Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Una: Ang Mabuting Samaritano Nagkataon namang napadaan ang

isang lalaking Samaritano na


Ang parabulang “Ang Mabuting
naglalakbay at nang makita ang lalaki
Samaritano” ay hango sa Bibliya na
ay agad niya itong tinulungan. Siya’y
matatagpuan sa aklat ng Lucas
naawa dito, binuhusan at nilinis ang
kabanata 10 talata 25 hanggang 37
sugat saka binendahan.
(Lucas 10:25-37).
Pagkaraan ay isinakay niya ang lalaki
Isang araw ay may lumapit kay
sa kanyang asno at dinala ito sa
Jesus na isang eskriba na dalubhasa
bahay-panuluyan upang maalagaan
sa kautusan upang siya ay subukin.
siya doon.
Tinanong niya si Jesus ng, “Guro, ano
ang dapat kong gawin upang Bago umalis kinabukasan ay nag-iwan
magkamit ng buhay na walang pa siya ng dalawang salaping pilak
hanggan? Sumagot si Jesus at ang namamahala ng bahay-panuluyan
itinanong sa lalaki, “Ano ba ang at nagbilin na alagaan niya muna ang
nakasulat sa kautusan? Ano ba ang lalaki at kung sakaling may magastos
nababasa mo roon?” pa siya na higit sa iniwan niyang pera
ay babayaran na lamang niya ito sa
Anang eskriba ay ibigin ang
kanyang muling pagbabalik.
Panginoong Diyos ng buong puso,
kaluluwa at lakas. At ibigin ang kapwa Pagkatapos mailahad ni Jesus ang
gaya ng sarili.Tama umano ang sagot talinghaga ay nagtanong ito, “Sa
ng lalaki ayon kay Jesus. Gawin daw palagay mo, sino kaya sa tatlo ang
iyon at magkakamit siya ng buhay na naging tunay na kapwa ng taong
walang hanggan. hinarang ng mga tulisan?”
Ngunit upang hindi lumabas na kahiya- “Ang taong tumulong sa kanya,” tugon
hiya ang lalaking dalubhasa sa ng eskriba.
kautusan ay nagtanong pa ulit ito kay
Kaya’t sinabi sa kanya ni Jesus, “Kung
Jesus.
gayon, humayo ka’t gayon din ang
“Guro, sino po ang aking kapwa?” gawin mo.
Kaya naman inihayag ni Jesus ang
talinghaga tungkol sa mabuting
samaritano.
Isang araw ay may taong
naglalakbay mula sa Jerusalem
papuntang Jerico. Hinarang siya ng
mga tulisan. Hinubaran, binugbog, at
iniwang halos patay na.May isang pari
na napadaan sa lugar ngunit sa halip
na tulungan ay lumihis siya ng daan at
nagpatuloy lamang sa paglalakad na
parang walang nakita. Ganun din ang
ginawa ng isang Levita na nakakita sa
bugbog saradong katawan ng lalaki.
Ikalawa: Pinagaling ni Jesus ang Sampung Ketongin

Ang kwento sa Bibliya na “Pinagaling ni Jesus ang Sampung


Ketongin” ay hango sa Bibliya na matatagpuan sa aklat ng Lucas
kabanata 17 talata 11 hanggang 37 (Lucas 17:11-37).
Sa paglalakbay ni Jesus patungong Jerusalem ay dumaan
siya sa gitna ng Samaria at Galilea.Nang papasok na siya sa
isang nayon ay sinalubong siya ng sampung lalaki na may
ketong.
Nakatayo sa malayo ang sampu at sumigaw ng, “Jesus!
Panginoon! Mahabag po kayo sa amin!”
Nang makita sila ni Jesus ay sinabi nitong, “Humayo kayo at
pakita sa mga saserdote.”
Sa kanilang paglalakad ay napansin ng isa sa sampung
ketongin na sila ay gumaling. Siya ay bumalik at sumisigaw ng
pagpupuri sa Diyos.
Ang lalaking bumalik ay isang Samaritano. Tinanong ni Jesus
kung nasaan ang iba pa niyang kasama.

“Nasaan ang siyam? Wala bang nagbalik at nagpuri sa Diyos


kundi ang dayuhang ito?”

