Misa Sa Rito NG Kumpil

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 44

Ang Misa ng Sambayanan sa Kapistahan nina San Simon at San Judas 1

LITURHIKAL NA PAGSALUBONG
Namumuno:
Magsitayo sa pagdating ng Lubhang Kagalang-galang, Rex
Andrew Clement Alarcon, Obispo ng Daet. Buong
kagalakan natin siyang pasalubungan ng masigabong
palakpakan. Tayo po ay tahimik na makiisa sa pananalangin
ng ating obispo.

PANIMULA:
Namumuno:
Magandang umaga po sa inyong lahat.
Tayo ngayon ay nagdiriwang bilang isang sambayanan na
nagpupuri at nagpapasalamat sa Panginoong Diyos dahil sa
mga apóstol na naging dahilan kung bakit patuloy na
lumalaganap ang Mabuting balita sa lahat. Ang
pagtanggap nina San Simon at San Judas sa mga biyaya ng
Espiritu Santo ang tumulong sa kanilang maipahayag ang
mabuting balita kahit pa man buhay nila ang maging
kapalit. Ang mga biyaya ring ito ang matatanggap ng mga
binyagan sa kanilang pagtanggap ng sakramento ng
Kumpil.

Kasama ng kaparian ng ating minamahal at iginagalang na


tagapangasiwa ng parokya, Reb. Padre Ernie Gayo
Sanchez, ang banal na pagdiriwang ay pamumunuan ng
Lubhang Kagalang-galang Rex Andrew Clement Alarcon,
D.D. Obispo ng Daet. Magsitayo po bilang pasimula ng
ating pagdiriwang.
Ang Misa ng Sambayanan sa Kapistahan nina San Simon at San Judas 2

ANG MISA NG SAMBAYANAN


Matapos ang awiting pambungad, habang nakatayo ang lahat, ang Obispo at ang mga tao ay magkukrus.
Ipahahayag ng Obispong nakahrap sa mga tao:

OBISPO:

S
 A NGALAN NG AMA, AT NG ANAK,
AT NG ESPIRITU SANTO.
Sasagot ang mga tao:

Bayan: Amen.
Ilalahad ng obispo ang kanyang mga kamay bilang pagbati sa mga tao, habang ipinahahayag:

OBISPO:

SUMAINYO ANG KAPAYAPAAN.


Sasagot ang mga tao:

Bayan: At sumaiyo rin.


Ang obispo ay makapagbibigay ng maikling paliwanag tungkol sa buod ng Misang ipagdiriwang.

OBISPO:

MGA KAPATID, IPINAGDIRIWANG NGAYON NG


BUONG SIMBAHAN ANG KAPISTAHAN NINA SAN
SIMON AT SAN JUDAS, APOSTOL NG ATING
PANGINOON. IDALANGIN NATIN SA MISANG ITO
NA NAWA TAYO RIN AY MAGING MATATAG NA
SAKSI AT SUNDALO NI KRISTO NA HANDANG
Ang Misa ng Sambayanan sa Kapistahan nina San Simon at San Judas 3

IPAHAYAG ANG MABUTING BALITA SA BAWAT


TAONG ATING MAKAKASALAMUHA.
PAANYAYA SA PAGSISISI
Susunod na gaganapin ang pagsisisi sa kasalanan. Aanyayahan ng Obispo ang mga tao;

OBISPO:

MGA KAPATID, AMININ NATIN ANG ATING


MGA KASALANAN UPANG TAYO’Y MAGING
MARAPAT GUMANAP SA BANAL NA
PAGDIRIWANG.
Magkakaroon ng saglit na katahimikan. Pagkatapos nito, lahat ay sabay-sabay na aamin sa nagawang kasalanan.

OBISPO AT BAYAN:
Magkasabay.

INAAMIN KO SA MAKAPANGYARIHANG DIYOS


AT SA INYO, MGA KAPATID, NA LUBHA AKONG
NAGKASALA
Ang lahat ay dadagok sa dibdib, tatlong beses

SA ISIP, SA SALITA, AT SA GAWA, AT SA AKING


PAGKUKULANG. KAYA ISINASAMO KO SA
MAHAL NA BIRHENG MARIA, SA LAHAT NG MGA
ANGHEL AT MGA BANAL AT SA INYO, MGA
KAPATID, NA AKO’Y IPINALANGIN SA
PANGINOONG ATING DIYOS.
Ipahahayag ng Obispo ang pagpapatwad;
Ang Misa ng Sambayanan sa Kapistahan nina San Simon at San Judas 4

OBISPO:

BBBBNNN KAAWAAN TAYO NG MAKAPANGYARIHANG


NNNNNNDIYOS, PATAWARIN TAYO SA ATING MGA
NNNKASALANAN, AT PATNUBAYAN TAYO SA BUHAY NA
NNNWALANG HANGGAN.
AAWITIN ANG KYRIE ELEISON.

OBISPO:

GLORIA IN EXELCIS DEO.


AAWITIN ANG GLORIA.

OBISPO:

MANALANGIN TAYO.
Ang lahat kaisa ng obispo ay tahimik na mananalangin nang saglit.

AMA NAMING MAKAPANGYARIHAN,


IYONG IPINAGKALOOB NA AMING SAMBAHIN ANG
NGALAN MO BUNGA NG PANGANGARAL NG MGA
APOSTOL. TUGUNIN MO ANG PAGDALANGIN NINA SAN
SIMON AT SAN JUDAS PARA UMUNLAD LAGI ANG
SAMBAYAN SA PAGKAKAROON NG MGA BAGONG
KAANIB NA SUMASAMPALATAYA SA IYO SA
PAMAMAGITAN NI HESUKRISTO KASAMA NG ESPIRITU
SANTO MAGPASAWALANG HANGGAN.

Sa katapusan, ang sambayanan ay tutugon.


Ang Misa ng Sambayanan sa Kapistahan nina San Simon at San Judas 5

Bayan: Amen.

LITURHIYA NG SALITA NG DIYOS

Namumuno: Magsiupo at makinig sa Salita ng Diyos.

UNANG PAGBASA (Efeso 2, 19-22)

Namumuno: Ipinapahayag ni San Pablo sa kanyang sulat sa mga


taga-Efeso na tayo’y itinayo sa saligan ng mga apóstol
at tayo’y nakikiisa sa kanya bilang kanyang Simbahan
sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Ang unang
pagbasa.

PAGBASA MULA SA SULAT NI APOSTOL SAN PABLO SA


MGA TAGA-EFESO

Mga kapatid, hindi na kayo dayuhan o taga-ibang bansa, kundi


kababayan ng mga hinirang ng Diyos at kabilang sa kanyang
sambahayan. Kayo’y itinayo rin sa saligan ng mga apostol at mga
propeta, na ang batong panulukan ay si Kristo Hesus. At sa
pamamagitan niya, nagkakaugnay-ugnay ang bawat bahagi ng
gusali at nagiging isang templong banal. Dahil din sa inyong
pakikipag-isa sa kanya, kayo ma’y kasama nilang naging bahagi ng
tahanan ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu.

ANG SALITA NG DIYOS.


Ang Misa ng Sambayanan sa Kapistahan nina San Simon at San Judas 6

Bayan: Salamat sa Diyos.

SALMONG TUGUNAN (Salmo 18, 2-3. 4-5)

LAGANAP NA SA DAIGDIG ANG KANILANG MGA TINIG

Ang langit ay naghahayg na ang Diyos ay dakila!


