Nobela Pirasong Alaala

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

PIRASONG ALAALA

EPILOGUE

Sa isang lupain na nababalot ng kadiliman at kalunos-lunos na kalungkutan may


umiiral na isang mapanglaw na kuwento ng pag-ibig na nakapalibot sa walang
katapusang siklo ng paghihiganti. Ang kwento ay umiikot sa dalawang taol na si
Amelia at Gabriel, kung saan ang kanilang mga buhay ay tuluyang nagbago dahil sa
isang kapalaran na ginawa ng kanilang pamilya

Si Amelia, isang naiibang dalaga namumukod tangi, nililok sa karikitan, mga matang
mapupungay, labing kulay rosas, kutis porcelain. nagmula sa isang mararangyang
pamilya kilala dahil sa kaniyang kagandahanan at karangyaan sa buhay. Anak ng
isang kilala at makapangyarirang pamilya.

KABANATA 1

Isang umaga sa Hacienda Louisville, sumama si Amelia sa kaniyang ama na si Gov.


Mariano Luis, isang kilalang tao dahil sa kapangyarihan at kayamanan. Ilang taon rin
ang lumipas ng huling dumadalaw si Amelia sa kanilang Hacienda. Nang makarating
ay kaagad na nagtungo si Amelia sa isang puno ng mangga at napa upo ito na para
bang may bahagi ng nakaraan na 'di niya maalala sa lugar na iyon, isang alala na 'di
makita, bahagi ng kaniyang pagkatao na 'di niya malaman.

Habang nakaupo, pinipilit buohin ang isang piraso ng kaniyang nakaraan ng


bumungad ang isang matangkad na ginoo na katayo sa kaniyang harapan.

"Binibi, bakit mag-isa ka nakaupo rito", usisa ni Gabriel.

"Isa ka ba sa mga trabahador ni pápa?" , tanong ni Amelia

Tumayo ang dalaga sa kaniyang kinauupuan ng tanungin ito ni Gabriel sa


pagaakalang isang haciendero nila.

"Sa suot kong 'to, pinagkamalan mo pa akong isang haciendero, naliligaw ako, nakita
kitang nakaupo rito na parang may bigat at lungot nakakubli sa iyong mga mata kaya
nilapatan kita". Pabirong sagot nito.

"Patawad, 'di ko kasi masyadong nakita ang iyong kasuotan dahil sa sikat ng araw,
akala ko kasi isa ka sa mga hac----", usisa ni Amelia

"shh... (pagpigil nito sa sasabihin ng dalaga) 'Ayus na, tulungan mo na lang ako, alam
mo ba papunta sa may veranda dito?" tanong ni Gabriel
"Oo, halika ka samahan na kita" alok ni Amelia

Naglakad ang dalawa sa malawak na hacienda nila Amelia. Isa ang kanilang pamilya
sa mga pinagkukunan ng bigas at asukal, malawak ang lupain nila para sa pagtatamin
ng palay, at kawayan.

Narating ni Gabriel ang verandang tinutukoy dahil sa tulong ni Amelia,

'andito na tayo, dumeritso ka roon makikita mo ang veranda malapit sa may pine
tree. maiwan na kita", ani ni Amelia bago iniwan si Gabriel

Bago pa man makapagpasalamt si Gabriel ay naglalakad na palayo si Amelia,


tinitigan niya na lamang ito dahil sa 'di man lang nito hinintay ang kaniyang sasabihin
at basta lang na tumalikod at nalakad pa layo.

Naglakad si Gabriel 'gaya ng sinabi ng dalaga, narating niya ang veranda at nakita ang
isang may edad na lalaki na nakaupo, bakas sa kasuotan ang mamahalin nitong
halaga Lumapit si Gabriel at ito'y kinamayan.

