Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

PAOMBONG HIGH SCHOOL, INC.

School Year 2022-2023


LEARNING ACTIVITY SHEETS
FILIPINO 8

Bb. Jasmin C. Roque


Guro

Aralin: Talambuhay ni Francisco Balagtas, Kaligirang Pangkasaysayan, at Mga Tauhan


ng Florante at Laura
Ika-31 at Ika-32 Linggo
Petsa: Abril 3-5, 2023 at Abril 10-14, 2023

Mga Kompitensi:
1. Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng:
- pagtukoy sa kalagayan ng lipunan sa panahong nasulat ito
- pagtukoy sa layunin ng pagsulat ng akda
- pagsusuri sa epekto ng akda pagkatapos itong isulat
2. Nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang pahayag sa binasa
3. Nahihinuha ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura batay sa napakinggang mga pahiwatig sa
akda
4. Nailalahad ang damdamin o saloobin ng may- akda, gamit ang wika ng kabataan

Basahing mabuti ang mga sumusunod na paalala:

a) Unawaing mabuti ang bawat detalye na nakasaad sa araling ito.


b) Gamitin ang oras nang wasto at kapaki-pakinabang sa pagsagot at pagtuklas ng kaalaman.
c) Panatilihing malinis at maayos ang sagutang papel na kalakip ng aralin.
d) Maging tapat at totoo sa pagsasagot ng mga gawain.
e) Gamitin bilang gabay ang mga sumusunod na larawan:
-
Ang icon na ito ay tanda na ang kasunod na bahagi ng aralin ay naglalaman ng mga
paalala o di kaya ay mga impormasyon na dapat mong tandaan.

Ang icon na ito ay hudyat ng panimulang pagsasanay o gawain.

Ang icon na ito ay naglalaman ng mahahalagang impormasyon na kailangan mong


basahin at pag-aralan upang higit na maunaawan ang paksang tinatalakay.

Ang icon na ito ay inilagay sa mga bahagi ng aralin na kailangang sagutan bilang
bahagi ng pagsasanay.

Binabati kita sapagkat natapos mo na ang iyong pagsusulit at pangwakas na gawain. Ngayon ay handa
ka ng tuklasin at palawakin ang iyong kaalaman sa markahang ito. Sa linggong ito, mababasa mo ang
talambuhay ni “Kiko” o Francisco Balagtas. Masasalamin mo sa kasaysayan ng kanyang buhay ang mga
pinagdaanan niyang humabi at nagbigay-daan upang maisulat niya ang kanyang pinakadakilang akda.
Mababasa mo rin dito ang kalagayan ng ating lipunan at ang kaligirang pangkasaysayan ng isulat niya ang
awit gayundin ang mga pangunahin at iba pang tauhang magbibigay ng buhay sa akda. Ang lahat ng ito ay
LAS – Filipino 8 Pahina 1 ng 6
PAOMBONG HIGH SCHOOL, INC.
School Year 2022-2023
makatutulong at makapaghahanda sa iyo upang higit mong mapahalagahan ang isang dakilang panitikan ng
lahi – ang Florante at Laura.

Ang buhay raw ay isang aklat na iyong isinusulat sa araw-araw. May simula at mayroon ding
wakas, may tagumpay at kaligayahan, subalit mayroon ding pagluha at kabiguan. Hindi mahalaga
kung hindi man naging masyadong maganda ang simula nito. Ang higit na mahalaga ay kung
paano mo hinarap ang bawat pagsubok sa abot ng iyong makakaya kaya’t sa huli ay masasabi pa ring naging
matagumpay ka. Tulad ng buhay ng tinaguriang Prinsipe ng Makatang Tagalog, naging masalimuot ang
kanyang naging buhay ngunit ito ang naging inspirasyon niya sa pagbuo ng kanyang walang kamatayang obra
– ang Florante at Laura. Ito ay isang patunay na maaaring magbunga ng kabutihan maging ang hindi
gaanong mabubuting pangyayari sa ating buhay.
Bago mo ipagpatuloy ang iyong pagbabasa sa aralin ngayong linggo, narito ang paunang pagsasanay.

