Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

6

Department of Education-Region III


TARLAC CITY SCHOOLS DIVISION
Juan Luna St., Sto. Cristo, Tarlac City 2300
Email address: tarlac.city@deped.gov.ph/ Tel. No. (045) 470 - 8180

Filipino
Quarter 2: Week 3
Learning Activity Sheets

0
FILIPINO 6
Pangalan: _________________________________ Ikalawang Markahan – Ikatlong Linggo
Pangkat: __________________________________Petsa: _________________________

Nagagamit nang Wasto ang Kayarian at Kailanan ng Pang-Uri sa


Paglalarawan sa Iba’t Ibang Sitwasyon

Panimula (Susing Konsepto)


Sa paglalarawan ng isang tao, bagay, lugar o pangyayari ay inilalahad natin ang
anyo, kulay bilang at iba pang taglay na katangian nito. Nagagawa natin ito sa
pamamagitan ng paggamit ng mga salitang naglalarawan. Ang tawag sa mga salitang ito
ay pang-uri. Higit na nagiging malinaw ang paglalarawan gamit ang mga pang-uri sa iba’t
ibang kayarian o pagbubuo.
Upang higit na maunawaan ang araling ito ay iyo munang basahin at unawain ang
usapan ng magkaibigan sa ibaba.

Gail: Kung hindi lamang nagkaroon ng pandemya sa Covid-19 malamang


ay nagtungo na ang aming mag-anak sa Boracay noong bakasyon.

Abby: Oo nga, ano? Nais ko ring makarating sa lugar na iyan na kilala


bilang paboritong pasyalan ng mga turista.

Gail: Tama ka, hindi mahulugang-karayom ang mga taong dumarayo


roon. Bukod sa kaaya-aya ang tanawin ay malinis pa ang mga
baybayin na mayroong puting buhangin.

Abby: Sana ay matapos na ang banta ng COVID-19 at sabay tayong mag-


bakasyon sa Boracay!

Gail: Magandang ideya ‘yan, Abby! Naniniwala akong mangyayari iyan dahil
ikaw ay may dilang-anghel. Ngunit habang wala pang bakuna para sa
virus at hindi pa ligtas ang mamasyal sa ibang lugar ay ituon na muna
natin ang isipan sa pag-aaral kahit tayo ay nasa bahay lamang.

Abby: Sang-ayon ako sa tinuran mo, Gail.

1. Saan nais mamasyal ng magkaibigan? ________________________________


2. Paano inilarawan ni Gail ang Boracay? ________________________________
3. May lugar ka din bang nais pasyalan? Ilarawan mo ito.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
____________

1
Bigyang-pansin ang mga salitang ginamit sa usapan. Paano binuo ang mga ito?
kilala malinis kaaya-aya dilang-anghel
Narito pa ang ibang halimbawa. Pansinin ang pagkakabuo ng mga ito.

A B C D
paborito maputi kawili-wili mahulugang-karayom
ligtas maganda tuwang-tuwa bukas-palad
likas palatawa masayang-masaya sunog-kilay

Ang mga salita sa hanay A ay binubuo lamang ng salitang-ugat. Ang mga salitang
ito ay kabilang sa mga pang-uring payak.

Ang mga salita sa hanay B ay binubuo ng salitang-ugat at panlapi kaya sila ay


nabibilang sa mga pang-uring maylapi.

Ang mga salita sa hanay C ay nabuo sa pamamagitan ng pag-uulit ng salitang-ugat


o ng buong salita kaya ibinibilang sila sa mga pang-uring inuulit.

Ang mga salita sa hanay D ay binubuo naman ng pinagtambal o pinagsamang


dalawang salita. Ito ay mga pang-uring tambalan.

Tandaan: Ang pang-uri ay may apat na kayarian: payak, maylapi, inuulit at tambalan.

Bukod sa kayarian, may tatlong kailanan din ang pang-uri. Ang mga ito ay:

1) Isahan – tumutukoy sa iisang inilalarawan


Halimbawa: Maputi ang buhangin sa dagat.