" magandang hapon po Governor Mariano Luis Chua, kinagagalak ko po na makilala


ka" ani ni Gabriel kay Gov. M.L

"Ikaw marahil si Gabriel Salvador! ang pinakabatang milyonaryo, kilala ka dahil sa


husay mo pagpapatakbo sa pinaka kilalang kompanya" tanong nito

"masyado naman po ang papuri na iyon, ngunit ako'y nagagalak sa iyong winika"
masyang tugon ni Gabriel sa papuri nito

"maupo ka, ano't bakit mo gusto mo akong makausap? kung ako'y 'di nagkakamali,
marahil sa ating negosyo" aniya ni Gov. M.L

"hindi na po ako magpapaligoyligoy, dahil alam ko na mahalaga ang bawat minuto sa


iyo, nais kung maging isa ang ating kumpanya, bilang isa sa pinaka kilalang supplier
ng bigas at asukal ng bansa. I want your company to be the supplier of FOOD Goods
Production" Ani ni Gabriel sa alok nito sa kausap

"malaki ang magiging impluwesya ng kompanya FOOD Goods Production sa mas


lalong paglaki ng aking kompanya, kaya pumapayag ako sa partnership na ito" usisa
nito kay Gabriel

Inilabas ni Gabriel ang papel ng konrta para sa kasunduan ng dalawang kompanya,


Ito'y nilagdaan nila pareho, matapos na malagdaan ay tumayo si Gabriel upang
kamayan si Gov. Mariano simbolo ng pagkakaibigan ng dalawa. Naglakad paalis si
Gabriel na may ekspresyo sa mukha na nakakakilabot.
KABANATA 2

kinabukasan naghanda ng kasiyahan ang ama ni Amelia ng matapos ang kasunduan


ni Gabriel. maraming masasarap na pagkain ang inilatag, kasama ang mga
mamahalin na mga kagamitan sa araw na iyon, at maraming decorations / palamuti
na bumuo sa pagdiriwang. inimbitahan ang lahat na mayayamang tao kasama si
Gabriel upang ibunyag sa lahat ang pagiisa ng kanilang kompanya. Marami ang
dumalo sa pagdiriwang na halos mapuno ang buong bahay.

Dumating ang isang Lamborghini na sasakyan na kumuha sa atensyon ng lahat ng tao


na naroon, lumabas ang isang binata na naksuot ng itim COAT na pinalamutian ng
rolex kung saan bakas ang kayaman nito, sa unti unti paglapit doon nila nakilala na si
Gabriel iyon.

Ng makikila si Gabriel ay kaagad na lumapit si Gov. Mariano Luis si Gabriel upang


salubongin ito, na may dalang baso ng wine. Habang si Amelia naman ay nakaupo
pinagmamasdan ang paguusap ng kaniyang ama at si Gabriel, ng lumapit ang
kaibigan nito na si Lilia.

"sino ang Gwapong binata na iyon na kausap ng iyong ama?? (masayang sambit nito)
siya na ba ang mapapangasawa mo a----" pagtatakang tanong nito kay Amelia

"tumahimik ka nga, 'di ko 'yan mapapangasawa, business partner yan ni pápá,


pagpipigil nito kay Lilia" usisa nito para pigilan sa pagsasalita ang kaibigan

"ang gwapo parang isang anghel na bumaba sa lupa para aking mapangasawa (gigil
nito) ayieeee..." usisa nito

"tumigil ka nga, para kang tanga jan" tugon nito sa makulit na kaibigan

Naglakad patungo sa deriksyon na kinauupuan nina Amelia at Lilia ang ama nito
kasama si Gabriel, kaya agad na pinagsabihan ni Amelia ang kaibigan na umayos ito
dahil parating ang kaniyang ama kasama ang pangunahing bisita nito na siya ring
hinahangaan ng kaibigan..

