Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

ARELLANO UNIVERSITY
Pasay City
A.Y. 2019-2020

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN


Antas: Ika-sampung Baitang

I. LAYUNIN:
Sa loob ng 60-minuto, ang mga mag-aaral ng ika-sampung baitang ay inaasahang:
a. Nasasabi ang kahulugan ng unemployment at mga uri nito
b. Nakapagbibigay ng mga halimbawa ng aksyon na tugon ng gobyerno sa kawalan ng trabaho.
c. Nakapagsasabi ng sariling saloobin hingil sa napapanahong isyu.
d. Makapaglalahad ng ibat - ibang konsepto tungkol sa kahalagahan ng pagkakaroon ng trabaho at
upang maiwasan ang kawalan ng trabaho.
II. NILALAMAN
Paksa: Unemployment o Kawalan ng trabaho
Konsepto:
 Ano ang kahulugan ng unemployment o kawalan ng trabaho?
 Anu-ano ang iba’t ibang uri ng unemployment?
Sanggunian: https://tradingeconomics.com/philippines/unemployment-rate
https://micadelcozar.wordpress.com/2016/11/07/kawalan-ng-trabaho-sa pilipinas/
https://brainly.ph/question/477081/
Sanggunian ng Paglinang sa Kasaysayan Kontemporaneong Isyu
Kagamitan: board, pentelpen, strips of cartolina, colored papers, pictures

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral

A. PANIMULANG GAWAIN

1. Pagbati sa klase “Magandang hapon din po!”


“Magandang hapon sa inyong lahat!”

2. Panalangin
“Bago tayo magsimula, tayo munang manalangin. (Sandaling mananahimik ang lahat at
Yumuko ang lahat at damhin ang presenya ng mananalangin.)
Panginoon.”

1|Page
3. Pagsasaayos ng silid aralan (Aayusin ang mga upuan at pupulutin ang mga
“Bago kayo magsiupo ay pakiayos muna ng inyong
kalat.)
mga upuan, ayusin ang linya nito at pulutin muna ang
mga basura.”

4. Pagtatala ng liban
“Mayroon bang liban sa klase ngayon?” “Wala po.”

5. Pagganyak
“Bago tayo mag simula sa ating aralin ay may ipakikita
akong mga larawan. Ano ang inyong masasabi sa
bawat isang larawan.

Ang larawan ay nagpapakita ng kawalan ng


trabaho.

Ang larawan ay nagpapakita ng kahirapan.

Ito po ay nagpapakita ng pagkalulong sa ibang


gawain o bisyo.

Ang mga larawan din po ay nagpapakita ng pag


alis ng mga mamayan patungo sa ibang bansa
upang doon magtrabaho.

Mga gabay katanungan:

Sa tingin ninyo bakit nakararanas ng kahirapan ang Sapagkat sila ay walang maayos/stable na trabaho
mga tao?
Upang makatulong sa kanilang pamilya at
Bakit nila kailangang makipagsapalaran upang mabigyan ng sapat na pangangailangan
magkaroon ng trabaho?
Maaaring malulong sa ibang gawain o bisyo
Anong maaaring mangyari sayo kung wala kang
trabaho?

Ok sa tingin mo anong isyu ang kinakaharap ng isang Sa palagay ko ang isyung kinakaharap ng bansa
bansa kung marami ang nakararanas ng kahirapan? ay kawalan ng Trabaho o unemployment.

Okay mahusay!

B. PAGLINANG NG ARALIN

a) Paglalahad ng Paksa
Ngayon naman ay Talakayin natin ang
kahulugan ng unemployment at alamin natin
ang ibat’ibang uri at mga halimbawa nito.
2|Page
b) Talakayan

Ang kawalan ng trabaho o unemployment ay ang


sitwasyon na hindi makahanap ng trabaho, bilang
napagkakakitaang paggawa, ang isang taong gustong
magtrabaho. Ito ay isa rin sa mga sukatan ng
kalagayan ng ekonomiya sa isang bansa.

