Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Department of Education

Region IX
Division of Zamboanga City
GLOBAL TECHNICAL SCHOOL OF ZAMBOANGA, INC.

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA
WIKA AT KULTURANG PILIPINO

1ST Quarter
PANGALAN: _______________________ ISKOR: ___________________
TRACK & STRAND:__________________________PETSA:____________________

I MULTIPLE CHOICE/Maramihang Pagpipilian(20items)


Panuto:Basahing mabuti ang sumusunod na tanong. Isulat sa sagutang papel ang titik ng
tamang sagot.
(WIKA at KASAYSAYAN NG PINAGMULAN NG WIKA)

1. Ayon sa kanya ang wika ay masistemang balangkas na sinasalitang tunog na pinili at


isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa kultura.
A. Henry Gleason B. Lope K. Santos
C. Bernales D. Bienvenido Lumbera
2. Ito ay kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito
para magkaunawaan o makapag-usap ang isang grupo ng mga tao.
A. Wika B. Komunikasyon
C. Bernakular D. Diyalekto
3. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
A. Tama B. Mali
C. Maaari D. Walang ideya
4. ito’y nangangahulugang varayti ng isang wika, hindi hiwalay na wika. Kapag hindi
nagkakaintindihan ang dalawang nag-uusap na gumagamit ng magkaibang wika, ibig
sabihin, bawat wikang ginagamit nila ay hiwalay na wika.
A. Diyalekto B. Wika
C. Bernakular D. Wikang panrehiyon
5. Ano ang tawag sa wikang katutubo sa isang pook, tinatawag din itong wikang
panrehiyon.
A. Bernakular B. Wika
C. Diyalekto D. Wikang panrehiyon
6. Ito’y tumutukoy sa dalawang wika, isang pananaw ng pagiging bilingguwal ng isang tao
kung nakapagsasalita siya ng dalawang wika nang may pantay na kahusayan.
A. Bilingguwalismo B. Multilingguwalismo
C. Monolingguwalismo D. Komunikasyon
7. Tinatawag ito na “taal” na tagapagsalita ng isang partikular na wika ng isang tao na ang
unang wika ay ang wikang pinag-uusapan. Ang tawag sa wikang ating kinagisnan simula
ng tayo ay ipinanganak,
A. Unang wika B. Pangalwang wika
C. Idyolek D. Diyalekto
8. Ano ang tawag sa iba pang mga wikang matutuhan ng isang tao pagkaraang matutuhan
ang kaniyang unang wika?
A. Unang wika B. Pangalwang wika
C. Idyolek D. Diyalekto
9. Ayon sa Artikulo IV, Seksiyon 7, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay------------?
A. Filipino B. Pilipino
C. Tagalog C. Ingles
10. Ang paggamit ng maraming wika.
A. Bilingguwalismo B. Unang Wika
C. Monolingguwalismo D. Multilingguwalism
11. Ito ang layunin ng mga Espanyol na ikintal sa mga Pilipino sa kanilang pananakop.
A. Kristiyanismo B. Edukasyon
C. Kalayaan D. Kapangyarihan
12. Isang maagang aklat ng Romano Katoliko katesismo, na isinulat ni Juan de Plasencia,
at pinaniniwalaan na isa sa pinakamaagang mga libro na nalimbag sa Pilipinas noong
1953.
A. Doktrina Christiana B. Nuestra senora del rosario
C. Bibliya D. Banal na Qur-an
13.Mahigit 300 taon sinakop ng Espanyol ang Pilipinas, sa taong 1872 nagkaroon ng
kilusan ang propagandista, Ito ang simula ng paghihimagsik, ano ang sumibol sa kaisipan
ng mga Pilipino sa panahong ito.
A. Isang Bansa, Isang Diwa C. Pagpupunit ng Cedula
B. Rebolusyon D. Kalayaan
14. Sino ang nagtatag ng Katipunan?
A. Andres Bonifacio B. Emilio Aguinaldo
C. Jose Rizal D. Graciano Lopez Jaena
15. Batas Blg. 74, itinakda ng komisyon noong Marso 21, 1901 na nagtatag ng mga
paaralang pambayan at nagpahayag na Ingles ang gagawing wikang panturo, Reading,
Writing & Arithmetic (3R’s)ang binigyang-diin sa pagtuturo, Sino ang mga sundalong
Amerikano ang unang nagturo ng Ingles?
A. Thomasites B. Amerikano
C. Thomacite D. American Soldier
16. Ang sumusunod ay ang mga naganap sa Wika sa Panahon ng Hapones alin sa
nabanggit ang Hindi kabilang?
A. Nagkaroon ng pagsulong ang wikang pambansa
B. Ipinagbabawal ang paggamit ng Ingles sa
anumang aspekto ng pamumuhay ng mgaPilipino.
C. Namayagpag ang Panitikang Tagalog
D. Wala sa nabanggit
17. Ito ay gintong panahon ng Panitikang Tagalog.
A. Kastila B. Amerikano
C. Hapones D. Kasalukuyan
18. Anong wika ang naging batayan ng Wikang Pambansa?
A. Tagalog B. Filipino
C. English D. Pilipino
19. Mayroong limang dahilan ibinigay ang Surian ng Wikang Pambansa kung bakit sa
Tagalog ibinatay ang wikang Pambansa alin ang Hindi Tama?
A. Ito ay may pinakamayamang talasalitaan.
B. Ito ang wikang ginagamit sa sentrong kalakalan. Ito ay
wikang ginagamit sa punong-lungsod ng Pilipinas,
Maynila at siyang linguafranca ng buong bansa.
C Ito ay madaling pag-aralan, matutunan atbigkasin.
D Wala sa Nabanggit
20. Sino ang tinaguriang Ama ng Wikang Pambansa?
A. Emilio Aguinaldo B. Manuel L. Quezon
C. Jose Rizal D. Lope K. Santos