"gusto kong ipakilala sayo ang nagiisang unikaiha ko na siya ring magmamana sa
lahat ng aking kayaman" aniy ni Gov. M.L

Tumayo si Amelia at Lilia ng ipakilala sila kay Gabriel na kaagad naman nag-abot ng
kamay si Lilia, at sumunod si Amelia

"Ako nga pala si Lilia kapatid ni Amelia" ani nito sa mabilis na pagpapakilala

Dahil sa sinambit ni Lilia ay napalingon si Gabriel kay Don. Mariano Luis na may
tanong sa mukha dahil kababanggit pa lang nito na isa lang ang anak nito, na kaagad
naman na kinuha ni Amelia ang kamay ni Gabriel sa pagkakahawak sa kaibigan nito.
"Hello! ako nga pala si Amelia Montessori Chua, aniya

"Gabriel, Gabriel Salvador, ikaw pala ang anak ni Gov. Mariano Luis, yung babaing
nakaupo sa may magga. Hello!, pagpapakilala naman ni Gabriel

"sis! 'di mo nabanggit sa'kin na magkakilala pala kayo ni pogi" pabiro nitong sambit

"nagkita kasi kami noong sumama ako kay pápá sa Hacienda" tugon nito kay Likia

Matapos ng paguusap ay nagtungo si Gabriel at Gov. Mariano para batiin ang ibang
bisita na dumalo sa pagdiriwang. Biglang napaupo si Amelia dahil sa pagsakit ng ulo
nito, napahawak ito sa ulo dahil sa sakit na siya ring kinabahala ng kaibigan.

"ayus ka lang ba?? sumasakit na naman ba ang ulo mo?" nagaalang tanong nito sa
kaibigan

"wala lang 'to, Im just tired ill just need some sleep and it will be gone" tugon nito
kay Lilia upang 'di na magaalala

"samahan na kita sa taas! ----" bago pa man matapos ang sasabihin ng kaibigan ay
pinutol na ni Amelia "huwag na kaya ko naman, dito ka nalang para makapag enjoy
ka naman" ani nito

Tumayo si Amelia at naglakad ng dahan dahan patungo sa loob ng bahay ng napansin


ni Gabriel ang malumanay na paglakad ni Amelia kaya't palihim na sumunod ito
upang masiguro ang kalagayan ni Amelia. Nang pahakbang na si Amelia ay muntik na
itong matumba at napahawak sa may hagdan na siyang ikinabahala ni Gabriel at
napatakbo ito para maalalayan ng papalapit na siya ng tuluyang natumba si Amelia.

"Amelia! Amelia! imulat mo ang iyong mga mata" usisa ni Gabriel na mababakas ang
sobrang pagaalala

"Anong nangyari? Amelia! Amelia! maari mo bang buhatin sissy ko? dalhin natin sa
taas

saan ba kuwarto niya?" mabilis na tanong ni Gabriel

"doon sa may bandang kanan" tugon ni Lilia ng may pagaalala

Dahil sa hindi pagmulat ng mga mata ng dalaga ay dahan dahang inangat ni Gabriel
ang ulo ni Amelia at inilapat sa kanang bisig , sabay lagay ng kaliwang bisig sa binti at
naglaan ng lakas upang buhatin ito.

Humakbang ito ng may pagiingat hanggang sa umabot sa silid ni Amelia. dahan


dahang hiniga si Amelia sa kama ng may pagalalay ni Lilia habang umupo naman si
Gabriel sa tabi ng higaan habang pinagmamasdan ang tulog na dalaga
"dito ka muna pogi, kukuha lang ako ng maligamgam na tubig" ani ni Lilia kay Gabriel

"Bilisan mo lang baka kasi hinahanap na ako sa baba" tugon nito

Nang makaalis si Lilia ay pinagmamasdan naman ni Gabriel si Amelia at hinaplos nito


ang noon ng maalala ang nakaraan ng sabay naman na tumunog ang kaniyang
Cellphone na siyang ikinagulat nito.

"Hello! bakit ka napatawag?" Aniya

"Ano nakuha mo na ba ang dokumento na hinahanap mo sa bahay nila Amelia"


tanong ni Alfred ang matalik na kaibigan ni Gabriel

'di pa, I need first to gain the trust of this family to freely move and get those
documents, sagot nito sa kaibigan

"you need to make no mistakes, kailangan natin iyang mga dokumento para
mapatunayan ang mga kasamaan na nagawa niya sa mga magulang mo at corruption
ni Governor Mariano Luis, usisa ni Alfred

"Alam ko, ngunit mahalaga na 'di madamay si Amelia sa paghihiganti ko sa kaniyang


mga magulang" tugon nito nang biglang may marinig na nabasag mula sa kaniyang
likuran.