Pagkaraan ay sinabi ni Jesus sa lalaki, “Tumindig ka’t humayo sa


iyong lakad! Pinagaling ka dahil sa iyong pananalig.”
Ikatlo: Talinghaga Tungkol sa Tatlong Alipin

Ang parabulang “Talinghaga tungkol sa Tatlong Alipin” ay hango


sa Bibliya na matatagpuan sa aklat ng Mateo kabanata 25 talata
14 hanggang 30 (Mateo 25:14-30).
May isang taong maglalakbay kaya tinawag niya ang tatlo
niyang alipin upang pamahalaan ng kanyang ari-arian. Binigyan
niya ng pera ang bawat isa ayon sa kanilang kakayahan. Ang
unang alagad ay binigyan niya ng limanlibong salaping ginto,
dalawang libong salaping ginto naman sa ikalawang alipin, at
isang libong salaping ginto sa ikatlo. Pagkatapos nito ay umalis
na ang kanilang panginoon.
Agad na kumilos ang binigyan ng limanlibong salaping ginto at
ipinangalakal ang salapi. Siya ay kumita ng limanlibong salaping
ginto. Gayundin ang ginawa ng ikalawang alipin kaya tumubo din
ang kanyang salapi ng dalawang libong salaping ginto.
Samantala, ang tumanggap ng isang libong salaping ginto ay
humukay sa lupa at itinago ang salaping ginto ng kanyang
panginoon.Pagkaraan ng mahabang panahon ay nagbalik na ang
kanilang panginoon at pinag-ulat ang bawat isa.
Lumapit ang unang alipin at sinabing, “Panginoon, tumubo po ng
limang libo ang salaping ipinagkatiwa ninyo sa akin.”
Natuwa ang panginoon at sinabi sa alipin, “Magaling! Tapat at
mabuting lingkod! Naging tapat ka sa kaunting halaga, kaya’t
pamamahalain kita sa malaking halaga. Samahan mo ako sa
aking kagalakan!” Sunod na lumapit ang ikalawang alipin at sinabi
sa kanyang panginoon, “Panginoon, ito po ang iniwan ninyo sa
aking dalawang libong salaping ginto. Heto naman po ang
dalawang libong salaping ginto na tinubo nito.”
Sumagot ang panginoon at sinabing, “Magaling! Tapat at
mabuting lingkod! Naging tapat ka sa kaunting halaga, kaya’t
pamamahalain kita sa malaking halaga. Samahan mo ako sa
aking kagalakan!”
Huling lumapit ang ikatlong alagad na tumanggap ng isang libong
ginto at sinabing, “Alam ko pong kayo’y mahigpit at pinipitas ninyo
ang bunga ng hindi ninyo itinanim at inaani ninyo ang hindi ninyo
inihasik. Natakot po ako, kaya’t ibinaon ko sa lupa ang inyong
salaping ginto. Heto na po ang inyong salapi.” Nagalit sa kanya
ang kanilang panginoon at sinabing, “Masama at tamad na
lingkod! Alam mo palang pinipitas ko ang bunga ng hindi ko
itinanim at inaani ko ang hindi ko inihasik, bakit hindi mo na
lamang inilagay sa bangko ang aking salapi! Kahit paano’y may
tinubo sana ito! Kunin ninyo sa kanya ang isanlibong salaping
ginto at ibigay sa may sampung libong salaping ginto. Sapagkat
ang mayroon ay bibigyan pa, at magkakaroon ng sagana; ngunit
ang wala, pati ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa. Itapon
ninyo sa kadiliman sa labas ang walang silbing taong iyan! Doo’y
mananangis siya at magngangalit ang kanyang mga ngipin.”
Ikaapat: Pinatigil ni Jesus ang Bagyo sa Lawa

Ang kwento sa Bibliya na “Pinatigil ni Jesus ang


Bagyo sa Lawa” ay hango sa Bibliya na
matatagpuan sa aklat ng Mateo kabanata 8 talata 23
hanggang 27 (Mateo 8:23-27).
Nang minsang sumakay si Jesus sa bangka
kasama ang kanyang mga alagad ay bumugso sa
lawa ang isang malakas na bagyo.
Sa lakas ng bagyo ay halos matabunan na ng alon
ang bangkang sinasakyan nila.
Nagkataon namang natutulog noon si Jesus kaya
ang mga alagad ay nilapitan at ginising siya.
“Panginoon, tulungan ninyo kami! Mamamatay kami!
Lulubog tayo!”
Nang magising si Jesus ay sinabi niya sa mga
alagad, “Ano’t kayo’y natatakot? Napakaliit naman
ng pananalig ninyo!”
Nang oras ding yaon ay bumangon ni Jesus,
pinatigil ang hangin at ang mga alon, at bumuti ang
panahon.

Ang lahat ng nakasakay sa bangka ay namangha at


sinabing, “Ano kayang uri ng tao ito? Maging ang
hangin at ang lawa ay sumusunod sa kanya!”

You might also like