Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

“ANAK NG DILIM”

(Charry G. Amantiad & Ermafe T. Butron)

Sa isang baryo ng Malikhain may isang mabait at matulungin na

babaeng naninirahan, siya ay si Heide. Isang araw pinagtipon ang lahat ng

mga miyembro para sa gaganaping pagpupulong, kung saan kasama ang

kanilang kapitana. Sa kanilang pag pupulong ang kasamahan niyang

miyembro ay aksidenteng napag-usapan ang anak ng kanilang kapitbahay na

umanoy anak daw ito ng kapri dahil sa napaka-itim nitong kulay, ngunit ang

mga kasamahan niya ay hindi naniniwala sa sabi-sabing ito. Kaya si Heide ay

naikwento rin ang kanyang sariling karanasan sa magkaparehong sitwasyon at

inumpisahan ni Heide ang pag kwento.

Sa isang malayong probinsya, may mag-asawang masayang

naninirahan. Sila ay ang mag asawang Gonzalo at Norma, binayayaan sila ng

dalawang malulusog at masayahing mga anak, sina Gabriel at Heide. Simple

lamang ang kanilang pamumuhay ngunit tuwing linggo pumupunta sila sa

bayan upang mag simba at magbenta ng kanilang mga aning pananim, tulad

ng gulay, kamote at minsan mga alagang hayop. Dahil nga malayo sa bayan

ang palaging maririnig mo lamang ay ang mga huni ng mga ibon at iba pang

mga hayop. May mga kapit-bahay naman sila subalit hindi nga kalapitan.
Madalas na pinapabantay sina Gabriel at Heide sa kanilang sakahan

dahil maraming unggoy doon at ninanakaw madalas ang bunga ng kanilang

mais. Habang ang kanilang ina naman ay nandoon lamang sa bahay upang

gumawa nang mga gawaing bahay. Minsan pumupunta sila sa malayong kapit-

bahay kapag may handaan sa kanila din kapag sila ang meron. Bagamat nasa

bundok nakatira ngunit masagana ang kanilang buhay.

Noong nasa unang baitang si Heide at si Gabriel naman ay nasa tatlong

baitang. Madalas na silang nakakarinig nang kababalaghan sa paligid ng

kanilang bahay. Tuwing mag aalas-6 na nang hapon hindi na sila pinapababa

ng kanilang ina. Madalas din nilang naririnig ang mga tunog ng kotse o di kaya

nang motorsiklo. Nagtataka man kung paano makakadaan ang mga sasakyang

iyon, pinagwalang kibo na lamang nila dahil madalas silang pinag sasabihan

ng ina na kapag mag aalas 6 na nang hapon hindi na raw tamang nasa labas

pa sila sapagkat hindi na raw sa kanila ang oras na iyon.

Isang araw, tinawag sina Gabriel at Heide ng kanilang ina at ama

sapagkat pupunta raw sila sa isang manggagamot. At pagdating nila doon

nalaman nilang nagdadalang tao na pala ang kanilang ina. Masayang-masaya

sila nang pauwi na sila ng kanilang bahay. At simula noon, hindi na

pinapupunta ni Gonzalo ang kanyang asawa sa sakahan. Tinutulungan na din

ni Gabriel at Heide ang kanilang ina sa mga gawaing bahay sa kadahilanang

gustong- gusto niya narin nilang magkaroon ng nakababatang kapatid.


Isang gabi habang sila ay natutulog, naalimpungatan si Gonzalo nang

makapa niyang wala sa kanyang tabi ang asawa,bumaba siya at tinatawag ang

kanyang asawa. Laking gulat niya ng makita niya ito sa kanilang sakahan

nang mani at tila masayang-masaya sa pag bubunot nang damo doon.

Tinawag niya ito at tinanong kung bakit siya nandoon na kung tutuusin ay

gabing- gabi pa. Tumawa lamang ang kanyang asawa at sinabihan siyang

maliwanag na maliwanag raw ang buwan at gusto niya raw na mag bunot

nang damo. Biglang nangamba si Gonzalo sa sagot ng asawa at pilit niya itong

pinatayo upang bumalik sa kanilang bahay. Sumunod din naman ito at

pagkatapos maghugas ng kmay ay nahiga na sila ulit. Hindi na nakabalik nang

tulog si Gonzalo at panay ang tanong sa kanyang isipan kung bakit nagawa ito

nang kanyang asawa.

Kinaumagahan tinanong ni Gonzalo ang kanyang asawa ulit kung bakit

siya bumangon kagabi ngunit tumawa lamang ito at sinabing maliwanag ang

buwan na tila ba araw at kitang kita niya ang mga damo.Hindi daw siya

makatulog kayat naisipan niyang magbunot nalng ng damo. Hindi na nga nag

dagdag pa nang katanungan si Gonzalo at sinabihan nalang ang kaniyang

asawa na huwag na niyang ulitin iyon sapagkat siya ay nag dadalang-tao at

baka makasama ito sa kanilang anak.


Sa paglipas ng mga araw ay nadadagdagan ang kanilang kasabikan na

makita ang batang pinag bubuntis ni Norma lalo na sina Gabriel at Heide. Mas

lalo silang nagsipag tumulong at naging responsable sa kanilang pag aaral.