"wala akong narinig,kararating ko lang" takot na tugon ni Lilia kay Gabriel

"Lilia! come i here we need to talk" ani ni Gabriel

"Wala talaga akong narinig, na dulas lang ako ng papasok na ako, wala talaga akong
narinig" nanginging na sagot nito kaya nagtangka ito tumakbo ngunit kaagad
napigilan ni Gabriel bago pa man ito tuluyang makatakbo.

Ito'y kaniyang pinalo sa may leeg para 'di makapagpamiglas at tinawagan ulit ang
kaibigan nito

"Hello! fetch me here, we have a big problem, may nakarinig sa ating usapan,
kaibigan ni Amelia, bilisan mo at dito ka dumaan sa may likod upang walang
makakita" aniya

Mabilis na binulat ni Gabriel si Lilia at dumaan sa may kusina ng bahay upang walang
makakita sa kaniya kung saan sinalubong naman ito ni Alfred pagkalipas ng ilang
saglit.

"Gabriel! psst... Gabriel! I'm here" mahinang pagtawag ni Alfred kay Gabriel na
nakatayo buhat ang isang babae

"Halika tulungan mo ako rito" ani ni Gabriel


Ito'y kanilang ipinasok sa loob ng sasakyan at pinatakbo sa mabilis na pagmamaniho.
Nakarating sila sa mansion ni Gabriel at pinagpahinga si Lulia sa Guest room ng
nakatali ang kamay.

KABANATA 3

kinabukasan pagkagising ni Lilia napansin nito ang nakataling kamay kaya't siya ay
nagsisigaw ng malakas ng dumating naman si Gabriel dala ang umagahan nito

"Hoyy, nasaan ako? bakit mo ako dinala rito? may kasalaan ba akong nagawa?" galit
nitong tanong

"nandito ka sa bahay ko, at bago ka magtatalak magagahan ka mona" ani ni Gabriel


at "ayoko, baka may lason yan ---" ani nito na pinutol naman ni Gabriel

"kung plano ko mang patayin ka ide sana 'di kita dinala sa bahay ko" aniya

"ano ba kasi kailangan mo at dinala mo pa ako rito?" tanong ni Lilia

"alam kong narinig mo ang paguusap namin kagabi, ang plano namin sa pamilya ni
Amelia" aniya

'di ko naman lahat narinig ang paguusap niyo, kaya wala akong pake" tugon ni Lilia
kay Gabriel

"napagusapan namin ng kaibigan ko na gagamitin ka namin upang makuha ang


dokumeto na kinakailangan namin, babayaran kita ng dalawang milyon kapag
pumayag ka sa kasunduan at kapag nakuha mo ang pinapagawa namin may tatlong
milyon ka pang dagdag"ani ni Gabriel ng may panunukso

"ano ba kasi ang nagawa ng pamilya ni Amelia para gantihan niyo?" tanong ni lilia

"kumain ka mona at mamaya ko sasabihin ang dahilan sa aking paghihiganti" aniya ni


Gabriel at inihanda ang pagkain.

Natapos sa pagkain si Likia at nagtungo sa sala kung nasaan si Gabriel at Alfred

"maupo ka" ani ni Alfred

"napagisipan mo ba ang iniaalok ko sayo?" ani ni Gabriel

"bago ko sabihin ang desisyon ko, ano muna ang kuwento sa likod ng iyong
paghihiganti sa mga magulang ni Amelia, bago ko tuluyang ibigay ang sagot sa yung
tanong" matapang na sagot nito kay Gabriel
"Anak si Gabriel nina Jose Azumiel at Laurent Azumiel ang pinakamayamang tao sa
bansa, na niloko at pinapatay ng mga magulang ng kaibigan mo at ' di pa nakuntento
kinuha pa lahat ng kayaman na para kay Gabriel, kabilang na roon ang corruption ng
mga magulang ni Amelia" galit na sambit ni Alfred

"Ang documents na kinakailangan namin na makuha ay naglalaman ng mga


kasamaang nagawa ng mga magulang ni Amelia maging ang kayaman na ninakaw
nila sa aking mga magulang" usisa ni Gabriel

'di ko naman alam kung anong klase na documents ang kukunin at paano ko naman
na malalaman na iyon na yun?" tanong ni Lilia sa magkaibigan.

