Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PANGALAN:KATRIN ROSE P.

CABAG-IRAN BAITANG/SEKSYON: XI-ABM


PAARALAN: CAGDIANAO NATIONAL HIGH SCHOOL ASIGNATURA: FILIPINO

PERFORMANCE TASK # 2
(UNANG MARKAHAN – LINGGO 3)

Ang Natapos na Pagtatapos

Noong nakaraang taon at ngayong taon ay masasabi ng lahat na isa ito sa


pinakamakasaysayang taon na kahit mahirap ay naging possible na maipagpatuloy ang pag-
aaral sa kasagsagan ng pandemya ng COVID-19. Isang malaking bahagi ng aking buhay ay ang
makapagtapos ng Junior High School sa kalagitnaan ng pandemya.
Ang hindi inaasahang paglaganap ng nakakahawang sakit ay naging dahilan
ng pagkasuspinde ng mga pasok sa paaralan. Ilang buwang nasa ilalim ng lockdown ang aking
pamayanan at maging ang malaking bahagi ng bansa. Naging possible ang pagbabalik ng
klase, ngunit dahil sab anta ng sakit, kinakailangan na malampoasan ng mga mag-aaral ang
bagong sistema ng pag-aaral, ang “Modular Dinstanced Learning”. Isang malaking hamon
para sa mga guro at mag-aaral ang bagong sistemang ito ng pag-aaral. Gayunpaman, para sa
isang mag-aaral na tulad ko ay mas natutunan kong intindihin at unawain ang sitwasyon at
ipagpatuloy ang dapat ipagpatuloy upang malampasan ang anumang hamon. Natutunan
kong isaalang-alang ang takot at pangamba na aking naramdaman sapagkat hindi ito
makakatulong sa pagharap ko sa mga hamon sa asking pag-aaral na dulot ng pandemya.
Isang mabisang paraan na aking nagawa upang matulungan ang aking sarili na malampasan
ang hirap na aking nararanasan sa paraan ng pagkatuto ay ang magmuni-muni tungkol sa
mga bagay-bagay at sa kung paano ko ito malulutas at sa kung paano ko masasagutan ng
maayos ang mga “modules” na kailangang matapos at tapusin.
Ngayong taong ito, ay mahihinuha kong isang mapanghamong taon ngunit
sa kabila ng lahat ng mga nangyayari, ay mas nangingibabaw sa aking sarili na magpatuloy at
ipagpatuloy ang aking pag-aaral sapagkat kung hindi naging imposible na matapos ko ang
Junior High School, natitiyak ko rin na sa kalagitnaan man o sa katapusan ng pandemyang ito,
ay maiaahon ko ang aking sarili mula sa mapanghamong sistema ng pag-aaral na dulot ng
hindi inaasahang makasaysayang pangyayari.

You might also like