Ang Talambuhay ni Francisco Balagtas

Tubong Bulacan ang Prinsipe ng Makatang Tagalog. Isinilang siya noong ika-2 ng Abril 1788 sa
Panginay, Bigaa, Bulacan. Ngayon ay Balagtas na ang tawag sa lugar ng kanyang kapanganakan bilang
pagpaparangal sa kanyang dakilang makatang anak ng Bulacan. Mahirap lamang ang kanyang pamilya. Si
Juan Balagtas, ang kanyang ama at si Juana dela Cruz naman, ang
kanyang ina.

“Kiko” ang ipinilayaw kay Francisco. Musmos pa lamang ay


kinakitaan na siya ng talino at hilig sa pag-aaral. Dahil sa kahirapan,
kinailangan niyang manilbihan bilang utusan sa Tondo, Maynila. Ang kapalit
ng kanyang paninilbihan kay Donya Trinidad ay ang pagpapaaral nito
sa kanya. Pinag-aral siya sa Colegio de San Jose at dito ay nakatapos
ng Gramatica Castellana, Gramatica Latina, Geografía y Fisca at
Doctrina Christiana. Bukod dito, pinalad siyang makapag-aral sa isa pang
paaralan, ang San Juan De Letran. Natapos niya ang Humanidades,
Teologia at Filosofia. Dito niya naging guro si Padre Mariano Pilapil, isang
bantog na guro na sumulat ng Pasyon.

Naging bukambibig ang pangalan ni Kiko sa larangan ng pagbigkas ng tula. Madalas siyang
maanyayahan sa iba’t ibang pagdiriwang upang bumigkas ng tula. Naging makulay ang kanyang pagbibinata
at naging bantog na makata. Ang angking husay niya rin sa pagbigkas ng tula ang dahilan kung bakit
maraming kababaihan ang humanga sa kanya. Subalit isang dilag na nagngangalang Magdalena Ana Ramos
ang unang bumihag sa kanyang puso. Sinikap niyang handugan ang dalaga ng isang tula para sa kaarawan
nito ngunit sa kasamaang-palad ay hindi siya natulungan ng isa pang makatang tumutulong sa pag-aayos ng
tula. Ang tulang ipinaayos niya sana kay Jose Dela Cruz, na tinawag ding Huseng Sisiw, ay hindi nito
tinanggap sa kadahilanang wala siyang dalang sisiw na ipambabayad. Ang pangyayaring iyon ang
nagtulak kay Balagtas na pagbutihin ang kanyang kakayahan sa paglikha ng tula. Hindi naglaon at
namayagpag sa larangan ng panulaan si Balagtas.

Mula sa Tondo ay lumipat siya sa Pandacan, dito ay nakilala niya si “Selya” o Maria Asuncion Rivera
sa tunay na buhay. Napaibig niya ang dalaga at naging magkasintahan sila. Subalit nagkaroon siya ng
mahigpit na katunggali sa pag-ibig ng dalaga sa katauhan ni “Nanong” Mariano Kapule. Si Nanong ay mula
sa isang may kaya at makapangyarihang pamilya. Sa kagustuhan niyang hindi na makahadlang si Balagtas
ay ipinabilanggo niya ang makata. Pinagdusahan ni Balagtas ang isang maling paratang. Dumagdag pa sa
kanyang dalahin ang balitang nagpakasal na si Maria Asuncion at Mariano.

Pinaniniwalaang dahil sa kabiguang ito ay naisulat niya sa loob ng bilangguan ang obrang Florante at
Laura. Bagama’t may ilang nagsasabing tinapos niya ang akda sa Bataan, dito sa lalawigang ito siya
nanirahan pagkatapos ng kanyang pagkabilanggo at dito rin niya nakilala ang babaeng iniharap niya sa
dambana, si Juana Tiambeng. Sa edad na 54 ni Balagtas, ikinasal sila ni Juana sa kabila ng pagtutol ng
magulang ng dalaga dahil sa laki ng agwat ng kanilang edad. Muling nakilala ang husay ni Balagtas.
Naging kawani siya sa hukuman at hindi naglaon ay naging Tenyente Mayor at Juez de Sementera. Noong
mga panahong iyon ang posisyong iyon ay pinagpipitaganan.