Malinaw na nagsasaad kung ano ang kanyang gawa!
Bawat araw, bawat gabi, ang ulat ay walang patlang,
Patuloy na nag-uulat sa sunod na gabi’t araw. (T)

Walang tinig o salitang ginagamit kung sabagay,


At wala ring naririnig na kahit na anong ingay;
Gayun pa man, sa daigdig ay laganap yaong tinig,
Ang balita’y umaabot sa duluhan ng daigdig. (T)

Namumuno: Magsitayo po bilang paggalang sa Banal na Ebanghelyo.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA

Aleluya! Aleluya!
Mga tapat na apóstol
ay nagpupuri sa Poon
sa langit habang panahon.
Aleluya! Aleluya!
Kapag walang diyakono, ang pari nakayuko sa gawing dambana ay magdarasal nang pabulong:

DIYAKONO/PARI:
Ang Misa ng Sambayanan sa Kapistahan nina San Simon at San Judas 7

MAHAL NA OBISPO, AKO PO AY INYONG


GAWARAN NG PAGPAPALA.

OBISPO:

SA IYONG PUSO AT SA IYONG MGA LABI


MANAHAN NAWA ANG PANGINOON UPANG
MARAPAT MONG MAIPAHAYAG ANG KANYANG
MABUTING BALITA, SA NGALAN NG  AMA AT NG
ANAK AT NG ESPIRITU SANTO.

Diacono: Amen.
Pagkaraan, ang diyakono o ang obispo ay paroroon sa pook ng pagbasa. Magagawa ito ng paprusisyon na nilalahukan ng
mga tagapaglingkod na may dalang insensaryo at mga kandila. Sa pook ng pagbasa, ihahayag ng tagapaglahad:

MABUTING BALITA (Lucas 6, 12-19)

DIYAKONO/PARI: SUMAINYO ANG PANGINOON.


Sasagot ang mga tao:

Bayan: At sumaiyo rin.


Ihahayag ng diyakono o Obispo:

DIYAKONO/ PARI:  A
NG MABUTING BALITA NG
PANGINOON AYON KAY SAN LUCAS
Pagkaraan, iinsensuhan ng diyakono o ng obispo ang aklat kung ginagamit ang insenso at ipahahayag niya ang Mabuting
Balita.
Samantala’y kukrusan niya ang aklat, ang kanyang noo, ang kanyang bibig, at ang kanyang dibdib.
Magbubunyi ang mga tao:

Bayan: Papuri sa iyo, Panginoon.


Ang Misa ng Sambayanan sa Kapistahan nina San Simon at San Judas 8

Noong mga araw na iyon, umahon si Hesus sa isang burol at


magdamag doong nanalangin. Kinaumagahan, tinawag niya ang
kanyang mga alagad, at pumili siya ng Labindalawa sa kanila, na
tinawag niyang mga apostol: si Simon na pinangalanan niyang
Pedro, at si Andres na kanyang kapatid; sina Santiago, Juan, Felipe,
Bartolome, Mateo, Tomas, at Santiago na anak ni Alfeo, si Simon
ang Makabayan; si Judas na anak ni Santiago, at si Judas Iscariote,
na naging taksil.
Bumaba si Hesus, kasama sila, at tumayo sa isang patag na lugar.
Naroon ang marami sa kanyang mga alagad at ang napakaraming
tao buhat sa Judea at Jerusalem, at sa mga bayan sa baybaying-
dagat ng Tiro at Sidon. Pumaroon sila upang makinig sa kanya at
mapagaling sa kanilang mga karamdaman. Pinagaling din niya ang
mga pinahihirapan ng masasamang espiritu. At sinikap ng lahat ng
tao na mahipo siya sapagkat may taglay siyang kapangyarihang
makapagpagaling ng lahat.

Sa katapusan, ihahayag niya:

DIYAKONO/ PARI: ANG MABUTING BALITA NG


PANGINOON.
Magbubunyi ang lahat:

Bayan: Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

PAGTAWAG SA KUKUMPILAN

Namumuno: Magsiupo. Ngayon po ay ipapakilala ng ating


tagapangasiwa, Reb. Padre Ernie G. Sanchez
sa ating mahal na obispo ang mga tatanggap
ng Sakramento ng Kumpil.
Ang Misa ng Sambayanan sa Kapistahan nina San Simon at San Judas 9

FR. SANCHEZ: LUBHANG KAGALANG-GALANG


NAMING OBISPO, NARITO PO ANG ____
NA KAPATID NATIN NA NAIHANDA
UPANG TUMANGGAP NG
SAKRAMENTO NG KUMPIL.
MANGYARING TUMAYO ANG MGA
KUKUMPILAN.
Namumuno: Palakpakan po natin sila. Umupo ang lahat
para sa homilia.

Pagkaraan, gaganapin ang homiliya.

HOMILIA
PANGARAL

OBISPO:

NOONG ARAW NG PENTECOSTES,


AYON SA PANGAKO NG PANGINOON,
TINANGGAP NG MGA APOSTOL ANG
ESPIRITU SANTO. GAYUNDIN, TINANGGAP
NILA ANG KAPANGYARIHAN IPAGKALOOB
SA KAPWA TAO ANG ESPIRITU SANTO
UPANG MAGING GANAP ANG
PAGKAKRISTYANO NG MGA NABINYAGAN
NA. SA AKLAT NG MGA GAWA NG MGA
APOSTOL AY SINASABING NOONG IPATONG
NI SAN PABLO ANG KANYANG MGA KAMAY
Ang Misa ng Sambayanan sa Kapistahan nina San Simon at San Judas 10

SA MGA BINYAGAN, DUMATING SA KANILA


ANG ESPIRITU SANTO AT NAGSIMULA
SILANG MAGSALITA SA IBA’T- IBANG WIKA
AT NAGPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS.

BILANG KAHALILI NG MGA APOSTOL,


ANG MGA OBISPO AY NAGTATAGLAY NG
GAYON DING KAPANGYARIHANG
MAGKALOOB NG ESPIRITU SANTO SA MGA
NABINYAGAN NA. ANG PAGKAKALOOB NA
ITO AY MAAARING ISAGAWA NG MGA
OBISPO MISMO O NG MGA PARING
KANILANG AATASANG TUMULONG.

SA NGAYON, ANG PAGDATING NG


ESPIRITU SANTO SA SANDALI NG
PAGKUKUMPIL AY WALA NANG KASABAY
NA PAMBIHIRANG KALOOB TULAD NG
PAGSASALITA NG IBA’T-IBANG WIKA.
GAYON PA MAN, SA TULONG NG ATING
PANANAMPALATAYA NADARAMA NATIN
ANG PAGDATING NG ESPIRITU SANTO. ANG
ATING PUSO AY PINUPUSPOS NIYA NG PAG-
IBIG NG DIYOS. TAYO AY PINAGBUBUKLOD
NIYA SA IISANG PANANAMPALATAYA
BAGAMAT ANG BAWAT ISA SA ATI’Y MAY
KANYA-KANYANG ATAS NA GAWAIN BUHAT
SA DIYOS. SA PARAANG LINGID SA ATING
PANINGIN, ANG SIMBAHAN AY
Ang Misa ng Sambayanan sa Kapistahan nina San Simon at San Judas 11

PINAGKAKAISA AT INILALAPIT NG ESPIRITU


SANTO SA DIYOS.

MINAMAHAL NA MGA KAPATID NA


NGAYO’Y KUKUMPILAN, ANG
PAGKAKALOOB SA INYO NG ESPIRITU
SANTO AY MAGIGING ISANG ESPIRITWAL
NA TANDA AT TATAK. TUTULUNGAN KAYO
NITONG MAGING HIGIT NA KATULAD NG
ATING PANGINOONG HESUKRISTO.
TUTULUNGAN KAYO NITONG MAGING
LALONG MAAASAHANG KAANIB NG
KANYANG SIMBAHAN, MGA MASIGASIG NA
SANGKAP NG KANYANG KATAWAN. KAHIT
NA SI HESUS AY TUMANGGAP DIN NG
ESPIRITU SANTO NOONG SIYA’Y BINYAGAN
NI SAN JUAN BAUTISTA. ITO ANG NAGSUGO
SA KANYA UPANG PAG-ALABIN ANG DIWA
NG MGA TAO.

