Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office No. VIII
Division of Northern Samar
District of San Roque
GINAGDANAN ELEMENTARY SCHOOL
S.Y. 2023-2024

UNANG PANGKALAHATANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 5

NAME:________________________ GRADE&SECTION: 5 - Rose DATE:_____________ SCORE:______


I. Piliin ang angkop na kaisipan sa mga sitwasyon sa bawat bilang.
1. Nakita mo ang isang batang naglalakad sa kalye at walang kasama. Ano ang iyong gagawin?
a. Tatanungin ang pangalan ng bata kung taga-saan siya.
b. Hahayaan ang bata sa paglalakad.
c. Ipagbibigay alam ang nakita sa kapitan ng barangay.
d. Ihahatid ang bata sa bahay ng kanyang mga magulang.
2. Nais mong makapasa sa pagsusulit. Ano ang gagawin mo?
a. Hindi mag-aaral ng leksiyon. c. Mag-aaral nang mabuti.
b. Manonood na lang ng mga palabas. d. Mangongopya sa katabing kaklase.
3. Oras na ng uwian at nakita mong inilagay lang ng kaklase mo ang kanyang mga basura sa ilalim ng kanyang upuan, sa
halip na itapon ang mga ito sa tamang lalagyan. Bilang isang mabuting mag-aaral, ano ang nararapat mong gawin?
a. Isusumbong ko ang ginawa niya sa aming guro.
b. Sasawayin ko siya at pagsasabihan na itapon ang mga basura sa tamang lalagyan.
c. Hindi ako magsusumbong at hahayaan na lamang ang kaniyang ginawa.
d. Pupulutin ko na lamang ang basura at itatapon sa tamang lalagyan.
4. Napansin mong umiiyak ang iyong kaklase dahil wala siyang baon. Ano ang gagawin mo?
a. Bibigyan ko siya ng pagkain. c. Pagsasabihan ko siya na huwag mag-ingay.
b. Hahayaan ko siyang umiyak. d. Bibigyan ko siya ng pera.
5. Sinira ng nagdaang bagyo ang inyong bahay. Upang maiwasang maranasan niyo itong muli ngayong may paparating na
naming bagyo, ano ang magagawa mo bilang isang bata?
a. Maaari akong tumulong sa pamamagitan ng pag-abot ng kakailanganin sa paghahanda gaya ng panali, martilyo at iba pa.
b. Uupo lang ako sa isang tabi kasi wala naman akong kayang gawin dahil maliit lang ako.
c. Makikipaglaro sa mga kaibigan sa labas ng bahay.
d. Ibalita sa buong barangay ang paparating na bagyo.
II. Isulat kung ang pangngalang may salungguhit ay pambalana, pantangi, tahas, basal o lansakan.
______________6. Umaapaw sa kaligayahan ang aking puso sa iyong ibinalita.
______________7. Si Ginoong Reyes ay mabait at mapagbigay sa mga nangangailangan.
______________8. Binigyan ako ng aking anak ng isang dosenang rosas.
______________9. Ang aking mga kaibigan ay masayang naglalaro sa bakuran.
______________10. Bumili ako ng isang kahong tubig.

