Week-30 PETA Kampanyang-Panlipunan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

PAOMBONG HIGH SCHOOL, INC.

School Year 2022-2023


LEARNING ACTIVITY SHEETS
FILIPINO 8

Bb. Jasmin C. Roque


Guro

Aralin 18: Pagbuo ng Kampanyang Panlipunan (Inaasahang Pagganap)


Ika-30 Linggo
Petsa: Marso 27-29, 2023

Mga Kompitensi:
1. Nakasusulat ng isang malinaw na social awareness campaign tungkol sa isang paksa na maisasagawa sa
tulong ng multimedia
2. Nagagamit ang angkop na mga komunikatibong pahayag sa pagbuo ng isang social awareness campaign

Basahing mabuti ang mga sumusunod na paalala:

a) Unawaing mabuti ang bawat detalye na nakasaad sa araling ito.


b) Gamitin ang oras nang wasto at kapaki-pakinabang sa pagsagot at pagtuklas ng kaalaman.
c) Panatilihing malinis at maayos ang sagutang papel na kalakip ng aralin.
d) Maging tapat at totoo sa pagsasagot ng mga gawain.
e) Gamitin bilang gabay ang mga sumusunod na larawan:

Magandang araw sa iyo aking mag-aaral! Nais kong ipabatid sa iyo na ikaw ay nasa huling bahagi na
ng markahang ito. Sa linggong ito, inaasahang makabuo ka isang social awareness campaign hinggil sa isang
napapanahong paksa o isyu sa lipunan gamit ang mga angkop na komunikatibong pahayag. Batid kong
makatutulong sa iyong gagawing kampanya ang paggamit ng iba’t ibang uri ng multimedia na ating tinalakay
sa mga nakaraang aralin.

Noong nakaraang linggo, iyong natuklasan ang kahulugan at mga hakbang na dapat sundin sa
pagsasagawa ng isang kampanyang panlipunan. Sa pagkakataong ito, ilalapat mo ang mga iba’t
ibang uri ng multimedia sa iyong bubuoing pangwakas na gawain. Ito ang kampanya tungo sa
kamalayang panlipunan o social awareness campaign.

Sa yugtong ito, pag-aralan mo ang mga komunikatibong pahayag na bahagi ng araling pangwika na gagamitin
mo sa pagsasagawa ng isang social awareness campaign.
Mahalagang malaman mo ang wastong paggamit ng pahayag sa pagbuo ng isang sulatin o
proyekto. Sa pamamagitan nito, higit nating naipauunawa ang mga ibig ipahiwatig ng nagsasalita sa
LAS – Filipino 8 Pahina 1 ng 4
PAOMBONG HIGH SCHOOL, INC.
School Year 2022-2023
paraan ng kanyang mga paglalahad. Lalo na sa wikang Filipino, ang bawat pahayag na ating sinasabi ay
tumutugon sa anumang layunin at pangkomunikatibong pahayag gamit ang wika upang epektibo nating
maiparating ang ninanais na mensahe o reaksyon sa ating kausap o tagapakinig. Pansinin ang mga
sumusunod na pangungusap.

Paggamit ng Angkop na mga Komunikatibong Pahayag sa Pagbuo ng Isang Social


Awareness Campaign

1. Paggamit ng salawikain/kasabihang makikita sa poster


Halimbawa:
• “Sumunod ka sa konsensya mo, ngunit gamitin mo rin ang utak mo.”
• “Droga ay iwasan, salot ito sa bayan.”
• “Lingapin ang kapaligiran ng dengue ay maiwasan.”
2. Paggamit ng iba’t ibang uri ng pangungusap (paturol, pasalaysay, pautos, padamdam at patanong)
Halimbawa:
A. Paturol/Pasalaysay – pangungusap na nagkukuwento o nagsasalaysay. Nagtatapos ito sa tuldok. (.)
● Ang mga mabibigat na kagamitan ay dapat nakalagay sa ilalim na bahagi ng mga estante
B. Pautos – pangungusap na nag-uutos. Nagtatapos ito sa tuldok. (.)
● Lumayo sa mga poste ng may kuryente, pader at iba pang estruktura na maaaring
bumagsak o matumba.
C. Padamdam – pangungusap na nagsasaad ng matinding damdamin. Nagtatapos ito sa tandang
padamdam. (!)
● Mga paghahanda sa The Big One!
D. Patanong – pangungusap na nagsisiyasat o naghahanap ng sagot. Nagtatapos ito sa tandang
pananong. (?)
● Handa ka ba sa anumang sakuna?
3. Gumamit ng mga salitang naghuhumiyaw na kailangang mapansin ng mga mambabasa.
Halimbawa:
a. Huwag magpauna sa takot…
b. LINDOL!

Ngayong ganap na ang iyong kaalaman at kasanayan ay maaari mo ng planuhin at gawain ang iyong
pangwakas na gawain.

Inaasahang Pagganap – Kampanyang Panlipunan

Binabati kita at matagumpay mong nasagot ang mga gawain sa bawat aralin ng markahang ito. Nawa’y naging
makabuluhan sa iyo ang ginawa nating pag-aaral. Handang-handa ka na para sa Ikaapat na Markahan – ito ay
tungkol sa awit na isang Obra Maestra na pinamagatang “Florante At Laura”. Muli, maligayang paglalakbay sa
pagtuklas ng bagong karunungan!