2) Dalawahan – higit pa sa isa ang inilalarawan


Halimbawa: Magkasingputi ang kamiseta ko at kamiseta ng kapatid ko.

3) Maramihan – higit sa dalawa ang inilalarawan


Halimbawa: Mapuputi ang mga turistang dumarayo sa Boracay.

Higit na nagiging malinaw at kasiya-siya ang ating paglalarawan ng mga bagay, tao,
lugar o pangyayari gamit ang mga pang-uri sa iba’t ibang anyo (kayarian) at kailanan.
Ang mga inihandang pagsasanay sa tulong-aralin na ito ay naglalayong palawigin
ang iyong kasanayan sa wika gamit ang mga kayarian at kailanan ng pang-uri. Nawa’y
gabayan ka nito sa iyong pagsagot at pagsasagawa ng mga gawain.

Handa ka na ba?

Kasanayang Pampagkatuto:
Nagagamit nang wasto ang kayarian at kailanan ng pang-uri sa iba’t ibang
sitwasyon.

2
Pagsasanay 1
Panuto: Tukuyin ang kayarian ng pang-uring may salungguhit. Isulat sa patlang
kung ito ay payak, maylapi, inuulit o tambalan.

______________1. Hindi mahulugang-karayom ang mga pagamutan sa mga


pasyenteng nahawa sa sakit na dulot ng COVID-19.
______________2. Ang Angono ay bayan ng mga tunay na alagad ng Sining gaya ni
Carlos “Botong” Francisco at Pambansang Alagad ng Sining na si
Maestro Lucio D. San Pedro.
______________3. Kilalang-kilala ang Marikina sa mga gawa nitong sapatos.
______________4. Dahil sa makatawag-pansin na kasuotang gawa sa patapong
bagay,ang kalahok ay itinanghal na kampeon sa patimpalak.
______________5. Marami ang naghihirap ngayon dahil sa dinaranas na krisis subalit
marami din ang bukas-palad na mga kababayan na handang
tumulong sa mga nagangailangan.
______________6. Sinasabing malaki ang puso ng taong matulungin.
______________7. Sa panahon ngayon, bihira na ang mga taong tumutulong nang
walang hinihintay na kapalit.
______________8. Ang manggagawa ay sunud-sunuran sa kanyang amo.
______________9. Payapa ang kalangitan at hindi mo iisiping may bagyong paparating.
_____________10. Inilatag ang banig sa malawak na silid ng paaralan na nagsilbing
pansamantalang tahanan dahil sa pagsalanta ng bagyo.

Pagsasanay 2
A. Panuto: Basahin ang patalastas. Piliin ang mga pang-uri ayon sa kayarian at
isulat ang mga ito sa hanay na kinabibilangan.

Sorbetes – Pinoy,
Malasa at masustansiya,
Katakam-takam,
Tunay na number one.

PAYAK MAYLAPI INUULIT TAMBALAN

B. Panuto: Isulat sa kahon ang titik I kung ang kailanan ng pang-uring nakapahiling ay
isahan, D kung ito ay dalawahan at M kung maramihan.

1. Ang magkapatid na sina Paul at John ay magkasingtangkad kaya kapwa sila


nakapasok sa koponan.
2. Naging libangan na ni May ang umakyat sa mataas na bundok ng Apo.
3. Ang bansang may malulusog na mga mamamayan ay malaki ang pag-asang
makaiwas sa kumakalat na sakit.
4. Kasingkupad ng pagong ang pag-unlad ng barangay nila.
5. Maaanghang ang mga inihahandang pagkain sa Rehiyon ng Bicol.

3
Pagsasanay 3
Panuto: Salungguhitan ang pang-uring ginamit sa pangungusap. Pagkatpos, isulat
sa patlang ang kayarian nito kung ito ay payak, maylapi, inuulit o tambalan.
__________1. Hilong-hilo si Angel dahil ito ang unang pagkakataong sumakay siya sa
eroplano.