NABINYAGAN NA KAYO KAISA NI


HESUKRISTO. NGAYON NAMA’Y
TATANGGAPIN NINYO ANG IPINANGAKO
NIYANG ESPIRITU SANTO. ITO’Y
MAGAGANAP SAMANTALANG
TINATATAKAN KAYO SA NOO NG KRUS NI
HESUKRISTO. MULA NGAYON, MAYROON
NA KAYONG PANANAGUTAN NA MAGING
TAGAPAGPAHAYAG NG PAGPAPAKASAKIT,
Ang Misa ng Sambayanan sa Kapistahan nina San Simon at San Judas 12

KAMATAYA’T MULING PAGKABUHAY NI


HESUKRISTO SA KAPWA TAO. MAGAGAWA
NINYO ITO KUNG ANG KANYANG
KABUTIHAN AY MABABAKAS SA INYONG
PAGKATAO, KAISIPAN, AT PAG-UUGALI.
TAYONG LAHAT NA BUMUBUO NG
SIMBAHAN AY TUMATANGGAP MULA KAY
HESUKRISTO NG IBA’T-IBANG KALOOB NA
IPINAMAMAHAGI NG ESPIRITU SANTO.
BILANG NAGKAKAISANG BAYAN NG DIYOS,
MAMALAGI NAWA TAYONG
NAGTUTULUNGAN AT NAGMAMAHALAN.

MULA NGAYO’Y MAGING MASIGASIG


KAYO SA PAGIGING KAANIB NG SIMBAHAN.
SA PATNUBAY NG ESPIRITU SANTO,
SIKAPIN NINYONG PAGLINGKURAN ANG
ISA’T-ISA KATULAD NG GINAWA NI
HESUKRISTO NA NAPARITO HINDI UPANG
PAGLINGKURAN KUNDI UPANG
MAGLINGKOD. BAGO NINYO GANAP NA
TANGGAPIN ANG ESPIRITU SANTO,
IPAHAYAG NINYO ANG
PANANAMPALATAYA NA IPINANGAKONG
ISASALIN SA INYO NG INYONG MGA
MAGULANG, MGA NINONG AT NINANG.
GINAWA NILA ANG GAYONG PANGAKO
NOONG KAYO AY BINYAGAN. NGAYONG
MAY KAKAYANAN NA KAYO UPANG
Ang Misa ng Sambayanan sa Kapistahan nina San Simon at San Judas 13

MAGSALITA PARA SA INYONG SARILI,


BUONG PUSO NINYONG AKUIN ANG
PANGAKO NILA BILANG PAGSARIWA SA
PANANAMPALATAYANG SALIGAN NG
INYONG PAG-ANIB SA ANGKAN NG DIYOS,
ANG SIMBAHAN.

Namumuno: Tumayo po ang lahat para sa pagsasariwa sa


mga pangako sa binyag.
Pagkatapos ng pangaral, ang mga kukumpilan ay tatayo at tatanungin sila ng ng magkukumpil.

PAGSARIWA SA MGA PANGAKO SA BINYAG

OBISPO: ITINATAKWIL BA NINYO SI SATANAS AT


ANG KANYANG MGA GAWAIN AT
PANGHIHIKAYAT SA MASAMA?

Mga kukumpilan: Itinatakwil po namin.

OBISPO: SUMASAMPALATAYA BA KAYO SA DIYOS


AMANG MAKAPANGYARIHAN SA LAHAT NA
MAY LIKHA NG LANGIT AT LUPA?

Mga kukumpilan: Sumasampalataya po kami.


Ang Misa ng Sambayanan sa Kapistahan nina San Simon at San Judas 14

OBISPO: SUMASAMPALATAYA BA KAYO KAY


HESUKRISTO, IISANG ANAK NG DIYOS,
PANGINOON NATIN, IPINANGANAK NI
SANTA MARIANG BIRHEN, IPINAKO SA
KRUS, NAMATAY, INILIBING, MULING
NABUHAY AT NALULUKLOK SA KANAN NG
AMA?

Mga kukumpilan: Sumasampalataya po kami.

OBISPO: SUMASAMPALATAYA BA KAYO SA


ESPIRITU SANTO, PANGINOON AT
NAGBIBIGAY BUHAY, NA BUMABA SA MGA
APOSTOL NOONG PENTECOSTES, AT
NGAYON AY INYONG TATANGGAPIN SA
SAKRAMENTO NG KUMPIL?

Mga kukumpilan: Sumasampalataya po kami.

OBISPO: SUMASAMPALATAYA BA KAYO SA BANAL


NA SIMBAHANG KATOLIKA, SA
KASAMAHAN NG MGA BANAL, SA
KAPATAWARAN NG MGA KASALANAN, AT
MULING PAGKABUHAY NG MGA NAMATAY,
AT SA BUHAY NA WALANG HANGGAN?
Ang Misa ng Sambayanan sa Kapistahan nina San Simon at San Judas 15

Mga kukumpilan: Sumasampalataya po kami.

OBISPO: ITO ANG ATING PANANAMPALATAYA. ITO


ANG PANANAMPALATAYA NG BANAL NA
SIMBAHAN. ITO ANG IKINARARANGAL
NATING IPAHAYAG KAISA NI KRISTO HESUS
NA ATING PANGINOON.

Bayan: Amen.

PAGKUKUMPIL
PAGPAPATONG NG KAMAY
Ang magkukumpil ay haharap sa mga tao at magkadaup-palad niyang aawitin o bibigkasin ang sumusunod:

OBISPO: MGA KAPATID, NOONG BINYAGAN ANG


MGA KUKUMPILAN NGAYON, SILA’Y
MULING ISINILANG: IPINAGKALOOB SA
KANILA NG DIYOS ANG KANYANG SARILING
BUHAY KAYA’T SILA’Y NAGING ANAK NIYA.
IDALANGIN NATIN NGAYON SA DIYOS AMA
NA IPAGKALOOB NIYA SA KANILA ANG
ESPIRITU SANTO UPANG SILA’Y MAPUSPOS
MG KANYANG LAKAS AT BUNGA NG
PAGPAPAHID NG BANAL NA LANGIS AY
Ang Misa ng Sambayanan sa Kapistahan nina San Simon at San Judas 16

MAGING HIGIT SILANG KATULAD NI KRISTO,


ANG ANAK NG DIYOS.

Tahimik na dadalangin ang lahat.


Ipapatong ng magkukumpil ang kanyang mga kamay sa ulo ng mga kukumpilan. Siya lamang ang aawit o bibigkas ng
sumusunod.

OBISPO: O DIYOS NA MAKAPANGYARIHAN SA


LAHAT, AMA NI HESUKRISTO NA AMING
PANGINOON, SA PAMAMAGITAN NG TUBIG
AT NG ESPIRITU SANTO, HINANGO MO SA
KASALANAN ANG MGA ANAK MONG ITO AT
BINIGYAN MO SILA NG PAKIKIHATI SA
IYONG BUHAY.SUGUIN MO SA KANILA
NGAYON ANG ESPIRITU SANTO, ANG
MANG-AALIW UPANG SIYANG MAGING
LAKAS NILA AT PATNUBAY.
IPAGKALOOB MO NA SILA’Y MAPUSPOS NG
KARUNUNGAN AT PANG-UNAWA, NA SILA’Y
MAGING MAKATWIRAN SA PAGPAPASYA
AT MANATILING MATIBAY ANG LOOB SA
LAHAT NG PAGKAKATAON.
PUSPUSIN MO SILA NG KAALAMAN AT
PAMIMITAGAN AT NG BANAL NA
PAGKATAKOT SA HARAP NG IYONG
KADAKILAAN. HINIHILING NAMIN ITO SA
IYO SA PAMAMAGITAN NI KRISTO NA
Ang Misa ng Sambayanan sa Kapistahan nina San Simon at San Judas 17

AMING PANGINOON MAGPASAWALANG


HANGGAN.

