Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Pangalan: Iskor

Baitang & Seksyon: Petsa:

A. Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

Basahin at unawain mabuti ang talaarawan at sagutin ang mga sumusunod na tanong. (1-3 items)

Hulyo 21, 2020

Mahal kong Talaarawan,

Bertdey ko. Maaga akong nagsimba. Naghanda si nanay ng pansit, puto, at


spaghetti kaya inimbita ko ang ilan sa aking mga kaklase. Binigyan ako ni nanay ng 500 kaya
nagpunta ako sa mall. Ibinili ko ng notbuk iyong 180, ng belt iyong 150 at nanood ako ng sine.
Idinagdag ko sa baon ko iyong natirang pera

- Jose

______ 1. Sa talaarawang binasa mo, ano ang espesyal na okasyon sa araw na


iyon sa buhay ng sumulat nito?
A. Kaarawan ni Jose C. Kaarawan ng nanay ni Jose
B. Kaarawan ng tatay ni Jose D. Kaarawan ng kapatid ni Jose
______ 2. Kailan isinulat ang talaarawan?
A. Mayo 21, 2020 C. Hulyo 20, 2020
B. Hunyo 21, 2020 D. Hulyo 21, 2020
______ 3. Saan pumunta si Jose nang bigyan siya ng kaniyang nanay ng pera?
A. Sa kaniyang mga kaibigan C. Sa mall
B. Sa sine D. Hindi siya umalis
______ 4. Dito nakalagay sa bahaging ito ang huling pagbati ng may akda.
A. Bating Pangwakas C. Lagda
B. Bating panimula D. Katawan ng Talaarawan
______ 5. Dito sinasaad ang saloobin o ang mahahalagang nangyari sa may
Akda.
A. Petsa C. Bating Panimula
B. Katawan ng Talaarawan D. Bating Pangwakas

337 A. Bonifacio Ave. San


Jose Quezon City, Manila
January 17, 2010

______ 6. Anong bahagi ng liham ang nasa loob ng kahon sa itaas?


A. Bating Panimula C. Petsa
B. Lagda D. Pamuhatan

Bilang aking guro, hindi lamang po kayo nagturo ng mga aklat at leksyon,
kundi binigyan ninyo rin ako ng inspirasyon at lakas ng loob na harapin ang mga
hamon ng buhay. Ang inyong mga payo at gabay ay hindi lamang nagamit sa
paaralan kundi maging sa mga personal kong buhay.

______ 7. Anong bahagi ng liham ang nasa loob ng kahon sa itaas?


A. Katawan C. Bating Panimula
B. Pamuhatan D. Bating Pangwakas

Kaibigan kong Gemma,

______ 8. Anong bahagi ng liham ang nasa loob ng kahon sa itaas?


A. Bating Pangwakas C. Lagda
B. Pamuhatan D. Bating Panimula

Iyong Kaibigan,

______ 9. Anong bahagi ng liham ang nasa loob ng kahon sa itaas?


A. Lagda C. Bating Pangwakas
B. Bating Panimula D. Katawan
______ 10. Isinusulat ang mensahe o ang nais ipabatid sa _____.
A. Liham B. Talaarawan

B. Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung tama ang tuntunin sa pagsulat ng liham at talaarawan.
Lagyan naman ng (x) kung hindi ito bahagi ng tuntunin.

______ 11. Ang mga pangungusap ay dapat magsimula sa malaking letra/titik.


______ 12. Mahalaga ang paglalagay ng pangalan ng kung sino ang
nagpadala ng liham
______ 13. Ang bawat pangungusap sa bawat talata ay dapat na nakapasok o may indention.
______ 14. Hindi mahalaga ang pagsasaalang-alang ng wastong espasyo sa
bawat bahagi ng liham at talaarawan.
______ 15. Sundin ang tamang bantas na dapat gamitin upang maliwanag na maipahayag ang
mensahe.

16-20 – (5) limang puntos para sa pangkalahatan. Gawan ng isang pangungusap ang bawat
aspekto ng pandiwa.
21-25 – (5) limang puntos para sa pangkalahatan. Gawan ng isang pangungusap kada uri ng
pandiwa.

26-30 – (5) limang puntos para sa pangkalahatan. Gawan ng isang pangungusap kada tinig ng
pandiwa.

You might also like