Professional Documents
Culture Documents
PAGSULAT
PAGSULAT
KOGNITIBO
SALIK
BISWAL NA DIMENSYON
PAGSULAT
PAGSASALITA
SIKOLOHIKAL
SALIK
LINGGWISTIK
PAGSULAT
PAGSASALITA
SALIK
ORAL NA DIMENSYON
PAGSASALITA
Pagsulat bilang Multi-Dimensyonal na Proseso by Mary Jubelle Manatad (prezi.com)
B akit maraming mag-aaral ang natatakot sumulat ng komposisyon? Sadya
nga bang mas mahirap magsulat kaysa magsalita?
2. Habang Sumusulat
Sa bahaging ito, naisusulat ang unang borador na ihaharap ng bawat mag-
aaral sa isang maliit na grupo upang magkaroon ng inter-aksiyon kung saan
tatalakayin ang mga mungkahing pagbabago mga puna. Karaniwang tuon ng
bahaging ito ang halaga ng paksa, kabuluhan ng pag-aaral, at lohika.sa loob
ng sulatin. Sa puntong ay hindi matatawaran ang halaga ng ibang taong
makababasa ng sulatin dahil mayroon silang nakikita na kadalasan ay
nakaligtaan ng manunulat o hindi lamang naiayos dahil alam na niya ang
aralin.
3. Pagkatapos Sumulat
Sa bahaging ito, ginagawa ang mga pagbabago sa pamamagitan ng
pagdaragdag, pagkakaltas, at paglilipat-lipat ng mga salita, pangungusap, o
talata. Bilang pangwakas na hakbang, pagtutuonan na ang mekaniks ng
sulatin tulad ng baybay, bantas, at gramatika.
1. Panimula
Dapat bigyan ng kaukulang pansin ang panimula ng tekstong isusulat. Ang
bahaging ito ay nararapat na maging kawili-wili upang sa simula pa lamang
ay mahikayat ang mambabasa na tapusing basahin ang teksto.
2. Katawan
Sa pagsulat ng bahaging ito, matatagpuan ang wastong paglalahad ng mga
detalye at kaisipang nais ipahayag sa akda. Mahalagang magkaroon ng
ugnayan at kaisahan ang mga kaisipang ipinahahayag upang hindi malito ang
mambabasa dahil ito ang pinakamalaking bahagi ng teksto. May tatlong
hakbang para maisagawa ang panggitnang bahagi ng sulatin.
Pagpili ng organisasyon
Pagbabalangkas ng niialaman
Paghahanda sa transisyon ng talataan
3. Wakas
Dapat isaalang-alang ng manundat ang pagsulat ng bahaging ito upang
makapag-iwan ng isang kakintalan sa isip ng mambabasa na maaaring
magbigay buod sa paksang tinalakay o mag-iiwan ng isang makabuluhang
pag-iisip at repleksiyon.
Sa pagsulat natin ng teksto ay nagsisimula tayo sa isang blankong papel patungo sa isang
kumpletong sulatin. Kaya lang, nagkakaroon tayo ng suliranin kung paano at saan kukuha
ng mga kailangang impormasyon na siyang pupuno sa mga pahina. Sinasabing mahirap
ang magsulat lalo na kung hindi natin alam ang ating isusulat.
Sa pagsulat, walang taong magtatangkang sumulat kung walang plano sa dapat isusulat.
Dapat isaisip at planuhin ang susulatin sa gayon kailangan ang pagkokolekta ng mga
impormasyon kaugnay sa nabuong ideyang isusulat. Dapat tandaan sa pagsulat ang
magiging epekto ng akda sa mambabasa.
Hindi madaling magsimula ng susulatin dahil kaharap mo ang isang blankong papel.
Naghihintay ka sa pagdaloy ng isip o talagang wala kang maisip. Ito ang karaniwang
nasusumpungan ng mga manunulat lalo na ang mga baguhan.
Ang isang manunulat ay maaaring makakukuha ng mga ideya o paksa sa: (a) iba’t ibang uri
ng babasahin tulad ng mga magazine, pahayagan, peryodikal; (b) ,midya – radyo,
telebisyon, internet; (c) mga pelikula o dokumentaryo; (d) mga sining biswal; (e) mga
panaginip o alaala; (f) diskusyon at palitang-kuro; (g) pagsasatao at pagsasadula; (h)
pananaliksik; (i) interes ng sarili o ng klase.
Hindi lahat ng manunulat ang nakabubuo ng magandang sulatin sa isang upuan lamang.
Ang isang magandang sulatin ay dumadaan sa ilang yugto ng pag-unlad mula sa burador
hanggang sa pinal na papel.
Isang hamon sa mga estudyante ang mga gawaing pasulat. May mga estudyante na
nahihirapan sa gawaing ito sapagkat hindi nila nakasanayan, nakakatamaran, o hindi nila
nakakahiligan ang pagsulat. Ang mga katuwirang ito ay maaaring palagay lamang. Ang
totoo nito, magagawa natin ang pagsulat nang maayos kung susundin natin ang pagsulat
na isang proseso at hindi isang gawain na dala lamang ng pangangailangan.
Bilang isang proseso, ayon kina Graves (1982), Murray (1985), at Arrogante (2000), ang
pagsulat ay binubuo ng mga sumusunod na hakbang: (A) Bago Sumulat; (B) Pagsulat ng
Burador; (C) Pagrebisa; (D) Pag-eedit; at (E) Paglalathala.
- Ito’y isang estratehiya tungo sa pormal na pagsulat. Ito ang unang hakbang na isasagawa
sa pagpapaunlad ng paksang isusulat. Ang gawaing ito ay maaaring ginagawa nang isahan
o nang pangkatan.
C. Pagrebisa
- Ito’y pagbabago at muling pagsulat bilang tugon sa sagot sa mga payo at pagwawasto
mula sa guro, kamag-aral, editor o mga nagsuri.
- Pangunahing konsern ng rebisyon ang pagpapalinaw sa mga ideya. Ginagawa ito upang
suriin ang teksto at nilalaman para matiyak ang kawastuhan, kalinawan at kayarian ng
katha na madaling maunawaan ng babasa.
- Sa bahaging ito, iniwawasto ang mga inaakalang kamalian, binabago ang dapat baguhin
at pinapalitan ang dapat palitan.
D. Pag-eedit
E. Paglalathala
- Ang paglalathala ay pakikibahagi ng nabuong sulatin sa mga target na mambabasa.
Kabilang sa gawaing ito ang mga sumusunod: