Professional Documents
Culture Documents
Pagsusuri NG Pelikula Pormat
Pagsusuri NG Pelikula Pormat
I. TUNGKOL SA PELIKULA
A. Pamagat ng Pelikula:
B. Direktor:
o Toto Natividad
C. Pangunahin tauhan :
D. Tema ng Pelikula:
Lumaki ang magkapatid na Alex at Abner sa tagong lugar sa probinsiya kung saan ang kanilang hanap
buhay ay ang paguuling at ang trabaho naman ng kanilang ama ay pagiging saka saka. Ito ang naging
dahilan ng pagkamatay ng kanilang ama matapos nito gawin ang kanyang huling misyon na naatasan
sakaniya. Naiwang walang gabay ang dalawa kaya naman matapos mailibing ng ama ay kinupkop sila ni
Governor Lontilla, siya ang naguutos at nagbabayad sa ama ng dalawa upang pumaslang ng isang tao,
pinalaki at sinanay ni Gov ang dalawang magkapatid para maging tulad ng kanilang ama.
Noong lumaki sabay sila laging gumagawa ng mga misyon na inuutos ng Governor sakanila at nangyaring
nabaril si Abner na naging dahilan kaya napagpasiyahan ng nakatatandang kapatid na pagaralin at
pagtrabahuhin sa siyudad para sa kaniyang ikakabuti at para rin sa kaligtasan niya. Sa kabilang mundo
nahanap ni Abner ang magpapatibok ng kaniyang puso na si Nadia na siyang dahilan ng pagtalikod ni
Abner kay Governor Lontilla. Agad nalaman ito ng Governor at inutusan niya si Alex na paslangin ang
sariling kapatid.
Dito nasubok ang pagtitiwala ng magkapatid sa isa’t isa, sa huli ay nanaig ang pagmamahal ng
magkapatid sabay nilang pinaslang ang Governor sa pamamagitan ng pagsabog sa sinasakyang kotse
nito.
II. MGA ASPEKTONG TEKNIKAL
A. Musika
o Mahusay ang musika nababagay ito sa pelikula, may kaugnayan ang emosyong ipinapadama
ng kanta sa emosyon ng bawat eksena. Angkop ang mga musikang ginamit sa pelikulang ito.
Masasabi ko na talagang pinag-isipan ng husto ang bawat musika kung paano ito ibabagay
sa tagpo
B. Sinematografiya
o Base sa pagkaka produce ng pelikula ito ay sa taong 2013, mayroong ibang eksena na hindi
masyado masilayan ang nangyayari dahil masyadong madilim, pero sa kabuuan ay makikita
naman na klaro ang mga imahe at magaling ang pagkuha ng mga angulo.
o Tama ang pagkakatimpla ng mga kulay na ginamit para iangkop sa bawat daloy sa palabas.
C. Pagkasunud-sunod ng mga Pangyayari
o Sa kabuuan, ang banghay ng palabas ay maayos at hindi naging mahirap unawain kung
paano naging konektado ang bawat pangyayari.
o Humila ito ng interes ng mga manood upang mas lalo itong subaybayan kung ano ang
susunod na mangyayari.
D. Pagganap ng mga Artista
o Mahusay ang mga actor at actress na mga gumanap kanilang nabigyan ng hustisiya ang
bawat karakter na mayroon ang pelikula.
o Ang ibang eksena ay aking nakitang hindi masyado makatotohanan ang emosyon hindi ako
masyadong nasiyahan rito pero sa kabuuan ay maayos naman.
o Labis na nakatulong ang kanilang pag arte upang mas maunawaan ang kabuuan na
nilalaman ng pelikula.
E. Tagpuan
o Maganda at angkop ang mga tagpuang ipinakita sa pelikula mas naging madaling intidihin
ang kwento dahil rito.
Ang aral na ating makukuha mula dito ay dapat na maging sigurado at alam natin ang mga totoong
intensyon ng mga tumatakbo sa publiko upang maglingkod saatin. Tandaan natin ang magiging
resulta sa pagboto ay may ambag sa kinabukasan at pag unlad ng bansa . Ang pagpili ng mamamatay
tao na mamumuno ay walang magandang dulot sa ating bansa at lalo sa ating mga mamamayan.
C. Kabuuang Pananaw
Maihahambing ko ito sa pelikulang o palabas na “FPJ Ang Probinsiyano”, naiiba siya marahil mas
maiintindihan mo ang kwento ng saka saka dahil ito ay malinaw hindi tulad ng Fpj na masyadong
maguguluhan ka sa kwento niya dahil sa madami itong karakter.
Naiiba ito sa pelikulang aking napapanood. Bawat pelikula ay may iba't ibang konsepto, bawat direktor
ay may nais iparating sa mga manonood. Naipapakita dito ang tunay na takbo ng buhay. Marapat lang
na panoorin ng marami ang pelikula na ito binibigyang impormasyon at minumulat tayo nito sa
maruming katotohanan.
D. Tema ng pelikula
Naturalismo ang tema ng pelikulang “Saka Saka”. Ang magkapatid ay produkto ng kapaligiran kung saan
sila lumaki, at ang kanilang ama ay kilala sa kanilang lokalidad bilang Saka Saka, at ito ang humubog sa
uri ng indibidwal na naging sila.
A. Musika
Mahusay ang musika nababagay ito sa pelikula, may kaugnayan ang emosyong ipinapadama ng kanta sa
emosyon ng bawat eksena, tulad na lang ng eksena kung saan ang mga karakter ay nag babarilan
malinaw at maayos ang paggamit ng background music marahil ito ay tugma sa eksena.
Angkop ang mga musikang ginamit sa pelikulang ito. Masasabi ko na talagang pinag-isipan ng husto ang
bawat musika kung paano ito ibabagay sa tagpo.
B .Sinematografiya
Ang pelikula ay ipinalabas noong 2013, ngunit may mga eksenang masyadong madilim para makita,
tulad ng eksenang tumatakbo ang magkapatid kung saan sila ay mayroong target, at ang eksenang
mahirap makita dahil sa masyadong madilim. Pero sa kabuuan ay makikita naman na klaro ang mga
imahe at magaling ang pagkuha ng mga angulo
Sa kabuuan, ang banghay ng palabas ay maayos at hindi naging mahirap unawain kung paano naging
konektado ang bawat pangyayari. May ‘flashback’ o balik-gunita sa huling tagpo na naka konekta sa
unang tagpo. Humila ito ng interes ng mga manood upang mas lalo itong subaybayan kung ano ang
susunod na mangyayari.
Mahusay ang mga aktor at aktres na mga gumanap kanilang nabigyan ng hustisiya ang bawat karakter
na mayroon ang pelikula. Ang ibang eksena ay aking nakitang hindi masyado makatotohanan ang
emosyon hindi ako masyadong nasiyahan rito tulad na lang sa eksena kung saan nagpapatayan ang mga
karakter at hindi maayos ang kanilang pag bagsak. Ang isa pa ay ang eksena kung saan binaril ni Alex si
Nadia ang naging reaksyon ni Abner ay hindi malinaw sapagkat siya ay sumisigaw ngunit wala namang
luha na lumalabas
Sa kabuuan Labis na nakatulong ang kanilang pag arte upang mas maunawaan ang kabuuan na
nilalaman ng pelikula.
E. Tagpuan
Ang tagpuan ng pelikula ay sa lalawigan ng probinsiya kung saan madalas mas maayos nagagawa ang
mga krimen at pang aabuso. Maganda at angkop ang mga tagpuang ipinakita sa pelikula mas naging
madaling intidihin ang kwento dahil rito.