__________ 2. Malamig ang klima sa Baguio.

__________ 3. Bukas-palad ang pagtulong ng mga pilantropo sa mga nangangailangan.

__________ 4. Gulu-gulo ang bahay nang lisanin ng mga magnanakaw.


.
__________ 5. Napakunot-noo siya nang kagatin ang maasim na manga.

__________ 6. Tuwang-tuwa ang bata sa bago niyang alaga.

__________ 7. Mahabang pila ang bumungad sa kanila.


.
__________ 8. Ang bait ng aking guro!

__________ 9. Maalon ang dagat kapag buwan ng Oktubre ayon sa kamag-anak ko sa


Bataan.

__________10. Ang kapaligiran doon ay luntian.

Pagsasanay 4

A. Panuto: Punan ng pang-uri ang patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap.
Pagkatapos, isulat sa arrow ang kailanan ng pang-uring ginamit.

1.Asong ___________ tumahol ang sumindak sa dayuhan.

2.__________ ang mga mag-aaral sa klase ni Ginang Ignacio.

3. Ang gamot na inireseta ng doktor ay __________ kaya agaran ang


kaniyang paggaling.
4. Dahil pinapakain nang sapat, ____________ ang mga alaga nilang
baboy.
5. ____________ sina Tom at Gerry sa larangan ng isports maging sa
akademiko.

4
B. Panuto: Punan ang bawat hanay ng tsart ng mga tamang sagot na hinihingi.
Sundan ang halimbawa.

Pang-uri Salitang-ugat Panlapi Salita o bahagi ng


salitang inuulit

Halimbawa:
mapuputi puti ma pu
masisipag sipag ma si

1. paikot-ikot

2. kawili-wili

3. masasaya

4. mainam-inam

5. sunud-sunuran

Pagsasanay 5
Panuto: Isalaysay nang patalata ang isang pangyayari o karanasan mo na may
kaugnayan sa mga sitwasyon sa ibaba. Pumili ng dalawa. Gamitin ang mga pang-uri.
Gawin ito sa sagutang papel.

a. Pagkaligaw sa isang lugar gaya ng mall o pook-pasyalan


b. Pagkapanalo o pagkatalo sa sinalihang paligsahan
c. Pagkatanggap ng mataas na marka

Rubrik Para sa Pagtataya ng Talata:

Kraytirya Di-Pangkaraniwan Kahanga-hanga Katanggap- Pagtatangka


(4pts) (3pts) tanggap
(2pts) (1pt)
Nilalaman Komprehensibo ang Kumpleto ang May ilang Maraming
nilalaman ng nilalaman kakulangansa kakulangansa
sulat/talata. Wasto talata/sulat.Wasto nilalaman ng nilalaman ng
ang lahat ng ang lahat ng talata/sulat. May talata.
impormasyo impormasyo ilangmaling
impormasyon sa
nabanggit.

Presentasyon Malikhaing nailahad Maayos na Hindi gaanong Hindi maayos na


ang nilalaman ng nailahad ang maayos na nailahad ang
talata/sulat. Maayos talata/sulat. nailahad ang sulat/talata. Hindi
ang daloy. Malakas Nauunawaan ang sulat/talata. gaanong
ang tinig nga nilalaman. Hindi gaanong nauunawaanang
paglahahad. nauunawaanang nilalaman
Nauunawaan ang nilalaman.
nilalaman talata/sula

5
Organisasyon Organisado, Malinaw at Maayos ang Hindi maayos
malinaw,simple at maayos ang presentasyon ng ang
may presentasyon ng mga pangyayari presentasyon ng
tamangpagkakasunud mga ideya sa at ideya. May mga ideya.
-sunod ang sulat. Malinaw bahaging di Maraming bahagi
presentasyon ideya sa ang daloy gaanong ang hindi
talata/sulat. Malinaw ngpaglalahad ng malinaw. malinaw sa
ang daloy at kaisipan. paglalahad ng
organisado ang kaisipan.
paglalahad ng
kaisipan