Mga Uri ng ng Unemployment

1) Frictional ito ay nagaganap kapag ang


indibidwal ay lumipat sa ibang trabaho mula sa
dating trabaho. Base po sa kahulugan nito, nabibilang po ang
isang tao sa frictional kapag po sya ay umalis sa
Chelle, magbigay ka nga ng halimbawa o dati nyang pinagtatrabahuhan marahil po ay dahil
sitwasyon na nagpapakita ng Frictional sa maliit ang sahod or dahil sa kanyang mga
unemployment? katrabaho mismo.

Magaling, tama ang inyong sagot. Naunawaan


na ba ng lahat ang unang uri? Magpatuloy na Opo.
tayo sa pangalawang uri.

2) Cyclical ito ay nagaganap kapag may


krisis sa ekonomiya.
Halimbawa po ay ang pananalanta ng bagyo,
Eric, magbigay ka nga iyong ideya sa nawawalan po ng trabaho ang mga tao sa
ikalawang uri? pagkasira ng kanilang pinatatrabahuhan.

Tama ang iyong sagot, mayroon pa


bang gustong magbahagi ng kanilang
ideya? Wala na po.

Kung ganun ay dumako na tayo sa


ikatlong uri ng unemployment.
Pakibahasa nga ng lahat.

3) Seasonal nagaganap ang pagkawala ng


trabaho bunga ng pagbabago ng panahon at
okasyon.

Magbigay ka nga ng isang halimbawa Izzy. Halimbawa po nagkakaroon ng trabaho ang isang
Mahusay ang iyong sagot. Isa pang halimbawa tao kapag pasko pero pagkatapos po nito ay
nito ay kapag summer. nawawalan na ulit sya ng trabaho.

Naunawaan na ba?
Magpatuloy na tayo sa ikaapat na uri ng Wala na po.
kawalan ng trabaho.

3|Page
Xiowie, maaari mo bang basahi ang kahulugan
nito?
4) Structural nagaganap ito kapag ang
mangagawa ay nawalan ng trabaho sanhi ng
makabagong teknolohiya at pagbabago ng
panlasa ng mga konsyumer.

Magbigay ka nga ng ideya Melissa.


Halimbawa po nito ay kapag nawalan ng trabaho
Magaling Melissa, tama ang binigay mong ang isang tao dahil kulang ang kanyang kasanayan
halimbawa. sa komputer.

May iba pa ba kayong mga tanong,


klaripikasyon sa ating aralin?
Wala na po.

Ano sa palagay nyo ang maaaring maging


solusyon sa unemployment o kawalan ng
trabaho. Sa tingin ko po dapat bigyan ng pansin ng
gobyerno ang pagdadagdag ng mamumuhunan sa
Sige nga Fhine, ibahagi mo nga ang iyong bansa na magbibigay trabaho sa mga
sagot sa klase. mamamayan.

c.) Pagsusuri
Kritikal na mga tanong.

A. Anu-ano ang mga solusyon sa unemployment o  Pagbibigay pansin sa mga sangkap ng


kawalan ng trabaho sa bansa? produksiyon na nasa loob ng bansa.
 Paghikayat sa mga mamumuhunan.
Ibahagi mo nga sa klase ang iyong ideya Josh.

Mahusay Josh. Pakinggan naman natin ang ideya ni  Pandarayuhan ng mga manggagawa.
Gelina.  Pagdaragdag ng gastos ng pamahalaan
para sa mga proyekto.
Tama ang inyong mga sagot. Salamat sa napakalawak
nyong ideya.

B. Anu - ano ang dulot ng kawalan ng trabaho sa


bansa?
Para po sa akin, maari pong hindi makapag aaral
1. Sa kabataan? 3. Sa pamumuhay ng mga tao? ang mga bata kung walang magandang
pinagkukunan ang kanilang mga magulang.
2. Sa kababaihan? 4. Sa ekonomiya ng bansa?
Siguro po, maraming mga kababaihan ang
nangibang bansa para dun makipagsapalaran.

Dahil po kulang ang pantustos pangangailangan


ng pamilya yung ibang tao po ay nakagagawa ng
masama katulad ng pagnanakaw.

4|Page
Kung mataass naman po ang porsyento ng krimen
sa amin sa bansa, naka po hindi mahikayat ang
mga mamumuhunan na magtayo ng kanilang
negosyo sa bansa.

