Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

POEM RECITAL PIECE

Karapatang Pangkalusugan, Kapakanan sa Pamayanan: Ating Tutukan


para sa Magandang Kinabukasan!

Magulang at pamayanan, kayo ang aming inaasahan; Sa wastonmg pag-


aaruga, kayo ang sandigan. Kami ay inyong hubugin, wastong asal kami ay
turuan; Upang maging ganap, sa bayan ay pakinabang.

II

Masusustansiyang pagkain, sa ami'y inyong ihain; Upang lumaking


malusog, sa isipan at gawain. Ang pagmamahal ninyo, at magagandang
hangarin; Ito'y magiging pundasyon, upang pangarap ay tupdin.

III

Seguridad sa pamilya, seguridad sa lipunan; Pamahalaang kumikilala sa


aming karapatan. Makapag-aral, makapaglaro sa ligtas na pamayanan; O
kay sarap maging bata, O kay ganda ng kinabukasan.

IV

Maraming salamat aming magulang at pamayanan;


Sapagkat nabigyang pansin kaming kabataan. "Karapatang
pangkalusugan, kapakanan sa pamayanan: Patuloy na tutukan para sa
magandang kinabukasan!".

You might also like