II MATCHING TYPE/PAGTAMBAL-TAMBAL(10 items)


Panuto: Pagtambal-tambalin ang mga kahulugan sa hanay A at mga salita sa
hanay B. Isulat ang titik lamang sa nakalaang patlang sa inyong sagutang papel.
(Teorya sa pinagmulan ng Wika)
A B
------------1. Ang----- ay isang pagaaral o pagsasaliksik sa isang bagay o
pangyayari. Ginagamitan ito ng siyantipikong pamamaraan upang
matuklasan pa o masaliksik pa ang isang bagay o panyayari.
------------2. Ayon sa teoryang ito, maaaring ang wika raw ng tao ay mula sa
panggagaya sa mga tunog ng kalikasan.
------------3.Kahawig ng teoryang bow-bow, nagkaroon daw ng wika ang tao,
ayon sa teoryang ito, sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha A. Ta-ra-ra-boom-de-ay
ng mga bagay-bagay sa paligid. B. Hey You!
------------4.Unang natutong magsalita ang mga tao, ayon teoryang ito, nang C. Coo-coo
hindi sinasadya ay napabulalas sila bunga ng mga masisidhing D. Sing-song
damdamin tulad ng sakit, tuwa, sarap, kalungkutan, takot, E. Yo-he-yo
pagkabigla at iba pa. F. Pooh-pooh
------------5.Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S. Diamond (sa Berel, 2003) G. Ding-dong
na ang tao ay natutong magsalita bunga diumano ng kanyang H. Bow-wow
pwersang pisikal. I. Tore ng babel
------------6.Iminungkahi ng linggwistang si Jesperson na ang wika ay J. Teorya
nagmula sa paglalaro, pagtawa, pagbulong sa sarili, panliligaw at Eureka
iba pang mga bulalas-emosyunal.
------------7.Ayon kay Revesz, nagmula ang wika sa mga tunog na
nagbabadya ng pagkakakilanlan (Ako!) at pagkakabilang (Tayo!).
-----------8. Ayon sa teoryang ito, ang wika ay nagmula sa mga tunog na
nalilikha ng mga sanggol.
-----------9. Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ng tao ay nag-ugat sa mga
tunog na kanilang nililikha sa mga ritwal na ito na kalauna’y
nagpapabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan.
-----------10.Batay sa istorya ng Bibliya, iisa lang ang wika noong unang
panahon, Naghangad ang tao na higitan ang kapangyarihan ng
Diyos, ginuho ng diyos ang tore.
III ESSAY(20items)

Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na tanong.


A. Isulat ang mga dahilan sa pagpili sa Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa. (10
puntos)

1.
2.
3.

B. Ipakita ang ebolusyon ng wikang pambansa gamit ang balangkas sa ibaba. (10puntos)

TAGALOG

PILIPINO

FILIPINO

Inihanda ni,
SITTI FHARWIZA SAHID-ASANUDDIN, LPT
Guro

You might also like