Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Salawikain

1.Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit.

Ang taong nagigipit ay napipilitan minsan na gumawa ng mapangahas


na hakbang na maaaring maging dahilan upang lalu lamang siyang
magipit. Halimbawa, ang taong may mabigat na pangangailangan sa
pera ay nagagawang mangutang ng patubuan, tulad ng 5-6, na nagiging
dahilan upang siya ay mabaon sa utang at lalu pang maghirap.
2.Kahit saang gubat, ay mayruong ahas.
Saan man sa ating lipunan ay may mga taong traydor na gumagawa
ng mga bagay na nakalalason o nakasisira sa samahan ng bawat isa.
3.Kung ano ang itinanim, siya rin ang aanihin.
Kung ano ang ginawa mo sa kapuwa ay kadalasang ganun din ang
gagawin sa iyo. Halimbawa, kung naging matulungin ka sa kapuwa
mo ay tutulungan ka rin nila.
4.Kung ano ang puno, siya rin ang bunga.
Ginagamit sa paghahambing ng anak sa kanyang mga magulang.
Sapagkat ang mga magulang ang humuhubog sa pagkatao at pag-
uugali ng anak, ang anak ang nagiging larawan ng pagkatao at pag-
uugali ng kanyang mga magulang. Ang mabuti (o masamang) anak, ay
karaniwang ibinubunga ng mabuti (o masamang) mga magulang.
5.Kung hindi ukol, hindi bubukol.
Ang suwerte sa buhay ay huwag asahang makakamtan kung hindi
talagang nakalaan para sa iyo.
6.Kung may isinuksok, may dudukutin.
Matutong magtipid upang sa oras nang pangangailangan ay may perang
makukuha sa sariling ipon upang hindi na umasa sa tulong ng ibang tao.
7.Kung sino ang pumutak, siya ang nanganak.
Kung minsan ay kung sino pa ang nangangatuwiran ay siya pala ang mali.At kung
sino pa ang nagkakaila ay siya pala ang may gawa o may sala.
8.Magkulang ka na sa iyong magulang, huwang lang sa iyong biyenan.
Kadalasang ipinapayo eto sa mga nagbabalak magpakasal at sa mga
bagong mag-asawa upang mapabuti ang kanilang pagsasama. Ang mga
magulang kase ay higit na mapagtatakpan o mapapatawad ang mga
pagkukulang ng sariling.

9.kung hindi ukol, hindi bubukol.

Ang swerte sa buhay ay huwag asahang makakamtan kung hindi nakalaan para sa iyo.

10.Nasa tao ang gawa nasa Diyos ang awa.

Hindi sapat na tayo ay humingi ng awa sa Diyos, kailangan din natin na pag-ukulan ng sikapat gawa upang matamo ang mimithing
biyaya.

You might also like