Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

John Aldrich Panganiban FIL2

BMMA3-2

REPLEKSYONG PAPEL

Sa aking napanood na documentaryo ay tinalakay ang iba't ibang malalaking isyu


sa ating bansa tulad ng edukasyon, kalusugan at kagutuman. Dito makikita natin ang
patuloy na paghihirap ng tao na araw-araw na dinadanas. Kakulangan sa salapi na
nagsisilbing sanhi ng kahirapan. Ang kahirapan ay isa sa mg problema na kinakaharap
ng bawat pilipino. Ito ay isa sa mga di matapos-tapos at hindi rin masolusyonan na
problema ng bansa. Marami ang nagsasabi na ang edukasyon ay puhunan ng ating
buhay pero karamihan ay kapos sa pera. Nagkakaroon ng kakulangan sa pera na
ipangbabayad sa paaralan na papasukan pati na rin pangbili ng kagamitan na
kakailanganin ng isang mag-aaral.

Ang ibang mag-aaral naman ay nagtratrabaho habang nag aaral. Ito na rin ang
magsisilbing tulong nila sa kanilang mga magulang at matustusan ang kanilang sariling
pag-aaral ngunit ang iba ay mas pinipili ang magtrabaho na lamang dahil ang kanilang
kinikita pangangailangan araw-araw ay sapat lamang sa kanilang at kulang pa para sila
ay makapasok sa paaralan. Ang kawalan ng malinaw na pagplaplano at malabis na
paggatos ay isa rin sa dahilan ng kahirapan dahil ang ibang tao ay padalos-dalos kung
mag desisyon. Mayroong mga tao na mas inuuna ang kanilang kagustuhan kasya sa
pangangailangan ng kanilang pamilya. Ang nararapat na pera na nakalaan para sa
kanilang kakainin araw-araw ay kadalasang nauubos dahil ang iba ay hindi marunong
humawak ng pera.

Isa na din sa kahirapan ng bansa ay ang Karamihan ay hindi nakakakuha ng sapat


na nutrisyon upang maging malakas at masigla ang kanilang mga katawan. Kaya
karamihan sa mga ito ay puro di tama ang kalusugan. Nagiging resulta ng mga ito ay
pagkahina ng mga bata o pagkamatay.

You might also like