Sa katapusan nito’y sasagot ang mga tao ng pagbubunyi:

Bayan: Amen.

Namumuno: Ngayon, ang mga kukumpilan kasama ng


kanilang ninong at ninang ay dudulog sa
dambana at luluhod sa harap ng obispo sa
pagpapahid ng Banal na Krisma. Mangyari
pong panatilihin ang tamang layo sa bawat
isa.

PAGPAPAHID NG LANGIS

OBISPO: N. TANGGAPIN MO ANG TATAK NG KALOOB


NG ESPIRITU SANTO.
Kukumpilan: Amen.

OBISPO: SUMAIYO ANG KAPAYAPAAN.


Kukumpilan: At sumaiyo rin.
Ang Misa ng Sambayanan sa Kapistahan nina San Simon at San Judas 18

PANALANGIN NG BAYAN

OBISPO: BILANG MGA BAHAGI NG ISANG GUSALI NA


ANG PUNDASYON AY ANG MGA APOSTOL AT
MGA PROPETA, ILAPIT NATIN ANG ATING MGA
KAHILINGAN SA AMA NG HABAG.

AMA, PAGPALAIN MO KAMI NA HINUBOG MO SA


PANANAMPALATAYA NG MGA APOSTOL.
1. Ang simbahang Katoliko nawa’y magpatuloy sa paglago sa
pamamagitan ng pangangaral at mga halimbawa ng aming
mga pinuno sa pananampalataya at mga misyonero .
Manalangin tayo.

2. Ang mga kinumpilan, nawa’y matulad sa katatagan nina San


Simon at San Judas sa kanilang pagsunod kay Hesus kahit pa
man ang daa’y mahirap at walang katiyakan. Manalangin
tayo.

3. Magsikap nawa ang ating mga pinunong pambayan para sa


kapakanang panlahat sa pamamagitan ng paglilingkod sa
mga tao sa halip ng para sa mga pansarili nilang interes.
Manalangin tayo.

4. Ang mga maysakit at nawawalan ng pag-asa nawa’y


kupkupin ni Hesus sa pamamagitan ng pagdalangin ni Inang
Maria na tulong ng mga Kristiyano. Manalangin tayo.
Ang Misa ng Sambayanan sa Kapistahan nina San Simon at San Judas 19

5. Nawa sa kabila ng kanilang mga kahirapan, matatag na


magpunyagi ang mga katekista sa pagtuturo ng
pananampalataya sa ating mga kabataan. Manalangin tayo.

6. Para sa ating mga minamahal na yumao, nawa’y makaisa sila


ng mga apostol at santo sa pagsamba sa Diyos sa kalangitan,
manalangin tayo.

7. Sa ilang sandali ng katahimikan ay ibulong natin sa Panginoon


ang ating mga personal na kahilingan sa pamamagitan ng
pagdalangin ni San Roque, lalo’t higit ang lubos na
pangangailangan ng ating pamayanan. (Tumahimik ng ilang
sandali) Manalangin tayo.
OBISPO:

AMA NAMING MAAWAIN, SA AMING


PANANALANGIN PARA SA IBA, NAWA AY
MAKABAHAGI KAMI SA APOSTOLIKONG
PAGLILINGKOD NG MGA TINAWAG AT PINILI.
HINIHILING NAMIN ITO SA PAMAMAGITAN NI
HESUKRISTO KASAMA NG ESPIRITU SANTO
MAGPASAWALANG HAGGAN.
Sa katapusan nito’y sasagot ang mga tao ng pagbubunyi:

Bayan: Amen.

Namumuno: Magsiupo para sa Paghahain ng mga Alay.


Ang Misa ng Sambayanan sa Kapistahan nina San Simon at San Judas 20

PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN


Pagkatapos, sisimulan ang awit ng pag-aalay. Samantalang ito’y ginaganap, ilalagay ng mga tagapaglingkod ang telang
patungan ng Katawan ni Kristo, ang pamahiran, ang kalis at ang Aklat ng Pagmimisa sa ibabaw ng dambana.

Nababagay na ang pakikiisa ng mga nagsisimba ay ipahayag sa pamamagitan ng prusisyon ng pag-aalay ng tinapay at
alak at ng iba pang handog para sa Simbahan at para sa mga dukha.

Ngayon nama’y tatayo ang obispo sa gawing gitna ng dambana, hahawakan niya ang pinggan ng tinapay nang bahagyang
nakaangat sa dambana, habang dinarasal niya nang pabulong:

OBISPO: kAPURI-PURI KA, DIYOS AMANG LUMIKHA SA


SANLIBUTAN. SA IYONG KAGANDAHANG-LOOB,
NARITO ANG AMING MAIAALAY. MULA SA LUPA
AT BUNGA NG AMING PAGGAWA ANG TINAPAY
NA ITO PARA MAGING PAGKAING NAGBIBIGAY-
BUHAY
Ilalapag niya ang pinggan ng tinapay sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.
Kapag hindi ginaganap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay madarasal nang malakas ng obispo at sa
katapusan makapagbubunyi ang mga tao:

Bayan: Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man!

Ang diyakono o ang obispo ay magbubuhos ng alak at kaunting tubig sa kalis habang dinarasal nang pabulong:

OBISPO: SA PAGHAHALONG ITO NG ALAK AT TUBIG


KAMI NAWA’Y MAKASALO SA PAGKA-DIYOS NI
KRISTO NA NAGPAGINDAPAT MAKIHATI SA
AMING PAGKATAO.
Pagbalik sa gawing gitna ng dambana, hahawakan ng obispo ang kalis ng bahagyang nakaangat sa dambana habang
dinarasal niya ng pabulong:

OBISPO: kAPURI-PURI KA, DIYOS AMANG LUMIKHA SA


SANLIBUTAN. SA IYONG KAGANDAHANG-LOOB,
NARITO ANG AMING MAIAALAY. MULA SA
KATAS NG UBAS AT BUNGA NG AMING
Ang Misa ng Sambayanan sa Kapistahan nina San Simon at San Judas 21

PAGGAWA ANG ALAK NA ITO PARA MAGING


INUMING NAGBIBIGAY NG IYONG ESPIRITU.
Ilalapag niya ang kalis sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.

Kapag hindi ginaganap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay madarasal nang malakas ng obispo at sa
katapusan makapagbubunyi ang mga tao:

Bayan: Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman!

Pagkatapos, yuyuko ang obispo habang dinarasal niya nang pabulong:

OBISPO: DIYOS AMANG LUMIKHA, NAKIKIUSAP


KAMING MGA MAKASALANAN. TANGGAPIN
MO ANG AMING PAGSISISI BILANG HANDOG
UPANG KAMI’Y MATUTONG SUMUNOD SA IYO
NANG BUONG PUSO.
Kung minamabuting gawin, iinsensuhan ng obispo ang mga alay at ang dambana; pagkaraa’y iinsensuhan ng diyakono o
ng tagapaglingkod ang obispo at ang mga nagsisimba.

Pagkatapos, ang par’y pupunta sa gilid ng dambana, maghuhugas siya ng mga kamay samantalang pabulong niyang
dinarasal:

OBISPO: O DIYOS KONG MINAMAHAL, KASALANAN


KO’Y HUGASAN AT LINISIN MONG LUBUSAN
ANG NAGAWA KONG PAGSUWAY.
Pagbalik ng obispo sa gawing gitna ng dambana, ilalahad niya ang kanyang kamay sa mga tao at muli niyang pagdaraupin
habang kanyang ipinahahayag:

OBISPO: MANALANGIN KAYO, MGA KAPATID,


UPANG ANG PAGHAHAIN NATIN AY
KALUGDAN NG DIYOS AMANG
MAKAPANGYARIHAN.
Sasagot ang mga tao:
Ang Misa ng Sambayanan sa Kapistahan nina San Simon at San Judas 22

Bayan: Tanggapin nawa ng Panginoon itong paghahain sa iyong


mga kamay sa kapurihan niya at karangalan sa ating
kapakinabangan at sa buong Sambayanan niyang banal.
Pagkaraa’y, ilalahad ng obispo ang kanyang mga kamay at darasalin niya ang panalangin ukol sa mga alay.