"madali mo iyong makiilala dahil naplano na namin ito, nakalagay lamang ito sa
kaliwang corridor na nasa likod ng family picture nila, iangat mo ang makikita mong
ballpen sa ibaba nito at makikita mo ang documents na nakalagay sa itim na
envelope" pagpapaliwanag ni Gabriel kay Lilia

"kinakailangan mo na magingat na 'di ito malaman ni Amelia labas siya sa mga plano
na ito" ani ni Alfred

"paano niyo nasusiguro na gagawin ko ang pinapagawa niyo? paano kung traydorin
ko kayo? anong gagawin niyo" pananakot na tanong ni Lilia

"kailangan mo ng pera para makapagtapos ng pagaaral sa kolehiyo kung saan


nagaaral din si Amelia, isang pribadong paaralan na para lamang sa mayayaman,
kayat alam ko na 'di mo ito tatanggihan" panunukso ni Alfred kay Lilia

"so we have a deal! Lilia? kung nakapag desisyon ka na, sign here, ani ni Gabriel

Na kaagad namang nilagdaan ni Lilia ang papel simula ng kanilang kasunduan.

KABANATA 4

Si Gabriel ay ang anak ng pinakamayamang pamilya sa bansa, dahil sa kayaman at


kapangyarihan umusbong ang alitan ng mga Azumiel at Chua na minsang naging
magkaibigan ngunit dahil sa kasakiman ng mg magulang ni Amelia sa kayaman at
kapangyarihan ng pamilya Azumiel na tumupok sa pagkatao ng pamilya Chua at
nagawa ang karumaldumal na kasalanan, nang ipapatay ni Gov. Mariano Luis
Montessori Chua ang mga magulang ni Gabriel at ninakaw lahat ng pag-aari at pera
ng mga magulang ni Gabriel.

Ngunit sa kabila ng matinding alitan ng kanilang mga pamilya, natagpuan ni Amelia


at Gabriel ang kaligayahan nila sa piling-isat-isa. Lumago ang kanilang nararamdaman
sa isat isa
Ngunit ang mga lihim na pagkikita nila ay sumuklab ng mga nakaw na sandali ng
kaligayahan, sa kabila ng Pag-iibigan ang bigat ng galit at hidwaan ng kanilang mga
pamilya ay lumulutang sa kanila tulad ng isang madilim na ulap. Isang mapanganib
na gabi, ang trahedya ay sumalakay nang matuklasan ni Amelia ang kasamaang
nagawa ng kaniyang mga magulang sa pamilya ng lalaking minamahal, ang pagpatay
at pag-angkin sa kayaman nila Gabriel ng mga magulang ni Amelia.

nagawa mo pa ang pinapagawa ko sayo? napatay mo mo ba si Jose Azumiel at mag-


ina nito? usisa ni Gov. M.L sa kausap nito sa telepono ng marinig nitong may nabasag
at nakita ang gulat at takot na si Amelia

"Pápá! too ba ang narinig ko?" usisa ni Amelia sa Ama

"hindi sa ganun yun anak, gusto lamang kitang protektahan" sambit ng ama

"protektahan sa ano? ang pagpapatay?" umiiyak na sambit ni Amelia at tumakbo


palayo sa ama

dahil sa nalaman ni Amelia na 'di siya makapaniwala ay naglakad ito ng naglakad


hanggang sa ' di nito namalayan na nasa daan na pala siya, huli na ng makapgpigil
ang nagmamaniho at tuluyang nasagasaan si Amelia.

Mabilis na isinugud si Amelia sa ospital ng kaniyang ama na humabol at nakasaksi sa


nangyari sa anak.

