Professional Documents
Culture Documents
Filipono 6
Filipono 6
Department of Education
Regional Office No. VIII
Division of Northern Samar
District of San Roque
GINAGDANAN ELEMENTARY SCHOOL
S.Y. 2023-2024
Sa isang liblib na pook ay may nakatirang pamilya ng mga manok. Simple, masaya at puno ng pagmamahal ang
kanilang maliit na tirahan.
Mapagmahal na ama si Tandang Diro at responsableng asawa si Inahing Nika. May lima silang anak, si Manoka ang
panganay na kapag wala ang mga magulang, siya ang napag-iiwanan ng mga kapatid.
Isang araw maagang umalis ang mag-asawa upang dumayo sa anihan ng mais sa karatig bayan. Pinagbilinan ng ama na
bantayan at pakainin ang mga kapatid. Nagluto na si Manoka. Inisa-isa niyang ginising ang mga kapatid, laking pagtataka
niya wala ang bunso niyang kapatid. Iniwan ang iba pang mga kapatid habang kumakain. Tanong dito, tanong doon ang
ginawa niya ngunit ni isa man ay walang makakapagturo dito hanggang siya’y makarinig ng isang boses na tumatawa at
malakas na
nagsasalita, “Diyan ka nababagay munting sisiw, sa kumunoy, hanggang sa ika’y malunod, ha! ha! ha!,” malakas na tawa
ni Asong Malupit. Lumapit si Manoka, nakita niya si Mikmik, ang bunso nilang kapatid umiiyak at parang takot na takot.
Naghanap si Manoka ng mahabang kahoy at inihampas niya ito sa nakabungisngis na aso. “Malupit ka!, buong lakas na
hinampas niya ang aso hanggang kumaripas ito ng takbo. “Yeheey! Ligtas na ako, iniligtas ako ng Ate Manoka ko,” buong
kasiyahang niyakap ni Mikmik ang ateng tagapagligtas niya.
Sariling Katha ni Marijo Panuncio
1. Ano ang pamagat ng nabasang pabula?
A. Si Manoka B. Ang Tandang C. Ang Asong Malupit D.Ang Magkapatid na Manok
2. Sino ang mapagmahal at masunurin na tagapag-alaga ng kaniyang mga kapatid?
A. Si Daga B. Si Mikmik C. Si Manoka D. Si Asong Malupit
3. Sino-sino ang naghahanap ng pagkain para sa pamilya ni Manoka?
A. Si Asong Malupit B. Sina Manoka at Mikmik
C. Si Manoka at mga kapatid D. Sina Tandang Diro at Inahing Nika
4. Ano ang gawain ni Manoka kapag wala ang mga magulang sa bahay?
A. Naglalaro sa labas ng bahay. B. Hinahayaan ang mga kapatid sa kalsada.
C. Hindi binibigyan ng pagkain ang mga kapatid.
D. Nagluluto, nagbabantay at nagpapakain sa mga kapatid.
5. Kailan nalaman ni Manoka na nawawala ang kaniyang bunsong kapatid?
A. Nakita niya na lumabas si Mikmik. B. Pagkatapos na siya ay naglalaro sa labas ng bahay.
C. Gigisingin na niya ang mga kapatid para sa kumain.
D. Pagkagising nakita niya wala na sa higaan ang kapatid.
VI. Lagyan ng bilang 1 hanggang 6 ang kahon upang mapagsunod-sunod ang tamang paghuhugas ng kamay sa
tulong ng mga larawan. (25-30)
VII. Panuto: Basahin ang sitwasyon at isulat ang sagot ng iyong palagay o hinuha sa bawat pangyayari.
31. Gumising nang maaga si Vincent. Naligo, kumain, nagsipilyo at nagsuot ng uniporme. Siya ay___?
A. mamimili sa palengke B. papasok sa paaralan
C. mamasyal sa plasa D. manonood ng sine
32. Kumuha ng palanggana si Aling Lita, hiniwalay niya ang mga puti sa may kulay na damit. Nilagyan
ng tubig at sabon ang palanggana. Ano kaya ang susunod na gagawin ni Aling Lita?