PANALANGIN SA MGA HANDOG

OBISPO: AMA NAMING LUMIKHA, KAMING


NAGPAPARANGAL SA WALANG MALIW NA
KADAKILAAN NINA APOSTOL SAN SIMON AT
SAN JUDAS AY NAKIKIUSAP NA TANGGAPIN MO
ANG AMING MGA ALAY AT AKAYIN MO KAMI SA
PAGDIRIWANG NA MARAPAT SA PAGHAHAING
ITO SA PAMAMAGITAN NI HESUKRISTO
KASAMA NG ESPIRITU SANTO
MAGPASAWALANG HANGGAN.

Sasagot ang mga tao:

Bayan: Amen.

UNANG PAGBUBUNYI O PREPASYO TUNGKOL SA MGA


APOSTOL

OBISPO: SUMAINYO ANG PANGINOON.


Ang Misa ng Sambayanan sa Kapistahan nina San Simon at San Judas 23

Bayan: At sumaiyo rin.

OBISPO: ITAAS SA DIYOS ANG INYONG PUSO AT DIWA.


Bayan: Itinaas na namin sa Panginoon.

OBISPO: PASALAMATAN NATIN ANG PANGINOON


ATING DIYOS.
Bayan: Marapat na siya ay pasalamatan.

AMA NAMING MAKAPANGYARIHAN,


TUNAY NGANG MARAPAT NA IKAW
AY AMING PASALAMATAN.
IKAW ANG PASTOL NA LAGING PUMAPATNUBAY
NSA MGA KABILANG SA NILILINGAP MONG
NKAWAN. ITO ANG GINANAP NA PANANAGUTAN
NNG GILIW MONG ANAK NA PASTOL NG TANAN.
NANG MGA APOSTOL AY KANYANG MGA
NKATUWANG SA PAGIGING PASTOL NA PATNUBAY
NNG SAMBAYANAN.

KAYA KAISA NG MGA ANGHEL NA NAGSISIAWIT


NG PAPURI SA IYO NANG WALANG HANGGAN SA
KALANGITAN, KAMI’Y NAGBUBUNYI SA IYONG
KADAKILAAN:

Santo Santo Santo! Panginoong Diyos ng mga hukbo!


Napupuno ang langit at lupa ng kaluwalhatian mo.
Osana sa kaitaasan.
Pinagpala ang naparirito sa ngalan ng Panginoon.
Ang Misa ng Sambayanan sa Kapistahan nina San Simon at San Judas 24

IKALAWANG PANALANGING EUKARISTIKO


Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal.

OBISPO:

AMA NAMING BANAL, IKAW ANG BUKAL NG


TANANG KABANALAN.
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at lulukuban ng mga kamay niya ang mga alay habang siya’y nagdarasal.

KAYA’T SA PAMAMAGITAN NG IYONG ESPIRITU


NNNGAWIN MONG BANAL ANG MGA KALOOB NA ITO
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at kukrusan niya ang tinapay at kalis, samantalang kanyang dinarasal:

UPANG PARA SA AMI’Y MAGING KATAWAN AT


NNNDUGO  NG AMING PANGINOONG HESUKRISTO.
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod na pangungusap ay ipahahayag ng malinaw at nauunawaan ng tanan
ayon sa hinihingi ng kahulugan ng mga ito.

BAGO NIYA PINAGTIISANG KUSANG LOOB NA


MAGING HANDOG,
Ang Misa ng Sambayanan sa Kapistahan nina San Simon at San Judas 25

Hahawakan ng Obispo ang tinapay nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang kanyang patuloy na
inihahayag:

HINAWAKAN NIYA ANG TINAPAY,


PINASALAMATAN KA NIYA,
PINAGHATI-HATI NIYA IYON,
INIABOT SA KANYANG MGA ALAGAD
AT SINABI:
Bahagyang yuyuko ang obispo.

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:


ITO ANG AKING KATAWAN,
NA IHAHANDOG PARA SA INYO.
Ipamamalas niya ang ostiyang itinalagang maging Katawan ni Kristo, ipapatong niya ito sa pinggan, at luluhod siya bilang
pagsamba.

Ang pari ay magpapatuloy.

GAYUN DIN NAMAN,


NOONG MATAPOS ANG HAPUNAN,
Hahawakan ng obispo ang kalis nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang kanyang patuloy na inihahayag:

HINAWAKAN NIYA ANG KALIS,


MULI KA NIYANG PINASALAMATAN,
INIABOT NIYA ANG KALIS SA KANYANG
MGA ALAGAD AT SINABI:
Bahagyang yuyuko ang pari.
Ang Misa ng Sambayanan sa Kapistahan nina San Simon at San Judas 26

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:


ITO ANG KALIS NG AKING DUGO
NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN,
ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT
SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.
GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.
Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng Katawan ni Kristo, at luluhod siya bilang pagsamba.

AKLAMASYON
Pagkatapos, ipahahayag ng pari:

OBISPO:

IPAGBUNYI NATIN ANG MISTERYO


NG PANANAMPALATAYA.
Bayan:
Si Kristo ay gunitain sarili ay inihain bilang pagkai’t
inuming pinagsasaluhan natin hanggang sa siya’y
dumating.

Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay samantalang siya ay nagdarasal:

OBISPO: AMA,
GINAGAWA NAMIN NGAYON ANG PAG-ALALA SA
NNNPAGKAMATAY AT MULING PAGKABUHAY NG
NNNIYONG ANAK KAYA’T INIAALAY NAMIN SA IYO
NNNANG TINAPAY NA NAGBIBIGAY-BUHAY AT ANG
NNNKALIS NA NAGKAKALOOB NG KALIGTASAN.
Ang Misa ng Sambayanan sa Kapistahan nina San Simon at San Judas 27

KAMI’Y NAGPAPASALAMAT SA IYO DAHIL


NNNNNNKAMI’Y IYONG MINARAPAT NA TUMAYO SA
NNNNNNHARAP MO PARA MAGLINGKOD SA IYO.

NAKIKIPAGDIWANG I:

ISINASAMO NAMING KAMING MAGSASALU-


NNNSALO SA KATAWAN AT DUGO NI KRISTO AY
NNNMABUKLOD SA PAGKAKAISA SA PAMAMAGITAN
NNNNG ESPIRITU SANTO

AMA LINGAPIN MO ANG IYONG SIMBAHANG


NNNNNNLAGANAP SA BUONG DAIGDIG. PUSPUSIN MO
NNNNNNKAMI SA PAG-IBIG KAISA NI FRANCISCO, NA
NNNNNNAMING SANTO PAPA, AT NI REX ANDREW, NA
NNNBNNAMING OBISPO AT NG TANANG KAPARIAN.

NAKIKIPAGDIWANG II:

ALALAHANIN MO RIN ANG MGA KAPATID


NNNNNNNAMING NAHIMLAY NANG MAY PAG-ASANG
NNNNNNSILA’Y MULING MABUBUHAY GAYUN DIN ANG
NNNNNNLAHAT NG MGA PUMANAW. KAAWAAN MO SILA
Ang Misa ng Sambayanan sa Kapistahan nina San Simon at San Judas 28

NNNNNNAT PATULUYIN SA IYONG KALIWANAGAN.


NNNNNNKAAWAAN MO AT PAGINDAPATIN KAMING
NNNNNNLAHAT NA MAKASALO SA IYONG BUHAY NA
NNNNNNWALANG WAKAS.