Mahigit isang taon ring nakaratay sa ospital si Amelia dahil sa aksidente na nangyari
hanggang isang araw ng imulat nito ang mga mata, nagtataka sa mga pangyayari ng
lumapit ang mga magulang nito upang tignan ang kalagayan niya

"sandali tatawag ako ng doctor" sambit ng ina at nagmamadali na tumawag ng


doctor

"kumsta anak maayos na ba kalagayan mo? may naalala ka ba sa mga nagyari sayo
bago ka ma-aksidente?" tanong ni Gov. M.l sa anak ng may pangamba

ngunit titigan lang siya nito na may takot sa mga mata at nagsisigaw, "mamamatay
tao ka, masaka ka" paulit ulit na pagsambit nito sa ama

"Amelia! anong nangyayari sayo?" pag-aala ng ina na tumatakbo patungo sa higaan


ni Amelia kasama ang isang doctor at nurse.

Tinurokan si Amelia ng pampakalma at nakatulog ito.

"Akala ko ba maaring magka-amnesia ang anak ko dalhin isang taon rin siyang
comatose, eh bakit may naalala pa rin siya?" galit na sambit ni Gov. M.L
"minsan lang po mangyari ang ito sa patient" tugon ng doctor sa galit na si Gov. M.L

"wala bang paraan para mabura lahat ng alala niya? ayoko na maalala niya ang lalaki
na maaring sumira sa kinabukasan niya" aniya

"mayroong paraan, isang gamot na maaring bumura sa alala ng isang tao ngunit
mayroong masamang epekto ito, ang early onset-dementia" sambit ng doctor

"wala akong pakialam basta kinakailangan na mawala sa isip ng anak ko ang lalaki na
sisira sa buhay niya" galit na sambit nito sa doctor

"bago ko po gawin ang procedure na iyon kinakailangan nito po na pumirma bilang


consent na pumapayag kayo" usisa ng doctor na kaagad naman na nilagdaan ni Gov.
M.L

Bumalik sa dati ang lahat para sa mga magulang ni Amelia habang wala namang
maalala si Amelia sa kaniyang nakaraan maging sa lalaking pinakamamahal

KABANATA 5

Dumating si Lilia sa bahay nila Amelia

"saan ka galing? ba't 'di ka man lang nagpaalam kagabi, nagaala si yaya Lucing sayo"
pag-aalalang sambit ni Amelia

"ahh... doon sa---- gaaling ako sa bahay ng kaibigan ko" mabilis na tugon ni Lilia

"sana nagpaalam ka man lang kay yaya Lucing buong gabi siya sayo naghintay" ani ni
Amelia

"ok, ok, nasaan ba daddy at mommy mo? bakit parang 'di ko sila makita ngayon?"
usisa ni Lilia

"maagang umalis may meeting daw sila at baka gabihin sila sa paguwi" sambit ni
Amelia

"Sige maliligo muna ako" kinakabahang sambit nito at umalis

"ano bang meron sa kaniya ngayon, haysttt ang weird" sambit ni Amelia at nagtungo
sa kaniyang kwarto
Nang makapasok si Amelia sa kaniyang kuwarto at kaagad namang pumuslit si Lilia
para makapsok sa loob ng opisina ni Gov. M.L, dahan dahang iginala ang mga mata
ng makita ang family picture sa kaliwang corridor ng papalapit na siya ay naakit ang
kaniyang mga mata ng yayamaning upuan kaya saglit na umupo at umikot ikot

"ang lambot naman ng upuan na ito" sambit ni Lilia

naglakbay ang mata hanggang mapansin ang isang babsaging bote na may lamang
kulay ginto na papel kaya agad na kinuha niya ito at binuksan ng tumabad ang papel
na magpapatunay sa ginawa ng mga magulang ni Amelia

"They trampled Amelias's memory, what kind of parents will do this kind of evil to
thier daughter" gigil na sambit nito ng madulas at mabitawan ang bote (basag na
tunog)

