Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Pangalan:

Lingguhang Pagsusulit sa ESP/ 4th Kwarter/ Week 1 Iskor: _______

I. Panuto: Basahin ang mga sitwasyon at piliin ang titik ng tamang sagot na nagpapakita ng
pasasalamat sa mga biyayang natatanggap.

______1. Ano ang gagawin mo kung binigyan ka ng kapatid mo ng regalo dahil nakakuha
ka ng mataas na marka sa paaralan?
A. Magpasalamat sa kapatid.
B. Kunin ang regalo at umalis.
C. Hindi tatanggapin ang regalo.

_______2. Kararating mo lang sa inyong bahay galing sa paaralan. Gutom na gutom ka na


at nakita mong may pagkain sa hapag-kainan para sa inyong hapunan.
A. Uupo at kakain agad.
B. Titikman ang mga pagkaing nakahanda.
C. Hintayin ang buong pamilya upang sabay na magdasal at kumain.

_______3. Nakalimutan ng iyong kapatid na pakainin ang alaga niyang aso.


A. Pakainin ang alagang aso.
B. Hintaying bumalik ang kapatid.
C. Hayaan ang aso at huwag pansinin.

_______4. Nakita mong sinisira ng isang bata ang mga pananim na nakikita niya at
tinatapon ito sa may ilog.
A. Gayahin ang ginagawa niya.
B. Huwag siya pansinin.
C. Pagsabihan siya na mali ang kanyang ginagawa.

_______5. Nasunugan ang kaklase mo at kailangan nila ng tulong. Marami kang damit na
hindi na ginagamit. Anong gagawin mo?
A. Magbibigay ako ng aking damit para makatulong.
B. Itatago ko lamang ang mga damit na hindi ginagamit.
C. Hindi ko siya tutulungan.

______6. Ano ang gagawin mo bago at pagkatapos kumain?

A. Magdasal at magpasalamat sa Panginoon.


B. Kumain agad at pumunta ng kuwarto pagkatapos.
C. Wala akong gagawin.

______7. Paano mo maipapakita ang pasasalamat mo sa mga likas na yaman na ibinigay


ng ating Panginoon?

A. Lasunin ang mga isda sa karagatan


B. Alagaan ang kalikasan na binigay Niya
C. Putulin ang mga punong-kahoy

______8. May kasabayan kang batang pilay sa pagsakay ng dyip. Ano ang gagawin mo?

A. Unahan ang batang pilay sa pagsakay.


B. Huwag tulungan ang batang pilay.
C. Alalayan at tulungan ang batang pilay sa pagsakay.

______9. Kanino tayo higit na magpasalamat sa mga biyayang ating natatanggap?

A. kaibigan
B. Panginoon
C. magulang

______10. May batang lumapit sa iyo at nanghihingi ito ng kaunting pagkain upang
maibsan ang gutom. Ano ang gagawin mo?

A. Bigyan ito ng pagkain.


B. Paalisin ito sa harap mo.
C. Sigawan ang bata.

II. Panuto: Isulat ang T kung tama ang isinasaad sa pangungusap at M naman kung
mali.

________11. Nagdarasal ako bago at pagkatapos kumain.

________ 12. Pinaalis mo ang isang bata na nanghihingi ng pagkain sa iyo.

________13. Pinipitas ko ang mga bulaklak na aking nakikita.

________ 14. Tinatapon ko ang aking mga basura sa sapa.

________ 15. Binigyan ko ng pagkain ang batang namamalimos sa kalye.

III. Panuto: Iguhit ang  kung ang larawan ay nagpapakita ng pasasalamat sa mga
biyayang natanggap at  naman kung hindi.

______16. ________17.

_____18. ______19. ______20.

Performance Task #1 in ESP/ 4th Kwarter/ Week 1 Iskor:__________


Panuto: Basahin ang tula gamit ang rubriks na nasa ibaba.
Rubriks sa Pagtula
Laang Puntos Iskor
1. Maliwanag na nabigkas ang tula. 5
2. Naiangkop ang lakas at paghina ng tinig 5
ng tula.
10
Kabuuan

You might also like