Baybay ng Malinaw, maayos at Tama ang baybay Maayos ang Hindi maayos
mga salita at tama ang baybay ng ng mga salita, pagbabaybay ng ang grammar at
grammar, mga salita, grammar, grammar, mga salita pagbabantas.
capitalization capitalization at capitalization at subalit may Hindi maayos
at pagbabantas. pagbabantas. kaunting ang
pagbabantas Maayosang Maayosang kamalian sa pagkakasulat.
at gawing pagkakasulat pagkakasulat grammar at
pagkakasulat. pagbabantas.
Hindi gaanong
maayos ang
pagkakasulat

Pangwakas:
Isulat sa loob ng thinking cloud ang mahalagang natutunan mo sa araling ito.

Sanggunian:
Liwanag, Lydia B. Ph.D.” Paglalarawan ng mga Pangyayari sa Paligid”,
“Pagsulat ng Patalastas” Landas sa Wika 6, Binagong Edisyon,Batayang Aklat
(EduResources Publishing, Inc., 2011), 150-152, 154-157,88-89

Gonzales, Ares B., Allan A. “Iba’t-ibang kayarian ng Pang-uri” ANG WIKANG


FILIPINO 6, Ikalawang Edisyon (DIWA LEARNING SYSTEMS, INC, 2012), 222-224

Ortiz, Allan A. “Nagagamit nang wasto ang pang-uri sa iba’t-ibang sitwasyon” SIKAT Sining
ng Integrasyon sa Komunikasyon, Asal at Talino, Kagamitan ng Mag-aaral, Baitang
6 (My Messiah Publishing House, 2015), 128-129

6
7
Chief-CID
ROBERT E. OSONGCO EdD
EPSvr-LRMS
LILY BETH B. MALLARI
OIC-EPSvr
REYMAR D. PAGUIO PhD
EPSvr-Filipino
HELEN G. LAUS EdD
Master Teacher-I San Jose de Urquico Elementary School
MIRIAM C. SANTIAGO
Manunulat/Naglapat
Teacher-III Master Teacher-I
LOVELY MARICAR V. PAYABYAB ABEGAIL F. IGNACIO
Sinuri nina: Inihanda ni:
Pagsasanay 4 Pagsasanay 1:
A.
Isahan 1. Malakas 1.TAMBALAN 2. PAYAK
maramihan 2. Iba’t-ibang sagot ng mga bata 3 .INUULIT 4. TAMBALAN
isahan 3. Iba’t-ibang sagot ng mga bata 5. TAMBALAN 6. MAYLAPI
7. PAYAK 8. INUULIT
maramihan 4. Iba’t-ibang sagot ng mga bata
9. PAYAK 10. MAYLAPI
dalawahan 5.Iba’t-ibang sagot ng mga bata
Pagsasanay 2:
A.
B.
PAYAK MAYLAPI INUULIT TAMBALAN
Pang-uri Salitang- Panlapi Salita o
ugat bahagi tunay Malasa Katakam-
ng Masustansiya takam
salitang
inuulit
Halimbawa: B.
puti ma pu 1. D
mapuputi sipag ma si 2. I
3. M
masisipag
4. D
1. paikot-ikot ikot pa ikot
5. M
2. kawili-wili wili ka wili Pagsasanay 3:
Inuulit 1. Hilong-hilo
3. masasaya saya ma sa maylapi 2. Malamig
tambalan 3. Bukas-palad
4. mainam- inam ma inam inuulit 4. Gulu-gulo
inam maylapi 5. Maasim
5. sunud- sunod -an sunod inuulit 6. Tuwang-tuwa
sunuran
maylapi 7. Mahabang
Pagsasanay 5 payak 8. Bait
Iba’t-ibang sagot ng mga bata maylapi 9. Maalon
maylapi 10. luntian
Susi sa Pagkatuto

You might also like