III. Sagutin ang sumusunod na mga katangungan. Isulat sa kuwaderno ang titik ng tamang sagot.
Ang Lalawigan ng Iloilo ay matatagpuan sa timog-silangang bahagi ng Islang Panay. Ito ay kabilang sa rehiyon ng
Kanlurang Kabisayaan. Napaliligiran ito ng mga lalawigan ng Capiz sa hilaga, ng Antique sa kanluran, ng Dagat
Kabisayaan at Kipot Guimaras sa silangan, at Golpo ng Panay at Kipot ng Iloilo sa timog. Pinaniniwalaang binili ng 10
datu mula sa Borneo ang isla ng Panay sa pinuno ng mga Negrito na si Marikudo noong 1212. Isang gintong salakot at
gintong kuwintas ang ipinambayad ng mga datu. Napunta kay Datu Paiburong ang teritoryo ng Irong-irong. Nang
dumating ang mga Espanyol, nagtayo sila ng pamayanan sa Ogtong (Oton ngayon). Itinatag ng mga mananakop na
Espanyol ang Fuerza San Pedro sa Irong-Irong. Ang mga Espanyol rin ang nagbigay ng pangalang Iloilo sa lungsod.
Ito na rin ang ipinangalan sa buong lalawigan. Itinatag noong Marso 10, 1917 ang Lalawigan ng Iloilo.
Ang Iloilo ay isa sa mga pangunahing pinagmumulan ng bigas sa Pilipinas. Bukod sa bigas, ang ilan pa sa mga
pangunahing produkto na nagmumula rito ay tubo, niyog, mais, saging, mangga, kape at iba pang lamang-ugat na
halaman. Ang pangingisda ay isa ring mahalagang pinagkakakitaan ng mga taga-Iloilo. Ang mga bangus at hipon ay
pinagmumulan ng malaking kitang dolyar ng lalawigan. Kilala naman ang bayan ng La Paz dahil sa masarap na batsoy.
Ang Iloilo ay isa sa mga yamang ipinagmamalaki ng Pilipinas
hindi lamang sa mga yaman ng agrikultura dito kundi sa makasaysayang pook na matatagpuan sa lalawigang ito. -
DepEd Region VIII Test Item Bank in Filipino 6, 1st Quarter
11. Anong lalawigan ang inilalarawan sa teksto?
A. Capiz B. Antique C. Guimaras D. Iloilo
12. Saan matatagpuan ang Lalawigan ng Iloilo?
A. Kanlurang Bisaya C. Gitnang Bisaya
B. Silangang Bisaya D. Timog Bisaya
13. Anong lugar sa Iloilo ang kilala sa masarap na batsoy?
A. Panay B. Irong-irong C. La Paz D. Capiz
14. Kailan itinatag ang Lalawigan ng Iloilo?
A. Marso 10, 1917 B. Marso 10, 1907 C. Marso 17, 1910 D. Marso 19, 1917
15. Anong bayan ang itinatag ng mga Espanyol sa lalawigan?
A. La Paz B. Iloilo C. Irong-irong D. Fuerza San Pedro
IV. Isulat ang inyong reaksion o opinyon tungkol sa pahayag.
Mga pahayag mula sa teksto Reaksion o opinyon
16. Pagkasira ng kapaligiran dahil sa lumulubhang
polusyon sa lupa, tubig at hangin.
17. Mga batas at kautusan na ipinatutupad ng
pamahalaan na dapat nating sundin.
18. Paghahanap ng solusyon ng gobyerno para
malabanan ang polusyon.
V. Isalaysay ang kuwento sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong sa susunod na pahina.
Ang magkaibigang Ana at Lina ay tahimik na nagbabasa ng aklat sa loob ng silid-aklatan. Kailangan nilang tapusin ang
ibinigay na takdangaralin ng kanilang guro sa Filipino. Pagkatapos ng tatlumpong minuto ay dali-daling lumabas ang
magkaibigan. Sa wakas, natapos din nila ang ipinapagawa ng kanilang guro. Nagpasya silang pumunta sa kantina upang
bumili ng makakain. Habang naglalakad ay may narinig silang tila ungol ng aso. Dagli nilang hinanap ang pinanggalingan
ng tunog. Sa dakong hardin ng paaralan, may nakita silang dalawang tuta na nahulog sa kanal. Mabilis na tumakbo si Ana
upang humingi ng tulong. Nakasalubong ni Ana ang kanilang guro sa P.E. na si G. Año. Sa kaniya siya humingi ng
tulong. Sabay nilang pinuntahan ang kinaroroonan ng kaniyang kaibigang si Lina. Nasa kanal pa rin ang dalawang tuta.
Tinulungan sila ni G. Año na mailigtas ang mga tuta. Tuwang-tuwa ang magkaibigan nang makuha mula sa kanal ang
dalawang tuta.
- Gesille G. Grande DepEd Borongan City Division
19. Sino-sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
_______________________________________________________________________________________________
20. Ano-ano ang ginawa ng magkaibigan sa araw na iyon?
_______________________________________________________________________________________________
21. Ano ang narinig ng dalawang magkaibigan?
_______________________________________________________________________________________________
22. Sino ang tumulong kina Lina at Ana?
_______________________________________________________________________________________________
23. Kung ikaw ay isa sa magkaibigan, gagawin mo rin ba ang kanilang ginawa? Bakit?
_______________________________________________________________________________________________
VI. Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa pagsulat ng bilang 1-4.
Si Muning
______24. “Kung sana ay nagsipag ako sa pag-aaral. Kung sana’y nag-aral akong magbasa, hindi niya sana maiinom
ang lasong iyon. Hindi sana siya mamamatay. Hindi niya sana ako maiiwan.” Saglit siyang napatigil at ang mga luha
sa kaniyang mga mata ay bigla na lang kumawala.
______25. Tamad mag-aral si Pusang Muning. Walang kabuluhan sa kaniya ang pag-aaral dahil mayaman naman ang
kaniyang mga magulang.
______26. Kapag nakalabas na siya ay masaya siyang nakikipaglaro ng habol habulan kasama si Digong Daga, ang
matalik niyang kaibigang tulad rin niya ay tamad ding mag-aral.
______27. Naglakad-lakad sila hanggang sa nakarating sila sa palayan. Nakita nila ang isang bote. Sapagkat sadyang
uhaw na uhaw na lalong lalo na si Digong, agad-agad niya itong binuksan at ininom. At kanya pang naubos ang laman
ng boteng iyon.