LAS – Filipino 8 Pahina 2 ng 6


PAOMBONG HIGH SCHOOL, INC.
School Year 2022-2023
Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana, sa Bataan ay muli siyang bumalik sa bilangguan dahil sa
paratang na pinutulan niya ng buhok ang isang babaeng utusan ni Alferez Lucas. Bagama’t lumaban
siya sa kaso at sadyang naubos ang kanyang kayamanan sa pang-apela, pinagdusahan pa rin niya ang
paratang na iyon sa kulungan. Paglabas niya ng piitan, sinalubong siya ng hirap ng buhay dahil naubos ang
kanyang kabuhayan. Gayunpama’y ipinagpatuloy pa rin niya ang kanyang pagsulat hanggang sa bawian siya
ng buhay noong ika-20 ng Pebrero taong 1862 sa gulang na 74. Naulila niya ang kanyang asawang si
Juana at ang apat nilang anak.

Lumisan man siya sa mundong ito ay iniwan niya namang buhay sa alaala ng mga Pilipino ang
maraming imortal na obrang bagama’t gumamit ng alegorya upang maitago ang tunay na mensahe ng
akda ay sumasalamin pa rin sa mga kalakaran sa totoong buhay. Sinasabing ang mga pasakit sa buhay
na naranasan ni Balagtas ang pumanday sa kanya upang maging isang mahusay na manunulat. Nakatulong
rin ang mga himagsik ng damdaming naghari sa puso’t isipan niya nang mga panahong iyon. Taglay ng
Florante at Laura ang mga himagsik na ito. Bagama’t naisulat sa panahon kung kailan napakahigpit ng
sensura ng mga Espanyol sa mga akdang Pilipino, naging mapangahas ang obrang ito.

Masasabing ang obrang isinulat ni Balagtas ay naging daan upang mapataas ang antas ng
panitikan noong panahong walang layang makasulat at makapagpahayag ng mga kaisipan,
pagkamalikhain, at damdamin ang mga mahuhusay na manunulat. Ito’y isang akdang hindi maibabaon sa
hukay kailanman. Dahil sa angking kakayahan, determinasyon, at katatagan ni Balagtas, isinilang ang isang
obra-maestrang nagtaas sa antas ng sining ng panitikan. Tunay ngang karapat-dapat na tawaging Prinsipe
ng Makatang Tagalog si Francisco Balagtas.

Sa yugtong ito ay iyong unawain at kilalanin ang kaligirang pangkasaysayan at ang mga pangunahing
tauhan sa obra ni Balagtas.

Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura

Ang Florante at Laura ay isinulat ni Balagtas noong 1838, panahon


ng pananakop ng mga Espanyol sa bansa. Sa panahong ito, mahigpit
ang ipinatupad na sensura kaya’t ipinagbawal ang mga babasahin at
palabas na tumutuligsa sa pagmamalabis at kalupitan ng mga Espanyol.
Dahil sa pagkontrol ng mga Espanyol, ang mga aklat na nalimbag sa
panahong ito ay karaniwang patungkol sa relihiyon o di kaya’y sa
paglalabanan ng mga Moro at Kristiyanong tinatawag ding komedya o
moro-moro, gayundin ng mga diksyunaryo at aklat panggramatika.

Sa kabila ng mahigpit na sensura ng mga Espanyol ay naging


matagumpay si Balagtas na mailusot ang kanyang awit. Relihiyon at
paglalaban ng mga Moro at Kristiyano kasi ang temang ginamit niya
rito bagama’t naiugnay niya ito sa pag-iibigan nina Florante at Laura. Naitago niya sa pamamagitan ng
paggamit ng alegorya ang mensahe ng pagtuligsa at pagtutol sa kalupitan at pagmamalabis ng mga Espanyol.
Gumamit din siya ng simbolismong kakikitaan ng pailalim na diwa ng nasyonalismo. Ang mga tauhan at mga
pangyayaring nagdulot ng kaawa-awang kalagayan ng kaharian ng Albanya ay kasasalaminan ng mga
naganap na kaliluhan, kalupitan at kawalang katarungan sa Pilipinas sa ilalim ng pamamahala ng mga
Espanyol. Masasalamin din sa akda ang tinutukoy ni Lope K. Santos na apat na himagsik na naghari sa puso
at isipan ni Balagtas:
1) Ang himagsik laban sa malupit na pamahalaan 3) Ang himagsik laban sa mga maling kaugalian
2) Ang himagsik laban sa hidwaang 4) Ang himagsik laban sa mababang uri ng
pananampalataya panitikan

Ang orihinal na pamagat ng Florante at Laura ay “Pinagdaanang Buhay ni Florante at ni Laura, sa


