Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Rosarian Center Creative Education Foundation, Inc.

Don Froilan Lopez Bldg., Granja St. Poblacion


Lucena City * Philippines

First Quarterly Examinations


Araling Panlipunan – Grade Two

Pangalan: __________________________________________ Iskor: 30


Guro: Gng. Eden Mendoza-Zoleta Petsa: Set. 14, 2023

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay binubuo ng pangkat ng mga tao na naninirahan sa isang pook na magkakatulad ang
kapaligiran at pisikal na kalagayan.
A. mag-anak B. komunidad C. pamahalaan

2. Ano ang dapat na nahuhubog sa isang komunidad?


A. pagkakaisa B. pagtutulungan C. lahat ng nabanggit

3. Saan maaring matagpuan ang isang komunidad?


A. tabing dagat/ ilog B. kapatagan C. lahat ng nabanggit

4. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng komunidad?


A. hardin B. plasa C. barangay

5. Ano dapat ang mapapansin sa isang komunidad?


A. May mga taong laging nag-aaway
B. Magulo at maraming basura
C. Malinis, maunlad at payapa

6. Alin sa sumusunod na pangungusap ang wasto?


A. Malaki ang epekto ng komunidad sa paghubog ng ugali ng isang bata
B. Ang bata ay lalaking maayos sa magulong komunidad
C. Lalaki ng walang paggalang ang mga bata

7. Ang malinis na komunidad ay mahalaga upang _____.


A. Malayo sa sakit ang mga taong nakatira dito
B. Maging maunlad ang pamumuhay ng mga tao
C. Maganda at maayos ang pakikipag-ugnayan

8. Ang namumuhay sa komunidad ay binubuo ng pangkat ng mga _______.


A. Ibon B. Tao C. Halaman

9. Dito hinuhubog ang kaalaman ng mga kabataan / mamamayan tungo sa pag-unlad.


A. Simbahan B. Paaralan C. Parke

10.Dito nagsasamasama ang mga tao upang maglaro at


maglibang.
A. Health Center B. Pamilihan C. Parke/Palaruan

1
Rosarian Center Creative Education Foundation, Inc.
Don Froilan Lopez Bldg., Granja St. Poblacion
Lucena City * Philippines

11. Ang bawat bata ay may kinabibilangang komunidad.


A. Tama B. Mali C. Di tiyak

12. Bawat komunidad ay may pagkakaiba at pagkakatulad.


A. Mali B. Tama C. Siguro

13. Si Ruel ay nakatira sa Barangay Libis. Anong impormasyon ang tinutukoy?


A. Pangalan ng komunidad B. Relihiyon C. Wika

14. Tagalog ang ginagamit naming sa pakikipag-usap sa mga tao. Anong impormasyon ang
tumutukoy sa Tagalog?
A. Dami ng tao B. Relihiyon C. Wika

15. Ano ang ibig sabihin ng simbolong ito ?


A. tahanan B. Paaralan C. Ospital

16. Alin sa mga larawan ang sumisimbolo sa mga kabahayan?

A. B. C.

17. Ito ay nasa pagitan ng hilaga at silangan.


A. hilagang silangan B. kanluran C. Hilaga

18. Ito ang pinakamataas na anyong lupa.


A. lambak B. burol C. bundok

19. Ano ang anyong tubig na napaliligiran ng lupa?


A. lawa B. Ilog C. look

20. Ang pamilya ni Mang Roberto ay naliligo sa dagat. Masayang –masaya ang mga bata sa
paliligo sa ilalim ng araw.
Anong uri ng panahon ang naranasan nila?
A. Taglamig B. Tag-init C. Tag-ulan

21. Maraming bata ang di makapasok sa paaralan. Baha sa kanilang lugar. Sila ay nakaranas ng
anong uri ng panahon?
A. tag-init B. tag-tuyo C. tag-ulan

22. Alin sa mga sumusunod ang mainam gawin kapag umuulan?


A. manatili sa loob ng bahay
B. maligo sa ulan
C. maglaro sa labas

23. Ang pagpuputol ng puno at pagmimina sa kabundukan at kagubatan ay sanhi ng


pagkakaroon ng ____.

A. ulan B. baha C. bagyo


2
Rosarian Center Creative Education Foundation, Inc.
Don Froilan Lopez Bldg., Granja St. Poblacion
Lucena City * Philippines

24. Ano ang magiging epekto ng pagsabog ng bulkan sa tao at sa mga anyong lupa at tubig na
malapit dito?

A. Mamamatay ang mga isda


B. Masisira ang mga tahanan at pananim
C. Lahat ng nabanggit

25. Alin sa sumusunod ang mangyayari kung hindi maaayos ang linya ng koryente sa bahay at
iba pang gusali?

A. ulan B. sunog C. bagyo

26. Tuwing tag-ulan, bumabaha sa inyong komunidad. Ano ang mungkahing gawin?
A. Iwasan ang pagtatapon ng basura sa mga kanal at estero
B. Gawing swimming pool ang mga estero
C. Huwag lumabas ng bahay

27. Iniaangkop ng mga tao ang kanilang kasuotan kapag tag-ulan. Alin ang dapat nilang isuot?

A. maninipis na damit B. sando at shorts C. kapote at bota

28. Ibinabagay ng mga tao ang kanilang kasuotan kapag tag-init. Alin ang dapat nilang isuot?

A. dyaket B. sando at shorts C. makapal na damit

29. Saan ang kinaroroonan ng komunidad na maraming matataas na gusali?

A. kagubatan B. sakahan C. lungsod

30. Karaniwang mangingisda ang hanapbuhay ng mga tao na nakatira sa ganitong komunidad.

A. kapatagan B. tabing-dagat C. kabundukan

You might also like