VII. Ibigay ang paksa ng bawat talata gamit ang wastong baybay nito.
Daisy : Ann, halika rito. May magandang balita ako sa iyo.
Ann : Ano bang ibabalita mo Daisy?
Daisy : Alam mo ba na ikaw ang nanguna sa pagsusulit natin sa asignaturang computer?
Ann : Talaga? Hindi ka nagbibiro?
Daisy : Oo, hindi ako nagbibiro. Tiyak na babatiin ka ng ating guro mamaya.
28. Sino-sino ang nag-uusap sa akda? _________________________________________________________
29. Bakit binati ni Daisy si Ann? _________________________________________________________________
30. Ano ang paksa ng usapan? ________________________________________________________________
VIII. Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa bawat bilang sa tulong ng paglalarawan. Hanapin
ang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang titik ng tamang sagot.
________31. Napakarami ng kanilang mga paninda sapagkat bulto sila kung mamili.
________32. Bawat tao ay nagnanais na magkaroon ng ligtas na kapaligiran kung kaya’t tumutulong
sila sa pagbabantay ng paligid.
________33. Iba’t ibang sakit ang dulot ng polusyon tulad ng hika at sakit sa baga.
________34. Matagal na niyang naririnig ang tungkol sa recycling kaya’t pamilyar na siya sa paraan ng
pagsasagawa nito.
________55. Sa tulong ng mga humihikayat ay nagawa naming maisama siya sa mga gawaing
pangkalikasan.

A. bunga B. humihimok C. maramihan D. gusto E. alam na alam

IX. Ibigay ang kahulugan ng mga salitang ito sa pamamagitan ng pagpili ng titik ng tamang sagot.
________36. PU:no ________37. pu:NO
A. nangangahulugang may laman o umuokopa sa lahat ng espasyo
B. malaking uri ng halaman gaya ng kahoy
________38. ga:BI ________39. GA:bi
A. kasalungat ng araw B. isang uri ng halamang-ugat
________40. SA:ya
A. pagkatuwa, kagalakan o kaligayahan B. palda o damit pambabae

X. Kilalanin ang iba’t ibang uri o ngalan ng grap sa ibaba. Sagutin ang mga tanong tungkol dito.

41. Ano ang tawag sa grap na ipinapakita sa itaas?


A. bar grap B. larawang grap C. linyang grap D. pie grap
42. Batay sa grap, alin sa mga asignatura ang may pinakamataas na resulta sa NAT?
A. English B. EPP C. Filipino D. Math

43. Ang ipinapakita sa itaas ay isang halimbawa ng anong uri ng grap?


A. bar grap B. larawang grap C. linyang grap D. pie grap
44. Batay sa grap, sino ang may pinakamababang timbang?
A. Rex B. Ron C. Ryan D. Sam

45. Alin sa mga sumusunod ang tawag sa grap na ipinapakita sa itaas?


A. bar grap B. larawang grap C. linyang grap D. pie grap
46. Anong linggo nagkaroon ng pinakamaraming ani ang pamilya Domingo?
A. Una B. Ikalawa C. Ikatlo D. Ikaapat
47. Anong uri ng grap ang ipinapakita sa itaas?
A. bar grap B. larawang grap C. linyang grap D. pie grap
48. Anong hayop ang may pinakamalaking bahagi sa grap?
A. aso B. ibon C. isda D. pusa

49. Ipinapakita sa itaas ang anong uri ng grapikong pantulong?


A. grap B. mapa C. talahanayan D. tsart
50. Ayon sa Talahanayan ng Iba’t ibang Sakit sa Pilipinas, ilan ang nagkasakit ng polio sa taong 1995?
A. 0 B. 7 C. 9 D. 33

GOODLUCK and GODBLESS!!!

Prepared by: Noted:


CATHLYN A. MERINO NELSON J. GORPIDO
Subject Teacher Head Teacher I

Pirma sa kag-anak:___________________________________ Petsa:_______________________

You might also like