C. PANGWAKAS NA GAWAIN

1. Paglalahat

a) Base sa ating natalakay, ano ang  Ang unemployment po o kawalan ng


kahulugan ng unemployment o kawalan trabaho ay ang sitwasyon kung saan hindi
ng trabaho? makahanap ng trabaho ang isang tao.
 Ito rin po ay isa sa basehan ng ekonomiya
ng bansa.

b) Anu-ano ang mga uri ng  Ang mga uri po ng unemployment ay ang


Unemployment? Frictional, Cyclical, Seasonal ant Structural.

c) Magbigay ng halimbawa ng mga uri ng  Ang kawalan ng trabaho ng isang tao dahil
unemployment. sa pag alis nito sa dating trabaho dahil sa
stress.
2. Paglalapat

Ang mga mag aaral ay hahatiin sa apat na grupo at


bibigyan ng ibat ibang sitwasyon o (differentiated
instructions) na magpapakita ng iba’t - ibang konsepto
kung paano masusulusyunan ang kawalan ng trabaho
o unemployment.

10 minuto ang ilalaan para sa preparasyon,


brainstorming at paggawa ng nasabing gawain.
Rubrics:
1. Susulat ng isang liham o open letter
Maayos na paglalahad ng Paksa
para sa pangulo ng bansa ukol sa
posibleng solusyon ng kawalang ng (Clarity): 15 puntos
trabaho sa bansa.
2. Gumawa ng isang jingle na tumatalakay Kaugnayan ng Nilalaman ukol sa Tema
sa unemployment o kawalan ng
trabaho. (Relevance to the Theme) : 20 puntos
3. Paggawa ng isang infographics
(mayroong larawan at mga salita na Kooperasyon ng bawat isa
nagpapaalala at nanghihikayat para
matugunan ang isang problema.) (Cooperation with members) 15 puntos
4. Pagpapakita ng mga sitwasyon sa
epekto o resulta ng kawalan ng trabaho KABUUAN : 50 Puntos
sa pamamagitan ng Tableau.
(Ang tableau ay kahalintulad ng isang picture frame na
nagpapakita ng mga sitwasyon.
5|Page
3. Pagpapahalaga
Napakahalaga po ng trabaho sapagkat ito po
 Ano ang kahalagahan ng trabaho? nagbibigay ng salapi upang matugunan ang ating
 Bilang isang mag aaral, ano ang maaari mga pangangailangan.
mong maitulong upang maiwasan ang
kawalan ng trabaho sa bansa? Bilang isang mag aaral, ang maitutulong po namin
ay mag aral ng mabuti, ihanda ang aming sarili at
magtipid.
IV. PAGTATAYA

Direksyon: Isulat kung ito ay frictional, Cyclical, Mga Tamang Sagot:


Seasonal at Structural unemployment.

1. Si Alice ay nagtatrabaho sa pagawaan ng


dvd/cd ngunit nawalan siya ng trabaho dahil humina 1. Cyclical
ang industriya at hindi na ito naging patok sa mga tao.

2. Si Layla ay nahihirapan at nagpasyang


umalis sa kanyang trabaho upang maghanap ng 2. Frictional
panibagong trabaho.

_______3.Si Mia ay natanggap sa call center dahil 3. Seasonal


nangangailangan ng mangagawa dahil sa papalapit na
pasko ngunit mkalipas ang pasko ay nawalan na siya
ng trabaho.

_______ 4. Si Eden ay nawalan ng trabaho sa isang


kumpanya dahil kulang ang kanyang kasanayan sa 4. Structural
paggamit ng kompyuter.

_______5. Si Sarah ay nagpasyang mangibang bansa 5. Cyclical


dahil sa mataas na presyo ng mga bilihin sa bansa
dahil dito ay hindi sumasapat ang kanyang sweldo
para sa pangangailangan ng kanyang pamilya.

V. TAKDANG ARALIN

Panuto. Sa inyong kwaderno isulat ang kasagutan


tungkol sa nagawang interview.
1. Mag interview sa mga tao na walang trabaho
sa inyong komunidad alamin kung bakit wala Magkakaiba ang kasagutan ng mga estudyante.
silang trabaho.
2. Alamin ang bilang ng mga taong walang
trabaho sa inyong komunidad. At magbigay ng Magkakaiba ang sagot ng mga estudyante.
mungkahi na mkakatulong upang magkaroon
sila ng trabaho.

6|Page

You might also like