Dahil sa ingay ay kaagad na lumabas si Lilia sa opsina baka mahuli siya ni Aling Lusing
na kasambahay ng Pamilya ni Amelia at ang ina ni Lilia

pagkalabas niya ay nakita niyang pababa si Amelia kaya kinalma nito ang sarili ng
tawagin siya ni Amelia

"Li! may narinig ka ba sa opisina ni daddy? parang may narinig kasi akong nabasag"
tanong nito

"wala naman, kanina pa akong nakaupo didto sa sala pero wala naman akong
narinig" nanginginig na tugon ni sa kaibigan

"Ganun ba" sambit ni Amelia at bumalik din sa kuwarto.

Dahil sa natuklasan ni Lilia na maaring dahilan na pagsakit ng ulo ng kaibigan at mga


biglaang pagkawala ng alala nito na marahil sa gamot na pinapainom ng kaniyang
mga magulang

"ano ba ang alam ni Amelia na gusto ng kaniyang mga magulang na mawala?"


pagtatakang tanong sa sarili at nagtungo sa banyo

KABANATA 6

Nang makuha ni Lilia ang dokumento na hinihingi ni Gabriel ay kaagad na tumawag


ito

"nakuha ko na ang dokumento na kailangan niyo" sambit ni Lilia

"Magaling, bukas dalhin mo sakin dito sa mansion" tugon ni Gabriel


"ngunit may dokumento akong nakita, may kaugnayan sa minsan na pagkawala ng
mga alala ni Amelia, nakalagay rito early onset dementia ang side effects sa gamot
na pinapa inom sa kaniya ng kaniyang mga magulang" Ani ni Lilia

"ganun ba,, bukas dalhin mo rito si Amelia sa mansion at doon natin malalaman kung
too ba ang sinasabi mo" sambit ni Gabriel

Matapos ng paguusap ni Gabriel at Lilia ay kaagad na binaba ni Gabriel ay cellphone


dahil sa impormasyon na ibinigay ni Lilia tungkol sa babaing minsan niyang minahal.

"Anong problems? bakit parang binagsakan ka ng langit" biro ni Alfred sa kaibigan

"nagaalala ako sa maaring maging epekto ng aking paghihiganti sa mga magulang ni


Amelia, Lalo na nung sinabi ni Lilia na may gamot na pinapainom ang kaniyang mga
magulang para mawala ang mga traumatic incidents, baka mas lalong makasama Kay
Amelia ang aking gagawin sa kaniyang pamilya" nagaalalang Wika ni Gabriel

"gusto mo na ba ito itigil? sa kabila ng mga nagawa ng pamilya ng babaing iyong


minamahal?" tanong ni Alfred

'di naman sa ganun, nagaalala lang ako para kay Amelia" sagot ni Gabriel sa kaibigan

"ikaw mismo ang magdedesisyon sa huli, kung gusto mong itigil ito, alalahanin mo
ang ginawa nila sa pamilya mo" payo ng kaibigan ni Gabriel

Kinabukasan dumating si Lilia Kasama si Amelia sa mansion ni Gabriel gaya ng


kanilang napagusapan, sinalubong ni Gabriel ang dalawang bisita

"Amelia we're in Gabriel mansion, dinala kita rito dahil gusto kaniya na makausap"
sambit ni Amelia

"Why? abo--" usisa nito ngunit di natapos ng dumating si Gabriel

"Hello girls, sorry for waiting you" pagbati ni Gabriel

"Maiwan na kita muna Amelia Kay Gabriel may kukunin lang ako" Ani ni Lilia at
umalis

"sorry kong pinapunta kita rito, may gusto lang akong malaman" sambit ni Gabriel

"ok lang naman, at ano ba iyon na gusto mong malaman?"