KAISA NG MAHAL NA BIRHENG MARIA NA INA


NNNNG DIYOS; NUESTRA SENORA DEL SANTISSIMO
NNNROSARIO, KAISA NG MGA APOSTOL; NINA SAN
NNNSIMON AT SAN JUDAS, NI SAN ROQUE NA
NNNAMING MAHAL NA PATRON, AT NG LAHAT NG
NNNMGA BANAL NA NAMUHAY DITO SA DAIGDIG NG
NNNKALUGOD-LUGOD SA IYO, MAIPAGDIWANG
NNNNAWA NAMIN ANG PAGPUPURI SA
NNNIKARARANGAL MO
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay

SA PAMAMAGITAN NG IYONG ANAK NA AMING


NNNPANGINOONG HESUKRISTO
Hahawakan ng obispo ang pinggang may ostiya at ang kalis na kapwa niya itataas habang kanyang ipinahahayag.

OBISPO:

SA PAMAMAGITAN NI KRISTO, KASAMA NIYA,


AT SA KANYA ANG LAHAT NG PARANGAL
AT PAPURI AY SA IYO,
DIYOS AMANG MAKAPANGYARIHAN,
KASAMA NG ESPIRITU SANTO
Ang Misa ng Sambayanan sa Kapistahan nina San Simon at San Judas 29

MAGPASAWALANG HANGGAN.
Bayan:
Amen.

O KAYA;

IKATLONG PANALANGING EUKARISTIKO


Nakalahad ang mga kamay ng obispo sa pagdarasal;

OBISPO: AMA NAMING BANAL, DAPAT KANG PURIHIN


NNNNNNNG TANANG KINAPAL SAPAGKAT SA
NNNNNNPAMAMAGITAN NG IYONG ANAK NA AMING
NNNNNNPANGINOONG HESUKRISTO AT SA
NNNNNNKAPANGYARIHAN NG BANAL NA ESPIRITU ANG
NNNNNNLAHAT AY BINIBIGYAN MO NG BUHAY AT
NNNNNNKABANALAN. WALANG SAWA MONG TINITIPON
NNNNNNANG IYONG SAMBAYANAN UPANG MULA SA
NNNNNNPAGSIKAT HANGGANG SA PAGLUBOG NG ARAW
NNNNNNMAIHANDOG ANG MALINIS NA ALAY PARA
NNNNNNSAMBAHIN ANG IYONG NGALAN.
Pagdaraupin ng obispo ang kanyang mga kamay at lulukuban ng mga kamay niya ang mga alay habang sia’y nagdarasal.

AMA, ISINASAMO NAMING PAKABANALIN MO


NNNNNNSA KAPANGYARIHAN NG BANAL NA ESPIRITU
NNNNNNANG MGA KALOOB NA ITO NA AMING
NNNNNNINILALAAN SA IYO.
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at kukrusan niya ang tinapay at kalis, samantalang kanyang dinarasal:
Ang Misa ng Sambayanan sa Kapistahan nina San Simon at San Judas 30

ITO NAWA’Y MAGING KATAWAN AT DUGO ✠


NNNNNNNNG IYONG ANAK AT AMING PANGINOONG
NNNNNNNHESUKRISTO.
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

NA NAG-UTOS IPAGDIWANG ANG MISTERYONG


NNNINNNITO.
Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod na pngungusap ay ipahahayag nang malinaw at nauunawaan ng tanan
ayon sa hinihingi ng kahulugan ng mga ito.

NOONG GABING IPAGKANULO SIYA,


Hahawakan ng Obispo ang tinapay nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang kanyang patuloy na
inihahayag:

HINAWAKAN NIYA ANG TINAPAY,


NNNNNNPINASALAMATAN KA NIYA, PINAGHATI-HATI
NNNNNNNIYA IYON, INIABOT SA KANYANG MGA ALAGAD
NNNNNNAT SINABI:
Bahagyang yuyuko ang obispo:

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:


NNNNNNITO ANG AKING KATAWAN, NA INIHAHANDOG
NNNNNNPARA SA INYO.
Ipamamalas niya ang ostiyang itinalagang maging katawan ni Kristo, Ipapatong niya ito sa pinggan, at luluhod siya bilang
pagsamba. Ang obispo ay magpapatuloy.
Ang Misa ng Sambayanan sa Kapistahan nina San Simon at San Judas 31

GAYUN DIN NAMAN, NOONG MATAPOS ANG


NNNNNNHAPUNAN,
Hahawakan ng Obispo ang kalis nang bahgyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang kanyang patuloy na inihahayag:

HINAWAKAN NIYA ANG KALIS, MULI KA


NNNNNNIYANG PINASALAMATAN, INIABOT NIYA ANG
NNNNNKALIS SA KANYANG MGA ALAGAD AT SINABI:
Bahagyang yuyuko ang obispo:

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:


NNNNNITO ANG KALIS NG AKING DUGO NG BAGO AT
NNNNNWALANG HANGGANG TIPAN, ANG AKING DUGO
NNNNNNA IBUBUHOSPARA SA INYO AT PARA SA LAHAT
NNNNNSA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.
NNNNNGAWIN NIYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.
Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng katawan ni Kristo, at luluhod bilang
pagsamba.

AKLAMASYON

OBISPO: IPAGBUNYI NATIN ANG MISTERYO NG ATING


NNNNNNPANANAMPALATAYA.
Ang Misa ng Sambayanan sa Kapistahan nina San Simon at San Judas 32

Bayan: Si Kristo ay gunitain, sarili ay inihain bilang pagkai’t


nnnnnnnninuming pinagsasaluhan natin hanggang sa siya’y
nnnnnnnndumating.
Ilalahad ng Obispo ang kanyang mga kamay samantalang siya ay nagdarasal:

OBISPO: AMA, GINUGUNITA NAMIN ANG PAGKAMATAY


NNNNNNNG IYONG ANAK NA SA AMI’Y NAGLIGTAS,
NNNNNNGAYUN DIN ANG KANYANG MULING
NNNNNNPAGKABUHAY AT PAG-AKYAT SA KALANGITAN
NNNNNNSAMANTALANG ANG KANIYANG PAGBABALIK
NNNNNNAY PINANABIKAN, BILANG PASASALAMAT
NNNNNNNGAYO’Y AMING INIAALAY SA IYO ANG BUHAY
NNNNNNAT BANAL NA PAGHAHAING ITO.

TUNGHAYAN MO ANG HANDOG NA ITO NG


NNNNNNIYONG SIMBAHAN. MASDAN MO ANG IYONG
NNNNNNANAK NA NAG-ALAY NG BUHAY UPANG KAMI AY
NNNNNNIPAKIPAGKASUNDO SA IYO. LOOBIN MONG
NNNNNNKAMING MAGSASALU-SALO SA KANYANG
NNNNNNKATAWAN AT DUGO AY MAPUSPOS NG
NNNNNNESPIRITU SANTO AT MAGING ISANG KATAWAN
NNNNNNAT ISANG DIWA KAY KRISTO.
NAKIKIPAGDIWANG I:

KAMI NAWA AY GAWIN NIYANG HANDOG NA


NNNNNHABANG PANAHON AY NAKATALAGA SA IYO.
NNNNNTULUNGAN NAWA NIYA KAMING MAGKAMIT NG
NNNNNIYONG PAMANA KAISA NG INA NG DIYOS, ANG
Ang Misa ng Sambayanan sa Kapistahan nina San Simon at San Judas 33

NNNNNMAHAL NA BIRHENG MARIA; NUESTRA SENERA


NNNNNDE CANDELARIA, NI SAN JOSE NA KANYANG
NNNNNKALINIS-LINISANG ESPOSO, KAISA NG MGA
NNNNNAPOSTOL; NINA SAN SIMON AT SAN JUDAS, MGA
NNNNNMARTIR, NI SAN ROQUE AT KAISA NG MGA BANAL
NNNNNNA AMING INAASAHANG LAGING NAKIKIUSAP

NNNNNPARA SA AMING KAPAKANAN.

