 Karagdagang Lumikha ng isang poster na nagpapakita ng kasaysayan ng inyong lugar na may kinalaman sa
Gawain pinagmulan ng pangalan ng lugar, hanapbuhay at tradisyon .
4. Tala

5. Pagninilay
H. Bilang ng mag-
aaral na
nakakuhang 80%
sa pagtataya
I. Bilang ng mga
mag-aaral na
nangangailangan
ng iba pang gawain
para sa
remediation
J. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang
ng mga mag-aaral
na nakaunawa sa
aralin
K. BIlang ng mga
mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation
L. Alin sa mga
istratehiyang
pagtuturo ang
nakatulong ng
lubos? Paano ito
nakatulong?
M. Anong suliranin
ang aking
naranasan na
solusyon sa tulong
ng aking punong-
guro at
superbisor?
N. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuho na nais
kong ibahagi sa
mga kapwa ko
guro?

Inihanda ni:

SHENNA B. MOLOBOCO
Teacher I

Iniwasto ni: Sinang-ayunan ni:

MRS. JOCELYN J. HUSI MARITES J.


TARRAGO
MASTER TEACHER IN-CHARGE Principal III

You might also like