A. isasampay ang mga damit B. maglalaba ng may kulay na damit
C. unang lalabhan ang puting damit D. babanlawan ang mga damit na iba-iba ang kulay.
VIII. Panuto: Iguhit ang kung ang pangungusap ay nagpapakita ng paggalang at kung hindi nagpapahayag
ng paggalang.
_______33. Mali ka, hindi ganyan ang paggawa nito.
_______34. Ipagpaumanhin po ninyo nahuli ako sa klase.
_______35. Hindi namin kailangan ang tulong galing sa iyo.
X. Basahing mabuti ang kasunod na mga sitwasyon at piliin mo ang iyong sariling solusyon sa isang suliraning ito.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
39. Bumabaha ang inyong silid-aralan dahil barado ang kanal sa likod nito.
A. Hayaan lang na bumaha ang silid-aralan.
B. Magalit sa guro dahil hindi ito pinalinisan agad.
C. Umuwi sa bahay at hindi na babalik sa eskuwelahan.
D. Tumulong sa paglinis at pagkuha ng bumabara sa kanal.
XI. Basahing mabuti ang bawat talata. Piliin ang angkop na pamagat.
41. Sina Jun at Rey ay magkaibigang tunay. Mula pagkabata, magkasama na sila kahit saan man pumunta. Sa oras ng
kasiyahan maging sa kalungkutan ay palagi silang nagdadamayan. Anomang problema ang dumating sa kanilang
pagkakaibigan ay nilulutas nila ito na magkasama.
A. Sina Jun at Rey B. Magkaibigang Tunay
C. Palaging Magkasama D. Laging Nagdadamayan
42. Ang aming tahanan ay maliit lamang. Gawa sa nipa ang bubong at sa kawayan naman ang sahig at dingding nito.
Sinisigurado naming magkakapatid na malinis at maayos ito araw-araw. May maliit na bakuran na tinatamnan namin ng mga
gulay at halaman.
A. Tahanang Maliit B. Munting Tahanan
C. Ang Aming Tahanan D. Malinis na Tahanan
XII. Panuto: Pakinggan ang magulang o kamag - anak habang binabasa ang mga isyu at ipahayag ang sariling
opinyon o reaksiyon.
43. Pagpupuyat at pagkahilig ng kabataan sa paglalaro ng mga Online Games.
A. Dapat tangkilikin ang ganitong klase ng laro.
B. Pabayaan ang kabataan na tangkilikin ang Online Games.
C. Suportahan ang ganitong klase ng laro.
D. Dapat iwasan ang pagkalulong ng kabataan sa Online Games.
44. Ang COVID 19 ay nagbigay daan sa mga Pilipino na magkaroon ng gulayan sa tahanan para
makatipid at makakain ng sariwang gulay.
A. Makapagtinda siya ng gulay sa kanilang lugar.
B. Wala kaming bakuran kaya hindi kami nakapagtanim.
C. Nadagdagan ang trabaho sa tahanan at nakapapagod.
D. Sa halip na lumabas at bumili sa tindahan mamimitas na lang ng sariwang gulay sa mismong
bakuran.
45. Isyu: Pagkahilig ng mga tao sa Online Shopping sa panahon ng pandemya upang maiwasan ang
pagdami ng kaso ng COVID 19.
A. maaawa B. masisiyahan C. maiiyak D. matatakot
Isulat kung diksiyonaryo, ensayklopidya, atlas, tesawro, almanake/almanac at peryodiko ang gagamitin.
_____________________46. kahulugan ng isang salita
_____________________47. natatanging tradisyon ng isang bansa
_____________________48. wastong bigkas ng salita
Panuto: Tingnan mo ang larawan sa ibaba. Sumulat ng isang talatang nagsasalaysay tungkol sa iyong nakikita. (49-
50)
GOODLUCK and GODBLESS!!!