NAKIKIPAGDIWANG II:

AMA, ANG HANDOG NA ITO NG AMING


NNNNNPAKIKIPAGKASUNDO SA IYO AY MAGBUNGA
NNNNNNAWA NG KAPAYAPAAN AT KALIGTASAN PARA
NNNNNSA BUONG DAIGDIG. PATATAGIN MO ANG IYONG
NNNNNSIMBAHANG NAGLALAKBAY SA LUPA, KASAMA
NNNNNNG IYONG LINGKOD NA SI FRANCISCO NA AMING
NNNNNSANTO PAPA, NI REX ANDREW NA AMING OBISPO
NNNNNAT BUONG KAPARIAN AT NG IYONG PINILING
NNNNNSAMBAYANAN. DINGGIN MO ANG KAHILINGAN
NNNNNNG IYONG ANGKAN NA NGAYO’Y TINIPON MO SA
NNNNNIYONG HARAPAN. AMANG MAAWAIN, KUPKUPIN
NNNNNMO AT PAG-ISAHIN ANG LAHAT NG IYONG MGA
NNNNNANAK SA BAWAT PANIG AT SULOK NG DAIGDIG.

✠ KAAWAAN MO AT PATULUYIN SA IYONG


NNNNNKAHARIAN ANG MGA KAPATID NAMING YUMAO,
NNNNNAT ANG LAHAT NG LUMISAN SA MUNDONG ITO
Ang Misa ng Sambayanan sa Kapistahan nina San Simon at San Judas 34

NNNNNNA NAGTATAGLAY NG PAG-IBIG SA IYO. KAMI AY


NNNNNUMAASANG MAKARARATING SA IYONG PILING AT
NNNNNSAMA-SAMANG MAGTATAMASA NG IYONG
NNNNNKANINGNINGNANG WALANG MALIW SAPAGKAT
NNNNNAMING MASISILAYAN ANG IYONG KAGANDAHAN
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

SA PAMAMAGITAN NG AMING PANGINOONG


NNNNNHESUKRISTO NA SIYANG PINAGDARAANAN NG
NNNNNBAWAT KALOOB MO SA AMING KABUTIHAN.
Hahawakan ng Obispo ang pinggang may ostiya at ang kalis na kapwa niya itataas habang kanyang ipinahahayag:

OBISPO: SA PAMAMAGITAN NI KRISTO, KASAMA NIYA,


NNNNNAT SA KANYA ANG LAHAT NG PARANGAL AT
NNNNNPAPURI AY SA IYO, DIYOS AMANG
NNNNNMAKAPANGYARIHAN, KASAMA NG ESPIRITU
NNNNNSANTO MAGPASAWALANG HANGGAN.

Bayan:
Amen.
ANG PAKIKINABANG
Pagkalapag ng kalis at pinggan sa dambana, ipahahayag ng obispo nang may magkadaop na mga kamay:

OBISPO:
Ang Misa ng Sambayanan sa Kapistahan nina San Simon at San Judas 35

SA TAGUBILIN NG MGA NAKAGAGALING NA


UTOS AT TURO NI HESUS NA PANGINOON NATIN
AT DIYOS IPAHAYAG NATIN NANG LAKAS-LOOB:
O kaya:

NATUKDOAN KAN MANGA NAKAKALIGTAS NA


TUGON, ASIN PINATUOD KAN DIOSNON NA
KAUGALIAN, NANGANGAHAS KITANG MAGSABI:
Ilalahad ng obispo ang kanyang mga kamay at ipahahayag niya kaisa ng lahat:

Lahat:

Ama niamo, na yaon sa langit:


Pabanalon an ngaran mo;
Magdatong an kahadean mo;
Mangyari an boot mo sa daga
Nin siring sa langit.
An samong kakanon sa aro-aldaw
Itao mo samuya ngunyan,
Asin patawadon mo kami
Sa samong manga kasalan
siring na pinapatawad niamo
an manga nagkakasala samuya;
Asin hare kami pagdaraha sa sugot;
kundi agawa kami sa maraot.
Nakalahad ang mga kamay ng Pari sa pagdarasal:

OBISPO:

AGAWA KAMI SA GABOS NA MARAOT,


Ang Misa ng Sambayanan sa Kapistahan nina San Simon at San Judas 36

NAMIMIBI KAMI KAGURANGNAN;


WARASAN SA MANGA ALDAW NIAMO
AN KATONINONGAN,
TANGANING KAMING NATABANGAN
KAN SAIMONG PAGKAHERAK
MAGIN DANAY NA TALINGKAS SA KASALAN
ASIN MAN LIGTAS SA GABOS NA
KAPURISAWAN;
MANTANG KAMI NAGHAHALAT
KAN MAOGMANG PAGLAOM
ASIN PAGDATONG KAN SAMONG PARALIGTAS
NA SI JESUCRISTO.
O kaya:

HINIHILING NAMING
KAMI’Y IADYA SA LAHAT NG MASAMA,
PAGKALOOBAN NG KAPAYAPAAN ARAW-ARAW,
ILIGTAS SA KASALANAN
AT ILAYO SA LAHAT NG KAPAHAMAKAN
SAMANTALANG AMING PINANANABIKAN
ANG DAKILANG ARAW NG PAGPAPAHAYAG
NG TAGAPAGLIGTAS NAMING SI HESUKRISTO.

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay. Wawakasan ng sambayanan ang panalangin sa ganitong pagbubunyi:

DOXOLOHIA
Lahat:

HULI TA SAIMO AN KAHADEAN,


Ang Misa ng Sambayanan sa Kapistahan nina San Simon at San Judas 37

ASIN AN KAPANGYARIHAN,
SIRING MAN AN KAMURAWAYAN
SA MANGA KAPANAHONAN.
O kaya:

SAPAGKAT IYO ANG KAHARIAN


AT ANG KAPANGYARIHAN
AT ANG KAPURIHAN MAGPAKAILANMAN!
AMEN.

TANDA NG KAPAYAPAAN
Pagkatapos, malakas na darasalin ng obispong nakalahad ang mga kamay:

OBISPO:

PANGINOONG HESUKRISTO,
SINABI MO SA IYONG MGA APOSTOL:
“KAPAYAPAAN ANG INIIWAN KO SA INYO.
ANG AKING KAPAYAPAAN
ANG IBINIBIGAY KO SA INYO.”
TUNGHAYAN MO ANG AMING
PANANAMPALATAYA
AT HUWAG ANG AMING PAGKAKASALA.
PAGKALOOBAN MO KAMI NG KAPAYAPAAN
AT PAGKAKAISA AYON SA IYONG KALOOBAN
Pagdaraupin ng obispo ang kanyang mga kamay.

KASAMA NG ESPIRITU SANTO


MAGPASAWALANG HANGGAN.
Sasagot ang mga tao:
Ang Misa ng Sambayanan sa Kapistahan nina San Simon at San Judas 38

Bayan: Amen.
Ang obispo’y paharap sa sambayanang maglalahad at magdaraop ng mga kamay sa pagpapahayag.

OBISPO:

ANG KAPAYAPAAN NG PANGINOON


AY LAGING SUMAINYO.
Sasagot ang mga tao:

Bayan: At sumaiyo rin.

Maidaragdag, kung minamabuti, ang paanyayang ipahahayag ng diyakono o Pari:

DIYAKONO/PARI:

MAGBIGAYAN KAYO NG KAPAYAPAAN SA ISA’T-


ISA.
At, alinsunod sa kaugalian ng iba’t ibang pook, ang mga nagsisimba ay magbibigayan ng kapayapaan. Ang Pari at mga
tagapaglingkod ay makapagbibigayan ng kapayapaan.
Pagkatapos, hahawakan ng Pari ang ostiya at hahati-hatiin niya ito sa ibabaw ng pinggan at isasawak niya ang kaputol sa
kalis habang pabulong niyang dinarasal:

OBISPO:

SA PAGSASAWAK NA ITO
NG KATAWAN SA DUGO
NG AMING PANGINOONG HESUKRISTO
TANGGAPIN NAWA NAMIN SA PAKIKINABANG
ANG BUHAY NA WALANG HANGGAN.