Talasanggunian:

- Julian, Ailene Baisa G. et. al. Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma 8. Quezon City. Phoenix Publishing
House, Inc.
- Ambat, Vilma C. et. Al (2015). Filipino Modyul para sa Mag-aaral. Meralco Avenue,Pasig City. Philippines
1600. Vibal Group, Inc.
- Manlapaz, Carolina et. al. Gantimpala Pinagsanib na Wika at Panitikan Baitang 8 Sta. Manila IEMI
Innovative Educational Materials, Inc.
-

LAS – Filipino 8 Pahina 2 ng 4


PAOMBONG HIGH SCHOOL, INC.
School Year 2022-2023
LEARNING ACTIVITY SHEETS
FILIPINO 8
Pangalan: _______________________________ Baitang & Pangkat: _____________
Ika-30 Linggo Petsa: Marso 27-29, 2023
Inaasahang Pagganap – Pagbuo ng Isang Malinaw na Social Awareness Campaign

Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kaugnayan ng panitikang popular sa kulturang Pilipino
Pamantayang Pagganap
Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng kampanya sa panlipunang kamalayan sa pamamagitan ng
multimedia (social awareness campaign)
Inaasahang Pagganap
GOAL: Makabuo ng isang malinaw na social awareness campaign na may pagsusuri sa naging implikasyon
ng mga pangyayari sa panahon ng transpormasyon tungo sa makabagong panahon sa kanyang bansa,
komunidad, at sarili.
ROLE: Historian
AUDIENCE: Production Staff ng Lahi PH
SITUATION: Ang Lahi PH ay maglulunsad ng isang programa. Ito ay may layuning magsusulong ng
pagpapalaganap ng kamalayan sa sambayanan tungkol sa mga implikasyon ng mga pangyayari sa
kasaysayan. Bilang isang historian, ikaw ay inanyayahang magbahagi ng iyong pagsusuri sa mga naging
implikasyon sa bansa, komunidad at sarili ng mga pangyayari sa panahon ng transpormasyon tungo sa
makabagong panahon sa pamamagitan ng isang Social Awareness Campaign gamit ang multimedia na
isasama ng kanilang production staff sa isa sa mga episode ng programa.
PRODUCT: Social Awareness Campaign gamit ang multimedia.
PAMANTAYAN 20 puntos 15 puntos 10 puntos 5 puntos

Kaalaman sa Komprehensibo, Makabuluhan ang Napapanahon Hindi


panlipunang napapanahon at impormasyong nailahad ngunit kulang ang napapanahon at
kamalayan makabuluhan ang mga tungkol sa nailah ad na kulang sa
impormasyong nailahad pagpapaigting ng impormasyon. impormasyon ang
tungo sa pagpapaigting ng kamalayang panlipunan. nailahad.
kamalayang panlipunan.

Paraan at Mapanghikayat, kakaiba at Kakaiba ang Kawili-wili ang Hindi naging


orihinalidad ng kawili-wili ang paglalahad impormasyong nailahad paraan ng kawili-wili at hindi
kampanya ng mga impormasyon tungkol sa paglalahad ngunit rin naging
upang mabisang pagpapaigting ng karaniwan ang maparaan ang
maunawaan ng madla. kamalayang panlipunan. impormasyong paglalahad ng
nailahad. impormasyon.

Bisa ng Tiyak at angkop ang mga Wasto ang paggamit ng Wasto ang paggamit Hindi naging
pagpapahayag pahayag, masistema ang wika upang maunawaan ng wika ngunit maingat at naging
pagbuo at maingat ang ang mensahe o kulang sa mga maayos ang mga
paggamit ng wika upang impormasyong nais pahayag upang pahayag upang
lubos na maramdaman, iparating sa madla. maunawaan ang maunawaan ang
maunawaan at maantig ang mensaheng nais mensahe.
madla sa mga iparating sa madla.
impormasyon o mensaheng
inilahad.

LAS – Filipino 8 Pahina 3 ng 4


PAOMBONG HIGH SCHOOL, INC.
School Year 2022-2023

LAS – Filipino 8 Pahina 4 ng 4


PAOMBONG HIGH SCHOOL, INC.
School Year 2022-2023
LEARNING ACTIVITY SHEETS
FILIPINO 8
Pangalan: _______________________________ Baitang & Pangkat: _____________
Ika-30 Linggo Petsa: Marso 27-29, 2023
PAMANTAYAN 20 puntos 15 puntos 10 puntos 5 puntos

Pagkapraktikal Ang mga inilahad na Malinaw at Makabuluhan ang May mga


ng rekomendasyon ay kapakipakinabang para karamihan sa rekomendasyon
rekomendasyon nagmumungkahi ng sa lahat ang inilahad na inilahad na ng inilahad ngunit
kaisipang pangmatagalan rekomendasyon. rekomendasyon. mabuway ang
sa kamalayan ng madla. mga iminumungka
hing kaisipan.

Pagkamalikhain Angkop , natatangi at Angkop at madaling Angkop ang Nailahad ang mga
madaling maunawaan ang maunawaan ang paraang ginamit sa kaisipan subalit
paraang ginamit sa paraang ginamit sa paglalahad ng mga may kakulangan
paglalahad ng mga paglalahad ng mga kaisipan. sa detalye.
kaisipan. kaisipan.

KABUUAN:

LAS – Filipino 8 Pahina 5 ng 4

You might also like