Kahariang Albania Kinuha sa Madlang Cuadro Historico o Pinturang Nagsasabi sa mga Nangyari nang
Unang Panahon sa Imperio ng Grecia at Tinula nang Isang Matuwain sa Bersong Tagalog.” Sinasabing
ito ay nagbukas ng landas para sa panulaang Tagalog noong ika-19 na dantaon. Isinulat niya ang kanyang
akda sa wikang Tagalog sa panahong ang karamihan sa mga Pilipinong manunulat ay nagsisisulat sa wikang
Espanyol. Ang awit ay inialay ni Balagtas kay “Selya” o Maria Asuncion Rivera, ang babaeng minahal
niya nang labis at pinagmulan ng kanyang pinakamalaking kabiguan. Ang labis na sakit, kabiguan,
LAS – Filipino 8 Pahina 3 ng 6
PAOMBONG HIGH SCHOOL, INC.
School Year 2022-2023
kaapihan, himagsik at kawalang katarungang naranasan ni Kiko sa lipunang kanyang ginagalawan ay
siyang nagtulak sa kanya upang likhain ang walang kamatayang “Florante at Laura.”

Ang awit ay nagsilbing gabay at nagturo sa mga Pilipino ng maraming bagay. Ito ay naglalaman ng
mahahalagang aral sa buhay tulad ng wastong pagpapalaki sa anak, pagiging mabuting magulang,
pagmamahal at pagmamalasakit sa bayan, pag-iingat laban sa mga taong mapagpanggap o mapagkunwari at
makasarili, gayundin ang pagpapaalala sa madla na maging maingat sa pagpili ng pinuno sapagkat napakalaki
ng panganib na dulot sa bayan ng pinunong sakim at mapaghangad sa yaman. Ipinakita rin sa akda ang
kahalagahan ng pagtulong sa kapwa maging doon sa may magkakaibang relihiyon tulad ng mga
Muslim at Kristiyano. Sa panahong ang kababaihan ay mailalarawang mahinhin at mahina, binigyang
diin sa akda ang taglay na lakas ng kababaihan sa katauhan ni Flerida, isang babaeng Muslim. Sa halip
na maging sunod-sunuran lang sa makapangyarihang kalalakihan sa kanyang paligid tulad ng nakagawian ng
kababaihan noon, pinili niyang tumakas mula sa mapaniil na Sultan at harapin nang mag-isa ang buhay sa
labas ng palasyo. Siya rin ang pumutol sa kasamaan ni Adolfo sa pamamagitan ng kanyang palaso. Ito’y mga
katangiang taliwas sa mga katangiang madalas gamitin sa paglalarawan sa kababaihan lalo na noon.

Ang akda ay gumabay hindi lamang sa mga pangkaraniwang tao kundi gayundin sa mga bayaning
nagmulat sa diwang makabayan ng mga Pilipino. Sinasabing si Dr. Rizal ay nagdala ng kopya ng
Florante at Laura habang siya’y naglalakbay sa Europa at naging inspirasyon sa pagsulat ng Noli Me
Tangere. Sinasabi ring maging si Apolinario Mabini ay sumipi sa pamamagitan ng sarili niyang sulat-kamay ng
kopya ng awit habang siya ay nas Guam noong 1901. Bagama’t napakatagal nang panahon mula nang
isulat ni Balagtas ang awit ay hindi mapasusubaliang ang mga aral na taglay nitong gumabay sa ating
mga ninuno at mga bayani ay nananatiling makabuluhan at makagagabay pa rin sa Pilipino hanggang
sa kasalukuyang panahon.
Mahahalagang Tauhan ng Florante at Laura

Taglay ng ilang tao ang mga katangiang makikita rin sa mga tauhan ng Florante at Laura katulad ng
pagdama ng labis na pag-ibig, pagsasakripisyo para sa pamilya at minamahal, pagtulong sa kapwa kahit hindi
kakilala, pagbubuwis ng buhay para sa minamahal, pagiging palakaibigan at pagiging matapang – mga
katangiang nagpapatunay ng pagiging makatotohanan ng mga tauhan.

