kapistahan taon-taon. Ang lahat ay nananabik sa pagdating ng araw na ito. Panahon ito ng pagkikita-kita ng mga magkakamag- anak, magkakaibigan, magkakakilala at magkakapamilya.
Halos lahat ay nagiging abala sa pag-aayos ng sari-sariling
bahay. Ang iba naman ay nagbibigay ng oras sa pagkakabit ng banderitas. Bawat pamilya, mahirap man o mayaman ay may mga handang pagkain upang may maihain sa panauhing darating.
Simple man o magarbong paghahanda tuwing kapistahan,
ang diwa ng pasasalamat sa Poong Maykapal sa mga biyaya sa nagdaang taon ay hindi mawawala sa puso ng bawat Pilipino.
Marinang Mapalad
Si Marina ay isang batang ulila. Bata pa siya ay namatay na
ang kaniyang mga magulang sa isang aksidente. Kay nga’t siya ay kinupkop ng kaniyang tiyahin na walang anak. Itinuring siya na parang tunay na anak. Pinag-aral siya. Ibinili ng lahat ng kaniyang pangangailangan. At higit sa lahat binigyan ng isang pamilya na kaniyang matatawag. Tunay na mapalad si Marina.
Huwag Mawalan ng Pag-asa
ni Jenny-Lyn U. Trapane
Masayang nagkukuwentuhan ang mag-iina habang hinihintay si
Mang Lando na umuwi mula sa kaniyang pinagtatrabahuhan. Maya- maya ay humahangos na dumating si mang Ador. Ibinalita niyang dinala sa ospital si Mang Lando. Agad-agad nagtungo ang mag-iina sa ospital kung nasaan si Mang Lando. Nagpapahinga na siya nang dumating ang kaniyang pamilya. “Salamat sa Diyos at ligtas na ako. Nag-alala ako dahil iniisip ko kayo. Paano na tayo ngayon at di pa ako makapagtrabaho?” malungkot na sabi ni Mang Lando. “Huwag kang magsalita ng ganya. Ang mahalaga ay ligtas ka na,” nakangiting wika ni Aling Elena. Halos magkakasunod nagsalita ang kanilang mga anak. “Opo nga, itay. Hayaan po ninyo at lalo pa naming pagbubutihin ang pag-aaral. Magtitipid rin po kami sa aming kagamitan.” “Salamat mga anak. Hayaan ninyo, kapag malakas na ako ay maghahanap agad ako ng bagong trabaho,” sambit ni Mang Lando. “Alam kong hindi tayo pababayaan ng Diyos. Halina kayo. Sama- sama tayong magdasal. Huwag tayong mawalan ng pag-asa,” yaya ni Aling Elena. Naniniwala ang Pamilya Reyes na malalampasan nila ang pagsubok sa kanilang pamilya kapag sila ay sama-samang nannalig sa Diyos.
Limang Tulog ni Florenda B. Cardinoza
Limang tulog na lang. Nasasabik na ako. Mamamasyal
kami sa Maynila. Naisip ko tuloy ang mga naglalakihang gusali. Ang maiingay na busina ng mga sasakyan at mga taong parang langgam sa dami at sa bilis ng lakad.
Naisip ko rin ang mga bibilihin kong gamit sa paaralan.
Kailangan ko ang lapis, ruler, kuwaderno, bag, at sapatos. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Kinabukasan maaga akong nagising. Ang sakit ng ulo ko.
Giniginaw rin ako. Paano na ako makasasama sa Maynila? Pagpasok ni Nanay, may dala siyang isang basang bimpo at gamot.