"pinapainom ba sayo ang gamot na ito ng parents mo" tanong ni Gabriel kay Amelia

" paano mo nalaman ang gamot ko na iyan?" sagot ni Amelia

"para saan ba ang gamot na ito na pinapainom ng parents mo sayo?" sambit ni


Gabriel
"para sa palaging pagsakit ng ulo ko, bakit ba?" sagot niya

"totoo nga, your parents been deceiving you all this time, pinapainom nila sayo ang
gamot na alam nilang maaring pumatay sayo" sambit ni Gabriel na may galit

"ano ba pinagsasabi mo, ' di Yan kayang magawa ng parents ko" naiiyak na sagot nito
at tinulak si Gabriel

" your parents was killing you,(pinakita ang documents na magpapatunay sa sinasabi
ni Gabriel) they were trying to hide something na alam mo about their evil deeds--- "
pag-aala ni Gabriel ngunit 'di natapos ng unti unti ng nasasaktan si Amelia sa
katotohanan na ginagawa ng kaniyang mga magulang sa kaniya.

Dahil sa mga sinabi ni Gabriel na dumurog sa puso ni Amelia, tumigil sa pagsasalita si


Gabriel ng mapaupo si Amelia habang nakahawaknsa Ulo na nilalabanan ang sakit at
napasigaw ito sa sobrang sakit.

"ano ba itong nakikita ko? si ba itong mga tao na ito?" na guguluhang sambit ni
Amelia

"bumabalik na Ang mga alala mo? nating dalawa?" usisa ni Gabriel kay Amelia
hanggang sa tuluyang natumba si Amelia

Hiniga ni Gabriel si Amelia sa may sofa at naghintay hanggang sa gumising ito.

"Gabriel! Gabriel my parents ruin your family, they killed them, I'm sorry, I'm really
really sorry Gabriel" umiiyak na sambit ni Amelia sa mismong pagmulat ng mata

" I know, don't feel sorry it wasn't your fault, na alala mo na ba ang lahat Amelia?"
sambit ni Gabriel

"yes Gabriel I already remember everything, everything between us" umiiyak na


sambit at yumakap Kay Gabriel

Ang saglit na kasiyahan na bumungad kay Gabriel ng bumalik ang alala ng babaing
minahal ay agad ding nawala ng bumalik ang pananakit ng ulo ni Amelia na bumura
sa lahat ng pangyayari ng araw na iyon.

"sino ka? nasaan ako? bakit ako Naruto?" takot at naguguluhang tanong ni Amelia
habang nakahawak sa ulo

"huwag Kang magbiro Amelia, di nakakatawang biro 'to" takot na sambit ni Gabriel

"sino ka ba? bakit ako nandito? sambit ni Amelia at sumigaw ng malakas

Dahil sa malakas na pagsigaw ni Amelia ay narinig ito ni Lilia at mabilis na nagtungo


Kay Amelia
"Anong nangyari Gabriel? bakit sumisigaw si Amelia" nagaalala tanong ni Lilia

" di ko rin alam, kanina saglit na bumalik ang kaniyang alala hanggang sa sumakit ulit
ang kaniyang ulo at wala uli' siyang maalala"

"uuwi Mona kami, kapag kumalma na siya Saka natin ulit subukan na ibalik ang
kaniyang alala" Wika ni Lilia at sumakay sa kotse Kasama si Amelia

Matapos ng nagyari ay naging malinaw Kay Gabriel ang lahat na ang kinakailangan na
maging handa siya kung lalaban niya ang mga Chua, dahil 'di magiging madali ang
pagkamit niya ng hustisya para sa namayapang magulang at unti unting pagpatay sa
kalayaan ni Amelia. Kaya maingat na pinaghandaan ni Gabriel Kasama si Alfred na
Kasama niya sa planong pagpapabagsak sa mga magulang ni Amelia na ubod ng
kasamaan.

Ang Kwento ay magpapatuloy sa Ikalawang Yugto ng PIRASONG ALAALA

_______________________MGA TAGAGANAP sa KWENTO_____________________


BSED 2 - FILIPINO
_____________________________________________________________________
______

Basierto, Jhoric James Brenzuela, Marian


Bate, Kathlene May Sabala, Meldy
Nazam, Renalyn Saludario, Jenny Rose
Otias, Cindrea Tumandao, John Aenon
Quinia, Shane

_____________________________________________________________________
______

You might also like