PAGHAHATI NG OSTIYA
Ang Misa ng Sambayanan sa Kapistahan nina San Simon at San Judas 39

KORDERO NG DIYOS
PANSARILING PAGHAHANDA NG OBISPO
Ito ay mauulit-ulit habang ginaganap ang paghahati-hati sa tinapay. Sa huling pag-uulit saka pa lamang idurugtong ang
”ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.”

Magkadaop ang mga kamay ng obispo sa pabulong na pagdarasal.

OBISPO:

ANG PAKIKINABANG SA KATAWAN AT DUGO MO,


PANGINOONG HESUKRISTO,
AY HUWAG NAWANG MAGDULOT
NG PAGHUHUKOM AT PARUSA SA KASALANAN KO.
ALANG-ALANG SA IYONG DAKILANG PAG-IBIG
NAWA’Y AKING MATANGGAP
ANG PAGKUPKOP MO SA AKIN
AT KALOOB MONG LUNAS.
Luluhod ang obispo at pagtayo niya’y kanyang hahawakan ang ostiya na itataas sa ibabaw ng pinggan. Paharap sa mga
tao siyang magsasabi nang malakas:

KOMUNION
OBISPO:

ITO ANG KORDERO NG DIYOS.


ITO ANG NAG-AALIS NG KASALANAN NG
SANLIBUTAN.
MAPALAD ANG MGA INAANYAYAHAN
SA KANYANG PIGING.
Idurugtong niyang minsanan kaisa ng sambayanan:

Lahat:
Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo
nguni't sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.
Ang Misa ng Sambayanan sa Kapistahan nina San Simon at San Judas 40

Siya’y makikinabang nang magalang at nakayuko sa dambana habang pabulong na nagdarasal:

OBISPO:

IPAGSANGGALANG NAWA AKO NG KATAWAN


NI KRISTO PARA SA BUHAY NA WALANG
HANGGAN.
Mapitagan niyang tatanggapin ang Katawan ni Kristo.

Pagkatapos, hahawakan ng obispo ang kalis at pabulong na magdarasal:

OBISPO:

IPAGSANGGALANG NAWA AKO NG DUGO NI


KRISTO PARA SA BUHAY NA WALANG
HANGGAN.
Mapitagan niyang tatanggapin ang Dugo ni Kristo.

Hahawakan niya ang pinggan o lalagyan ng ostiya at lalapitan niya ang mga nakikinabang, bahagyang itataas ang ostiya
para sa bawa't nakikinabang habang sinasbi:

OBISPO: KATAWAN NI CRISTO.


Ang nakikinabang ay tutugon:

Amen.

AWITING PANGKOMUNION

PANALANGING PAGKAPAKINABANG
Pagkaraan, ang obispo ay titindig sa harap ng upuan o sa gawi ng dambana at paharap sa mga nagsisimbang
magpapahayag:
Ang Misa ng Sambayanan sa Kapistahan nina San Simon at San Judas 41

OBISPO: MANALANGIN TAYO.


Ang lahat kaisa ng obispo ay tahimik na mananalangin nang saglit.

AMA NAMING MAPAGMAHAL,


PAGKATANGGAP NAMIN SA BANAL NA
PAKIKINABANG IPINAKIKIUSAP NAMING
NGAYO’Y PUSPOS NG ESPIRITU SANTO NA
PAKUNDANGAN SA KAGALANG-GALANG NA
PAGPAPAKASAKIT NG MGA APOSTOL SAN
SIMON AT SAN JUDAS KAMI NAWA’Y
PANATILIHIN NG AMING GINAGANAP SA
BUKLOD NG IYONG PAG-IBIG SA PAMAMAGITAN
NI HESUKRISTO KASAMA NG ESPIRITU SANTO
MAGPASAWALANG HANGGAN.
Sasagot ang mga tao:

Bayan: Amen.

MENSAHE NG PASASALAMAT

Namumuno:
Magsiupo. Pakinggan po natin ang mensahe ng
pasasalamat ng ating minamahal at iginagalang na
tagapangasiwa ng parokya, Reb. Padre Ernie Gayo
Sanchez.

SALVE REGINA
Ang Misa ng Sambayanan sa Kapistahan nina San Simon at San Judas 42

SACERDOS: SALVE REGINA


Mater misericordiae;
vita dulcedo et spes nostra, salve.
Ad te clamamus exsules filii Evae.
Ad te suspiramus gementes et flentes
in hac lacrimarum valle.
Eia ergo, advocata nostra,
illos tuos misericordes oculos
ad nos converte.
Et Jesum, benedictum fructum ventris tui,
nobis post hoc exsilium ostende.
O clemens, O Pia, O Dulcis Virgo Maria.

SACERDOS:
Populum respondet.
ORA PRO NOBIS SANCTA DEI GENETRIX.
Populus: Ut digni efficiamur promissionibus Christi.

SACERDOS: OREMUS.
OMNIPOTENS SEMPITERNE DEUS,
QUI GLORIOSAE VIRGINIS MATRIS MARIAE
CORPUS ET ANIMAM,
UT DIGNUM FILII TUI HABITACULUM
EFFECI MERERETUR,
SPIRITU SANCTO COOPERANTE,
PRAEPARASTI:
DA UT CUJUS COMMEMORATIONE
Ang Misa ng Sambayanan sa Kapistahan nina San Simon at San Judas 43

LAETAMUR; EJUS PIA INTERCESSIONE, AB


INSTANTIBUS MALIS,
ET A MORTE PERPETUA LIBEREMUR.
PER EUNDEM CHRISTUM,
DOMINUM NOSTRUM.
Populum respondet.

Populus: Amen.

PAGHAYO SA PAGWAWAKAS

OBISPO: SUMAINYO ANG PANGINOON.


Sasagot ang mga tao:

Bayan: At sumaiyo rin.

DIYAKONO: IYUKO ANG INYONG ULO SAMANTALANG


IGINAGAWAD ANG PAGPAPALA.

OBISPO: AMA NAMING MAPAGPALA, MAKAISA NAWA


SA KAGALAKAN NG MGA BANAL SA
KALANGITAN ANG IYONG SAMBAYANANG
NAGDIWANG SA KANILANG KARANGALAN AT
IPAHINTULOT MONG SA IYONG PILING AY
MAGKAPISAN SA PAMAMAGITAN NI
HESUKRISTO KASAMA NG ESPIRITU SANTO
MAGPASAWALANG HANGGAN.
Ang Misa ng Sambayanan sa Kapistahan nina San Simon at San Judas 44

Sasagot ang mga tao:

Bayan: Amen.
Babasbasan ng Obispo ang mga tao habang kanyang ipinahahayag:

OBISPO: AT ANG PAGPAPALA NG


MAKAPANGYARIHANG DIYOS,  AMA AT 
ANAK AT  ESPIRITU SANTO AY MANAOG NAWA
AT MAMALAGI SA INYO MAGPASAWALANG
HANGGAN.
Sasagot ang mga tao:

Bayan: Amen.
Ang diyakono o ang paring magkadaop ang mga kamay ay magpapahayag ng paghayo sa sambayanan:

DIYAKONO/PARI: HUMAYO KAYONG TAGLAY ANG


KAPAYAPAAN UPANG ANG
PANGINOON AY MAHALIN AT
PAGLINGKURAN.
Sasagot ang mga tao:

Bayan: Salamat sa Diyos.


Karaniwan, ang dambana ay bibigyang-paggalang sa paghalik dito ng pari at matapos makapagbigay- pitagan kaisa ng
mga tagapaglingkod, siya ay hahayo.

You might also like