Malayo man ang kanilang paaralan ngunit hindi na sila nagpapahatid sa ina at

sumasabay na lamang sa kanilang kapitbahay upang hindi na mahirapan ang

kanilang ina sa pag akyat-panaog sa matirik na daanan.

Isang gabi, habang sila ay naghahapunan sinabihan ni Gonzalo ang

kanyang pamilya na lilipat na sila ng bahay sa baryo upang hindi mahirapan

ang asawa sa pagsilang nang kanilang sanggol lalo't malayo ang manggagamot

na siyang magpapaanak nito at nang malapit na rin ang kanyang mga anak sa

kanilang paaralan. Hindi naman tumutol si Norma at paglipas nang isang

linggo nakalipat na nga sila. Si Gonzalo na lamang ang pumupunta sa

kanilang sakahan araw-araw. Mag si-siyam na buwan na ang dinadala ni

Norma at handang-handa na sila para rito lalo't sinabi nang manggagamot na

batang babae ang dinadala nito.

Isang araw, pagka-uwi ni Gabriel at Heide sa kanilang bahay nakita

nilang parang may iniinda ang ina, nilapitan agad nila ito at pagkatapos mag

mano ay tinanong kung anong nararamdaman. Sinabihan sila na puntahan

ang manggagamot dahil siya ay manganganak na. Dali-dali naman silang

pumunta sa manggagamot at sabay na nga nila itong pabalik sa kanilang

bahay. Pagkarating nila doon ay agad naghanda ang manggagamot ng

kaniyang mga kakailanganin, at nandoon na rin si Gonzalo at hinahaplos-


haplos ang asawa. Makalipas ang ilang minuto, nailabas na nga ni Norma ang

kanyang anak, ngunit hindi na ito humihinga. Umiiyak na niyakap nina

Gonzalo at Norma ang sanggol.Lumapit na rin sina Gabriel at Heide upang

yakapin ang kanilang mga magulang. Ang kanilang masayang pag-asam na

masulyapan ang kanilang kapatid ay napalitan ng lungkot at sakit sapagkat

wala na itong buhay. At nagkatinginan silang lahat ng biglang may malakas na

ingay sa bubong na tila ba may taong nabangga ang ulo sa bubong. Ngunit

ipinag walang kibo nalamang sana nila ito nang biglang umihi ang sanggol

nagtaka sila sapagkat wala na itong buhay ngunit bakit ngayon lamang ito

umihi. Napasambit nga ng makadiyos na pananalita ang manggagamot. At ng

malaman ito ng mga kapitbahay pumunta sila at nagbigay nang kanilang

pakikiramay. Ngunit ayon sa mga ito kapag tinitingnan nila sa malayo ang

sanggol tila napaka itim nito at mabalahibo ngunit sa malapitan ay normal

namn na sanggol.

Lumipas ang mga araw lumakas ang mga haka-hakang hindi anak ni

Gonzalo ang sanggol. Lalo't nasabi din ni Gonzalo ang tungkol sa pag gising

nang hating gabi ng asawa at tumungo sa sakahan. At nadagdagan pa ito ng

sabihin ni Norma na nag tataka siya kung bakit umuuwi si Gonzalo ng bahay

kahit kakaalis pa lamang nito at sasabihing namimis niya raw ang asawa.

Hindi maipaliwanag ni Norma ang nadarama ng sabihin ni Gonzalo na hindi

siya bumabalik ng bahay at tanghali na ito kung umuwi upang mananghalian.

At binanggit narin ni Gonzalo na may naririnig siyang may kausap ang asawa.
Dahil nga doon napagtanto nilang anak nang isang kapre ang sanggol na

iniluwal ni Norma at nagpapanggap lamang itong si Gonzalo.

Dahil sa pangyayari, umalis sila sa lugar na iyon at bumalik ng Cebu na

labis namang ikinatuwa ng mga kamag-anak nila roon. Namuhay sila ulit doon

at kinalimutan ang nakakakilabot na nakaraan. Naging maganda ang buhay

nila doon at nabuntis ulit si Norma at nabiyayaan ulit nang isang malusog na

batang lalake. Labis ang pasasalamat nila at sa wakas ay binigyan sila ng

Panginoon ng pagka ganda-gandang panalangin. Hindi man naging madali sa

kanila ang makaranas nag ganung karanasan ngunit mas naging matibay ang

kanilang pagmamahalan sa isa't isa sa tulong at gabay na rin ng Panginoon.

Pagkatapos ng kwentong iyon ni Heide ay nabalot ng katahimikan ang

paligid at hindi mawala-wala sa isip ng mga nakikinig ang kwentong iyon ni

Heide. May iba mang hindi naniniwala ngunit para karamihan ito ititnuturing

na kwentomg misteryoso.
“Learning Competencies”

F1PS-Ilg-7

Nakapagsalaysay ng orihinal na kwento na kaugnay ng napakinggang kwento.

F1PN-Il-j-4

Naiuugnay ang sariling karanasan sa napakinggang kwento.

You might also like