Ang Florante at Laura ay isang akdang nabibilang sa genre na tinatawag na awit o romansang
metrikal. Ito ay isang tulang pasalaysay na may tig-aapat na taludtod sa bawat saknong kung saan ang bawat
taludtod ay may lalabindalawahing pantig. Ang dulog tugma nito ay isahan. Ang Florante at Laura ay
binubuo ng 399 na saknong at tulad ng karaniwang awit o romansang metrikal, ang mga tauhang
gumaganap ay nabibilang sa mga dugong bughaw ng sinaunang panahon.
Haring Linceo – Duke Briseo – Ang Prinsesa
Ama ni Laura at butihing ama ni Floresca – Ang
Hari ng Albanya. Florante. Kaibigan mapagmahal na
Makatarungan at at tagapayo ni ina ni Florante,
mabuting hari. Haring Linceo. asawa ni Duke
Briseo, at anak
ng hari ng
Krotona.

Menandro – Antenor – Ang Heneral


Mabuting kaibigan mabuting guro ni Osmalik –
ni Florante. Florante, Adolfo at Magiting na
Nakapagligtas ng Menandro habang heneral ng
buhay ni Florante. sila’y nag-aaral sa Persiya na
Atenas. namuno sa
pananakop sa
Krotona subalit natalo at napatay
ni Florante.

LAS – Filipino 8 Pahina 4 ng 6


PAOMBONG HIGH SCHOOL, INC.
School Year 2022-2023
Heneral Sultan Ali-Adab – Konde Adolfo –
Miramolin – Malupit na ama ni Isang taksil at
Heneral ng Aladin at siya ring naging kalabang
Turkiyang namuno naging kaagaw niya mortal ni
sa pagsalakay ng sa kasintahang si Florante mula
Albanya subalit Flerida. nang mahigitan
nalupig nina siya nito sa
Florante at ng husay at popularidad habang
kanyang hukbo. sila’y nag-aaral pa sa Atenas.

Menalipo – Pinsan ni Florante. Nakapagligtas sa buhay niya mula sa Siya ang umagaw sa kahariang
isang buwitre noong siya’y sanggol pa. Albanya, nagpapatay kina Haring
Linceo at Duke Briseo,
Konde Sileno – Ama ni Adolfo na taga-Albanya. nagpahirap kay Florante at
nagtangkang umagaw kay Laura.
Emir – Gobernador ng mga Moro na nagtangka kay Laura subalit
tinanggihan at sinampal sa mukha ng dalaga. Humatol na pugutan ng ulo
si Laura subalit nakaligtas dahil sa maagap na pagdating ni Florante.

Flerida – Kasintahan ni Aladin Aladin – Isang gererong Moro at


na tinangkang agawin ng amang si prinsipe ng Persiya; anak ni Sultan
Sultan Ali-Adab. Tumakas siya sa Ali-Aadab. Naging kaagaw niya ang
gabi ng nakatakdang kasal sa sultan. ama sa kasintahang si Flerida kaya’t
Nailigtas niya si Laura sa kamay ni pinili niyang magparaya at
Adolfo. maglagalag sa kagubatan. Dito ay
iniligtas si Florante na itinuturing na
kaaway ng kanilang kaharian.

Laura – Anak ni Haring Linceo. Siya’y Florante – Anak nina Duke Briseo at
magandang dalagang hinangaan at Prinsesa Floresca. Siya ang magiting
hinangad ng maraming kalalakihang na heneral ng hukbo ng Albanya at
tulad nina Adolfo at Emir subalit ang nagpabagsak sa 17 kaharian bago
kanyang pag-ibig ay nanatiling laan siya nalinlang ni Adolfo at naipatapon
para kay Florante. sa gubat.

Sa bahaging ito ay ating pagyamanin ang iyong mga nabasang mahahalagang konsepto sa aralin sa
pamamagitan ng pagsagot sa gawain sa loob ng kahon.

Upang masubok ang iyong pagkatuto, sagutin ang Gawain 1 at Gawain 2

Binabati kita sa masigasig mong pag-unawa at pagsagot ng buong katapatan sa linggong ito!
Sa susunod na aralin, iyong uumpisahan ang pagtuklas sa unang bahagi ng obra maestrang likha
ni Balagtas.
Talasanggunian:

- Julian, Ailene Baisa G. et. al. Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma 8. Quezon City. Phoenix Publishing
House, Inc.
- Ambat, Vilma C. et. Al (2015). Filipino Modyul para sa Mag-aaral. Meralco Avenue, Pasig City. Philippines
1600. Vibal Group, Inc.
- Manlapaz, Carolina et. al. Gantimpala Pinagsanib na Wika at Panitikan Baitang 8 Sta. Manila IEMI
Innovative Educational Materials, Inc.

LAS – Filipino 8 Pahina 5 ng 6

You might also like