Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 19

PAGSULAT

NG
PANUKALANG
PROYEKTO
Pangalan/ Pamagat ng Proyekto

Nagpanukala o Nanguna sa Proyekto

Lugar kung Saan Isinagawa o


Ipinatupad

Petsa ng Pagpapatupad

Mga Taong Nagpapatupad


o Nagsasagawa

Pakinabang o Magandang
Dulot ng Proyekto
ANO ANG PANUKALANG
PROYEKTO?
Ayon kay Dr. Phil Bartle ng The Community
Empowerment Collective, isang samahang tumutulong
sa mga nongovernmental organization (NGO) sa paglikha
ng mga pag-aaral sa pangangalap ng pondo, ang
panukala ay isang proposal na naglalayong ilatag ang
mga plano o adhikain para sa isang kumunidad o
samahan. Ito ay tumutukoy sa mga planong
nakatutulong sa pagsagawa ng solusyon sa isang
suliranin.
Ayon naman kay Besim Nebiu, may-akda ng Developing
Skills of NGO Project Proposal Writing, ang panukalang
proyekto ay isang detalyadong deskripsiyon ng mga
inihahaing gawaing naglalayong lumutas ng isang
problema o suliranin.
MGA DAPAT GAWIN SA
PAGSULAT NG
PANUKALANG PROYEKTO

Pagsulat ng Paglalahad ng
Pagsulat ng Benepisyo ng
Panimula ng Katawan ng Proyekto
Panukalang Panukalang at mga
Proyekto Proyekto Makikinabang
Nito
A. Pagsulat ng Panimula ng
Panukalang Proyekto
Bago lubusang isulat ang panukalang proyekto, ang
unang mahalagang hakbang na dapat isagawa ay ang
pagtukoy sa pangangailangan ng kominidad, samahan
o kompanyang pag-uukalan ng iyong project proposal.
Sa madaling salita, ang pangangailangan ang magiging
batayan ng isusulat na panukala.
1.Ano-ano ang 2.Ano-ano ang
pangunahing pangangailangan
ng pamayanan o
suliranin na
dapat lapatan
ng agarang
solusyon?
& samahang ito na
nais mong gawan
ng panukalang
proyekto?
B. Pagsulat ng
Katawan ng
Panukulang Proyekto
LAYUNIN
Sa bahaging layunin makikita ang mga bagay
na gustong makamit o ang pinaka-adhikain
ng panukala. Ayon kina Jeremy Miner at Lynn
Miner (2005), ang layunin ay kailangang
maging SIMPLE.
S PECIFIC -nakasaad ang bagay na nais makamit o
mangyari sa panukalang proyekto

I MMEDIATE -nakasaad ang tiyak na petsa


ito matatapos
kung kalian

M EASURABLE -may basehan o patunay na naisakatuparan


ang nasabing proyekto

P RACTICAL -nagsasaad ng solusyon sa binanggit na


suliranin

L OGICAL -nagsasaad ng paraan kung


ang proyekto
paano makakamit

E VALUABLE -masusukat kung paano makatutulong ang proyekto


PLANO NG DAPAT
GAWIN
Ito ay naglalaman ng mga hakbang na
isasagawa upang malutas ang suliranin.
Ito rin ay dapat na maging
makatotohanan o realistic. Kailangang
ikonsidera rin ang badyet sa
pagsasagawa nito.
BADYET
Ang badyet ay ang talaan ng mga gastusin na kakailanganin sa
pagsasakatuparan ng layunin. Maaaring magsagawa ng bidding
sa mga contractor na kadalasan ay may mga panukalang
badyet na para sa gagawing proyekto. Ang iba pang gastusin
tulad ng suweldo ng mga manggagawa, allowance para sa mga
magbabantay sa pagsasagawa nito, at iba pa ay dapat ring
isama sa talaan ng badyet.
C. Paglalahad ng Benepisyo
ng Proyekto at Mga
Makikinabang Nito
Kadalasan ang panukalang proyekto ay naaaprobahan
kung malinaw na nakasaad dito kung sino ang
matutulungan ng proyekto at kung paano ito
makakatutulong sa kanila. Mahalagang maging
espesipiko sa tiyak na grupo ng tao o samahang
makikinabang sa pagsasakatuparan ng layunin.
Maaari na ring isama sa bahaging ito ang
katapusan o kongklusyon ng iyong
panukala. Sa bahaging ito ay maaaring
ilahad ang mga dahilan kung bakit dapat
aprobahan ang ipinasang panukulang
proyekto.
• Halimbawa ng mga makikinabang ay ang mga
bata, kababaihan, mga magsasaka, mahihirapna
pamilya, mga negosyante at iba pa.
Balangkas ng
Panukulang
Proyekto
1 Pamagat ng Panukalang Proyekto
- kadalasan, ito ay hinango mismo sa inilahad na
pangangailangan
2 Nagpadala
- naglalaman ito ng tirahan ng sumulat ng panukalang
proyekto
3 Petsa
-araw kung kalian ipinasa ang panukalang papel. Isinasama rin
sa bahaging ito ang tinatayang panahon kung gaano katagal
gagawin ang proyekto.
4 Pagpapahayag ng Suliranin
- dito nakasaad ang suliranin at kung bakit dapat maisagawa
o maibigay ang pangangailangan.
5 Layunin
- naglalaman ito ng mga dahilan o kahalagahan kung bakit
dapat isagawa ang panukala.
6 Plano ng Dapat Gawin
- dito makikita ang talaan ng pagkakasunod-sunod ng mga
gawaing isasagawa para sa pagsasakatuparan ng proyekto
gayundin ang petsa at bilang ng araw na gagawin ang baat isa.
7 Badyet
-ang kalkulasyon ng mga guguling gagamitin sa
pagpapagawang proyekto
8 Paano Mapakikinabangan ng Pamayanan
- kadalasan, ito rin ang nagsisilbing kongklusyon ng panukala
kung saan nakasaad dito ang mga taong makikinabang ng
proyekto at benipisyong makukuha nila mula rito.
MARAMING
SALAMAT !

You might also like